Professional Documents
Culture Documents
PAGSULAT
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsalinan ng
mga nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang
kanyang/kanilang kaisipan. (Bernales et al 2001)
Lundayan ng lahat ng iniisip, nadarama, nilalayon, at pinapangarap ng tao (Villafuerte, et. Al,2005)
Ang mabisang pagsulat ay mailap para sa nakararami (Badayos, 2000)
Isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito (Keller, 1985)
Isang makrong kasanayang dapat mahubog sa bawat mag-aaral. Ayon kay
Austero et. Al-(2009) ang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming
nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe,ang wika.
o Ayon naman kay Mabilin (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa
pamamagitan nito ay naisasagawa ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng
kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
o Sa pamamagitan ng pagsusulat naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at
layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa
mabuo ang isang akda o sulatin.
LAYUNIN NG PAGSULAT
May iba’t ibang layunin o dahilan ang tao sa pagsusulat.
1) Ito ay nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga
ideya at mga kaisipan para sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila.
2) Sa mga mag-aaral na tulad niyo-ang kalimitang dahilan ng pagsusulat ay ang matugunan ang
pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng sapat na kasanayan sa pagsasatitik ng
inyong mga naiisip at nararamdaman.
3) Sa mga propesyonal naman na manunulat tulad ng awtor, peryodista, sekretarya, guro at iba pa, ito ay
kanilang ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabaho na kanilang ginagampanan sa
lipunan.
KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
Ayon kay Royo, Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao. Sa
pamamagtan nito, naipapahayag niya ang kanyang damdamin,mithiin,pangarap,agam-
agam,bungang-isip ang mga pagdaramdam.
Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at
kalakasan,ang lawak at tayog ng kanyang kaisipan, at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan.
3) LAYUNIN
o Ito ang magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
o Kailangan matiyak na matugunan ng iyong isusulat ang motibo ng iyong pagsusulat nang sa gayon
ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa.
4) PAMAMARAAN NG PAGSULAT
o May limang pangunahing pamamaraang ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng
manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat.
a) Impormatibo-magbigay ng impormasyon
b) Ekspresibo-magbahagi ng sariling opinion,pananaw,paniniwala,ideya,obserbasyon na base sa
kanyang sariling karanasan o pag-aaral
c) Naratibo- magkwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na
pagkakasunod-sunod
d) Deskriptibo- maglarawan ng mga katangian,anyo,hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa
nakita,narinig,natunghayan,naranasan at nasaksihan
e) Argumentatibo-mangumbinsi o manghikayat
5) KASANAYANG PAMPAG-IISIP
o Kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga o maging
ng mga ipmormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
o Kailangan maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo ng malinaw at mabisang
pagpapaliwanag o pangangatwira. Maging obhetibo siya sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng mga
impormasyon at kaisipang ilalahad sa sulatin.
6) KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT
o Kaalaman sa wika at retorika:
o wastong paggamit ng Malaki at maliit na letra, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng
makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata,
2) DYORNALISTIK
o Pampamamahayag ang uring ito na kadalasan na ginagamit ng mamahayag o journalist.
o Pagsulat ng balita, editorial, kolum, lathalain, at iba pang akdang mababasa sa mga
pahayagan at magazine.
3) REPERENSIYAL
o Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa paksa.
o Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang
pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentikal, footnote o endnotes.
o Madalas itong makikita sa teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon.
o Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyogragfi, indeks at notecards.
o Ito’y may kaugnayan sa malinaw at wastong presentasyon ng paksa.
4) PROFESYONAL
o May kinalaman sa tiyak na propesyon.
o Halimbawa- Police Report: Police, Patient’s Journal: Doctor o Nurse
5) MALIKHAIN
o Ang focus ay ang imahinasyon ng manunulat.
o Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literature
o Tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay,skrip ng teleserye,musika,pelikula
AKADEMIKONG PAGSULAT
Intelektuwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng
indibidwal.
Ang layunin nito ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng pananaliksik na ginawa.
AKADEMIK
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang europeo (pranses: academique;
medieval latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika–1 na siglo
Ang akademiya ay tumutukoy sa institusyonng pang-edukasyon na maituturing na haligi sa
pagkakamit ng mataas na kasanayan at karungungan.
