You are on page 1of 3

Pahabang Pagsusulit

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Anong tula ang nagmula sa Japan na binubuo ng 31 na pantig?


A. Tanka B. Ambahan C. Haiku D. Tanaga

2. Anong tula naman ang may 17 pantig, karaniwang ginagamit na paksa ay kalikasan at pag-ibig?
A. Haiku B. Ambahan C. Tanka D. Tanaga

3. Anong uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino ang may layong linangin ang lalim ng pagpapahayag ng
kaisipan at masining na paggamit ng antas ng wika?
A. Haiku B. Ambahan C. Tanka D. Tanaga

4. Anong bansa sa Silangang Asya ang bihasa sa teknolohiya?


A. Japan B. Korea C. China D. Mongolia

5. Anong tawag sa kalipunan ng mga tula na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag
at inaawit ng nakararami?
A. Kana B. Manyoshu C. Kireji D. Kiru

6. Anong tawag sa ponemikong karakter na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan”?
A. Manyoshu B. Kireji C. Kana D. Kiru

7. Anong salita ang tinatawag na “cutting word” sa Ingles na matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala
ng bawat berso?
A. Kiru B. Kireji C. Manyoshu D. Kana

8. Ano ang hawig ng sesura ng ating panulaan na tinatawag ding “cutting” sa wikang Ingles?
A. Kana B. Manyoshu C. Kireji D. Kiru

9. Ano ang pinakamaliit na yunit ng tunog o salitang nagpapaiba ng kahulugan?


A. Ponema B. Morpema C. Pantig D. Salitang-ugat

10. Anong uri ng Ponemang Suprasegmental ang may lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng
isang pantig sa salita?
A. Antala B. Tono C. Diin D. Intonasyon

11. Isang uri pa rin ng ponemang suprasegmental na may pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla at makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin. Ano ito?
A. Antala B. Tono C. Diin D. Hinto

12. Ano namang uri ng Ponemang Suprasegmental ang may bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap?
A. Antala B. Tono C. Diin D. Intonasyon

13. Sino ang ama ng Sinaunang Pabula?


A. Basho B. Aesop C. Ki no Tomonari D. Nukada

14. Ginagamit sa kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.


A. Maikling kuwento B. Kuwentong bayan C. Alamat D. Pabula

15. Ito ay pamuno sa pandiwa o tinatawag ding malapandiwa.


A. Modal B. Aspekto C. Pawatas D. Pangatnig

16. Anong bansa sa Silangang Asya ang may matatag na hukbong militar?
A. Japan B. Korea C. China D. Mongolia

17. Ano ang pagkakakilanlan ng bansang Taiwan?


A. Bihasa sa teknolohiya C. May matatag na hukbong militar
B. Kinikilala ang karapatan ng mga kababaihan D. Sanay sa malayang pamumuhay
18. Ito ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat sa isang paksa.
A. Nobela B. Sanaysay C. Pabula D. Alamat

19. Alin sa mga elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito?


A. Direktor B. Aktor C. Manonood D. Iskrip

20. Alin ang hindi kabilang sa pangkat?


A. Iskrip B. Direktor C. Tanghalan D. Kariktan
21. Siya ang nagbibigay ng enterpretasyon sa iskrip ng dula, siya ay ang _______________.
A. Direktor B. Aktor C. Tanghalan D. Manonood

22. Anong uri ng elemento ng dula ang nagbibigay-buhay sa iskrip mula sa pagpapasiya sa kaayusan ng tagpuan,
kasuotan at sa paraan ng pagganap ng tauhan?
A. Direktor B. Iskrip C. Manonood D. Tanghalan

23. Anumang pook na pinagpapasyahang pagdausan ng isang dula ay tinatawag na_______________.


A. Direktor B. Iskrip C. Aktor D. Tanghalan

24. Ano ang kadalasang ipinakikita sa isang dula?


A. Kabayanihan ng mga tauhan C. Nagaganap sa buhay ng tao
B. Pinagmulan ng isang bagay D. Hayop ang pangunahing tauhan

25. Ano ang kohesiyong pgramatikal na nagpapatungkol?


A. Berbal at Panalungat C. Pangatnig na Pandagdag
B. Anapora at Katapora D. Pangatnig at Pananhi

26. Anong bantas ang ginagamit sa pagkuha ng diin ng isang salita?


A. Kuwit (,) B. Tutuldok o Kolon (:) C. Gitling (-) D. Patlang (_)

27. Maituturing ang isang kuwento na pabula kapag ____________________________________.


A. nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari
B. tinatalakay ang pinagmulan ng isang bagay, lugar at pangyayari
C. nagbibigay sa mga kabataan ng aliw gayundin ang magbigay ng pangaral
D. nagtataglay ng malungkot na pangyayari

