You are on page 1of 3

Marcial B.

Villanueva National High School


San Francisco, Quezon
Maikling Pagsusulit
IKALAWANG Semester
PAGBASA AT PAGSUSURI TUNGO SA PANANALIKSIK
Baitang 12
Pangalan: Score:
Taon /Pangkat: Petsa:

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa patlang sa unahan bago ang bilang ang titik
na may tamang sagot.

_______ 1. Anong katangian ng tekstong impormatibo ang pagkuha ng makatotohanang datos o impormasyon mula sa
mapagkakatiwalaang batayan?
a. Obhetibo b. Subhetibo
_______ 2. Anong uri ng paglalarawan ang nakabatay sa mayamang imahinasyon ng manunulat at hindi sa katotohanan?
a. Obhetibo b. Subhetibo
_______ 3. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng elemento, ano ang tawag sa elemento kung
saan may maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto upang mabigyang linaw ang temang
taglay ng akda?
a. Tagpuan b. Banghay
_______ 4. Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng iba’t ibang pananaw, saan nabibilang ang
pagsasalaysay ng pangunahing tauhan sa mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig sa kuwento?
a. Unang Panauhan B. Ikalawang Panauhan
_______ 5. Anong uri ng tauhan ang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy?
a. Tauhang Bilog B. Tauhang Lapad
_______ 6. Anong katangian ng tekstong persuweysib ang nagpapakita ng personal na opinyon at paniniwala ng may
akda?
a. Obhetibo B. Subhetibo
_______ 7. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang pangungumbinsi batay sa datos o impormasyong nakalap.
a. Argumentatibo B. Persuweysib
_______ 8. Anong uri ng teksto ang may katangiang kagaya ng larawang ipininta kung saan kapag nakita ito ng iba ay
parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan?
_______ 9. Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang makatotohanang pagpapaliwanag sa mga paksang tulad ng
isports, kasaysayan, siyensiya, panahon, heograpiya, at iba pa.
a. Impormatibo B. Deskriptibo
_______ 10. Anong uri ng teksto ang maaaring maging subhetibo at obhetibong paglalarawan?
A. Naratibo B. Deskriptibo
_______ 11. Anong katangian ng teksto ang ipinapakita sa pahayag na “Siya ay balat-sibuyas”?
a. Obhetibo B. Subhetibo
_______ 12. Anong uri ng teksto ang may layuning patunayan ang isang pahayag sa pamamagitan ng matibay na
pangangatwiran batay sa lohika at katotohanan?
a. Argumentatibo B. Persuweysib
_______ 13. Ano ang isang halimbawa ng tekstong persuweysib?
a. Debate B. Patalastas
_______ 14. Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag na “Para akong sinukluban ng langit at lupa”?
a. Kalungkutan B. Kalituhan
_______ 15. Anong uri ng teksto ang may layuning magsalaysay o magkuwento?
A. Impormatibo B. Naratibo
_______ 16. Ito ay paraan ng pagpapahayag na may layuning magpalutang ng mga katangian ng isang tao, bagay, hayop,
o lugar.
a. tekstong deskriptib C. tekstong persweysib
b. tekstong impormatib D. tekstong prosidyural
_______ 17. May layunin itong magbigay ng impormasyon, magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa
iba’t ibang paksa.
a. tekstong deskriptib C. tekstong persweysib
b. tekstong impormatib D. tekstong prosidyural
_______ 18. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa
ang isang tiyak na bagay.
a. tekstong deskriptib C. tekstong persweysib
b. tekstong impormatib D. tekstong prosidyuraL
_______ 19. Kailangan ito dahil hindi mauunawaan ng bumabasa ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang
paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan nito sa pagsulat ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.
a. diin C. katiyakan
b. kalinawan D. kaugnayan
_______ 20. Ang ______________ ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa
pagpapaliwanag.
a. Diin C. katiyakan
b. kalinawan D. kaugnayan
_______ 21. May __________ ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang
pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.
a. diin C. katiyakan
b. kalinawan D. kaugnayan
_______ 22. Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang
maging mabisa ang pagpapahayag.
a. diin C. katiyakan
b. kalinawan D. kaugnayan
_______ 23. Higit na dapat bigyang-pansin ang _____________ sapagkat ito ang magpapasya kung ipagpapatuloy ng
bumabasa ang pagbasa sa isang sulatin. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng bumabasa.
a. katawan o pinakagitna c. simula
b. kongklusyon D. wakas
_______ 24. Sa bahaging ito natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng paglalahad. Dapat magkaroon ng
kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.
a. katawan o pinakagitna C. simula
b. Bkongklusyon D. wakas
_______ 25. Ito ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng bumabasa. Katulad ng simula, ito ay
maaaring isang parirala, isang pangungusap, o isang talata.
a. katawan o pinakagitna C. simula
b. kongklusyon D. wakas
_______ 26. Ginagamit ang pananaw na ito sapagkat marapat na may lubos na kaalaman ang mga mag-aaral sa paksa at
ito’y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang karanasan.
a. Pagbuo ng pangunahing larawan C. Pagpili ng sariling pananaw
b. Pagpili ng paksa D. Wastong pagpili ng sangkap
_______ 27. Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kaniyang inilalarawan.
a. Pagbuo ng pangunahing larawan C. Pagpili ng sariling pananaw
b. Pagpili ng paksa D. Wastong pagpili ng sangkap
_______ 28. Ito’y nangangailangan nang maingat at masusing pagmamasid. Ito ang unang kakintalan ng paksang
inilalarawan.
a. Pagbuo ng pangunahing larawan C. Pagpili ng sariling pananaw
b. Pagpili ng paksa D. Wastong pagpili ng sangkap
_______ 29. Dito ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng
inilalarawan. Hindi dapat isama ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan.
a. Pagbuo ng pangunahing larawan C. Pagpili ng sariling pananaw
b. Pagpili ng paksa D. Wastong pagpili ng mga sangkap
_______ 30. Ang pangunahing larawan ay dapat mapalitaw sa pamamagitan ng _____________________. Naiiba ang
paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang sunod-sunod ang pangyayari.
A. Maingat na pagsasaayos ng paksa
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng sangkap
1. A

2. B.

3. B.

4. A.

5. B.

6. B.

7. A.

8. B.

9. A.

10. B.

11. B.

12. A.

13. B.

14. A.

15. B

16. A

17. B

18. D

19. B

20. C

21. A

22. D

23. C

24. A

25. D

26. B

27. C

28. A

29. D

30. A

You might also like