You are on page 1of 44

PAGSULAT

SA
FILIPINO
SA
PILING
LARANGAN
DESKRIPSIYON NG
KURSO
 Pagsulat ng iba’t ibang
anyo ng sulating lilinang sa
mga kakayahang
magpahayag tungo sa
mabisa, mapanuri, at
masinop na pagsusulat sa
INAASAHANG
PAGGANAP
Nakabubuo ng malikhaing
portfolio ng mga orihinal na
sulating akademik na
naaayon sa format at teknik.
PANIMULAN
G
PAGTATAYA
1.Ang wikang Filipino ay isang wika
ng intelektwalisasyon.
2.Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas,
ang Filipino ay isa sa opisyal na
wikang panturo sa paaralan.
3.Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat
na natutuhan mula elementarya
hanggang sekundarya ay maituturing
na bahagi ng akademikong pagsulat.
4. Ang sanaysay, maikling kuwento,
awit, at dula ay hindi kabilang o
maituturing na isang akademikong
pagsulat.
5. Ang pagsulat ng balita,
pananaliksik, at iba pang
korespondensiya ay bahagi ng
pagsulat na pakikipag-ugnayan ng
tao sa lipunan.
6. Mahalagang isaalang-alang ang wika,
paksa at layunin sa anumang uri ng
pagsulat.
7. Ang paggamit ng salitang kolokyal o
balbal ay mahalagang bigyang-pansin sa
pormal na pagsulat ng pananaliksik.
8. Ang malikhaing pagsulat at teknikal
na pagsulat ay kapuwa maituturing na
akademikong pagsulat.
9. Ang mga guro, manunulat, at
mag-aaral lamang ang dapat na
matuto ng propesyonal na pagsulat.
10. Layunin ng reperensiyal na
pagsulat na bigyang-pagkilala at
rekomendasyon ang mga
sangguniang maaaring
mapagkunan ng kaalaman.
SHARE MO!
KAALAMAN
MO!
Ano-ano ang inaasahan kong
magagawa ng kursong ito sa
aking buhay lalo na sa karerang
papasukin ko sa hinaharap?
LAYUNIN:
1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.
2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon
sa:
(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo
3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik
kaugnay ng kahulugan, kalikasan,
at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
akademik.
PAGSULAT
(Think-pair-share)
• Ano-anong akda ang naisulat mo
na nang ikaw ay nasa Junior
High School pa?
• Anong mahalagang bagay ang
iyong isinaalang-alang sa
pagsulat ng mga akdang ito?
• Paano ito nakatulong sa iyong
buhay?
Aralin 1:
Ang Kahalagahan ng
Pagsusulat at Ang
Akademikong
Pagsulat
•Ang pagsusulat ay
isa sa mga makrong
kasanayang dapat
mahubog sa mga
mag-aaral.
CECILIA AUSTERA (2009)
- Ang pagsusulat ay naglulundo
ng kaisipan at damdaming nais
ipahayag ng tao gamit ang
pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe, ang
wika.
EDWIN MABILIN (2012)
- Ito ay isang pambihirang gawaing
pisikal at mental dahil sa
pamamagitan nito ay naipahahayag
ng tao ang nais niyang ipahayag sa
pamamagitan ng paglilipat ng
kaalaman sa papel o anumang
kagamitang maaaring pagsulatan.
MAHALAGANG
TANONG
• Bakit mahalagang matutunan
ang kahalagahan at katangian
ng mga akademikong
sulatin?
Pagpapalalim na Gawain
Sa aralin ito ay bubuo ka ng
isang pagsusuri na
nagpapakita ng kahulugan at
kalikasan ng pagsulat ng
iba’t ibang uri ng sulating
akademiko.
Bakit mahalagang
mabalikan ang ilang
kaalaman tungkol sa
pagsusulat bago isa-isang
talakayin ang mga
akademikong sulating
gagawin o bibigyan-diin sa
kursong ito?
DAHILAN NG PAGSULAT
Nagsisilbing libangan

Sa mga mag-aaral, ang kalimitang dahilan ng


pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan
sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng
kasanayan.

Sa mga propesyonal namang manunulat, ito ay


kanilang ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa
bokasyon o trabahong kanilang ginagampanan sa
lipunan.
LAYUNIN
AT
KAHALAGAHA
N
NG PAGSULAT
• Ayon kay Royo (2001), malaki ang naitutulong
ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at
kaisipan ng tao.

• Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang


mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala,
kaalaman, at mga karanasan ng taong
sumusulat.

• Napakahalaga bukod sa mensaheng taglay ng


akdang susulatin, kailangan ang katangiang
mapanghikayat.
• Ayon kay Mabilin (2012)
1.Personal o ekpresibo – layunin
ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling
pananaw, karanasan, naiisip o nadarama
ng manunulat.

