You are on page 1of 76

KAHULUGAN AT

KATANGIAN NG
PAGSULAT/MALIKHAING
PAGSULAT
Layunin
•Natutukoy ang pagkakaiba
ng makathaing/malikhaing
pagsulat sa iba pang anyo
ng pagsulat.
•Naibibigay ang kahulugan
at kahalagahan ng
pagsulat o ng
makathaing /malikhaing
pagsulat.
•Nakagagawa/
nakakasulat ng
isang tula
Talasalitaan

•Pagsulat - Pagsasalin
sa papel ng nabuong salita,
simbolo, at ilustrasyon ng isang
tao sa layuning maipahayag ang
kanyang kaisipan
•Reperensiyal na Pagsulat –
naglalayong
magrekomenda ng iba
pang saggunian hinggil sa
isa pang paksa
•Teknikal na Pagsulat-
tekstong ekspositori na
nagbibigay ng
impormasyon para sa
komersyal o teknikal na
layunin
•Akademikong Pagsulat
– intelektwal na pagsulat
dahil layunin nitong
pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng
estudyante
•Dyornalistik na Pagsulat
–Pampahayagan ang uring ito
ng pagsulat na kadalasang
ginagawa ng mga mamahayag
o journalist
•Makathaing/Malikhaing Pagsulat –
masining na uri ng pagsulat
- ang tuon ay ang imahinasyon ng
manunulat
- layunin nitong paganahin ang imahinasyon
ng manunulat
-pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa
Panimulang Gawain
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na
makapagsulat ng tula, maikling kwento,
nobela, o dula batay sa mga temang nasa
sunod na slide, ano ang posibleng
pamagat ng iyong sulatin? Isulat ang iyong
naisip na pamagat sa loob ng kahon at
sagutan din ang mga karagdagang
katanungan. .
A . Pag-ibig
B. Pamilya
C. Kaligayahan
•Ano-ano ang
pinagbatayan mo upang
mabuo ang mga
pamagat na ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________________
•Ano sa tingin mo ang nag-
uudyok sa isang tao upang
makapagsulat ng isang
makabuluhan na sulatin?
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
•Sa iyong sariling opinyon, bakit
mahalaga sa tao ang mahubog
ang kasanayan sa pagsulat at
ano-ano ang kahalagahan nito sa
ating lipunan?
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
Mga Gawain sa Pagkatuto
PANUTO:

Basahin nang maiigi ang


katanungan at isulat sa patlang
ang titik ng iyong wastong
sagot.
____1. Ito ay isang kasanayang
naglulundo ng kaisipan at damdaming
nais ipahayag ng tao gamit ang
pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe, ang wika.
a.Pagbasa c. Pagsulat
b. Pagsulat d. Pakikinig
____2. Ang sulatin na ito ay may
kaugnayan sa pamamahayag.
Madalas nasusulat sa mga
pahayagan tulad ng broadsheet at
tabloid.

a. Akademiko c. Malikhaing Pagsulat


b. Dyornalistik d. Propesyunal
3. Ang mga sumusunod ay
_____

halimbawa ng Makathaing
/Malikhaing Pagsulat, MALIBAN sa,

a. Dula c. Tesis
b. Maikling Kwento d. Tula
___4. Ito ang anyo ng pagsulat na
pormal at obhetibo. Iniiwasan dito
ang paggamit ng kolokyal na mga
salita at ekspresyon sa ganitong uri
ng sulatin.
a. Akademiko c. Referensyal
b. Propesyunal d. Teknikal
Ang
______5. mahalagang
katangian ng Malikhaing
pagsulat ay ang pagiging
matalinghaga nito.

a. Tama b. Mali
Mga Uri ng Pagsulat
Reperensiyal na Pagsulat –
magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa
isang paksa
Hal:

Bibliography Manwal
Balita Teksbuk
Teknikal na Pgsulat
•Tekstong ekspositori
•Nagbibigay impormasyon para sa
komersyal o teknikal na layunin
Hal:
Feasibility study
Liham pangnegosyo atbp.
Dyornalistik na Pagsulat
•Pagsulat ng balita
•Pampahayagan ang uring ito ng pagsulat
•Ginagawa ng mga mamahayag o journalist
•Saklaw nito ang pagsulat ng
Balita Editoryal Kolum
Lathalain
at iba pang akda na mababasa sa pahayagn at magazine
Akademikong Pagsulat
•Intelektwal na pagsulat
•Layunin nitong pataasin ang antas
at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante
Hal:
• Panahunang papel * tesis
• disertasyon
Makathaing/Malikhaing Pagsulat
• Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o
literatura
• Ang tuon ay ang imahinasyon ng manunulat
Layunin
• Paganahin ang imahinasyon ng manunulat
• Pukawin ang damdamin ng mambabasa

