You are on page 1of 41

Thesis Presentation

Ang Kahalagahan ng
Pagsulat at Ang
Akademikong Pagsulat
Pagsulat

“Ang pagsulat ay bumubuhay


at humuhubog sa kaganapan
ng pagiging tao”
-William Strunk & E.B. White
Pagsulat
“Ang pagsulat ay
pangangailangan at
kasiyahan.
(Source of Happiness)”
- Hellen Keller
Pagsulat
“Ang pagsulat ay
komprehensibong kakayahan
sa talasalitaan o retorika ng
tamang grammar.”
- Xing Jin
Pagsulat

“Ang pagsusulat ay isang kasanayang


naglulundo ng kaisipan at damdaming nais
ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong
midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.”

-Cecilia Austera et al. (2009)


Pagsulat
“Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at
mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao
ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng
kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring
pagsulatan. Sa pamamagitan ng pagsusulat, maisatitik ang
nilalaman ng isipan, damdamin , paniniwala , at layunin ng
tao sa tulong ng mga salita ,ayos ng pangungusap sa mga
talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.
-Edwin Mabilin et al.
Pagsulat
“Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng
kaalamang kailanman ay hindi naglalaho sa
isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito
ay maaaring magpasalinsalin sa bawat
panahon. Maaaring mawala ang alaala ng
sumulat ngunit ang kaalamang kanyang
ibinahagi ay manatiling kaalaman.”
-Edwin Mabilin (2012)
Thesis Presentation

Ang Layunin at
Kahalagahan ng
Pagsulat
Ang pagsulat ay ……….
Nakakatulong sa paghubog ng
damdamin at isipan ng tao.
Naipahahayag niya ang kanyang
damdamin, mithiin ,pangarap, agam-
agam, bungang-isip at mga
pagdaramdam.
Mapabatid sa mga tao o lipunan ang
paniniwala, kaalaman at mga
karanasan ng taong sumusulat.
-Royo , na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga ,Jr. na Pagbasa , Pagsulat at Pananaliksik (2001)
Ang Layunin ay maaring mahati sa 2 Bahagi

1. Personal o ekspresibo
 ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling
pananaw,karanasan,naiisip o nadarama ng manunulat.Ang
ganitong paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa
bumabasa ng kasiyahan,kalungkutan , pagkatakot , o
pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang
karaniwang halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga
manunulat ng sanaysay ,maikling kwento , tula , dula ,awit at
iba pang akdang pampanitikan.

-Mabilin ,sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012)


Ang Layunin ay maaring mahati sa 2 Bahagi

2. Panlipunan o sosyal
 ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan
sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang
tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay
transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang
pagsulat ng liham, balita, koresponden, pananaliksik,
sulating panteknikal, tesis, disertasyon at iba pa.

-Mabilin ,sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012)


Sa pangkalahatan, narito ang
kahalagahan o ang mga
benepisyo na maaaring makuha
sa pagsusulat.
1. Masasanay ang kakayahang mag-
organisa ng mga kaisipan at
maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa
pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral
sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng
pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga
kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na
impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang
kakayahan sa matalinong paggamit ng
aklatan sa paghahanap ng mga materyales at
mahahalagang datos na kakailanganin sa
pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng
mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa
lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at
pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilangpag-
aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng
mga impormasyong mula sa iba’tibang batis ng
kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
Thesis Presentation