2. Panlipunan o sosyal – layunin


ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa
ibang tao o sa lipunang ginagalawan.
KAHALAGAHAN O BENIPISYONG MAAARING
MAKUHA SA PAGSUSULAT
1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga
kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong
paraan.

2. Malinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na


kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o
pananaliksik.

3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa


mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipan isusulat batay
sa mga nakalap na impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang
kakayahan sa matalinong paggamit ng
aklatan sa paghahanap ng mga materyales at
mahahalagang datos na kakailanganin sa
pagsulat.

5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas


ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman
sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa
paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda
ng kanilang pag-aaral at akademikong
pagsisikap.

7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap


ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang
batis ng kaalaman para sa akademikong
pagsusulat.
MGA GAMIT
O
PANGANGAILANGAN
SA PAGSULAT
1.WIKA – ito ang magsisilbing behikulo upang
maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang
nais ilahad ng isang taong nais sumulat.

2.PAKSA – ito ang magsisilbing pangkalahatang


iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.

3.LAYUNIN – ito ang magsisilbing giya mo sa


paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong
isusulat.
4. PAMAMARAAN NG PAGSULAT
 Paraang impormatibo – magbigay ng
impormasyon o kabatiran sa mga
mambabasa.

 Paraang ekspresibo – naglalayong


magbahagi ng sariling opinyon,
paniniwala, ideya, obserbasyon, at
kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa
batay sa sariling karanasan o pag-aaral.
 Pamaraang naratibo – layuning
magkuwento o magsalaysay ng mga
pangyayari

 Pamaraang deskriptibo– layuning


maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis
ng mga bagay o pangyayari.

 Pamaraang argumentatibo– layuning


manghikayat o mangumbinsi sa mga
mambabasa
5. KASANAYANG PAMPAG-IISIP
– Tinataglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o
magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga,
o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang
isusulat.

6. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN


NG PAGSULAT
– Pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika.

7. KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG


SULATIN
– Tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at
impormasyon mula panimula ng akda hanggang sa wakas nito.
MGA URI
NG
PAGSULAT
1.MALIKHAING PAGSULAT (Creative Writing)
- Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw,
makapukaw ng damdamin, at makaantig ng
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.

2. TEKNIKAL NA PAGSULAT (Technical


Writing)
- Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya
naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan
para lutasin ang isang problema o suliranin.
1.MALIKHAING PAGSULAT (Creative Writing)
- Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw,
makapukaw ng damdamin, at makaantig ng
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.

2. TEKNIKAL NA PAGSULAT (Technical


Writing)
- Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya
naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan
para lutasin ang isang problema o suliranin.
3. PROPESYONAL NA PAGSULAT (Professional
Writing)
- Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa
mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na
larangang natutuhan sa akademya o paaralan.

4. DYONALISTIK NA PAGSULAT (Journalistic


Writing)
-Ito ay may kinalam sa mga sulating may
kaugnayan sa pamamahayag.
5. REPERENSIYAL NA PAGSULAT (Referential
Writing)
- Layunin na bigyang-pagkilala ang mga
pinagkunang kaalaman o impormasyon sa
paggawa ng konseptong papel, tesis, at
disertasyon.

6. AKADEMIKONG PAGSULAT (Academic


Writing)
- Ito ay isang intelektuwal na pagsulat. Layunin
nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng
ginawang pananaliksik.
“THINK BEFORE YOU CLICK”
• Bilang isang mag-aaral ngayon ng
Akademikong pagsulat ay magbigay
ka ng mga paraang magpapaalala lalo
na sa kapwa mo mag-aaral kung
paano maging responsible at
makapagbigay ng inspirasyon sa
ating mga isinusulat o i-pino-post sa
ating mga social media account.
MICRO-
TEACHING
(Pangkatang Gawain)
Balangkasin Natin!
I. Kahulugan ng Pagsulat
II. Layunin at Kahalagahan ng
Pagsulat
III. Mga Gamit o
Pangangailangan sa Pagsulat
IV. Uri ng Pagsulat
GABAY NA TANONG
1.Ano –ano ang kahulugan at
kahalagahan ng pagsulat?

2.Bakit mahalagang matutunan nang


mabuti ang kasanayang ito sa kabila
ng pagiging moderno o pagsulong
ng teknolohiya sa panahong ito?
3. Bakit mahalagang malaman
ang gamit at pangangailangan
sa pagsulat?

4. Ano-ano ang iba’t ibang uri


ng pagsulat?
5. Alin sa mga uring ito ang
masasabi mong mahalaga
para sa iyo?

6. Bakit kaya ginawang isang


kurso ang pagsulat ng mga
akademikong sulatin?

You might also like