You are on page 1of 2

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan bago piliin ang tamang sagot.

Isulat ang tamang sagot sa patlang


bago ang numero. Iwasang magbura.

____1. Uri ng Akademikong sulatin na nasusulat at inihahayag sa harap ng madla at naglalayong magbigay-
impormasyon, manghikayat, tumugon at mangatwiran
A. Sanaysay C. Bionote
B. Talumpati D. Sintesis
_____2. Uri ng Akademikong sulatin nag nagbubuod ng isang maikling kwento base sa pagkakaintindi ng
Mambabasa
A. Sanaysay C. Sintesis
B. Talumpati D. Bionote
_____3. Uri ng Akademikong sulatin na naglalahad ng akademikong bakgrawnd ng isang tao
A. Sanaysay C. Sintesis
B. Talumpati D. Bionot
_____4. Kung ikaw ang magsusulat ukol sa akademikong bakgrawnd ng isang kilalang tao, nasa anong panauhan
dapat ito?
A. Una C. Ikatlo
B. Ikalawa D. Ika-apat
_____5. Ito ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri ng mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig
bigyang linaw, patunayan o pasubalian
A. Pananaliksik C. Pagsusuri
B. Pagsisiyasat D. Wala sa nabanggit
_____6. Ang mga sumusunod ay mga bagay na nagagawa ng Pananaliksik. Maliban sa isa
A. Magpalawak ng kaalaman C. Hinahasa ang mga mag-aaral na lumutas ng suliranin
B. Nagdudulot ng bagong karanasan D. Nagpopokus ang kaisipan sa iisang paksa
_____7. Katangian ng Pananaliksik na walang kinikilingan sa napiling paksa
A. Kritikal C. Dokumentado
B. Obhektibo D. Metodoloji
_____8. Paano nakakatulong ang pananaliksik sa isang mag-aaral?
A. Lumalawak ang kaalaman
B. Nabibigyan kasagutan ang mga bagay na hindi natin lubos na nauunawaan
C. Nagiging bukas ang kaisipan sa iba pang mga bagay
D. Lahat ng nabanggit
_____9. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin at responsibilidad ng mananaliksik na mag-aaral. Maliban sa isa
A. Matapat na tinutugunan ang mga gawain sa pananaliksik
B. May kinikilingan sa isang suliranin or napiling paksa
C. Maingat sa anumang pagkakamali at malayo sa kapabayaan
D. Bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya
_____10. Pag sunod-sunorin ang pamantayan sa pagsulat ng sintesis
I. Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang kaisipan ng talata
II. Gumamit ng sariling pananalita
III. Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito
IV. Isulat ang buod sa paraang madaling unawain
A. III, I, IV, II C. IV, I, III, II
B. I, II, III, IV D. II, IV, I, III
_____11. Ito ay isang sanaysay na naglalahad ng opinion hinggil sa isyu o paksa
A. Posisyong Papel C. Panukalang Proyekto
B. Larawang Sanaysay D. Talumpati
_____12. Ito ay isa sa mga uri ng Posisyong Papel sa pamahalaan ay nasa pagitan ng white paper at green paper
kung saan kinakatugan nila ang mga tiyak na opinyon at nagmumungkahi ng mga solusyon ngunit hindi
umaabot sa pagdedetalye ng planong kung paano ipapatupad nito.
A. Akademya C. Sa Pulitika
B. Sa Batas D. Sa Kongreso
_____13. Ito ay isa sa mga kahalagahan ng pagsusulat ng Posisyong Papel
A. Walang pinapanigan hinggil sa isang isyu
B. Naglalahad ng paninindigan hinggil sa isang problema o isyu
C. Nagbibigay katwiran sa kabilang panig
D. Ipinapaliwanag dito kung bakit tama ang kabilang panig
_____14. Paano masasabi na epektibo ang isang Posisyong Papel?
A. Nagkaroon ng argumento ang dalawang panig
B. Nakumbinsi ang iyong mambabasa
C. Pinapanindigan ang iyong opinion
D. Lahat ng nabanggit
_____15. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Akademikong Pagsulat?
A. Bionote C. Lagom
B. Talumpati D. Posisyong Papel
_____16. Paano masasabi na epektibo ang isang Talumpati?
A. Nahikayat ang mga tagapakinig
B. Maraming dumalo sa iyong talumpati
C. Kakaunti ang dumalo ngunit mga kilalang tao
D. Wala sa nabanggit
_____17. Uri ng sulatin na maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon.
Nakapaloob dito ang petsa at lugar ng gaganaping pagpupulong
A. Agenda C. Panukalang Proyekto
B. Memorandum D. Katitikan ng pagpulong
_____18. Sa sulating ito layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong na magaganap
para sa kaayusan ng at organisadong pagpupulong
A. Agenda C. Panukalang Proyekto
B. Memorandum D. Katitikan ng pagpulong
_____19. Ito ay isa sa mga kalikasan ng akademikong pagsulat na nagbibigay katuturan o konsepto sa termino
A. Enumerasyon C. Depinisyon
B. Order D. Sanhi at Bunga
_____20. Ito ay isa sa mga kalikasan ng akademikong pagsulat na naglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga
posibleng lunas sa mga ito
A. Enumerasyon C. Depinisyon
B. Order D. Problema at Solusyon

You might also like