Mga Gamit at
Pangangailangan sa
Pagsulat
Nagsisilbing behikulo upang
maisatitik ang mga kaisipan,
WIKA kaalaman, damdamin,
karanasan, impormasyon, at
iba pang nais ilahad ng isang
taong nais sumulat.
Nagsisilbing
PAKSA pangkalahatang iikutan
ng mga ideyang dapat
mapaloob sa akda.
Nagsisilbing giya mo
LAYUNI sa paghabi ng mga
N
datos o nilalaman ng
isang sulatin.
5 pangunahing pamamaraan
PAMAMARAAN ng pagsulat upang mailahad
ang kaalaman at kaisipan ng
NG PAGSULAT manunulat batay na rin sa
layunin o pakay ng
pagsusulat.
1.Maaaring gumamit ng paraang impormatibo
kung saan ang pangunahing layunin nito ay
magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga
mambabasa.
2.Ang paraang ekspresibo kung saan ang
manunulat ay naglalayong magbahagi ng
sariling opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon,
at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa
batay sa kanyang sariling karanasan o pag-
aaral.
3. Ang pamamaraang naratibo kung saan ang pangunahing
layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga
pangyayari batay sa mga magkakaugnay at tiyak na
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa mga ito.
4. Ang pamamaraang deskriptibo kung saan ang pangunahing
pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo,
hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita,
narinig, natunghayan, naranasan, at nasaksihan.
5. Ang pamamaraang argumentatibo kung saan ang pagsulat
ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga
mambabasa. Madalas, ito ay naglalahad ng proposisyon at
mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
Dapat taglayin ng manunulat ang
kakayahang mag-analisa o
KASANAYANG magsuri ng mga datos na
PAMPAG-IISIP mahalaga o hindi gaanong
mahalaga, maging ng mga
impormasyong dapat isama sa
akdang susulatin.
wastong paggamit ng malaki at maliit
KAALAMAN SA na titik
WASTONG wastong pagbabaybay
paggamit ng bantas
PAMAMARAAN pagbuo ng makabuluhang
pangungusap
NG PAGSULAT pagbuo ng talata
masining at obhetibong paghabi ng
mga kaisipan
Kakayahang mailatag ang mga
KASANAYAN kaisipan at impormasyon sa isang
SA PAGHAHABI maayos, organisado, obhetibo, at
masining na pamamaraan mula
NG BUONG sa panimula ng akda o
SULATIN komposisyon hanggang sa wakas
nito.
Thesis Presentation

Mga Uri ng Pagsulat


Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)
- maghatid ng aliw -makapukaw ng damdamin -makaantig ng imahinasyon at isipan
 Karaniwang ito’y naisusulat bunga ng malikot na isipan ng sumusulat na maaaring
batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang-isip
lamang.
• maikling kuwento, dula, malikhaing sanaysay, komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye,
musika, pelikula, atb.

Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)


 pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na
kailangan lutasin ang isang problema o suliranin.
 Bagamat naituturing na malawak ang kaisipang nasasakop nito, ang inaasahang
higit na makakaunawa lamang ay ang mga mambabasa na may kaugnayan sa
tinalakay na proyekto o suliranin na may kinalaman sa isang tiyak na disiplina o
larangan.
Propesyonal na Pagsulat Dyornalistik na Pagsulat
(Professional Writing) (Journalistic Writing)
mga sulating may kinalaman sa isang
tiyak na larangang natutuhan sa Ito ay may kaugnayan sa
akademya o paaralan. pamamahayag. Kasama rito
Binibigyang pansin nito ang tungkol ang pagsulat ng:
sa napiling propesyon o bokasyon ng totoo, obhetibo, at
isang tao makabuluhang mga balita at
• Mga guro (lesson plan)
isyung nagaganap sa lipunan
- paggawa at pagsusuri ng kurikulum
- pagsulat ng pagsusulit o assessment sa kasalukuyan na kanilang
• Mga doctor at nars isusulat sa mga pahayagan,
- medical report magasin, o kaya naman ay
- narrative report tungkol sa physical iuulat sa radio at telebisyon.
examination ng isang pasyente
Reperesiyal na Pagsulat (Referential Writing)
bigyang pagkilala ang pnagkunang kaalaman o impormasyon sa
paggawa ng:
irekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring pagkalapan ng
mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa
Karaniwang makikita ito sa huling bahagi ng isinasagawang
pananaliksik o kaya’y sa kabanatang naglalaman ng Review of
Related Literature