Ang mga elementong bumubuo rito ay ang mga mag-aaral, guro, administrador, gusali,
kurikulum at iba pa.
ang akademiya ay itinuturing na isang institusiyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar,
artista at siyentista.
ang layunin ng akademiya ay isulong, paunlarin, palalimin at palawakin ang kaalaman at
kasanayang pangkaisipan.
2) PORMAL
o Dahil nga karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang akademikong Filipino,
nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito.
o Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip gumamit ng mga salitang pormal
na madaling maunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o
impormasyon ay dapt na maging pormal din.
3) MALIWANAG AT ORGANISADO
o Ang mga talata ay kinakailangang kakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangungusap.ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan.hindi ito dapat
masamahan ng mga kaisipang hindi makakatulong sa pagpapaunlad ng paksa.
4) MAY PANININDIGAN
o Ibig sabihin, hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa. Ang kanyang layunin na maisagawa ito
ay mahalagang mapaninidigan niya hanggang sa matapos niya ang kanyang isusulat.
o Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang
pagsulat sanapiling paksa.
5) MAY PANANAGUTAN
o Ang mga ginagamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na
mabigyan ng nararapat na pagkilala.
o Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian.
Bukod sa ito ay isang oaraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang
bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin.
2) PRESI
o ito ang pinakaikling buod ng mahahalagang: punto, pahayag, ideya, impormasyon.
o Muling pagpapahayag ito ng ideya ng may akda sa sariling pangungusap ng bumasa, ngunit
maaaring madagdag ng komento na nasusuri sa akda. Wala itong elaborasyon, halimbawa:
ilustrasyon
o Galing sa salitang presi(precis) sa lumang Pranses na ibig sabihin ay pinaikli.
o Ito ang buod ng buod.
o Sa larangan ng pag susulat- ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa
maikling pamamaraan upang ang sari-saring datos mula sa iba't-ibang pinanggalingan (tao, libro,
pananaliksik) ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuuan o identidad.
o Mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga ideya dahil nanggagaling ang mga ito saiba't-ibang
batis ng impormasyon
3) LAGOM O SINOPSIS
o Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon.
o Karaniwang di-lalampas sa dalawang pahina.
o Ito rin ang ginagamit sa mga panloob o panlabas na pabalat ng isang nobela na tinatawag na jacket
blurb.
o Ang buod o sinopsis ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap
lamang.Sa pagsulat ng synopsis,mahalagang maibuod ang nilalman ng binasang akda gamit ang
sariling salita.
o Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng
pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring lantad na makikita sa akda o
minsan naman, ito ay di tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito.
o Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino?
Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?. Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging
madali ang pagsulat ng buod.
PAGSUSULAT NG ABSTRAK
ABSTRAK
Ito ay tumutukoy sa isang talatang nagbubuod ng kabuuan ng isang natapos nang pag-aaral. it ay
kabuuang nilalaman ng papel, nandirito ang pangunahing kaisipan ng bawat kabanata sa
pananaliksik.
Ang layunin nito ay gawing posible para sa mga mambabasa na malaman agad kung ang babasahin
nila ay may kaugnayan sa pinapag-aralan nila.
Kailan ito isinusulat?
o Kadalasang huling isinusulat, ngunit ito ang unang makikita ng mga mambabasa upang malaman ang
pangkalahatang ideya ng pananaliksik. Isinusulat ang absrak na may pandiwang nasa aspetong
nagdaan o past tense
PANUKALANG PROYEKTO
PANUKALANG PROYEKTO
Ayon kay Dr. Bartle ng Community Empowerment Collective, isang samahang tumutulong sa mga
(NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
Ayon naman kay Besim Nebiu, may akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing,
ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing
naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa kanilang aklat na “A Guide to Proposal Planning and
Writing”, sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong
mahahalagang bahagi.
a) Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
b) Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
c) Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito.
A. LAYUNIN
o Dito makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala.
o Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner, ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.
a) Specific– nakasaad ang bagay na nais makamit, makamit o mangyari sa panukalang proyekto.
b) Immediate– nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matatapos.
c) Measurable– may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto
d) Practical– nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
e) Logical– nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
f) Evaluable– masusukat kung paano makatutulong ang proyekto.
C. BADYET
o Talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
o Mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng badyet:
a) Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensya o sangay ng
pamahalaan o institusyon na mag-aaproba at magsasagawa nito.
b) Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang mga ito.
c) Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo.
d) Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura o
erasures sapagkat ito ay nanganagahulugan ng integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.