28. Hindi ganap na pandiwa ang mga modal sapagkat ___________________.


A. Ito nagsasaad ng kilos
B. Ito ay nasa anyong pawatas
C. Ginagamit lamang itong panuring sa pandiwa
D. Mayroon itong ganap na kahulugan kapag nag-iisa

29. Hindi ganap na pandiwa ang modal sapagkat _________________.


A. Ito ay nasa anyong pawatas.
B. Hindi ito nagsasaad ng kilos.
C. Wala itong ganap na kahulugan kapag nag-iisa
D. Ginagamit lamang itong panuring sa pandiwa

30. Anong tawag sa mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga salita?
A. Kohesiyong Gramatikal na Pagpapatungkol
B. Pangatnig na agkatimbang
C. Modal o malapandiwa
D. Pangatnig na di-magkatimbang

31. Paano ginagamit ang modal sa pangungusap: “Ibig ng mga tutubi na ipaghiganti ang kanilang prinsesa”.
A. Pandiwa B. Malapandiwa C. Pawatas D. Wala sa nabanggit

32. Ano ang maaaring mangyayari kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil sa pagsasalita ang isang tao?
A. Mas maganda ang pagsasalita C. Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig
B. Magiging mas malinaw ang pagsasalita D. Walang Ideya

33. Paano binibigkas ang salitang may wastong diin?


A. May pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin.
B. Pinalilinaw ang mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.
C. Binibigyang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig ang pagbigkas ng isang pantig sa salita.
D. Ang pagsasalita ay bahagyang ititigil upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa
kausap.

34. Paano binibigkas ang salitang may tono/intonasyon?


A. May pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin.
B. Pinalilinaw ang mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.
C. Binibigyang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig ang pagbigkas ng isang pantig sa salita.
D. Ang pagsasalita ay bahagyang ititigil upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa
kausap.
35. Paano binibigkas ang salitang may wastong antala/hinto?
A. May pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin.
B. Pinalilinaw ang mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.
C. Binibigyang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig ang pagbigkas ng isang pantig sa salita.
D. Ang pagsasalita ay bahagyang ititigil upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa
kausap.
Para sa bilang 36-40. Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa pangungusap. Piliin ang titik ng may wastong
sagot.

36. Maaari mong makamit ang iyong pangarap kung ikaw ay mag-aaral ng mabuti.
A. Nagsasaad ng pagnanasa C. Hinihinging mangyari
B. Sapilitang pagpapatupad D. Nagsasaad ng posibilidad

37. Ibig ng magandang babae na manalo sa patimpalak.


A. Nagsasaad ng pagnanasa C. Hinihinging mangyari
B. Sapilitang pagpapatupad D. Nagsasaad ng posibilidad

38. Kailangan nating makuntento at pagpasalamat sa kung anong ipinagkaloob sa atin ng maykapal.
A. Nagsasaad ng pagnanasa C. Hinihinging mangyari
B. Sapilitang pagpapatupad D. Nagsasaad ng posibilidad

39. Dapat sumunod sa ating mga magulang.


A. Nagsasaad ng pagnanasa C. Hinihinging mangyari
B. Sapilitang pagpapatupad D. Nagsasaad ng posibilidad

40. Maari kang maging isang sikat na aktor kung iyong pagbubutihin.
A. Nagsasaad ng pagnanasa C. Hinihinging mangyari
B. Sapilitang pagpapatupad D. Nagsasaad ng posibilidad

41. Ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng panitikan?


A. Ito ay itinatanghal. C. Ito ay mayaman sa supernatural na pangyayari.
B. Ito ay binibigkas nang maindayog. D. Ito ay masining na isinasalaysay.

42. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan upang
____________________.
A. Maging wasto ang baybay ng mga salitang ating isinusulat.
B. Maipaabot sa kausap ang tumpak na mensahe at damdamin.
C. Maging malinaw ang kahulugan ng nais nating maipabatid.
D. Lahat ng nabanggit.

43. “Siya ang Ina ng Demokrasya, hindi matatawaran ang kontribusyon ni dating pangulong Cory Aquino sa
sambayanang Pilipino.” Sa pangungusap, anong kohesiyong gramatikal ang ginamit?
A. Sa B. Hindi C. Siya D. Ni

44. Batay sa sagot sa blg.43, anong uri ng kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol ang ginamit sa
pangungusap?
A. Anapora B. Berbal C. Nominal D. Katapora

45. Bakit mahalaga ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa pagbuo ng mga pahayag o diyalogo?
A. Iniiwasan nito ang pag-uulit ng mga pangngalan. C. Napalalawak nito ang mga pangungusap.
B. Binibigyang-turing nito ang mga pangngalan. D. Napaiikli nito ang mga pangungusap.

III. Pagsulat ng Haiku. (46-50)


Sumulat ng sariling haiku na may wastong sukat at tugma.
Gawing paksa ang pag-ibig na bibigyan ng sariling pamagat. (5pts.)

You might also like