You are on page 1of 15

AKADEMIKONG PAGSULAT

PAGSULAT
➢ Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang maaring magamit na
mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan. (Bernales et al 2001)
➢ Lundayan ng lahat ng iniisip, nadarama, nilalayon, at pinapangarap ng tao (Villafuerte, et.
Al,2005)
➢ Ang mabisang pagsulat ay mailap para sa nakararami (Badayos, 2000)
➢ Isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito (Keller,
1985)
➢ Isang makrong kasanayang dapat mahubog sa bawat mag-aaral. Ayon kay
Austero et. Al-(2009) ang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at
damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng
mensahe,ang wika.

ANG PAGSULAT BA AY MAITUTURING NA PISIKAL AT MENTAL NA GAWAIN?

o Ayon naman kay Mabilin (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa
pamamagitan nito ay naisasagawa ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng
paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
o Sa pamamagitan ng pagsusulat naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin,
paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng pangungusap
sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.

LAYUNIN NG PAGSULAT
May iba’t ibang layunin o dahilan ang tao sa pagsusulat.

1) Ito ay nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang
kanilang mga ideya at mga kaisipan para sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila.
2) Sa mga mag-aaral na tulad niyo-ang kalimitang dahilan ng pagsusulat ay ang matugunan ang
pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng sapat na kasanayan sa
pagsasatitik ng inyong mga naiisip at nararamdaman.
3) Sa mga propesyonal naman na manunulat tulad ng awtor, peryodista, sekretarya, guro at iba
pa, ito ay kanilang ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabaho na kanilang
ginagampanan sa lipunan.

➢ Anuman ang dahilan ng pagsusulat,ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat, sa


mga taong nakakabasa nito, at maging ang lipunan sa pangkalahatan.
➢ Sapagkat ang kanilang mga sinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o
panahon na magsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon.
➢ Ayon nga kay Mabilin, Ang pagsulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay
hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring
magpasalin-salin sa bawat panahon.
➢ Ayon pa sa kanya, mawawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang
ibinahagi ay mananatiling kaalaman.
➢ Mahalaga ring matutuhan ito sapagkat kung marunong sumulat nang maayos at may
kabuluhan ang isang tao ay maituturing na nakaaangat siya sa iba dala na rin ng mahigpit
na kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho.
➢ Sa mundo ng empelyo, kailangan ang isang tao ay marunong sumulat ng liham aplikasyon,
may kakayahang gumawa ng project proposal, gumawa ng anunsiyo, umapila sa
paglilikom ng pondo, sumagot sa mga pakiusap at tanong ng mga kliyente, makapagpasa
ng makabuluhang ulat na pinagagawa ng manager, at marami pang iba.
➢ Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang
paniniwala, kaalaman, at mga karanasan ng taong sumulat.

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
➢ Ayon kay Royo, Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng
tao. Sa pamamagtan nito, naipapahayag niya ang kanyang
damdamin,mithiin,pangarap,agam-agam,bungang-isip ang mga pagdaramdam.
➢ Dahil din sa pagsulat, nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at
kalakasan,ang lawak at tayog ng kanyang kaisipan, at ang mga naaabot ng kanyang
kamalayan.

➢ Ayon kay Mabilin, may dalawang layunin sa pagsasagawa ng akademikong pagsulat:


o Personal o Ekspresibo- kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling
pananawa, karanasan,naiisip o nadarama ng manunulat.
Halimbawa:sanaysay, maikling kwento,tula,dula,awit at iba pang akdang pampanitikan.
o Panlipunan o Sosyal –kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa
ibang tao sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay
transaksyunal. Taglay ng mga sulating ito ang isang layunin , ang makipag-ugnayan sa tao
sa lipunan.
Halimbawa:pagsulat ng liham,balita,koresondensiya,pananalikisik,sulating
pangteknikal,tesis,disertasyon at iba pa.

GAMIT O PANGANGAILANGAN NG PAGSULAT


1) WIKA
o Magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan,kaaalaman,damdamin,
karanasan,impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.
o Mahalagang matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling maiakma sa
uri ng taong babasa ng akda, komposisyon o pananaliksik na nais mong ibahagi sa iba.
Mahalagang magamit ang wika sa malinaw,masining,tiyak,at payak na paraan
2) PAKSA
o Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.
o Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat para hindi magulo.
Mahalaga rin ng magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging
malaman,makabuluhan,at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong
susulatin. Pagbabasa at pananaliksik ng maraming aklat o artikulo ay makakatulong nang
malaki upang lumawak ang kaalaman natin tungkol sa paksa.

