You are on page 1of 7

FPL

ANG PROSESO NG PAGSULAT

ANG PAGSULAT
- Sistema ng komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinasalin gamit ang papel
at panulat. Ito rin ay isang continuum process ng mga gawain sa pagitan ng mekanikal o pormal
na aspekto ng pagsulat bilang masalimuot na Gawain sapagkat nangangailangan ng kasanayan
(SKILL).

ANG PROSESO NG PAGSULAT


- BAGO SUMULAT (PREWRITING)
- HABANG SUMUSULAT (ACTUAL WRITING)
- PAGKATAPOS SUMULAT (POST-WRITING)

BAGO SUMULAT
 Dumaraan muna ang mga mag-aaral sa brainstorming
 Malayang pagtatala ng mga karanasan at kaalamang may kinalaman sa paksa
 Pagpapasya sa bahaging ito: ano ang susulatin, layunin, at estilo?

HABANG SUMUSULAT
 Pagsulat ng unang borador (draft)
 Pagkakaroon ng interaksyon kung saan tatalakayin ang mga mungkahing pagbabago o puna
 TUON: halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-aaral, lohika ng sulatin

PAGKATAPOS SUMULAT
 Mga pagbabago
 Pagdaragdag
 Pagkakaltas
 Paglilipat-lipat ng mga salita, pangungusap, at parirala
 Pagtutuonan ang mekaniks ng sulatin tulad ng baybay, bantas, gramatika

BAHAGI NG TEKSTO

PANIMULA
- Nararapat ng maging kawili-wili at nakapanghihikayat ang bahaging ito upang tapusing basahin
ng mga mambabasa ang teksto.

KATAWAN
- Tatlong hakbang sa paglikha ng gitnang bahagi ng sulatin:
 Pagpili ng organisasyon
 Pagbabalangkas ng nilalaman
 Paghahanda ng transisyon ng nilalaman

WAKAS
- Layunin ng manunulat na makapag-iwan ng kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring
magbigay buod sa paksang tinalakay o mag-iiwan ng isang makabuluhang pag-iisip at repleksiyon
KATANGIANG TAGLAY SA PAGGAWA NG SULATIN

 KOMPREHENSIBONG PAKSA
- Nakabatay sa napapanahong isyu kaugnay ng usaping panlipunan. Dito nagsisimula ang
pagpaplano ng akademikong sulatin.

 ANGKOP NA LAYUNIN
- Nakapaloob dito kung bakit nais magpahayag ng manunulat ng impormasyon: katotohanan,
panghihikayat, pagsuporta o pasubalian ang dati nang impormasyon at iba pa.

 GABAY NA BALANGKAS
- Mabisa itong paraan upang maisaayos ang mga ideya ng sulatin. Napadadali nito ang pagsulat.
Uri: balangkas na paksa, balangkas na pangungusap at balangkas na talata

 HALAGA NG DATOS
- Pinamakahalagang yunit ng pagsulat ang datos. Nahahati sa dalawa ang pinagkukunan ng
datos ang PRIMARYA (orihinal na dokumento) at SEKONDARYANG (sariling interpretasyon) datos.

 EPEKTIBONG PAGSUSURI
- Nagtataglay ang sulatin ng lohikal na pagsusuri upang mapalutang ang katotohanan.

 TUGON NG KONKLUSYON
- Nasasagot sa bahaging ito ang inilahad na tanong sa sulatin. Kadalasang nasa anyong pabuod na
naglalahad ng natuklasang kaalaman. Maaaring magbigay ng rekomendasyon tungo sa
pagpapatuloy ng pag-aaral o pananaliksik.

URI NG PAGSULAT
 AKADEMIK - Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing akademik mula sa antas
primarya hanggang sa doktoradong pag-aaral. Ang akademik na pagsulat ay maaaring maging
kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel, thesis at
disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin
ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

 JOURNALISTIC - Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na karaniwang ginagawa ng mga


mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at
iba pang akdang karaniwang makikita sa pahayagan o magasin. Napakaispesyalisado ang uring
ito ng pagsulat kung kaya nga may ispesipik na kurso para rito, ang AB Journalism.

 REPERENSYAL - ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reference o


source hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng
ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal,
talababa o endnotes para sa sinumang mambabasa na nagnanais na mag-refer sa sanggunian
na tinukoy. Madalas itong makita sa mga teksbuk na tumatalakay sa isang paksang ganap na
ang saliksik at literatura mula sa mga awtoridad. Makikita rin ito sa mga pamanahong papel,
thesis at disertasyon lalo na sa bahaging Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura. Dahil nga
reperensyal ang pangunahing layunin nito, samakatuwid ang paggawa ng bibliyograpi, indeks
at maging ang pagtatala ng mga impormasyon sa notecards ay maihahanay sa ilalim ng uring
ito.

 MALIKHAIN - masining ang uring ito ng pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng
manunulat, bagamat maaaring piksyonal o di-piksyonal ang akdang isinusulat. Layunin din
nitong paganahin ang imahinasyon bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura. Samakatuwid, ang pagsulat ng tula, nobela,
maikling kwento, dula at malikhaing sanaysay ay maihahanay sa ilalim ng uring ito. Karaniwan
nang mayaman sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba pang creative devices
ang mga akda sa uring ito.

 PROPESYONAL - Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na propesyon.
Bagamat propesyonal nga itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang
tiyak na propesyon na napili ng mga mag-aaral. Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat
ng police report ng mga pulis, investigative report ng mga imbestigador, mga legal forms, briefs
at pleadings ng mga abogado at legal researchers, medical report at patient’s journal ng mga
doktor at narses.

