You are on page 1of 23

Ang Pagsusulat

isa sa mga makrong kasanayang dapat


mahubog sa mga mag-aaral.
Mga dalubhasang
nagpakahulugan ng
PAGSUSULAT
Cecilia Austera, et. al- may-akda ng
Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(2009)
Ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo
ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao
gamit ang pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe, ang wika.
Edwin Mabilin, et. al, sa aklat na
Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012)
Ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at
mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa
pamamagitan ng paglilipay ng kaalaman sa papel
o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
Mabilin (2012)
• Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang
kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa
at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa
bawat panahon.
• Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit
ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling
kaalaman.
Mga dahilan sa
Pagsusulat
• Nagsisilbing libangan
• Matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral (mag-aaral)
• Ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o
trabaho na kanilang ginagampanan sa lipunan. (awtor, guro,
peryodista, sekretarya)
Bakit kailangang isa rin sa dapat pagtuonan ng pansin na
malinang at mahubog ang pagsusulat?

 Sapagkat dito masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa


iba’t ibang displina.
Makrong Kasanayan Pangwika
Limang Makrong Kasanayan
• Pakikinig
• Pagbabasa
• Pagsasalita
• Pagsusulat
• Panonood
Kahalagahan ng Pagsulat

 Nakikilala ng tao ang kanyang sarili , ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang
lawak at tayog ng kanyang kaisapan at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan.

Ayon naman kay Royo malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin
at isipan ng tao.
Ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat, sa mga taong nakababasa nito at
maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang sinulat ay magiging
dokumento ng nakalipas na pangyayari.
Kahalagahan o benepisyo ng Pagsusulat
1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at
maisulat ito sa obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na
kaikailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit
ng aklatan sa paghahanap ng mga mahahalagang datos na
kakailanganin sa pagsulat.
Kahalagahan o Benepisyo ng Pagsusulat
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong
kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng
kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga
gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisisiakap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon
mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong
pagsusulat.
Layunin ng Pagsusulat
• Ayon kay Mabilin, sa kanyang aklat na
Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong
Filipino (2012), ang layunin ay maaring mahati sa
dalawang bahagi.
PERSONAL O EKSPRESIBO

Layunin ng pagsulat na ito ay nakabatay sa pansariling pananawa,


karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat.

Halimbawa:
Sanaysay, maikling kwento, tula, dula awit at iba pang akdang
pampanitikan.
PANLIPUNAN O SOSYAL
Layuning makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang
ginagalawan.
Tinatawag ding transaksiyonal

Halimbawa:
Liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis,
disertasyon,
Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

1. Wika - ang nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan,


kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais
ilahad ng taong nais sumulat.
2. Paksa – Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng
isusulat. Ito ang nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang
dapat mapaloob sa akda.
Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

3. Layunin – ang nagsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman


ng iyong isusulat.
4. Pamamaraan – may limang pangunahing pamamaraan ng pagsulat
Paraang impormatib- ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng
impormasyo o kabatiran sa mga mambabasa.
Paraang Ekspresibo – ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling
opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na
paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

Paraang Naratibo – ang pangunahing layunin ay magkuwento o


magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na
pakakasunod.
Paraang Deskribo – pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga
katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa nakita, narinig,
naranasan at nasaksihan.
Paraang Argumentatibo - naglalayonganghikayat o mangumbinsi sa mga
mambabasa. Madalas ito ay naaglalahad ng proposisyon at mga isyu ng
argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
5. Kasanayang Pampag-iisip – Sa pagsulat dapat taglayin ng manunulat
ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi
gaanong mahalaga o maging ng mga impormasyong dapat isama sa
akdang isusulat.
6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat – wastong
paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng
bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata,
masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng
isang mahusay na sulatin.
7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin – kakayahang mailatag
ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado,
obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula akda o
lomposisyon hanggang sa wakas nito.
Mga Uri ng Pagsulat

1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) – panunahing


layunin ay maghatid aliw, makapukaw ng damdamin at
makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Bunga
ng malikot na ng isipan ng sumusulat o imahinasyon.
Hal. Maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, komiks, iskrip
ng teleserye, musika, pelikula
2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) – layuning pag-aaralan
ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na
kailangan para lutasin ang isang problema.
Hal. Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in
Makati
3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing) – mga sulating
may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya.
Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin tungkol sa napiling
propesyon o bokasyon ng isang tao.
Hal. Lesson plan, assessment, medical report, narrative report tungkol
sa physical examination ng isang pasyente
4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) – may kinalaman sa
sulating pamamahayag.
Hal. Balita, editoryal, lathalain,artikulo at iba pa.
5. Represensiyal na Pagsulat (Referential Writing) – bigyang pagkilala ang
mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel,
tesis at disertasyon.
• Layunin din ng pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga sangguniang
maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na
paksa.
• Karaniwang makikita sa huling bahagi ng ginagawang pananaliksik o sa
kabanatang naglalaman ng RRL (Review of Related Literature) – mga pag-
aaral na pinaghanguan ng mga prinsipyo o batayan.
6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing) - isang
intelektuwal na pagsulat na nakatutulong sa pagpapataas ng
kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.
Ayon kay Carmelita Alejo et. al., sa aklt na Pagbasa at
Pagsulat tungo sa Pananaliksik (2005) ang akademikong pagsulat
ay may sinusunod na partikular na kumbensyon.
Ayon kay Edwin Mabilin et. al.(2012) - ang lahat ng uri ng
pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat.
Sanggunian
Pinagyamang Pluma
Filipino sa Piling Larang Akademik
Aileen Balsa-Julian
Nestor B. Lontoc
Phoenix Publishing House

You might also like