3) LAYUNIN
o Ito ang magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
o Kailangan matiyak na matugunan ng iyong isusulat ang motibo ng iyong pagsusulat nang
sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa.

4) PAMAMARAAN NG PAGSULAT
o May limang pangunahing pamamaraang ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at
kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay ng pagsusulat.
a) Impormatibo-magbigay ng impormasyon
b) Ekspresibo-magbahagi ng sariling opinion,pananaw,paniniwala,ideya,obserbasyon na base
sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral
c) Naratibo- magkwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak
na pagkakasunod-sunod
d) Deskriptibo- maglarawan ng mga katangian,anyo,hugis ng mga bagay o pangyayari batay
sa nakita,narinig,natunghayan,naranasan at nasaksihan
e) Argumentatibo-mangumbinsi o manghikayat

5) KASANAYANG PAMPAG-IISIP
o Kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong
mahalaga o maging ng mga ipmormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
o Kailangan maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo ng malinaw at
mabisang pagpapaliwanag o pangangatwira. Maging obhetibo siya sa pagsusuri at
pagpapaliwanag ng mga impormasyon at kaisipang ilalahad sa sulatin.

6) KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT


o Kaalaman sa wika at retorika:
o wastong paggamit ng Malaki at maliit na letra, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas,
pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata,

7) KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN


o Kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang
maayos,organisado,obhetibo,at masining na pamamaraan mula sa panimula hanggang sa
wakas ng akda.

MGA URI NG PAGSULAT


1) TEKNIKAL
o Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay
bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin.

2) DYORNALISTIK
o Pampamamahayag ang uring ito na kadalasan na ginagamit ng mamahayag o journalist.
o Pagsulat ng balita, editorial, kolum, lathalain, at iba pang akdang mababasa sa mga
pahayagan at magazine.

3) REPERENSIYAL
o Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa paksa.
o Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang
pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentikal, footnote o endnotes.
o Madalas itong makikita sa teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon.
o Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyogragfi, indeks at notecards.
o Ito’y may kaugnayan sa malinaw at wastong presentasyon ng paksa.

4) PROFESYONAL
o May kinalaman sa tiyak na propesyon.
o Halimbawa- Police Report: Police, Patient’s Journal: Doctor o Nurse

5) MALIKHAIN
o Ang focus ay ang imahinasyon ng manunulat.
o Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literature
o Tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay,skrip ng teleserye,musika,pelikula

AKADEMIKONG PAGSULAT
➢ Intelektuwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng indibidwal.
➢ Ang layunin nito ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng pananaliksik na
ginawa.

AKADEMIK
➢ Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang europeo (pranses:
academique; medieval latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika–1 na siglo
➢ Ang akademiya ay tumutukoy sa institusyonng pang-edukasyon na maituturing na haligi sa
pagkakamit ng mataas na kasanayan at karungungan.
➢ Ang mga elementong bumubuo rito ay ang mga mag-aaral, guro, administrador, gusali,
kurikulum at iba pa.
➢ ang akademiya ay itinuturing na isang institusiyon ng kinikilala at respetadong mga
iskolar, artista at siyentista.
➢ ang layunin ng akademiya ay isulong, paunlarin, palalimin at palawakin ang kaalaman at
kasanayang pangkaisipan.

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


1) OBHETIBO
o Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at
pananaliksik. Iwasan ang pagbibigay ng personal na opinion o paniniwala hinggil sa
paksang tinatalakay.iwasan ang paggamit ng mga pahayag na “hinggil sa aking pananaw o
ayon sa aming haka-haka o opinion”.

2) PORMAL
o Dahil nga karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang akademikong Filipino,
nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito.
o Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip gumamit ng mga salitang
pormal na madaling maunawaan ng mambabasa. Ang tono o himig ng paglalahad ng mga
kaisipan o impormasyon ay dapt na maging pormal din.

3) MALIWANAG AT ORGANISADO
o Ang mga talata ay kinakailangang kakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap.ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng
kaisahan.hindi ito dapat masamahan ng mga kaisipang hindi makakatulong sa
pagpapaunlad ng paksa.

