You are on page 1of 6

SY 2022– 2023

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK) 12

I. Pagpipili: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at pindutin ang titik ng
tamang sagot. (15 puntos)

1.  Ito ay isang maikling paglalarawan ng manunulat gamit ang ikatlong panauhan na madalas
ay inilalakip sa kaniyang mga naisulat.
A. Bionote
B. Buod
C. Di-akademiko
D. Talumpati
2. Katala rito ang mahahalagang diskusiyon o desisyon at ibinabatay sa agendang unang
inihanda ng tagapangulo ng lupon.
A. Agenda
B. Bionote
C. Katitikan ng Pulong
D. Memorandum
3. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman sa paraang
nakalimbag.
A. Agenda
B. Katitikan ng Pulong
C. Panukalang Proyekto
D. Talumpati
4. Ito ay ginagamit sa pagsasagawa ng plano para sa isang establisimyento at magsisilbing
gabay sa paggawa ng proyekto.
A. Agenda
B. Katitikan ng Pulong
C. Memorandum
D. Panukalang Proyekto
5. Ito ay isang buod na kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado.
A. Agenda
B. Paglalarawan
C. Panukalang Proyekto
D. Talumpati
6. Ito ay nakabatay sa isang tiyak na disiplina o larangan na masasabing interdisiplinari o
multidisiplinari mula sa disiplinang siyentipiko, pilosopikal, agham, humanistiko at iba pa.
A. Akademik
B. Drafting
C. Iskolarli
D. Pinal na Pagbasa
7. Ito ay maaaring gawin ng kalihim o reporter sa korte.
A. Bionote
B. Katitikan ng Pulong
C. Narrative Report
D. Sintesis
8. Sa akademikong sulatin, ito ay kinakailangang maging obhetibo ang balangkas ng orihinal
na teksto at hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye o impormasyong wala sa orihinal
na teksto.
A. Agenda
B. Bionote
C. Buod
D. Talumpati
9. Sinasabing dapat ay impormatibong talata na siyang nagpapaalam sa mambabasa o
makikinig sa kung sino ang taong paksa nito o ano-ano ang nagawa ng paksa bilang
propesyunal. Inilalahad din dito ang iba pang impormasyon tungkol sa paksa na may
kaugnayan sa tatalakaying sitwasyon.
A. Agenda
B. Bionote
C. Buod
D. Talumpati
10. Sa mga usaping pananaliksik, ito ay isang maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pag-
aaral. Nilalaman nito ang maikling panimula, layunin, metodolohiya, kinalabasan at
konklusyon. Kalimitang hindi lalagpas sa 300 na mga salita.
A. Abstrak
B. Bionote
C. Buod
D. Talumpati
11. Ang katangian ng isang akademikong sulatin na naglalaman ng makabuluhang
impormasyon na dapat mabatid at mapakinabangan ng mga mamamayan.
A. Makabayan
B. Maka-Diyos
C. Makakalikasan
D. Makatao
12. Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng pulong.
Kailangang pairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat at linaw ng ___?
A. Layunin
B. Mata
C. Pag-iisip
D. Pagsulat
13. Ito ang kailangan para mabigyan ng hudyat ang opisyal na pagsisimula ng proyekto.
A. Agenda
B. Aprubal
C. Memorandum
D. Signal
14. Lahat ay mga katangian ng isang akdemikong sulatin liban sa isa.
A. May katangiag subhetibo
B. May paggalang sa pananaw
C. May pantay na paglalahad ng ideya
D. May malinaw na paglalahad na katotohanan
15. Ito ang unang isinasagawa sa pagsulat ng isang sintesis.
A. Pumili ng paksa sa talaan na pinagsama-sama.
B. Bigyang-pansin ang mga ideya at hindi ang mga manunulat ng mga ideya
C. Basahin nang mabuti ang bawat sanggunian at gawan ng paglalagom ng mga
pangunahing ideya.
D. Lagumin ang mga pangunahing tesis at mga binabalangkas na tanong na mananatiling
bukas o isyu na maaari pang saliksikin.
II.Kilalanin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang P kung Pormal at D kung di-pormal
ang naibigay na pahayag ay naaayon sa pagpapatibay ng natamong kasanayan sa
pagsusulat. (5 puntos )

