You are on page 1of 12

DOANE CHRISTIAN INTERNATIONAL SCHOOL FOUNDATION,

INC.
5th Avenue, Ledesco Village, La Paz, Iloilo City, Philippines
Tel. #: (033) 320-4854
School ID: 404172

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T

IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 11

KWARTER 3 MODULE 1
Teacher: Camelle Fernandez
Fb name: Camelle Fernandez
Email: fernandezcamelle6@gmail.com
Contact No.
Globe: 09271253056
Smart: 09094499021

Tekstong Impormatibo
DOANE CHRISTIAN INTERNATIONAL SCHOOL FOUNDATION,
INC.
5th Avenue, Ledesco Village, La Paz, Iloilo City, Philippines
Tel. #: (033) 320-4854
School ID: 404172

Name of Student: Grade Level & Section: 11

Teacher: CAMELLE FERNANDEZ Learning Area:
Teaching Dates and Time: Jan. 12, 2022 MODULE NO. 1

Kasanayang Pampagkatuto:

 1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang uri ng teksto (F11PB-IIIa-98);

 2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit sa
tekstong impormatibong binasa (F11PT-IIIa-88);
 3. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong Impormatibo
 (F11-PS-IIIb-91);
 4. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong Impormatibo (F11PU-IIIb-89);
 5. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat
 (F11EP-IIId-36);
 6. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99);
 7. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong impormatibong
binasa (F11PS-7-92);

SUBUKIN

Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito, subukin mong sagutin

ang pagsusulit na ito upang malaman natin kung ano na ang iyong nalalaman.

Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat sa inilaang

patlang ang salitang TUMPAK kung tama ang pahayag at salitang WASAK kung mali.

_____ 1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.

_____ 2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ay nakabatay sa sariling
opinyon ng may-akda.
_____ 3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
_____ 4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating
pangkasaysayan.
_____ 5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginamit sa tesktong
impormatibo.
_____ 6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo sa
pagbibigay- diin sa mahalagang salita tulad ng pagsulat nang
nakadiin, nakahilis at nakasalungguhit.
_____ 7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang
impormasyon patungkol sa tao, hayop at iba pang mga nabubuhay at mga
pangyayari sa paligid.
_____ 8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa
paborito mong isports.
DOANE CHRISTIAN INTERNATIONAL SCHOOL FOUNDATION,
INC.
5th Avenue, Ledesco Village, La Paz, Iloilo City, Philippines
Tel. #: (033) 320-4854
School ID: 404172
_____ 9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at
bakit nagaganap ang isang bagay o pangyayari.
_____ 10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga palarawang
representasyon.
_____ 11. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
_____ 12. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula, facebook post at sanaysay.
_____ 13. Naglalayon ang tekstong impormatibo na magbigay o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t-ibang paksa tulad ng hayop,
isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya,
kalawakan, panahon at iba pa.
_____14. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o
balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng
ensiklopedya at sa ibat’ ibang website sa internet.
_____ 15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo.

TUKLASIN

Basahin ang halimbawa ng balita at sagutin ang mga sumusunod na

katanungan.

MIS.OR., Namayagpag sa RFOT 2019!

Misamis Oriental Division sa nagdaang
Regional Festival of Talents 2020 sa Lungsod-
Sangay ng Malaybalay noong ika- 20-21 ng
Nobyembre, 2019
Nasungkit ni Jernie C. Lastima , mag-
aaral ng Baliwagan Senior High School
(BSHS), ang pagiging kampeonato sa
nasabing paligsahan sa tulong ng
tagapagsanay na si Gng. Maricar C. Ranara,
guro mula sa BSHS.
“Kung may aalis, may babalik. Kung
may nawala, may papalit”, ani Ranara. Hindi
siya makapaniwala nang masungkit ang pagkapanalo dahil sa limitado lamang ang
panahong iginugol para sa pagsasanay. “May plano talaga si God”, dagdag pa nito.
Matatandaan na bago pa ang kompetisyon ay naunang sumubok si Lastima sa
larong basketball. Bigo man s’yang makuha sa nasabing laro, ngunit may magandang
naghihintay sa kanya. Mas mahaba ang kanyang panahong iginugol sa nasabing
kompetisyon kumpara sa RFOT.
 “Mahirap para sa sitwasyon ko lalo na’t nanggaling ako sa simpleng palaro-laro
lamang pero ngayon biglang nag-iba. Mula sa isports patungo sa larangan ng
kasanayan sa pagsasalita. Ganyan ka makapangyarihan ang ating Panginoon”,
pahayag ni Lastima matapos ang kompetisyon.
Halos mangiyak-ngiyak ang dalawa nang idineklara ang pagkapanalo sa
patimpalak sa Tagisan ng Talento sa Filipino. Nagpakitang-gilas si Lastima sa Dagliang
Talumpati na nilahukan ng mga mag-aaral ng Senior High mula sa Rehiyon Diyes.
DOANE CHRISTIAN INTERNATIONAL SCHOOL FOUNDATION,
INC.
5th Avenue, Ledesco Village, La Paz, Iloilo City, Philippines
Tel. #: (033) 320-4854
School ID: 404172
Matatandaan na ito ang pangalawang pagsalang ng BNHS sa nasabing
paligsahan. Sa ngayon, puspusan na ang kanilang ginagawang paghahanda para sa
darating na National Festival of Talents – Tagisan ng Talento sa Filipino (NFOT)2020
na idaraos sa Ilagan, Isabela.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang paksa ng balita?
2. Sino ang mga sangkot?
3. Saan nangyari ang paligsahan?
4. Kailan ito nangyari?

1. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. ______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

SURIIN

TEKSTONG IMPORMATIBO
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay
naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi nakabatay
sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin
ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa. Karaniwang may malawak na kaalaman
DOANE CHRISTIAN INTERNATIONAL SCHOOL FOUNDATION,
INC.
5th Avenue, Ledesco Village, La Paz, Iloilo City, Philippines
Tel. #: (033) 320-4854
School ID: 404172
tungkol sa paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa ng pananaliksik o pag-aaral
ukol dito.
Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o
balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng
ensiklopedya, gayundin sa iba’t ibang websites sa Internet. Naglalahad ng mga bagong
impormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon
ang tekstong impormatibo. Layunin nitong magbigay ng mahalagang impormasyon
upang alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa
kaugnay sa isang paksa o isyung tinatalakay. Ang mga kaalaman ay nakaayos nang
sunud-sunod at inilalahad nang buong linaw at may kaisahan.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Layunin ng may-akda
Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong
impormatibo: mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga
pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo,
o mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto o hayop at iba
pang nabubuhay.

 Pangunahing Ideya
Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo
ang pangunahing ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng
pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na organizational markers na nakatutulong
upang agad na makita at malaman ng mga mambabasa ang pangunahing
ideya ng babasahin.

 Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga
detalye. Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing
ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

 Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay

na binibigyang-diin:

 Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon

Halimbawa:
Paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang higit
na mapalalim ang pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong
impormatibo.
DOANE CHRISTIAN INTERNATIONAL SCHOOL FOUNDATION,
INC.
5th Avenue, Ledesco Village, La Paz, Iloilo City, Philippines
Tel. #: (033) 320-4854
School ID: 404172

 Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto

Ito ay ang paggamit ng mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin,
nakahilis, nakasalungguhit o paglagay ng “panipi” upang higit na madaling
makita ang mga salitang binibigyang- diin sa babasahin.

 Pagsulat ng mga Talasanggunian

Inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang
sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging
batayan ng mga impormasyong taglay nito.

URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Paglalahad ng totoong pangyayari / kasaysayan

Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ang mga totoong pangyayaring
naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaring ang pangyayaring isasalaysay
ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng balitang isinulat ng mga reporter
ng mga pahayagan o mga pangyayaring may historical account.

 Pag-uulat pang-impormasyon
Ang uri ng tekstong impormatibong ito ay naglalahad ang mahahalagang
kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay
gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
Halimbawa:
Teknolohiya, Global Warming, Cyberbullying

 Pagpapaliwanag
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit
naganap ang isang bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo.

PAGYAMANIN
DOANE CHRISTIAN INTERNATIONAL SCHOOL FOUNDATION,
INC.
5th Avenue, Ledesco Village, La Paz, Iloilo City, Philippines
Tel. #: (033) 320-4854
School ID: 404172

Basahin ang halimbawa ng tesktong impormatibo.

CYBERBULLYING

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya,

isang uri ng pambubuska ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang
pambubuska sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito
ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng
masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang
usap-usapan, larawan, bidyu, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o
pagpapaskil ng mga nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga pekeng
account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang
magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng
harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng
pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito. Naririto
ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng
alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa
paaralan, pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa sarili
o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng harapang bullying.

Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung
saan may pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong
2013 ay ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isang
makatotohanang pangyayari sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang
opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying. Sa bansang Amerika ay
naitala na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas ng
cyberbullying noong 2010 at 2011. Samantalang noong 2013, tumaas sa 15% ang mga
mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang cyberbullying? Paano ito naiiba sa pambubuska nang harapan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Bilang mag-aaral, paano mo maipakakalat ang mga impormasyong inilahad sa

tekstong binasa? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin ukol dito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
GAWAIN 1
DOANE CHRISTIAN INTERNATIONAL SCHOOL FOUNDATION,
INC.
5th Avenue, Ledesco Village, La Paz, Iloilo City, Philippines
Tel. #: (033) 320-4854
School ID: 404172
Gusto mong bumili ng aklat kaya nagpasama ka sa iyong kaibigan sa pagpunta
sa pinakamalapit na bookstore. Sapat lang ang pera mo para sa isang aklat o
babasahin. Alin sa sumusunod ang bibilhin mo? Lagyan ng tsek ang kahong katapat
nito.

aklat na di-piksyon tungkol sa pang-araw-araw na paksa sa buhay

aklat tungkol sa mga hayop, halaman at iba pang nabubuhay sa mundo

aklat tungkol sa mga natatangi at kagila-gilalas na mga tunay na pangyayari

aklat tungkol sa paborito mong isports

aklat tungkol sa pagbuo ng paborito mong craft o libangan

bagong nobela

isang magasin

talambuhay o memoir ng isa sa mga hinahangaan mong tao

Source: www.google.com,www.guinnessworldrecords.com, www.yesmen.magazines.com , www.philstar.com www.Do-It-Yourself

