You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
BAYAMBANG DISTRICT I
BAYAMBANG NATIONAL HIGH SCHOOL
MAGSAYSAY ST., BAYAMBANG, PANGASINAN

SUMMATIVE TEST
(Ikaapat na Kuwarter)
T.P. 2021-2022

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Pangalan: _______________________________________ Marka: _____________________


Baitang at Seksyon: _______________________________ Petsa: _____________________

l. Panuto:Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat katanungan.Titik lamang ang isulat sa patlang.
__1. Isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.
a.Sintesis b.Sensus c.Case Study d. Pananaliksik
__ 2. Ginagawa para sa sariling kasiyahan ng tao upang maunawaan ang gumugulo sa kanyang isipan.
a. Abstrak b.Case Study c.Pure Research d. Pananaliksik
__3. Detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.
a. Sintesis b.Sensus c. Case Study d. Abstrak
__4.Tumutukoy sa isang talatang nagbubuod ng kabuuan ng isang natapos na sap ag-aaral.
a. Pure Research b. Case Study c. Sensus d. Abstrak
__5.Kakayahang mapagsama-sama ang iba’t ibang bahagi para makabuo ng isang bagong anyo ng kaalaman.
a.Sintesis b.Case Study c.Sensus d.Pananaliksik
__6. Maaring maging batis ng datos ang iba’t ibang uri ng media ,pampublikong tala, biyograpiya, panitikan at katitikan
ng mga pulong.
a.Sarbey b.Dokumentaryong Pagsusuri
c. Pakikipanayam d.Obserbasyon
__7. Ang tagumpay ay batay sa husay ng sampling o pamimili ng representatibng isang tiyak na populasyon,
a. Obserbasyon b. Sarbey
c. Dokumentaryong Pagsusuri d. Pakikipanayam
__8. Naglalayong kumuha ng malalim at malawak na impormasyon mula sa isang taong may personal na
pagkakaunawa sa paksa.
a. Obserbasyon b. Sarbey
c. Pakikipanayam d. Dokumentaryong Pagsusuri
__ 9. Mahalaga rito ang husay sa pagbuo ng mga kasunod at kaugnay na tanong (Follow-up Question).
a. Dokumentaryong Pagsusuri b. Sarbey
c. Pakikipanayam d. Obserbasyon
__10. Pagmamasid sa kilos,pag-uugali at interaksyon ng mga kalahok sa isang likas na kapaligiran..
a. Obserbasyon b. Dokumentaryong Pagsusuri
c. Pakikipanayam d. Sarbey
__11. Disenyo at paraan ng Pananaliksik.
a. Panimula b. Konklusyon c. Tritment ng Datos d. Pagkilala
__12. Napakahalaga sa pananalisik ang tamang ___.
a. proseso at Sistema b. pangangalap ng impormasyon
c. pagtukoy sa mga tagatugon d. pagsasayos
__13. Ang self –plagiarism ay mas kilala sa tawag na ______________.
a. recycling fraud b. panluluko c. self –righteous d. pandarambong
__14. . Ang plagiarism ay mula sa salitang Latin na “plagiaries” na ang literal na ibig sabihin ay ______.
a. Iskolar b. Magnanakaw c. Kidnapper d. Snatcher
__ 15. Ang plagiarism ay mula sa salitang Latin na “plagiaries” na ang literal na ibig sabihin ay ______.
a. Iskolar b. Magnanakaw c. Kidnapper d. Snatcher
__ 16. Definisyon ng mga Terminolohiya.
a. Lokal at Dayuhan b. Konklusyon
c. Sarbey at Interview d. Konseptuwal at Operasyunal
__ 17.Ang Suliranin at Kaligiran.
a. Lagom b. Respondente
c. Saklaw at Limitasyon d. Sarbey
__ 18. Pasasalamat.
a. Fly leaf b. Kaugnay na Pag-aaral
c. Saklaw at Limitasyon d. Pagkilala
__ 19. Kabanata II.
a. Suliranin at Kaligiran nito b. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
c. Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura d. Saklaw at Limitasyon
__ 20. Nagbibigay inpormasyon sa mga mambabasa para malaman ang pinagkunan ng ideya sa sulatin.Nakikita ito sa
huling pahina ng sulatin
a. Pamagating Pahina b. Apendiks
c. Fly Leaf d. Sanggunian
__ 21. Isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtatalakay ng paksa ng pananaliksik.
a. Lokal at Dayuhan b. Introduksyon
c. Sarbey at Interview d. Konseptuwal at Operasyunal
__ 22. Ito ay nangangahulugang karakter.
a. Etika b. Konklusyon
c. Bibliograpiya d. Plagiarismo
__ 23. Ayon sa kanya ang pananaliksik ay isang maingat,kritikal, at disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t
ibang Teknik..
a. Good (1963) b. Aquino (1987)
c. Medel (1976) d. Manuel (1976)
__ 24. Ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel.
a. Dahong pagpapatibay b. Pasasalamat o Pagkilala
c. Talaan ng Nilalaman d. Pamagating Pahina
__ 25. Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral..
a. Kahalagahan ng Pag-aaral b. Pasasalamat o Pagkilala
c. Layunin ng Pag-aaral d. Saklaw at Limitasyon

