You are on page 1of 2

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang tamang sagot.

1. Ang akademikong pagsulat ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinatawag din na __________ na pagsulat.
A. intelektwal B. personal C. teknikal D. lohikal
2. Ang mga sumusunod ay mahahalagang konsepto ng akademikong pagsulat maliban sa;
A. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar.
B. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad.
C. Ang akademikong pagsulat ay walang sinusunod na parti k ular na kumbensyon.
D. Ang akademikong pags ulat ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa
ikatataguyod ng lipunan.
3. Ang __________________ ay isang sulatin o akda na maayos ang pagkakabuo upang matulungan ang mga babasa na mas maintindihan at makasabay sa mga argumento o ideya ng sumulat.
A. akdang pampanitikan B. akademikong teksto C. sulating teknikal D. sulating tradisyonal
4. Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging _______ nito, inaral, sinaliksik, obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang maka impluwensya ng kanyang
mambabasa.
A. impormal B. kumbensyunal C. pormal D. lohikal
5. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang ______________kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.
A. akademikong institusyon B. bahay C. online chat room D. lahat ng nabanggit
II. Tama o Mali; Isulat ang T kung ang pahayag ay Tama, M naman kung Mali.
1. Sa Akademiya, nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kasanayang kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan
2. Ang mga kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat ay hindi naman kailangan sa pagsulat ng mga sulating akademiko.
3. Napapaunlad ang pagsasagawa ng mga gawain sa larangan, analisis, panunuring kritikal, pananaliksik at eksperimentasyon sa mga institusyong pangakademiko
4. Ginagabayan ang akademikong pagsulat ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng pagsusuri.
5. Ang mga di-akademikong gawain ay ginagabayan naman ng karanasan, kasanayan, at common sense.
6. Ang akademikong sulatin ay direktang tumutukoy sa tao at damdamin, hindi sa mga bagay, ideya, at katotohanan.
7. Ang pananaw sa pagsulat ng akademikong sulatin ay nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat
8. Ang batayan sa pagkuha ng datos sa pagsulat ng mga akademikong sulatin ay mula sa obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa.
9. Ang akademikong sulatin ay subhektibo, samantala ang di-akademikong sulatin ay obhektibo.
10. Ang audience ng mga akademikong sulatin ay mga mag-aaral, guro o mga iskolar.
III. ESSAY (5 PUNTOS)
Bakit mahalagang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na tulad mo ang mga layunin ng Akademikong Pagsulat?

You might also like