1. Matataas ang nakuhang greyd ni Mark sa Araling Panlipunan. 1. ________


2. Binabati kita, para sa iyong bagong proyekto na napakakomprehensibo! 2. ________
3. Ang modernong pampasaherong jeep ay gaya ng isang 3. ________
pampasaherong bus.
4. Ang mga taong bayan ay kontra sa pagpapabakuna. 4. ________
5. Si Bb. Marjorie ay isang mabait at masipag na titser sa kanyang 5. ________
mga estudyante.

Batayang Sagot:
1. Matataas ang mga nakuhana marka ni Mark sa Araling Panlipunan.DP
2. P
3. P
4. Ang mga taong bayan ay tutol sa pagbabakuna.DP
5. Si Bb. Marjorie ay isang mabait at masipag na guro sa kanyang mga estudyante.DP

III. Siyasatin ang mga impormasyon ng mga uri ng sulating na nasa ibaba nang matugunan
ang kahulugan, kalikasan at katangian ng iba’t ibang sulating akademiko. Gamitin ang
mga paghayag na ibinigay nang mabuo ang diwa nito. (15 puntos)

Pamantayan para sa Akademikong Pagsulat:

Pamantayan sa Pagmamarka:

5- Napakahusay 3- Katamtaman 1- Sadyang Di-Mahusay


4- Mahusay 2- Di-gaanong Mahusay

1. Napiling kinatawan ang inyong pangkat na magpromote ng inyong paaralan. Upang mahikayat
ang maraming kabataan na magpatala ngayong pasukan, ikaw ay gagamit
ng_________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
________________________________________________________________.

Batayang Sagot:

Napiling kinatawan ang inyong pangkat na magpromote sa inyong paaralan at sa ibang mga
paaralan. Nais mong mahikayat ang maraming kabataan na pumasok sa inyong paaralan, ikaw
ay gagamit ng isang mapang-akit na brochure na naglalaman ng kung ano ang mayroon sa
inyong paaralan. Sa pagbubuo rin ng mga perswesib na sanaysay o patalastas, nahihimok ito sa
bawat isa na makiisa ng magpatala.

2. Napulot mo sa inyong paaralan ang isang bagong steam distillation report para sa
asignaturang Chemistry na alam mong mahirap gawin kaya naman nais mong maisauli ito sa
may-ari ang report. Kung kaya’t nais mong ipasa ____________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________ .

Batayang Sagot:

Napulot mo sa inyong paaralan ang isang bagong steam distillation report para sa asignaturang
Chemistry na alam mong mahirap gawin kaya naman nais mong maisauli sa may-ari ang report.
Kung kaya’t na isip mo na sa pagsasauli ng ganitong ulat may Malaki kang maitutulong sa
nagmamay-ari. Natutulungan mo rin siyang gawing mapagaan ang kanyang pakiramdam sa
iyong katapatan sa pagbalik nito sa kanya. Maisakatuparan pa niya ang ninanais niyang matamo
sa ulat na iyon. Natutulungan mo rin siyang makapagbahagi sa iba at makabenipisyo rin ang iba
sa iyong ginawa.

3. Nais mong malaman ang kalagayan ng iyong kaibigan kung bakit madalas siyang lumiban
gayung isa siya sa mahuhusay sa akademiko sa inyong klase. Hindi naman siya nagsasabi
kapag tinatanong mo. Labag man sa iyong kalooban ay magsasagawa ka
ng_________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Batayang Sagot:

Nais mong malaman ang kalagayan ng iyong kaibigan kung bakit madalas siyang lumiban
gayung isa siya sa mahuhusay sa akademiko sa inyong klase. Hindi naman siya nagsasabi
kapag tinatanong mo. Labag man sa iyong kalooban ay magsasagawa ka ng pagpasiya upang
malaman ko ang buong katotohanan nang matulungan ko siyang mahikayat na mag-aral at
pahalagahan ang kanyang pag-aaral. Tutulungan ko rin siya sa napag-iwanan niyang mga
asignatura. Gagawin kong kakaiba ang pananaw niya sa buhay nang matapos niya ang
ninanais na pangarap.