4) MAY PANININDIGAN
o Ibig sabihin, hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa. Ang kanyang layunin na
maisagawa ito ay mahalagang mapaninidigan niya hanggang sa matapos niya ang
kanyang isusulat.
o Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para
matapos ang pagsulat sanapiling paksa.

5) MAY PANANAGUTAN
o Ang mga ginagamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat
na mabigyan ng nararapat na pagkilala.
o Mahalagang maging mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na
sanggunian. Bukod sa ito ay isang oaraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong
nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang mabuo ang
iyong sulatin.
MGA AKADEMIKONG SULATIN
o Abstrak; Sintesis o buod
o Bionote; Memo
o Agenda; Panukalang proyekto
o Talumpati; Katitikan ng pulong
o Posisyong papel; Replektibong sanaysay
o Pictorial essay; Lakbay-sanaysay

IBAT-IBANG URI NG PAGLALAGOM


LAGOM
➢ Pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.

MGA KASANAYANG MAHUHUBOG SA TULONG NG


PAGBUBUOD
1) Natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa.
2) Natututuhang magsuri ng nilalaman ng binabasa.
3) Nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat particular ang tamang paghabi ng mga
pangungusap sa talata.
4) Nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo.

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


1) HAWIG
o Paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang Griyego(Latin) na paraphrasis na iang ibig
sabihin ay dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag. Katulad ito ng buod kung saan
ipinapahayag sa sariling pangungusap ang mga pangunahing ideya ngunit nagkakaiba ito
sa pinipiling pahayag.

2) PRESI
o ito ang pinakaikling buod ng mahahalagang: punto, pahayag, ideya, impormasyon.
o Muling pagpapahayag ito ng ideya ng may akda sa sariling pangungusap ng bumasa,
ngunit maaaring madagdag ng komento na nasusuri sa akda. Wala itong elaborasyon,
halimbawa: ilustrasyon
o Galing sa salitang presi(precis) sa lumang Pranses na ibig sabihin ay pinaikli.
o Ito ang buod ng buod.
o Sa larangan ng pag susulat- ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng mga
impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring datos mula sa iba't-ibang
pinanggalingan (tao, libro, pananaliksik) ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa
isang malinaw na kabuuan o identidad.
o Mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga ideya dahil nanggagaling ang mga ito
saiba't-ibang batis ng impormasyon

3) LAGOM O SINOPSIS
o Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon.
o Karaniwang di-lalampas sa dalawang pahina.
o Ito rin ang ginagamit sa mga panloob o panlabas na pabalat ng isang nobela na tinatawag
na jacket blurb.
o Ang buod o sinopsis ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang
pangungusap lamang.Sa pagsulat ng synopsis,mahalagang maibuod ang nilalman ng
binasang akda gamit ang sariling salita.
o Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan
ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring lantad na
makikita sa akda o minsan naman, ito ay di tuwirang nakalahad kaya mahalagang
basahing mabuti ang kabuoan nito.
o Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa
sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?. Sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod.

HAKBANG SA PAGSULAT NG SINOPSIS


1) Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong
kaisipan o paksa ng diwa nito.
2) Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3) Habang nagbabasa,magtala at kung maaari ay magbalangkas.
4) Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro ang
isinusulat.
5) Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
6) Basahin ang unang ginawa,suriin at kung mapaiikli pa ito nang hindi mababawasan ang
kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG SINOPSIS


1) Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat.
2) Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi.
3) Kalangan mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan at maging ang kanilang mga
gampanin at maging ang mga suliraning kanilang kinakaharap.
4) Tiyaking wasto ang gramatika,pagbabaybay,at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
5) Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal
na sipi ng akda.

PAGSUSULAT NG ABSTRAK
ABSTRAK
➢ Ito ay tumutukoy sa isang talatang nagbubuod ng kabuuan ng isang natapos nang pag-
aaral. it ay kabuuang nilalaman ng papel, nandirito ang pangunahing kaisipan ng bawat
kabanata sa pananaliksik.
➢ Ang layunin nito ay gawing posible para sa mga mambabasa na malaman agad kung ang
babasahin nila ay may kaugnayan sa pinapag-aralan nila.
➢ Kailan ito isinusulat?
o Kadalasang huling isinusulat, ngunit ito ang unang makikita ng mga mambabasa upang
malaman ang pangkalahatang ideya ng pananaliksik. Isinusulat ang absrak na may
pandiwang nasa aspetong nagdaan o past tense