Akademikong Pagsulat (Academic Writing)


mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga
karanasan ng taong sumusulat
magtaglay ng katangiang mapaghikayat upang mapaniwala at makuha
ang atensiyon ng mga mambabasa
BAHAGI SIMULA - paglalarawan
NG GITNA - halimbawa
WAKAS - proseso
PAGSULAT
Thesis Presentation

Proseso sa Pagsulat
1. Bago Sumulat
a. Malayang Pagsulat (Freewriting o writing freely)
Pagsusulat ng mga pangungusap o
parirala na tuloy-tuloy hanggang
makabuo ng burador.

b. Pagtatanong (Questioning)
Ang mga katanungang nabubuo ay
maaaring panggalingan ng mga ideya at
detalye na posibleng magamit sa
pagsusulat.
1. Bago Sumulat
c. Paglilisa (Listing)
Kinokolekta ang mga ideya at detalye na may kaugnayan
sa paksang susulatin mula sa nabuong burador.

d. Pagkaklaster (Clustering)
Isa sa mga pamamaraan na maaaring pagmulan
ng magandang materyal para sa teksto.

e. Pagbabalangkas (Preparing an Outline)


Sa pamamagitan nito, maaaring tayain ang sariling
gawa, kung mayroon pa bang kakulangan ang
bubuuing teksto.
2. Habang Sumulat
Magsimula sa isang paksang pangungusap.

Suportahan ang paksang pangungusap ng


nga tiyak na katibayan.

Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga


ideya.

Isulat nang malinaw o error-free ang


pangungusap.
2. Pagkatapos Sumulat
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagrerebisa:
KOHIRENS Kakayahang maipakita ang ugnayan ng mga
ideya
KAISAHAN malinaw na magkakaugnay ang mga ideya at
umiikot sa isang sentral na ideya.
EMPASIS Nakahaylayt o nabibigyang-diin ang
mahahalagang salita o punto.
KASAPATAN Sapat ang mga detalya, paliwanag, at
ebidensya para suportahan ang paksang
tinalakay.

KASANAYAN SA Pag-oobserba sa estruktura ng gramar na


ginamit-tamang bantas, ispeling at pormat.
PANGUNGUSAP
Ang Akademikong Pagsulat

Mga Katangiang Dapat


Taglayin ng
Akademikong Pagsulat
1. OBHETIBO
Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng
ginawang pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o
ang pagbibigay ng personal na opinion o paniniwala hinggil sa paksang
tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay sa aking
pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinion.

2. PORMAL
Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyan o balbal. Sa
halip, gumamit ng mga salitang pormal na madaling
mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad
ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat na maging pormal din.
3. MALIWANAG AT 4. MAY
ORGANISADO PANININDIGAN
Mahalagang mapanindigan ng
Ang mga talata ay sumusulat ang paksang nais niyang
kinakailangang kakitaan bigyang-pansin o pag-aralan
sapagkat hindi maganda ang
ng maayos na magpabago-bago ng paksa. Ang
pagkakasunud-sunod at kanyang layunin na maisagawa ito
pagkakaugnay-ugnay ng ay mahalagang mapanindigan niya
mga pangungusap. Ang hanggang sa matapos niya ang
kanyang isusulat. Maging matiyaga
talata ay mahalagang sa pagsasagawa ng pananaliksik at
magtaglay ng kaisahan. pagsisiyasat ng mga datos matapos
ang pagsulat sa napiling paksa.
5. MAY PANANAGUTAN
Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap
na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng
nararapat na pagkilala. Ang maging mapanagutan ang
manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian
ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga
taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng
akademikong pagsulat. Ito rin ay makatutulong upang
higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan ng
iyong ginawa o sinulat.
IBA’T IBANG
URI NG
AKADEMIKONG
SULATIN
1.ABSTRAK
2.SINTESIS/ BUOD
3.BIONOTE
4.PANUKALANG PROYEKTO
5.TALUMPATI
6.ADYENDA
7.KATITIKAN NG PULONG
8.POSISYONG PAPEL
9.REPLEKTIBONG SANAYSAY
10.PICTORIAL-ESSAY
11.LAKBAY- SANAYSAY

You might also like