 TEKNIKAL - Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitib at


sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at minsan maging ng manunulat mismo.
Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang
komplikadong suliranin. Malawak itong uri ng pagsulat at saklaw nito ang iba pang sub-
kategorya tulad ng pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang
pampangangalakal. Karaniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na
terminolohiya sa isang partikular na paksa. Samakatuwid, ang pagsulat na ito ay nakatuon sa
isang ispesipik na audience o pangkat ng mga mambabasa.

MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT (Kahulugan, Katangian, at Layunin ng


Akademikong Pagsulat)

ANO ANG AKADEMIKONG PAGSULAT?


- Isinasagawa sa akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng
kasanayan sa pagsulat

LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


- Magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang

ANONG IPINAGKAIBA NG AKADEMIKONG PAGSULAT SA MALIKHAING PAGSULAT?


 Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng
sulatin

 May isang paksang may magkakaugnay na mensahe


 Maayos na pagkakahanay ng mga pangungusap, talata, at seksyon upang matamo ang kalinawan
ng ideya.
KARANIWANG ESTRUKTURA NG AKADEMIKONG SULATIN
 SIMULA - Introduksyon
 GITNA – Nilalaman, Paliwanag
 WAKAS – Resolusyon, Kongklusyon, Rekomendasyon

MGA AKADEMIKONG TEKSTO


 ABSTRAK
 BIONOTE
 TALUMPATI
 PANUKALANG PROYEKTO
 REPLEKTIBONG SANAYSAY
 SINTESIS
 LAKBAY-SANAYSAY
 SYNOPSIS

‘’ANG PAGBUO NG AKADEMIKONG SULATIN AY NAKADEPENDE SA KRITIKAL NA PAGBASA NG ISANG


INDIBIDWAL.’’ (ARROGANTE ET AL. 2007)
 Ang husay ng manunulat s pangangalap niya ng mahahalagang datos, mag-organisa ng
mga ideya, lohikal mag-isip,mahusay na pagsusuri, nagpapahalaga sa orihinalidad na
gawa, may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis.
 Paggamit ng piling-piling mga salita at isinasaalang alang ang target na mambabasa
 Mahigpit sa tamang paggamit ng bantas, baybay ng mga salita

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


PORMAL
 Hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananlita
 (maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral)

OBHETIBO
 Layunin: pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang
disiplina o larang.
 May impormasyong nais ibigay
 Argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa

MAY PANININDIGAN
 Kailangang may paninidigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahahalagang
impormasyong dapat idinudulog o dinedepensahan.
 Ipinaliliwanag at binibigyang - katuwiran ang mahahalagang layunin
 Inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral

MAY PANANGUTAN
 Matutong kumilala samga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon
 Plagiarism o pangongopya ng impormasyon/ideya ng ibang manunulat

MAY KALINAWAN
 Isulat nang malinaw ang mga impromasyon
 Direktibo at sistematiko ang pagpapahayag sa pagsulat
 Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik/Manunulat
 Kilalanin na ang mga ideyang inilagay sa pananaliksik/pagsulat ay hindi nanggaling sa
uri o may orihinal na nagmamay ari
 Huwag basta-basta kumuha ng datos ng walang permiso sa mga mapagkakatiwalaang
tao o institusyon. Maaring lumiham, tumawag sa telepono, magemail at ayusin ang
iskedyul bago ang itinakdang panayam
 Magpokus lamang sa paksa ng interbyu. Iwasan langkapan ng personal at nagatibong
pagsipat ang mga obserbasyon.
 Pagiyagaang daanan an proseso ng pagsulat. Huwag manipulahin ang mga datos at
pagsikaping kunin ang mga detalye sa tamang panahon at pagkakataon
 Huwag na huwag dayain ang mga impormasyon. Masusukat dito ang integridad at
kredibilidad ng mismong gumagawa ng pananaliksik. Maging obhetibo sa lahat ng
pagkakataon

Mga Dapat Isaalang-alang sa paghahanda at pananaliksik ng Akademikong Pagsulat


 Katangian ng Mananaliksik/Manunulat
1. MATIYAGA - walang katapusan paghahanap ng datos at impormasyon
2. SISTEMATIKO - Mahabang pagpplano, pagsasaayos ng plano, pagbabalangkas ng
oras.
3. MAINGAT - Pagsasaalang ng impormasyon kredibilidad at walang bias at malinaw na
pagpapahayag ng motibo at konsensya
4. KRITIKAL - Mapanuri. Hindi lahat ng datos sinasama dapat mapili sa impormasyon at
kapanipanibangan sa akda
5. MATAPAT - Walang tinatagong pag kakilanlan at hindi minamanipula ang anumang
resulta.

UCSP

CULTURE
- That complex whole which includes knowledge, belief, art, morals, laws, customs, and any other
capabilities and habits acquired by man as a member of society
- The way of life

CHARACTERISTICS OF CULTURE
- CULTURE IS SOCIAL BECAUSE IT IS THE PRODUCT OF BEHAVIOR
- CULTURE VARIES FROM SOCIETY TO SOCIETY
- CULTURE IS SHARED
- CULTURE IS LEARNED
- CULTURE IS TRANSMITTED AMONG MEMBERS OF SOCIETY
- CULTURE IS CONTINUOUS AND CUMULATIVE
- CULTURE IS GRATIFYING AND IDEALISTIC

You might also like