You are on page 1of 3

ALEGRIA STAND ALONE SENIOR HIGH SCHOOL

Alegria, Surigao del Norte


Diagnostic Test
FILIPINO (Filipino sa Piling Larang Akademik)
Summative Assessment (Modules 4 & 5 )
Taong Panuruan: 2020 - 2021
Pangalan:________________________Guro: Gng. Ramily P. Mazo Petsa:______Strand:__________Iskor:_______
I . MARAMIHANG PAGPIPILIAN.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot isulat ito bago ang bilang. Mahigpit na ipinagbabawal ang PAGBUBURA
AT MGA PAGBABAGO SA SAGOT. Isulat sa papel ang inyong mga sagot.
_____ 1. Itoý isang kasulatang nagbibigay alam tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon, gawain, tungkulin o utos.
A. Memorandum B. Adyenda C. Katitikan ng Pulong D. Liham
_____ 2. Ang isang maayos at malinaw na memo ay dapat magtataglay ng:
A. Letterhead at pangalan ng tao o grupong pinag-uukolan C. Paksa, mensahe at may lagda
B. Panglan ng nagpadala ng memo at may petsa D. Lahat sa nabanggit
_____ 3. Ang memorandum ay palaging maikli lamang.
A. Tama B. Mali C. Hindi masasabi
_____ 4. Ito ay isang gabay o layunin ng isang pagpaplano na dapat ay matupad ng bawat myembro ng grupo.
A. Memorandum B. Adyenda C. Katitikan ng Pulong D. Liham
_____ 5. Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong
A. Memorandum B. Adyenda C. Katitikan ng Pulong D. Liham
_____ 6. Anong anyo ng pagsulat na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang
manunulat
hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari?
A. Paglalahad B. Pagsasalaysay C. Paglalarawan D. Pangangatwiran
_____7. Anong anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat
sa isang isyung nakahain sa manunulat?
A. Pangangatwiran C. Pagsasalaysay B. Paglalarawan D. Paglalahad
_____8. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran?
A. Dapat wakasan ang korapsyon sa bansa. C. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa.
B. Mahalagang tapusin ang korapsyon para umunlad ang bansa D. Lahat ng nabanggit
_____9. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang makikita sa katawang bahagi ng katitikan ng pulong?
A. Mga Dumalo C. Ikatlong Agenda
B. Oras ng Pagsisimula ng pulong D. Lugar pulong
____10. Anong anyo ng pagsulat na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang
manunulat
hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari?
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran
____11. Anong anyo ng pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktwal na
naganap?
A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran
____12. Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay?
A. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel. C. Ginagamit sa pagkukuwento ng pangyayari.
B. Gamitin bilang ebidensya sa argumento. D. Lahat ng nabanggit
____13. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?
A. Ang talumpati ay isinulat para bigkasin habang ang posisyong papel ay isinulat upang basahin lamang.
B. Gumagamit ng pagsasalaysay ang talumpati habang ang posisyong papel naman ay gumagamit ng
pangangatwiran.
C. Ang talumpati ay dapat mahikayat habang ang posisyong papel maglarawan ng isang particular na isyu.
D. Walang pagkakaiba
____ 14. Ano ang pangungunahing argumento sa nasabing pahayag? Batay sa Posisyong Papel ng Kagawaran ng
Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersida, “Sa halip na
alisin,
hindi ba’t nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa
pamamagitan
ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.”
A. pagkilala ng sariling wika C. Pagtakwil sa dayuhang wika
B. Intelektuwalisasyon ng wika D. Pagtangkilik sa mga dayuhang wika
_____ 15. Alin sa sumsusunod ang maaring gamiting matibay na ebidensya para argumento?
A. Narinig na kwento B. Balitang napanood C. Sariling karanasan D. Gawa-gawa lamang
_____16. Ito ay nakaayos ayon sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
A. Larawan B. Pamagat C. Pagpapaliwanag D. Tao

