You are on page 1of 4

I. Isulat sa patlang ang konseptong tinutukoy ng mga kasunod na pahayag.

Piliin ang wastong sagot sa loob ng


kasunod na kahon.

Actual writing manunulat pre-writing

Biswal na dimensyon mapanghikayat re-writing

Ekspresibo muti-dimensyon sosyo-kognitibo

Impormatibo oral na dimesyon transakyonal

Malikhain pagsulat

Mambabasa paksa

1. Pagsasalin sa papel o anomang kasangkapang maaring mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, ilustrasyon.

2. Isang pananaw na nagsasabing ang pagsulat ay isang mental at sosyal na aktibiti.

3. Dimensyon ng pagsulat na nagsasabing ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mambasa.

4. Dimensyong nagbibigay-diin sa mga simbolo bilang istimulus sa mga mambasa.

5. Layuning ginagamit sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama.

6. Layuning ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan.

7. Tinatawag ding expository writing.

8. Tinatawag ding persuasive writing.

9. Layunin sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.

10. Hakbang na pinanggaganapan ng paghahanda sa pagsulat.

11. Hakbang na kinapapalooban ng pagsulat ng burador.

12. Hakbang kung kalian ginagawa ang pag-eedit at pagrerebisa.

13. Ang mismong pokus sa impormatibong pagsulat.

14. Ang pokus sa mapanghikayat na pagsulat.

15. Ang mismong pokus sa malikhaing pagsulat.

II. Tukuyin kung anong uri ng pagsulat na binabanggit sa sumusunod na pahyag. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot.

A. Akademiko C. Journalistic E. Propesyonal


B. Teknikal D. Reperensyal F. Malikhain

16. Masining ang uring ito ng pagsulat.

17. ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusibo sa isang tiyak na propesyon.

18. Halos lahat ng pagsulat sa paaralan ay masasabing nasa uring ito mula sa antas primary hanggang sa doktoradong
pag-aaral.

19. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist.

20. Ito ang uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa.

21. Ito ang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga sikolohikal at kognitibo na pangangailangan ng mga
mambabasa at minsan, maging ng manunulat mismo.

22. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin.
A. Akademiko C. Journalistic E. Propesyonal
B. Teknikal D. Reperensyal F. Malikhain

23. Ito ay maaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel, tesis o
disertasyon.

24. Layunin din nitong paganahin ang imahinasyon, bukod pa pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.

25. Madalas, binubuod o pinaiikli rito ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan
niyon na maaring sa paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa sino mang mambabasa na nagnanais na mag-
refer sa rperens na tinukoy.

26. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng
mga estudyante sa paaralan.

27. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum, lathalain, at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga
pahayagan o magasin.

28. Maituturing na halimbawa nito ang pagsulat ng police report ng mga police, investigative report ng mga
imbestigador, mga legal forms, pleadings ng mga abugado at legal researcher at medical report at patient’s journal ng
mga doktor.

29. Ang paggawa ng bibliograpi, indeks, at maging ang pagtatala ng mga impormasyon sa note cards ay maihahanay sa
ilalim ng uring ito.

30. Napakaispesyalisado ang uring ito ng pagsulat kung kaya nga may espesipikong kurso para rito, ang AB Journalism.

31. Karaniwan nang mayaman sa mga idyoma, tayutay, simbolismo, pahiwatig at iba pang creative devices ang mga akda
sa uring ito.

32. Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura.

33. Itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili ng mga mag-aaral tulad
ng Medicine, Nursing, Law at Criminology.

34. Makikita rin ito sa mga pamanahong papel, tesis, at disertasyon lalo na sa bahaging Mga Kaugnay na Pag-aaral at
Literatura.

35. Kaaraniwan nang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na asignatura
tulad ng science o technology.

36. Iguhit ang hakbang sa pagsulat. (5 puntos)


Panuto: Piliin ang wastong salita o pariralang makabubuo sa mga kasunod na pahayag. Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Nais nang umalis sa trabaho ni Andrei. Kailangan niyang sumulat ng _________________________.


