Professional Documents
Culture Documents
Paseo del Carmen St., AMLAC Ville Subdivision, Payatas B, Quezon City
SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIAL
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Baitang 11
Petsa: Abril 05-09, 2021
Kasanayang Pampagkatuto
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko. (CS_FA11/12EP0a-c-39)
Layunin:
Nauunawaan ang etika at responsibilidad sa pagsulat bilang mga mahahalagang
pamantayan sa akademikong pagsulat.
Nakapagtatala ng mga pamamaraan ng indibidwal sa paghahanda ng mga sulatin.
Napapahalagahan ang etika at responsibildad sa pananaliksik.
Subukin
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa papel ang titik ng
tamang sagot.
1. Isa sa maituturing na malaking kasalanan sa anumang anyo ng sulatin ay ang
pangongopya at walang pormal na pagkilala sa tunay na awtor ng mga konseptong
iyong kinuha. Dahil dito, maaari kang patawan ng parusang:
A. Libelo C. Forgery
B. Slander D. Plagiarism
2. Para maiwasan ang anumang uri ng kasalanan sa hindi pagkilala sa tunay na awtor o
may ideya sa orihinal na konsepto, alin sa mga anyo ng sulatin ang dapat na isaalang-
alang?
A. Teknikal na Pagsulat C. Propesyunal na Pagsulat
B. Malikhaing Pagsulat D. Reperensiyal na Pagsulat
3. Kung nais gamitin ang mga direktang pahayag o mismong mga pangungusap (verbatim)
ng hanguang detalye, nararapat lamang na:
A. Isama ang wator at petsa ng sulatin.
B. Lagyan lamang ng panipi ang siping pahayag.
C. magkaltas ng ilang hindi mahalagang salita.
D. Sikaping baguhin ang mga salita sa orihinal na teksto.
4. Hindi mo sinusukuan ang paghahanap ng mahahalagang impormasyon para lamang
maibilang mo ito sa iyong akademikong pagsulat. Taglay mo ang katangiang:
A. Kritikal C. Matiyaga
B. Matapat D. Sistematiko
5. Walang paglalangkap ng anumang damdamin sa iyong isinusulat, may pagtitimbang o
walang biased, at obhetibo sa lahat ng pagkakataon. Taglay mo ang katangiang:
A. Kritikal C. Matiyaga
B. Matapat D. Sistematiko
Balikan
Panuto: Magtala sa kuwaderno ng mga pamamaraan ng isang indibidwal sa paghahanda
niya ng kaniyang mga sulatin lalo pa’t nabibilang siya sa isang larang/disiplina (halimbawa:
reporter. Field researcher, awtor ng editorial, manunulat ng blog at iba pa.)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Alam mo ba?
d. Kritikal- Mainam na maging mapanuri ang mananaliksik kung ang nakuhang datos ba ay
napapanahon, may relevance o kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik, may kabuluhan
sa susunod pang mga mananaliksik, at higit sa lahat mapakikinabangan ng sinumang nag-
aaral ng partikular na larang;
Pagyamanin
Panuto: Muling balikan ang iyong nakalipas na mga pamamaraan sa pagkalap ng datos na sa
tingin mo ay dapat nang baguhin at palitan.
Rubrik sa Pagmamarka
20 15 10 5
Makatotohanan ang Kumpleto sa Bahagyang impormasyon Hindi nakasunod sa
makabuluhan ang pagpapaliwanag ang lamang ang inilahok sa hinihinging
pagtalakay naging pagtalakay. pagtalakay. impormasyon ang
talakay
Isagawa
Panuto: Isulat sa iyong papel kung ano ang iyong maipapayo sa iyong kamag-aral na
nagsasagawa ng pamantayan sa pananaliksik sa akademikong pagsulat?
Ilahad mo rin kung paano mo sila mahihikayat na maging responsible sa pagsulat ng
pananaliksik at iba pang mahahalagang dokumento?
Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan. Piliin at isulat sa
papel ang titik ng tamang sagot.
1. Regular na tinitiyak ng Komisyon sa Wikang Filipino ang mga wikang kailangang sagipin sa
iba’t ibang panig ng arkipelago. Kaya naman, nagsasagawa sila ng pananaliksik sa
pamamagitan ng personal na pagtungo sa mga lalawigan at liblib na pook upang kumustahin
ang native speaker ng partikular na wika. Taglay nila ang katangiang
A. maingat C. Matiyaga
B.matapat D. Sistematiko
2. Walang sinasayang na panahon si Sandra Aguinaldo, reporter ng GMA7 sa pagkalap ng
mga datos at impormasyon sa tiyak na panahon at pagkakataon. Alin sa mga sumusunod na
katangian ng mananaliksik ang ipinamalas ni Sandra Aguinaldo?
A. Maingat C. Matiyaga
B. Matapat D. Sistematiko
3. Sa tuwing magsasagawa ng live webinar si Prop. David San Juan ng De La Salle University,
lagi niyang binabanggit ang orihinal na mga awtor at manunulat ng isang partikular na
konsepto o ideya. Anong katangian ng mananaliksik ang taglay ni Prop. San Juan?
A. Maingat C. Matiyaga
B. Matapat D. Sistematiko
4. Upang hindi makasuhan ng plagiarism, laging isaalang-alang sa pagsipi ng mga tala
ang________________
A. hindi pagkopya ng tuwirang sabi sa lahat ng pagkakataon.
B. pangalan at petsa ng orihinal na awtor.
C. wastong pagbubuod/rephrasing ng mga tala.
D. lahat ng nabanggit
5. Ang sumusunod ay maituturing na mabuting etika sa pananaliksik at pagsulat ng mga
akademikong tala maliban sa______________.
A. bigyang-pansin ang datos sa halip na personal na pananaw.
B. magsumikap sa pagkalap ng datos gaano man ito kahirap.
C. kilalanin sa tuwina ang ideya ng mga orihinal na awtor.
D. sadyain ang mga kapapanayamin kahit na walang abiso.
Sanggunian
Corazon L. Santos, Gerard P. Concepcion, Ronel O, Laranjo. (2018). Filipino sa Piling Larang (Akademik).
Pasig City: Vicarish Publications and Trading, Inc.
FILIPINO 12_Q1_Mod3_Akademik.pdf