Magazine( Better Homes Garden), Joel Osteen the Power of Who I am Magazine, Sport Illustrated Kids Big Book of Who

BaskeballbySports

1. Bakit ang aklat o babasahing ito ang napili mo?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ano ang naibibigay o naidudulot sa iyo ng pagbabasa ng ganitong uri ng aklat o
babasahin?
______________________________________________________________________
_________________________________________________________._____________
______________________________________________________________________
3. Anong mga aklat ang magbibigay ng makabuluhang impormasyon? Sa anong uri ng
tekstong impormatibo nabibilang ang aklat na ito? Bakit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
DOANE CHRISTIAN INTERNATIONAL SCHOOL FOUNDATION,
INC.
5th Avenue, Ledesco Village, La Paz, Iloilo City, Philippines
Tel. #: (033) 320-4854
School ID: 404172

ISAISIP

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang

layunin ay makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw na
paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito ang mga tanong na ano,
kailan, saan, sino at paano. Dahil layunin nitong maghatid ng tiyak na
impormasyon, dapat ito ay madaling unawain.
Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, ang mga manunulat ay
gumagamit ng iba’t-ibang pantulong upang magabayan ang mga
mambabasa para mas mabilis nilang maunawaan ang impormasyon. Ang
ilan sa halimbawa ng mga pantulong ay talaan ng nilalaman, index at
glosaryo. Maari ring gumamit ang mga manunulat ng mga larawan,
ilustrasyon, titulo o caption, grap at talahanayan at tinatawag din itong
“ekspositori”.

Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa ng

tauhan sa bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon at
isulat ito sa inilaang patlang.

a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan

b. Pag-uulat Pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag

____1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at
bakit nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may
pamagat na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
____2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding tag-init at
napakalakas na bagyong nagreresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni Rodel
na magkaroon ng mas maraming impormasyon ukol dito kaya’t hawak niya ngayon
ang tekstong may pamagat na “Mga Epekto ng Global Warming sa Kapaligiran.”
____3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t
iba rin ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang istorya
sa likod ng pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng
Pilipinas - Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
____4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang
balitang ito: “51st International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong
Enero 24-31, 2016.”
____5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa pahayagang
hawak niya. Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe
2015.”

ISAGAWA
DOANE CHRISTIAN INTERNATIONAL SCHOOL FOUNDATION,
INC.
5th Avenue, Ledesco Village, La Paz, Iloilo City, Philippines
Tel. #: (033) 320-4854
School ID: 404172

Ngayon ay ikaw naman ang sumulat ng sarili mong halimbawa ng tekstong

impormatibo. Maari kang mag-isip ng sariling paksang susulatin na ihihingi mo ng
pahintulot sa iyong guro o maaari kang pumili sa mga paksang nakalahad sa ibaba:

 Mga paraan sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan

 Epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa
 Epekto sa katawan ng mga pagkaing na-proseso tulad ng de-lata, instant
noodles at iba pa
 Sanhi at Bunga ng COVID-19
 Isang balitang lokal na personal mong nasaksihan
 Kasaysayan ng iyong barangay o lugar

TEACHER’S
FEEDBACK

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________
DOANE CHRISTIAN INTERNATIONAL SCHOOL FOUNDATION,
INC.
5th Avenue, Ledesco Village, La Paz, Iloilo City, Philippines
Tel. #: (033) 320-4854
School ID: 404172

PARENT’S FEEDBACK

TALASANGGUNIAN

MGA AKLAT

Almario, Virgilio. KWF Manwal Sa Masinop Na Pagsulat.

Manila: Komisyon ng Wikang Filipino, 2014.

Bargo, Darwin. Writing in the Discipline.

Quezon City: Great Book Publishing, 2014.

Bernales, R.A. et.al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon.

Malabon City: Mutya Publishing House, 2011.

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma.

Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc., 2016.

De Laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

‘Pananaliksik. Manila: REX Bookstore,

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store
DOANE CHRISTIAN INTERNATIONAL SCHOOL FOUNDATION,
INC.
5th Avenue, Ledesco Village, La Paz, Iloilo City, Philippines
Tel. #: (033) 320-4854
School ID: 404172

INTERNET

https://www.sunstar.com.ph/article/404657
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo/
https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-impormatibo-193940830
https://www.academia.edu/33824138/Tekstongimpormatibo_Para_sa_iyong_Kaalaman

Josue 8:34-35

At pagkatapos ay kaniyang binasa ang lahat ng mga salita ng

kautusan, ang pagpapala at ang sumpa, ayon sa lahat na nakasulat
sa aklat ng kautusan. Walang salita sa lahat na iniutos ni Moises na
hindi binasa ni Josue sa harap ng buong kapulungan ng Israel at ng
mga babae, at ng mga bata, at ng mga taga ibang lupa na
nakikipamayan sa kanila.

You might also like