_____17. Koleksiyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkakasunod sunod upang ipahayaga ang mga
pangyayari, mga damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.
A. Lakbay-sanaysay B. Replektibong Sanaysay C. Photo Essay D. Sanaysay
_____18. Mahalagang ang gumagawa ng Photo Essay ay may kakayahan at kaalaman din sa dalawang larngan ng:
A. Topograpiya B. Wika C. Sining D. A at B
_____19. Alin sa mga sumusunod ang mga sangkap ng Photo Essay?
A. Paksa B. Larawan C. Teksto D. B at C
_____20. I. Ang photo essay ay nagpapahayag ng damdamin sa serye ng larawan.
II.Ang mga larawan ay pangunahing nagkukuwento samantalang ang teksto ay suporta lamang.
A. Unang pangungusap ay tama, samantala ang ikalawang pangungusap ay mali.
B. Ang dalawang mga pangungusap ay parehong tama.
C. Ang unang pangungusap ay mali, samantala ang ikalawang pangungusap ay tama.
D. Ang dalawang pangungusap ay parehong mali.
_____21. I. Sa photo essay, gumagamit lamang ng salita kung may mga detalyeng mahirap ipahayag.
II. Inaayos ang larawan ayon sa kronolohikal na pagkakasunod lamang.
A. Unang pangungusap ay tama, samantala ang ikalawang pangungusap ay mali.
B. Ang dalawang mga pangungusap ay parehong tama.
C. Ang unang pangungusap ay mali, samantala ang ikalawang pangungusap ay tama.
D. Ang dalawang pangungusap ay parehong mali.
_____22. I. Kadalasan ay naaayos ayon sa pagpagkakaugnay ng larawan.
II. Ang mahalaga ay malinaw ang phayag sa unang tingin pa lamang.
A. Unang pangungusap ay tama, samantala ang ikalawang pangungusap ay mali.
B. Ang dalawang mga pangungusap ay parehong tama.
C. Ang unang pangungusap ay mali, samantala ang ikalawang pangungusap ay tama.
D. Ang dalawang pangungusap ay parehong mali.
_____23. Unang dapat tandaan sa paggawa ng photo essay
A. Siguraduhing pamilyar ka sa paksa. C. Depende ang haba ng teksto sa paglalarawan
B. Kailangan may kaisahan ang mga larawan D.Alamin kung magiging interesado sa paksa ang mambabasa.
_____24. Ikaapat na dapat tandaan sa paggawa ng photo essay
A. Siguraduhing pamilyar ka sa paksa. C. Malinaw ang patutunguhan ng Photo Essay
B. Kailangan may kaisahan ang mga larawan D.Alamin kung magiging interesado sa paksa ang mambabasa.
_____25. Ikalawang dapat tandaan sa paggawa ng photo essay
A. Siguraduhing pamilyar ka sa paksa. C. Depende ang haba ng teksto sa paglalarawan
B. Kailangan may kaisahan ang mga larawan D. Alamin kung magiging interesado sa paksa ang mambabasa.
_____26. Ikalimang dapat tandaan sa paggawa ng photo essay
A. Siguraduhing pamilyar ka sa paksa. C. Malinaw ang patutunguhan ng Photo Essay
B. Kailangan may kaisahan ang mga larawan D. Idepende ang haba ng teksto sa paglalarawan
_____27. Kalian nagiging makabuluhan ang paggawa ng isang larawang sanaysay?
A. Kung ito’y nagbibigay-aliw
B. Kung maganda ang kuha ng larawan
C. Kapag maganda ang pagkagawa.
D. Nagiging makabuluhan ang paggawa ng isa photo essay kung ito ay naibabahagi sa mga mambabasa at
napagkukunan ng kaalaman.
_____ 28. Bakit may mga larawan ipinopost sa facebook na walang “caption”?
A. Walang maisip.
B. Minsan ay tintamad mag lagay.
C. Para may pagkakataon ang mga makakikita na mag-isip.
D. Dahil makikita sa larawan ang kabuuan ng kuwento saka lamang nilalagyan teksto kung may mahirap
ipaliwang.
_____29. Kadalasan din na walang teksto ito at purong ___________ lamang ang gingamit upang makapagbibigay ng
kahulugan sa isang paksa.
A. Larawan B. Pagpapaliwanag C. Pamagat D. Tao
_____ 30. Ano silbi ng pagkuha ng larawan?
A. Upang ilagay sa album.
B. Upang may maipagmayabang sa mga kaibigan.
C. Upang maghatid ng aral at kuwento sa mga makakakita.
D. Upang hindi makalimutan ang mga nakatatawang pangyayari.

You might also like