A. Flyer
B. Liham
C. Naratibong ulat
D. Feasibility study
2. Habang isinusulat ni Kenn ang ulat, sinusuri niyang mabuti kung tama at angkop ang mga datos na kanyang
ilalagay. Nagpapakita ito na siya ay ________________________.
A. Analitikal
B. Obhetibo
C. Mataas sa wika
D. Mahusay sa kumbensyon ng pagsulat
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ay HINDI nagpapakita nang mabuting katangian ng teknikal-bokasyonal na
sulatin.
A. May mga jargon o espesyalisadong salita na ginamit sa sulatin.
B. May mga pigura, dayagram, larawan, talahanayan na makikita sa sulatin.
C. Dumaan sa balidasyon kung tama, angkop at makatotohanan ang mga impormasyon na isasama.
D. Malikhain at matalinghaga ang mga pahayag upang maipakita ang lalim ng mga mensaheng nais
iparating ng sulatin.
4. Sa mga kasunod na proseso, ______________________ ang dapat pinakaunang gawin.
A. Isinulat ni Ryan ang sulatin ukol sa isang produkto.
B. Nagbasa si Ryan ukol sa produkto na kanyang gagawan ng deskripsyon.
C. Inalam si Ryan kung bakit kailangan niyang gawan ng deskripsyon ang produkto.
D. Inalam at inaral ni Ryan kung para kanino ang deskripsyon ng produkto at inaral niya ang produkto at
inaral niya ang profile ng mga ito.
5. Nag-aaral si Abbi sa Agro- Industrial National High School. SIya rin ang kinatawan ng kaniyang klase. Sa
kasamaang palad, nagkaroon ng pag-aaway ang dalawa niyang kaklase. Anong uri ng sulatin ang kailangan
niyang ihanda upang ipaliwanag sa discipline board ang nangyari?
A. Sulating promosyonal
B. Sulating pabatid- publiko
C. Sulating interpersonal
D. Sulating inter-institusyonal
6. Alin sa mga sumusunod na pamitagang pangwakas ang katanggap-tanggap?
A. lubos na sumasainyo,
B. Gumagalang;
C. Lubos na gumagalang,
D. Sumasainyo:
7. Kung maglalagay ng petsa sa liham, alin sa mga ito ang HINDI katanggap-tanggap?
A. Enero 25, 2017
B. 21 Enero 2017
C. Ika-21 ng Marso, 2017
D. 2017 Pebrero 14
8. Binanggit ni Ara ang mga inilakip na dokumento sa liham. Saan kaya niya maaring banggitin ang mga ito?
A. Paksa
B. Tawag-pansin
C. Katawan
D. Notasyon ng binigyang sipi
9. Anong katangian ang ipinapakita sa pagsisigurong inuuna ang damdamin at interes ng sinusulatan?
A. Magalang
B. Mapagsaalang-alang
C. Malinaw
D. Wasto
10. Ipinakita ni Aiko sa kanyang boss ang isang liham para itanyag o ipakilala ang kanilang serbisyo. Anong anyo ng
liham ito?
A. Liham sa pagbili
B. Liham ng pagbibitiw sa trabaho
C. Liham sa pagbenta
D. Liham ng paghiling
11. Ginagawa ito pagkatapos maisulat ng bawat miyembro ang bahagi ng ulat na nakatoka sa kanila. Layon ng
gawaing ito na ayusin at pahusayin pa ang nagawang ulat.
A. Pagtukoy sa layunin
B. Pagrebisa
C. Pagkalap ng impormasyon
D. Pagrerebisa ng sama-sama
12. Ang isang naratibong ulat ay dapat magtaglay ng sumusunod na katangian maliban sa isa.
A. Obhetibo
B. Organisado
C. May paggagamitan
D. Malikhain at masining
13. Isa itong sitwasyong nangangailangan ng isang incident report
A. Pagkawala ng mahahalagang files o dokumento
B. Pagtatamo ng karangalan ng iyong departamento
C. Pagtatapos ng proyektong kinabibilangan
D. Ebalwasyon sa pagganap ng mga nasasakupang empleyado
14. Isa itong sitwasyong nangangailangan ng performance report
A. Pagkawala ng mahahalagang files o dokumento
B. Pagtatamo ng karangalan ng iyong departamento
C. Pagtatapos ng proyektong kinabibilangan
D. Ebalwasyon sa pagganap ng mga nasasakupang empleyado
15. Bahagi ito ng isang komprehensibong naratibong ulat na naglalaman ng mga dokumento para suportahan ang
ulat.
A. Talaan ng nilalaman
B. Transmittal letter
C. Lakip
D. Report proper

III. Tukuyin ang katangian inilalarawan ng mga kasunod na pahayag. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kasunod
na kahon at isulat ang titik ng sagot sa patlang.

a. Mataas sa wika d. matas ang kaalaman sa paksa


b. Obhetibo e. mahusay sa kumbensyon ng pagsulat
c. Analitikal f. sumusunod sa etikal na pamantayan
____________6. Alam na alam ni Lala ang lalamanin ng kanyang ulat sapagkat komprehensibo ang kanyang
naging pananaliksik dito. Maliban pa roon, dumaan siya sa maraming pagsasanay kaugnay
ng kanyang isinusulat.

____________7. Malawak ang bokabularyo ni Lala ukol sa pinansya. Nakatutulong ito upang maunawaan
niya
nang mabuti ang mga termino na kakailanganin niya. Bukod pa rito, mahusay din siya sa
gramatika at retorika.

____________8. Kabisado na ni Lala ang pormat ng pagsulat ng ulat na ginagamit ng kanilang kompanya.
Tatlong taon na rin kasi niya itong ginagawa.

____________9. Dahil ulat ukol sa pinansya ng kalagayan ang ginagawa ni Lala, tinitiyak niya na ang bawat
datos na ilalagay niya ay tama. Alam kasi niyang gagamitin ito bilang gabay sa
pagdedesisyon ng kanyang departamento.
____________10. Laging isinaalang-alang ni Lala na ang kanyang mga ulat ay matapat, walang
manipulasyong nagaganap at nagsasaalang-alang sa interes ng kompanyang kanyang
pinapasukan.

You might also like