HAKBANG NA DAPAT SUNDIN SA PAGSULAT NG ISANG


ABSTRAK
1) Magtungo sa silid-aklatan o dili kaya’y manaliksik sa Internet ng mga papel-pananaliksik ayon
sa kinawiwilihan mong mga paksa.
2) Basahin nang may lubos na pag-unawa ang buong papel. Bigyang-tuon ang mahalagang
sinasabi ng layunin, sakop at delimitasyon ng pag-aaral, pamamaraan, resulta, konklusyon at
rekomendasyon at iba pang mga bahagi.
3) Siyasatin kung ang lahat ng bahaging binanggit ay nakaugnay sa tema ng paksa (pamagat) ng
pag-aaral. Kung nagkakaisa ng ayos ng mga pahayag at ideya nito, ibig sabihin mahusay na
naisulat ang pag-aaral.
4) Siyasatin din kung ang mga nakalagay na pangalan sa bibliograpiya ay nagamit sa
pagpapatibay ng mga pahayag.
5) Sa pagsulat ng abstrak ng papel pananaliksik, mahalagang lagumin lamang ang pinakapaksa
nito mula sa naging kahalagahan at naging implikasyon ng pag-aaral.
6) Kailangan na ang abstrak na isusulat ay binubuo lamang ng 200 hanggang 500 salita.
7) Isunod sa proseso ng pagsulat ang paggawa ng abstrak upang mapadali ang gawain.

DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG MAGANDA AT


EPEKTIBONG ABSTRAK
1) Sumulat lamang ng isang talata na magkakaugnay at maigsi subalit malaman ang mga
pangungusap. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng pangatnig. Dapat may
pagkakaisa sa talata.
2) Ilagay lahat ng mahahalagang elemento na makikita sa buong papel.
3) Dapat walang impormasyon na ilalagay na hindi naman matatagpuan sa pananaliksik.
4) Gumamit ng payak na salita upang maintindihan ng lahat ng mambabasa.
5) Gumagamit ng tamang gramatika sa wikang napili.

PANUKALANG PROYEKTO
PANUKALANG PROYEKTO
➢ Ayon kay Dr. Bartle ng Community Empowerment Collective, isang samahang tumutulong
sa mga (NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay
isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o
samahan.
➢ Ayon naman kay Besim Nebiu, may akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal
Writing, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing
gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
➢ Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa kanilang aklat na “A Guide to Proposal Planning
and Writing”, sa pagsasagawa ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong
mahahalagang bahagi.
a) Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
b) Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
c) Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito.

A. PAGSULAT NG PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKTO


➢ Ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa pangangailangan
ng komunidad, samahan o kompanyang pinag-uukulan ng iyong project proposal
➢ Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin na Pagpapahayag ng Suliranin.
➢ Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o sa
kompanya. Maaring magsimula sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong:
a) Anu-ano ang pangunahing suliranin na dapat lapatan ng agarang solusyon
b) Anu-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahang ito na nais mong gawan ng
panukalang proyekto

B. PAGSULAT NG KATAWAN NG PANUKALANG PROYEKTO


➢ Binubuo ng layunin , plano na dapat gawin, badyet.
A. LAYUNIN
o Dito makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala.
o Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner, ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.

a) Specific– nakasaad ang bagay na nais makamit, makamit o mangyari sa panukalang


proyekto.
b) Immediate– nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matatapos.
c) Measurable– may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto
d) Practical– nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
e) Logical– nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
f) Evaluable– masusukat kung paano makatutulong ang proyekto.

B. PLANO NA DAPAT GAWIN


o Talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa
upang malutas ang suliranin.
o Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa pagkakasunud-sunod ng pagsasagawa nito
kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng gawain.
o Ito rin ay dapat makatotohanan o realistic.

C. BADYET
o Talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
o Mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng badyet:
a) Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensya o
sangay ng pamahalaan o institusyon na mag-aaproba at magsasagawa nito.
b) Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang mga
ito.
c) Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo.
d) Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga
bura o erasures sapagkat ito ay nanganagahulugan ng integridad at karapat-dapat na
pagtitiwala para sa iyo.

C. PAGLALAHAD NG BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA


MAKIKINABANG NITO
➢ Kadalasan ang panukalang proyekto ay naaaprubahan kung malinaw na nakasad dito kung
sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila.
➢ Maaari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala.