IV. A. Suriin kung paano mo gagawan ng malikhaing sanaysay ang larawang ibinigay na nasa
ibaba ayon sa pagkasunud-sunod nais istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin. (15 puntos)

Pamantayan para sa Isang Akademikong Pagsulat (Larawang Pasanaysay):

Mga sangkap at nilalaman na namumuo sa isang pagsusulat 3


Anyo ng pagkakasulat ang pormat at teknik 2
Kabuuan 5

1.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Batayang Sagot:

Araw ng mga Tatay, sila ay napaka-importanteng tao para sa ating mga anak dahil sila ang
tinaguriang haligi ng tahanan. Kung gayon, mahalin at pahalagahan natin ang ating mga tatay.

2.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Batayang Sagot:

Ang social distancing ay isang paraan para maiwasan ang social interaction sa iba. Mahalagang
tandaan na ang tao ay maaaring hindi nais na ganap na ihiwalay, lalo na sa mga taong kilala at
mahal nila. Maaaring mangyari ang social distancing sa maraming dahilan, ang ilan sa mga ito
ay kinabibilangan ng: pisikal na karamdaman, sakit sa isip, kalungkutan o depresyon.

3.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Batayang Sagot:

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong


coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi
malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa
mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na
maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.
- Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay
- Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
- Takpan ang iyong ubo at bahing
- Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo

V. Bumuo ng makabuluhang sanaysay gamit ang mga batayang tanong na nasa ibaba. (10
puntos)

Pamantayan para sa Akademikong Pagsulat:

Mga Sangkap 2
Anyo/Nilalaman 3
Kabuuan 5

1. Paano mo napagpapatibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng isang replektibong


sanaysay batay sa iyong naging karanasan bilang mag-aaral? (5 puntos)

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Batayang Sagot: Bilang isang mag-aaral ng Senior High, makatutulong ang replektibong
sanaysay sa pagpapaunlad ng ating kaalaman at kasanayan dahil dito masusukat kung gaano
kalawak ang ating naunawaan at natutunan sa paksang tinatalakay at masusukat nito ang
iyong kaalaman sa iyong paligid sapagkat ang mga paksa sa mga asignatura ang siyang
nakakapagpalawak ng ating isipan at nagpapabago ng pananaw bilang isang indibidwal na
nakatutulong upang mapaganda natin ang ating kinabukasan.

2. Ikaw ay naatasan na bumuo ng isang makabuluhang talumpati na tutugon sa ilang suliraning


panlipunan mayroon tayo, paano mo gagamitin ang kasanayan sa pagsulat ng mga ganitong
akademikong sulatin? (5 puntos)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Batayang Sagot:
Isang magandang bati sa lahat!
Iba't ibang isyu ang kinakaharap ng ating lipunan kung kaya't kaming mga kabataan ay dapat
na may sapat na kaalaman tungkol dito upang hindi na madagdagan ang mga isyung ito.
Sa lahat ng isyung kinakaharap ng ating bansa isa rito'y nakaagaw ng aking pansin, ang
kahirapan.
Kahirapan ang kadalasang napag-uusapang isyu ng lipunan. Dahil sa isyung ito, maraming tao
ang naapektuhan at nakagagawa ng kasalan, kumakapit sa patalim kumbaga.
Maraming kabataan ang walang natutunan dahil hindi nakakapag-aral bunsod ng kahirapan at
walang perang panggastos ang kanilang mga sa pag-aaral.
Sa halip, ang mga kabataang ito'y natututong magtrabaho kahit wala pa sa tamang edad,
natututong magnakaw, gumamit ng droga, namamalimos sa lansangan, magsugal at iba pang
hindi kaaya-ayang gawain.

Ang edukasyon ay isang kayaman na hindi kailan man mananakaw sa atin kaya atin itong
pahalagahan dahil ito'y susi ng ating kinabukasan upang makamit natin ang tagumpay. Dapat
tayo ay determinado, may tiwala sa sarili sa bawat gagawin at manalig at hihingi ng gabay sa
Panginoon.

You might also like