ll: Panuto:Isulat ang T kung wasto ang ideya sa sumusunod na pahayag at M kung hindi.
_____26. Ang direktang sipi ay ang paghango ng mga ideya mula sa orihinal na teksto na ginagamitan ng panaklong.
_____27. Ang paksa ng pananaliksik ay dapat na napapanahon at nauugnay sa mga isyu sa kasalukuyan.
_____28. Ang piniling metodo ang magiging batayan ng disenyo ng gagawing pag-aaral.
_____29. Ang Plagiarism ay isang paraan ng pagnanakaw ng ideya ng iba o ang paggamit ng gawa ng iba.
_____30. Ang papaksang balangkas ay binubuo ng mahahalagang pangungusap na siyang kumakatawan sa
mahahalagang bahagi ng sulatin.
_____31. Ang Konseptong papel ang nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.
_____32. Sa Rasyunal makikita ang paraang ginagamit ng mananaliksik sa pangangalap ng datos at impormasyon.
_____33. Sa Pananaliksik hindi na mahalagang ilahad ang resulta ng pag-aaral kung di naman maganda ang kinalabasan .
_____34. Napakahalaga sa isang pananaliksik ang tamang proseso at sistema ng pangangalap ng mga datos.
_____35. Sa pagpili ng paksa mas mainam kung ang magulang ang pipili.

lll. Panuto: Basahin ang nakalahad sa bawat bilang.Tukuyin kung ang mga ito ay maikakategorya bilang A-Basic, B-Action,
C-Applied na pananaliksik.
36. Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila.
37. Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad.
38. Pananaw ng mga tao sa isang barangay ukol sa mga taong nagpapa-tattoo.
39. Pananaliksik kung paano nagaganap ang pambubulas sa isang paaralan.
40. Epekto sa pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga estudyante sa ika-11 baitang sa inyong paaralan.

lV. Pagsusulat: (10 Puntos) Basahin ang pahayag at mula rito ay gumawa ng Paraphras.
Kasaysayan,politika, at edukasyon. Narito ang tatlong puwersang kailangan nating pagtuunan ng pansin upang
maging epektibo ang ating pagbaklas sa imperyalismong Estados Unidos sa Pilipinas. Suriin natin ang kasalukuyang
kalagayan ng sambayanan ngayon sandaang taon na tayong pinagsasamantalahan ng imperyalismong E.U at mula sa
pagsusuring iyan, hanguin natin ang anumang sandatang epektibo nating magagamit upang kamtin ang ating pambansang
Kalayaan at demokrasya.

Inihanda nina:

SHEILA G. GUTIERREZ, SSMTII


IMELDA A. FAUSTO, SSMTI
ROSIELYN D. TRINIDAD, SSTII
CRISDAN G. VALLO, SSTII
CARLA GRACE DE LEON, SSTII
AIKO MEL C. DE GUZMAN, SSTII

Iniwasto ni:
LOTUS N. LIBAO
Subject Group Head, HUMSS

Binigyang-pansin: Pinagtibay ni:

ELVIRA P. BERDUL VIRGIL R. GOMEZ


OIC, Office of the ASP2 Principal IV

You might also like