• Hal:
Tula Dula Nobela
Maikling kwento
Sanaysay
Katangian ng Malikhaing Pagsulat
•Pagiging matalinhaga nito
•sulatin na nagdudulot ng
kakaibang aliw at malalim
na pag-unawa ng
mambabasa
•may panibagong anyo
na nagbibigay ng ibang
lebel ng paglalahad at
paglalarawan ng
kanyang isinulat na akda
•hindi direktahang
pagtala ng iyong naiisip,
nararansan,
nararamdaman, opinyon
at perspektibo
•ginagamitan ito ng tayutay
upang magkaroon ng
magandang paglalarawan,
epektibong paghahatid ng
impormasyon at malawak na
paggamit ng imahinasyon.
•magpahayag lamang ng
kathang-isip/imahinasyon,
ideya, damdamin o
kumbinasyon ng mga ito
Kahalagahan
•Mahalaga ang paggamit ng
imahen upang mabigyan ng
punto ang mahalagang
nilalaman ng akda
•kinakailangan din dito ang
paggamit ng lahat ng
pandama sa paglalarawan
at pagpapabatid ng
damdamin
Pagsasanay 1

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Batay sa nabasa at naunawaan


patungkol sa PAGSULAT, sa iyong sariling
salita, ano ang Pagsulat? At paano mo
mahuhubog ang kasanayang ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________________
2. Ilahad ang kahalagahan sa’yo ng
pagsulat batay sa mga sumusunod:

A.Mag-aaral
B.Mamamayan
C.Propesyunal
Pagsasanay 2
Panuto:

• Sa iyong sariling pagkakaunawa, ibigay ang


pagkakaiba-iba ng kahulugan at gamit ng uri ng
sulatin. Ilahad ito sa mga bilog sa ibaba.
Pagsasanay 3
Iba’t ibang isyu.
• patuloy na paghihirap ng mga Pilipino
• gutom na dinaranas nila araw-araw
• pagkawala ng trabaho
• Krimen
• epekto sa mentalidad ng mga Pilipino
• patuloy na pagtaas ng kaso ng CoVid-19 sa
Pilipinas.
•Batay sa mga isyu na ito dulot
ng krisis na ito, gumawa ng
isang tula patungkol sa
CoVid-19. Isulat sa isang
buong papel at gawing
batayan sa pagsulat ang
kraytirya sa sunod na slide.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG TULA

KRAYTIRYA PUNTOS ISKOR MULA SA GURO

Ang tula ay may tugma 5

Ang tula ay may sukat 5


Ang tula ay binubuo ng 5
tatlong saknong

Makabuluhan ang nilalaman ng tula 10

Kabuuan 30
BASAHIN NATIN
MUSIKA: AKA
ni Ma. Arianne Miro-Tirao

Mata’y ipikit, damhing mundo’y tahimik


Walang tono’t himig na nanunumbalik
Kundi alingawngaw ng kawalang hilik –
Sa maagos na bukal ng sinta’t halik
Mundo’y biniyayaan ng Maykapal
Ng tinig at musikang s’yang minamahal
Ng bawat taong damdami’y bumubungkal
Saya o lungkot man ang kinakalakal
Noo’y musika ay gamit sa araro
Ngayoy maririnig sa artista’t konsyerto
Musika ba’y nabubuo’y nababago
O musika’y nananatili sa pulo
Noo’y rumba, boogie, chacha, pantumina
Ngayoy rakista, presko, senswal-musika
Ito ba ang kontemporaryong AKA –
Ng sining at talentong yamang klasika
Minsan ay nakaluluwang ng hininga
Ang lalim na kanta at himig ni lola
Paglapat ng tono’y kanyang damang-dama
Kasabay ng pagkulot at lambing sinta
Musika ng kahapon kay sarap damhin
Musika ngayon ay masarap na lihim
Tulad ni Lola at Lolong tumitingin –
Sa magkasintahang nag-aagaw – tingin
Panapos na Pagsubok
PANUTO
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1.Isulat sa loob ng kahon ang mga bago


o hindi pamilyar na salita na nabasa mo
mula sa tula at alamin ang kahulugan ng
salitang ito batay sa gamit nito sa loob
ng binasang akda.
MGA BAGONG SALITA PARA SA AKIN

1.
2.

5.

KAHULUGAN BATAY SA GAMIT NITO SA AKDA


1.
2.

5.
2. Ano ang paksa ng tula?
___________________________
3. Ano sa tingin mo ang nag-udyok sa
may-akda upang maisulat ang tulang
ito?
___________________________________
_____________________
4. Sa binasang tula, ilarawan ang
pagkakaiba ng musika noon at sa
ngayon? Kung ikaw ay papipiliin,
ano ang mas gusto mo? Bakit?
______________________________
______________________________
______________________________
Karagdagang Gawain
• PANUTO

Tukuyin kung anong uri ng sulatin


ang mga nakapaloob sa kahon.
Isulat sa hanay kung saan ito
nabibilang.
Maikling kuwento Feasibility Study
Lathalain Balita
Liham pangnegosyo Tula
Panahunang papel Manwal
Teksbuk Tesis
Sanaysay Editoryal
Nobela Disertasyon
Magasin
Bibliyograpiya
MGA URI NG SULATIN

•Reperensiyal
a.b.c.
•Teknikal
a.b.c.
•Dyornalistik
a.b.c.
•Akademiko
a. b. c.
•Malikhain
a.b.c.
SALAMAT!!!

You might also like