PAYAK NA BALANGKAS PARA SA PAGSULAT NG


PANUKALANG PROYEKTO
1) Pamagat ng Panukalang Proyekto
2) Nagpada/ Nagpanukala
3) Petsa
4) Pagpapahayag ng Suliranin
5) Layunin
6) Plano ng Dapat Gawin
7) Badyet
8) Benepisyo

PAGSULAT NG TALUMPATI
TALUMPATI
➢ Isang sining ng pagsasalita na maaaring nanghihikayat, nangangatwiran, o tumatalakay ng
isang paksa para sa mga tagapakinig.
➢ Isang akdang pampanitikan na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
➢ Ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa
paraang pasalitang tumatalakay sa isang particular na paksa.
➢ Ang isang talumpating sinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi
mabibigkas sa harap ng madla.

URI NG TALUMPATI BATAY SA PAGHAHANDA


1) BIGLANG TALUMPATI (IMPROPTU)
o Ang talumpating ito ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda.

2) MALUWAG (EXTEMPORANEOUS)
o Sa talumpating ito nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipapahayag na kaisipan
batay sa paksang ibinigay bago ipahayag.

3) MANUSKRITO
o Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kombensiyon, seminar, o programa sa
pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat nakasulat.

4) ISINAULONG TALUMPATI
o Ito ay katulad din ng manuskrito na isinulat ng maayos bago bigkasin sa harap ng madla.
Ang pinagkaiba ay may oportunidad ang tagapagsalita na iugnay ang kanyang sarili sa
mga tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinaulo at
binibigkas ng tagapagsalita

MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN


1) TALUMPATING NAGBIBIGAY NG IPORMASYON O KABATIRAN
o Layunin nitong ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu o pangyayari.

2) TALUMPATING PANLIBANG
o Layunin nitong magbigay aliw sa nga nakikinig.

3) TALUMPATING NAGBIBIGAY-GALANG
o Matatawag din itong talumpati ng Pagbati, pagtugon o pagtanggap.Ito ay ginagamit sa
pagbibigay-galang bilang pagsalubong sa isang panauhin,pagtanggap sa isang bagong
kasapi ng samahan o kasamahang mawawalay.

4) TALUMPATING NAGPAPARANGAL/ PAPURI


o Palatuntunan para sa paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at
paligsahan.
o Pamamaalam sa isang yumao.
o Paglipat sa isang katungkulan ng isang kasapi.
o Pagpaparangal sa katangi-tanging ambag ng isang tao o pangkat.

5) TALUMPATING PANGHIHIKAYAT
o Layunin nitong ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu o pangyayari.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG TALUMPATI


A. URI NG MGA TAGAPAKINIG
o Sa pagsulat ng mahusay na talumpati, mahalagang magkaroon ng kabatiran ang
mananalupati tungkol sa kaalaman, pangangailangan at interes ng kanyang magiging
tagapakinig.
a) Edad o gulang ng mga makikinig
b) Bilang ng mga Makikinig– Importante ring malaman kung ilan ang mga taong makikinig sa
talumpati,kung maraming makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat isa
alang ng mananalumpati. Mapaghandaan nang husto amng talumpati kung batid ang dami
ng makikinig.
c) Kasarian– Mahalagang malaman kung grupo ng kababaihan o kalalakihan ang magiging
tagapakinig mo dahil magkaiba ang pananaw ng babae at lalaki. Magkaiba din ang
interes,kawilihan, karanasan at kaalaman. Baka kasi humantong sa banhayan kung hindi
magkasundo ng pananaw ang iyong audience
d) Edukasyon o antas sa lipunan– Kung ang mga makikinig ay kabilang sa masang pangkat,
gumamit ng mga salita o halimabwa na akma para sa kanila. Kung karamihan ay edukado
at kabilang sa mataas na antas ng lipunan,iba ring pamamaraan ng pagtalakay ang dapat
gawin
e) Saloobin at dati ng alam ng mga nakikinig– Dapta mabatid din kung gaano na kalawak ang
kaalaman at karanasan ng mga nakikinig tungkol sa paksa. Kung may alam na ang mga
tagapakinig,tungkol sa paksa, sikaping sangkapan ito ng mga bago at karagdagang
impormasyon upang hindi sila mabagot o mawalan ng interes.