C. PAGLALAHAD NG BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA
MAKIKINABANG NITO
Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaaprubahan kung malinaw na nakasad dito kung sino ang
matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila.
Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala.
PAGSULAT NG TALUMPATI
TALUMPATI
Isang sining ng pagsasalita na maaaring nanghihikayat, nangangatwiran, o tumatalakay ng
isang paksa para sa mga tagapakinig.
Isang akdang pampanitikan na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa
paraang pasalitang tumatalakay sa isang particular na paksa.
Ang isang talumpating sinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi
mabibigkas sa harap ng madla.
2) MALUWAG (EXTEMPORANEOUS)
o Sa talumpating ito nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipapahayag na kaisipan
batay sa paksang ibinigay bago ipahayag.
3) MANUSKRITO
o Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kombensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik
kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat nakasulat.
4) ISINAULONG TALUMPATI
o Ito ay katulad din ng manuskrito na isinulat ng maayos bago bigkasin sa harap ng madla. Ang
pinagkaiba ay may oportunidad ang tagapagsalita na iugnay ang kanyang sarili sa mga
tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinaulo at binibigkas
ng tagapagsalita
3) TALUMPATING NAGBIBIGAY-GALANG
o Matatawag din itong talumpati ng Pagbati, pagtugon o pagtanggap.Ito ay ginagamit sa pagbibigay-
galang bilang pagsalubong sa isang panauhin,pagtanggap sa isang bagong kasapi ng samahan o
kasamahang mawawalay.
5) TALUMPATING PANGHIHIKAYAT
o Layunin nitong ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu o pangyayari.
MEMORANDUM O MEMO
Ayon kay Sudapraset (2014), sa kanyang aklat na “English for the Workplace 3”, ang
memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay ng kabatiran tungkol sa gagawing
pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin o utos.
Sa memo, nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.
Ang memorandum o memo ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang
mahalagang balita o kaganapan o pagbabago sa mga polisiya.
Ayon kay Bargo (2014) sa kanyang aklat na “Writing in the Discipline”, ang mga kilala at
malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationary para
sa kanilang mga memo.
Ang bahaging “Para sa/Para Kaya/Kina” na naglalaman ng pangalan ng mga tao o mga tao o kaya
naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Para sa impormal na memo ang “Para Kay: Ailene” ay
sapat na, ngunit sa mga pormal na memo, mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag-uukulan
nito.
a) Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatutulong kung ilalagay rin
ang pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb., at iba pa maliban na
lamang na napakapormal ng memong ginawa.
Ang bahagi naming “Mula Kay”, ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo.
Gaya rin ng bahaging ‘para sa/para kay/kina’ maaaring gamitin na lamang ang unang pangalan ng
sumulat nito. Halimbawa: Mula kay: Nestor.
Sa bahaging ‘Petsa’, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. sa halip isulat
ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Halimbawa: “Nobyembre o Nob”.
Sa bahaging ‘Paksa’ ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad
maunawaan ang nais ipabatid nito
ADYENDA
Ayon kay Sudapraset (2014), ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa
pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang susi ng matagumpay na
miting.
KATITIKAN NG PULONG
Opisyal na tala ng isang pulong.
Kalimitang isinasagawa ng pormal, obhetibo at komprehensibo o nagtataglay lahat ng
mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong.
Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong, ito ay nagsisilbing opisyal
at legal na kasulatan ng samahan, kompanya o organisasyon na maaaring magamit bilang
prima facie evidence sa mga legal na usapin, sanggunian para sa susunod na pagpaplano at
pagkilos.
5) PABALITA O PATALASTAS
o hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o
patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng suhestiyong agenda para sa susunod na
pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito..
6) ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG
o itinatala sa bahaging ito kung kalian at saan gaganapin ang susunod na pulong.
7) PAGTATAPOS
o inilagagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
8) LAGDA
o mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng ktitikan ng pulong at
kung kalian ito isinumite.
C. PAGKATAPOS NG PULONG
o Gawin o buuin agad ang katitikan ng pulong pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga tinalakay.
o Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan, organisasyon, pangalan ng komite, uri ng pulong at maging ang
layunin nito.
o Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
o Itala ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong.
o Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto nito.
o Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.