You are on page 1of 4

Kasanayan sa Pampagkatuto Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik

I-

PAKSA Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

PAMANTAYANG Ang mag-aaral ay:


NILALAMAN
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating ginagamit sap ag-aaral sa iba’t ibang larangan.

PAMANTAYAN Ang mag-aaral ay:


SA PAGGANAP
Nasusuri ang kahulugan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin.

PAMANTAYAN 1. Nauunawaan ang ilang pananaw sa pagsulat;


SA PAGKATUTO
2. Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat;

3. Naihahambing ang akademikong pagsulat at personal na pagsulat.

SANGGUNIAN Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik pahina 2-4

MGA Powerpoint presentation, mga materyales na babasahin, video presentation


KAGAMITAN

MGA In the news, Venn Diagram, facebook writing


STRATEHIYA

PERFORMANCE Ang inyong pamayanan ay nasusuong sa isang magulong sitwasyon ngayon dahil
TASK sa kaguluhan na dulot ng Maute Group. Ikaw bilang isang NDRRMC
representative, Journalist at Writer ay naatasan ka na ipakita ang kahalagahan ng
RUBRIC pagdedeklara ng ating Pangulo ng Martial Law sa isang powerpoint presentation,
gagawa ka ng isang video presentation na nagpapakita ng balita sa kasalukuyang
nagaganap sa Marawi City at magsusulat ka ng isang blog tungkol sa Martial Law
sa Mindanao ano ang magandang dulot nito sa Mindanao at sa Pilipinas at ipakita
sa mga tumututol na mali sila. Ito ay ipapakita mo sa mga mamamayan ng inyong
munisipyo/siyudad at mababasa ang iyong blog ng mga gumagamit ng facebook.
Ang mga pamantayan ng inyong gagawin ay ang mga sumusunod:
a. Kaangkupan ng pagkakagamit ng akademikong pagsulat
b. Maayos na pagkakalahad ng mga ideya sa iyong pagsulat at presentasyon

GOAL- pagpapakita ng kaalaman sa kasalukuyang sitwasyon dulot ng mga Maute


Group at ang magandanf epekto sa mga taga Mindanao ng Martial Law.

ROLE- Ikaw bilang isang NDRRMC representative, Journalist at Writer

AUDIENCE- Ito ay ipapakita mo sa mga mamamayan ng inyong munisipyo/siyudad


at mababasa ang iyong blog ng mga gumagamit ng facebook

SITUATION- Ang inyong pamayanan ay nasusuong sa isang magulong sitwasyon


ngayon dahil sa kaguluhan na dulot ng Maute Group.

PRODUCT- naatasan ka na ipakita ang kahalagahan ng pagdedeklara ng ating


Pangulo ng Martial Law sa isang powerpoint presentation, gagawa ka ng isang
video presentation na nagpapakita ng balita sa kasalukuyang nagaganap sa
Marawi City at magsusulat ka ng isang blog tungkol sa Martial Law sa Mindanao
ano ang magandang dulot nito sa Mindanao at sa Pilipinas at ipakita sa mga
tumututol na mali sila

STANDARD- Ang mga pamantayan ng inyong gagawin ay ang mga sumusunod:

a. Kaangkupan ng pagkakagamit ng akademikong pagsulat


b. Maayos na pagkakalahad ng mga ideya sa iyong pagsulat at presentasyon

ARAW NA Isang linggong aralin


ITUTURO

II- a. PAMAMARAAN

1. Balik-aral: Pagbibigay ng mga kahulugan ng mga sumusunod na salita.

a. imbulog
b. banyuhay
c. disipulo
d. sapantaha
e. anluwage

2. Pagganyak: Pagkatapos na maibigay ang kahulugan ng mga salita. Gagamitin naman ito sa
pangungusap.

b. Panlinang na Gawain:

1. Individuwal na gawain: Paggamit naman sa mga mahihirap na salita sa Filipino na makabuo ng isang
sanaysay.

2. Paglalahad: Ipakita ang nakalaang powerpoint presentation tungkol sa iba’t ibang mga pananaw ng
tao sa pagsulat.

Gawain 1: GUMAMIT NG MGA PANANAW

Pangkatin ang klase sa 9 at gagamitin ng mga mag-aaral ang iba’t ibang mga pananaw para ipakita ang
mga kaalaman tungkol sa pagsulat.

4. Paglalahat: Pagkatapos na makapagpresenta sa klase ng 9 na grupo ay ipapaliwanag ng maayos ang


mga iba’t ibang pananaw sa pagsulat.

5. Pagpapalawig: Ipapanood sa mga mag-aaral ang presentation tungkol sa akademikong pagsulat.

Pagkatapos na Makita ng mga mag-aaral ay kanilang sasagutan ang mga gabay na tanong na nakasulat
sa pisara.

Mga Gabay na Tanong;

a. Saan nakatuon noong nakaraang taon kapag ang pinaguusapan ay ang tungkol sa pagsulat?

b. Kailan nabago ang pananaw tungkol sa pagsulat? Ano ang mga kakayahang nilinang sa pagtuturo ng
wika?

c. Paano malilinang ang akademikong pagsulat?

d. Papaano malilinang ang kasanayan sa pagsulat ng mga akademikong papel?

e. Ano ang mga kasanayang kailangan tungo sa mabisang pagsulat ng akademikong pagsulat?

Gawain 2: PAGHAHAMBING

Gamit ang mga natutunan sa kaalaman tungkol sa akademikong pagsulat. Paghambingin ang dalawang
sanaysay.

6. Pagpapayaman:

Gawain 3: FACEBOOK NEWS FEED: Magpost sa facebook ng inyong ginawang akademikong pagsulat.
Ang mga batayan ng marka na inyong makukuha ay ang nakapaloob sa maayos at angkop na
akademikong pagsulat. At maging sa mga likes at komento ng mga mambabasa sa inyong ginawang
sanaysay.
PERFORMANCE TASK

Ang inyong pamayanan ay nasusuong sa isang magulong sitwasyon ngayon dahil sa kaguluhan na dulot
ng Maute Group. Ikaw bilang isang NDRRMC representative, Journalist at Writer ay naatasan ka na
ipakita ang kahalagahan ng pagdedeklara ng ating Pangulo ng Martial Law sa isang powerpoint
presentation, gagawa ka ng isang video presentation na nagpapakita ng balita sa kasalukuyang
nagaganap sa Marawi City at magsusulat ka ng isang blog tungkol sa Martial Law sa Mindanao ano ang
magandang dulot nito sa Mindanao at sa Pilipinas at ipakita sa mga tumututol na mali sila. Ito ay
ipapakita mo sa mga mamamayan ng inyong munisipyo/siyudad at mababasa ang iyong blog ng mga
gumagamit ng facebook. Ang mga pamantayan ng inyong gagawin ay ang mga sumusunod:

a. Kaangkupan ng pagkakagamit ng akademikong pagsulat

b. Maayos na pagkakalahad ng mga ideya sa iyong pagsulat at presentasyon

III- PAGTATAYA

Sagutang ang mga sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang mga kaibahan ng akademikong pagsulat sa personal na pagsulat?

2. maari bang gawing malikhain ang isang akademikong sulatin?

3. Bakit walang isang paraan ng pagsusulat ng mahusay na akademikong pagsulat?

4 Bakit mahalagang alamin kung sino ang mambabasa kapag magsusulat ng akademikong teksto?

IV-TAKDANG ARALIN:

Gumawa ng isang sariling kuwento na nakabatay sa akademikong pagsulat?

You might also like