B. TEMA O PAKSANG TATALAKAYIN


o Ang kaalaman niya ay dapat mas nakahihigit sa kanyang tagapakinig. Ito ay
nangangahulugan lamang na sa pagsulat ng talumpati, kailangan ang sapat na
paghahanda,pagpaplano, at pag-aaral tungkol sa paksa.

a) Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin– Maisasagawa ito sa pamamagitan ng


pagbabasa at pangangalap ng impormasyon sa ensayklopedia,
aklat,pahayagan,magasin,dyornal at internet. Maari ding mag-interbyu sa isang taong
eksperto tungkol sa paksa upang maging makatotohanan ang nilalaman at mga karanasan
na babanggitin mo; Ilagay din ang mga sanggunian.
b) Pagbuo ng tesis– Mahalagang matukoy ang tesis sapagkat dito iikot ang pangunahing
mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig; Ang tesis magsisilbing pangunahing ideya kung
kung ang layunin ng talumpati ay magbigay kabatiran, nangangatwiran at iba pa. ito ang
magiging pokus ng pagpapahayag ng talumpati
c) Pagtukoy sa mga pangunahing punto o kaisipan– Kapag may tiyak nang tesis para sa
talumpati, maaari nang alamin ng mananalumpati ang mga pangunahing punto sa
magsisilbing batayan ng talumpati. Mahalagang mahimay himay o matukoy ang
mahahalagang detalyeng bibigyang pansin upang maging kompresibo ang sususlatin at
bibigkasin.

C. HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI


a) Kronolohika na Hulwaran– Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa
pagkaka-sumod-sunod ng pangyayari o panahon.
b) Hulwarang Problema-Solusyon– Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay
nakabatay sa pangunahing paksa. Kung ang paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na
paksa ay mainam na gamitin ang hulwarang ito.
c) Pagtukoy sa mga pangunahing punto o kaisipan– Ang paglalahad ng suliranin at ang
pagtalakay sa solusyon na maaaring isagawa. Lakimitang ginagamit ang hulwarang ito sa
mga uri ng talumpating nanghihikayat o nagpapakilos.
D. KASANAYAN SA PAGHABI NG TALUMPATI
1) Introduksyon
2) Katawan
3) Kongklusyon

PAGSULAT NG MEMORANDUM, ADYENDA AT KATITIKAN


NG PULONG
TATLONG MAHAHALAGANG ELEMENTONG KAILANGAN SA
ISANG PULONG
➢ Memorandum
➢ Adyenda
➢ Katitikan ng Pulong

MEMORANDUM O MEMO
➢ Ayon kay Sudapraset (2014), sa kanyang aklat na “English for the Workplace 3”, ang
memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay ng kabatiran tungkol sa gagawing
pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin o utos.
➢ Sa memo, nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.
➢ Ang memorandum o memo ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang
mahalagang balita o kaganapan o pagbabago sa mga polisiya.

➢ Ayon kay Bargo (2014) sa kanyang aklat na “Writing in the Discipline”, ang mga kilala at
malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored
stationary para sa kanilang mga memo.

a) Puti– ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba o impormasyon.


b) Pink o Rosas– ginagamit naman para sa request o order na nanggagaling sa purchasing
department.
c) Dilaw o Luntian– ginagamit naman sa mga memo na nanggagaling sa marketing at
accounting department.

➢ TATLONG LAYUNIN NG MEMORANDUM AYON SA LAYUNIN:


o Memorandum para sa kahilingan
o Memorandum para sa kabatiran
o Memorandum para sa pagtugon

MGA IMPORMASYONG KAILANGAN SA PAGSULAT NG


MEMORANDUM
➢ Ang letterhead kung saan dito makikita ang logo at pangalan ng kompanya,
➢ institusyon, o organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at
minsan maging ang bilang ng numero nito.

➢ Ang bahaging “Para sa/Para Kaya/Kina” na naglalaman ng pangalan ng mga tao o mga tao
o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Para sa impormal na memo ang “Para
Kay: Ailene” ay sapat na, ngunit sa mga pormal na memo, mahalagang isulat ang buong
pangalan ng pinag-uukulan nito.
a) Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatutulong kung
ilalagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb.,
at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa.

➢ Ang bahagi naming “Mula Kay”, ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng


memo. Gaya rin ng bahaging ‘para sa/para kay/kina’ maaaring gamitin na lamang ang
unang pangalan ng sumulat nito. Halimbawa: Mula kay: Nestor.

➢ Sa bahaging ‘Petsa’, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. sa halip
isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Halimbawa: “Nobyembre
o Nob”.

➢ Sa bahaging ‘Paksa’ ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad
maunawaan ang nais ipabatid nito

MGA IMPORMASYONG KAILANGAN SA PAGSULAT NG


MEMORANDUM
➢ Kadalasang ang ‘Mensahe’ ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo ay
magtaglay ng sumusunod:

a) Sitwasyon– dito makikita ang panimula o layunin ng memo.


b) Problema– nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay
nagtataglay nito.
c) Solusyon– nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan.
d) Paggalang o Pasasalamat– wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o
pagpapkita ng paggalang.

ADYENDA
➢ Ayon kay Sudapraset (2014), ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa
pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang susi ng matagumpay
na miting.

KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG ADYENDA


1. Ito ang nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon:
a) Mga paksang tatalakayin
b) Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa
c) Oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunud-sunod ng mga paksang
tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng
paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa paksang
tatalakayin o pagdedesyunan.
5. Ito ay nakatutulong ng malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin ang
pulong.

KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG ADYENDA


1) Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang email na
nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa
ganitong araw, oras at lugar
2) Ilahad sa memo na kailngan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o
kung e-mail naman kinakailnagng magpadala sila ng tugon.
3) Gumawa ng balangkas ng paksang tatalakayin kapag ang lahat ng adyenda o paksa ay
napadala na o nalikom na.
4) Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang
pulong.
5) Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG ADYENDA


1) Tiyaking ang bawat dadalo sa miting ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
2) Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksan.
3) Manatili sa eskedyul ng adyenda ngunit maging flexible kung kinakailangan.
4) Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda.
5) Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng adyenda.

KATITIKAN NG PULONG
➢ Opisyal na tala ng isang pulong.
➢ Kalimitang isinasagawa ng pormal, obhetibo at komprehensibo o nagtataglay lahat ng
mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong.
➢ Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong, ito ay nagsisilbing
opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya o organisasyon na maaaring
magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin, sanggunian para sa susunod
na pagpaplano at pagkilos.

MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG


1) HEADING
o naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran. Makikita rin
dito ang petsa, ang lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.

2) MGA KALAHOK O DUMALO


o dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan
ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin.

3) PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG NAGDAANG KATITIKAN NG PULONG


o dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga
pagbabagong isinagawa sa mga ito.

4) ACTION ITEMS O USAPING NAPAGKASUNDUAN


o dito makikita ang mahaalagang tala hinggil sa paksang tinalakay. Inilalagay rin sa
bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong
nabuo ukol dito.

5) PABALITA O PATALASTAS
o hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o
patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng suhestiyong agenda para sa susunod
na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito..

6) ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG


o itinatala sa bahaging ito kung kalian at saan gaganapin ang susunod na pulong.
7) PAGTATAPOS
o inilagagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.

8) LAGDA
o mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng ktitikan ng pulong
at kung kalian ito isinumite.

MGA DAPAT GAWIN NG TAONG NAATASANG KUMUHA NG


KATITIKAN NG PULONG
1) Hanggat maaari ay hindi participant sa nasabing pulong
2) Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
3) Mayroong sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
4) Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ngnakaraang pulong
5) Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda
6) Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kumpletong
heading
7) Gumamit ng recorder kung kinakailangan
8) Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos
9) Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan
10) Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong:
a) Ulat ng katitikan
b) Salaysay ng katitikan
c) Resolusyon ng katitikan

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG


PULONG
A. BAGO ANG PULONG
o Magpasya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
o Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.
o Gamitin ang adyenda para gawin ng mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong

B. HABANG ISINASAGAWA ANG PULONG


o Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa.
o Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para sa iyo na matukoy kung sino ang
nagsasalita sa oras ng pulong
o Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
o Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos.
o Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang
mga sumang-ayon at ang naging resulta ng botohan.
o Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan o pagdedesisyunan pa sa susunod na
pulong.
o Itala kung anong oras natapos ang pulong.

C. PAGKATAPOS NG PULONG
o Gawin o buuin agad ang katitikan ng pulong pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga
tinalakay.
o Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan, organisasyon, pangalan ng komite, uri ng pulong at
maging ang layunin nito.
o Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
o Itala ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong.
o Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto
nito.
o Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.

You might also like