You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

SAN CARLOS PREPARATORY SCHOOL


Ilang San Carlos City, Pangasinan 2420
Taong Panuruan 2020-2021

Mga
BANGHAY – ARALIN
sa
FILIPINO 9

Inihanda ni:
Gng. Aubrey Mae M. Fernandez
Guro sa Filipino
I.Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahang makakamtan ang sumusunod
na kakayahan:
a. natutukoy ang denotasyon at konotasyon na kahulugan ng bawat piling salita mula sa
tinalakay na akda;
b. nasusuri ang tinalakay na akda batay sa iba’t ibang elemento nito;
c. nabibigyang hatol ang ilan sa mga pangyayari mula sa tinalakay na akda;
d. nabubuod ang tinalakay na akda sa pamamagitan ng malikhaing pagkukuwento;
e. nailalahad ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tinalakay na akda gamit ang mga
angkop na pang-ugnay;
f. nailalahad ang mga pangarap sa buhay at ang mga paraan sa pagkamit ng mga ito; at
g. nakapagsasaliksik ng isang kuwentong nag-trending mula sa social media hinggil sa pag-
abot ng pangarap ng isang tao at naibabahagi ito sa klase.

II.Paksang Aralin
Panitikan: PAPEL (Maikling Kuwento mula sa Singapore)
Pagsusuring Pampanitikan: Talambuhay ni Catherine Lim
Wika at Gramatika: Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
Aklat: HINIRANG (Wika at Panitikang Filipino sa Makabagong Panahon)

III.Mga Pamamaraan sa Pagtalakay at Pagkatuto


A. Panimula/Pagganyak
Magpapakita o magpapanuod ng isang travel vlog hinggil sa bansang Singapore. Pagkatapos
ay hihingiin ang reaksiyon ng mga mag-aaral ukol dito. Iuugnay ang kanilang mga tugon sa susunod
na paksang tatalakayin.
B. Pag-unlad ng Talasalitaan
Ibibigay ng mga mag-aaral ang denotasyon at konotasyon na kahulugan ng mga salitang
sinalungguhitan na ginamit sa akdang binasa.
C. Pagtatalakay
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga nakahandang katanungan na may kaugnayan sa
akdang binasa. Dito masusubok ang kanilang kasanayan sa pag-unawa sa bawat detalyeng tinalakay
at binasa.
D. Pagsusuring Pampanitikan
Tatalakayin ang kaalamang pampanitikan. Pagkatapos, pasasagutan ang mga nakahandang
katanungan upang masukat ang mga kaalamang nakalap ng bawat mag-aaral.
a. Aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang pangkat. Ang bawat pangkat ay susuriin ang
akdang Papel batay sa mga elemento na nakatalaga sa bawat pangkat. Isusulat nila ito sa Manila
paper o kaya ay gagawa sila ng isang Powerpoint Presentation. Pagkatapos, ipaulat ito sa harapan ng
klase.
b. Aatasan ang mga mag-aaral na pumili ng mga pangyayari mula sa akdang binasa at bigyan ang bawat
isa ng sariling paghahatol.
c. Aatasan ang mga mag-aaral na ibuod ang akdang Papel sa pamamagitan ng malikhaing
pagkukuwento. Kailangan ay i-video nila ang sarili gamit ang cell phone o kahit anong uri ng kamera.
Pagkatapos ay kanila itong ipapanuod sa klase.
E. Wika at Gramatika
Tatalakayin ang kaalamang pangwika at panggramatika. Pagkatapos, pasasagutan ang mga
nakahandang katanungan upang masukat ang mga kaalamang nakalap ng bawat mag-aaral.
a. Aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang pangkat. Ang bawat pangkat ay ilalahad ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong Papel gamit ang mga angkop na pang-ugnay.
Isusulat nila ito sa Manila paper o kaya ay gagawa sila ng isang Powerpoint Presentation.
b. Aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang bawat pang-ugnay
sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nakatala sa ibabang bahagi ng panuto.
c. Aatasan ang mga mag-aaral na ilahad ang kanilang pangarap sa buhay at ang mga paraan sa
pagtupad ng mga ito. Kailangan ay gumamit sila ng Powerpoint Presentation o kahit anong
animation software sa paggawa nito. Pagkatapos ay kanila itong ipapanuod sa klase.
F. Likhang Gawain
Aatasan ang mga mag-aaral na magsaliksik ng isang kuwentong nag-trending mula sa social
media hinggil sa pag-abot ng pangarap ng isang tao. Ipi-print nila ang kuwento sa short bond paper
at ibabahagi ito sa klase sa pamamagitan ng malikhaing pagkukuwento.
G. Takda
Aatasan ang mga mag-aaral na gumawa ng isang liham para sa kanilang sarili na
nangangakong tutuparin ang mga pangarap at ang mga hakbang upang matupad ang mga ito.
I.Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahang makakamtan ang sumusunod
na kakayahan:
a. natutukoy ang kasingkahulugan ng bawat piling salita mula sa tinalakay na akda;
b. nabibigyang tugon ang iba’t ibang sitwasyon;
c. nakaiisip ng sitwasyon na nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili mula sa iba’t ibang
kategorya katulad ng suliraning pampamilya, isyung panlipunan, at sakunang pangkalikasan;
d. nakapagbibigay ng opinyon ukol sa isang makabuluhang paksa na nais pag-usapan at
saliksikin gamit ang mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon;
e. nakapagsasagawa ng pakikipanayam sa isang propesyunal hinggil sa bentaha at disbentaha
ng mga social media flatforms;
f. nakabubuo ng isang diyalogo o usapan mula sa bahagi ng akdang Ang Pagbabalik na
nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili at ginagamitan ng mga pahayag sa pagbibigay
ng opinyon.
II.Paksang Aralin
Panitikan: ANG PAGBABALIK (Nobela mula sa Malaysia)
Pagsusuring Pampanitikan: Tunggalian ng Tao Laban sa Sarili
Wika at Gramatika: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon
Aklat: HINIRANG (Wika at Panitikang Filipino sa Makabagong Panahon)

III.Mga Pamamaraan sa Pagtalakay at Pagkatuto


A. Panimula/Pagganyak
Magpapakita ng larawan ng bansang Malaysia. Itatanong sa mga mag-aaral kung ano ang
kanilang masasabi sa larawan at ano ang alam nila tungkol sa Malaysia. Pagkatapos ay iuugnay ang
kanilang mga tugon sa susunod na paksang tatalakayin.
B. Pag-unlad ng Talasalitaan
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kasingkahulugan ng mga salitang sinalungguhitan sa bawat
pahayag. Pipiliin nila ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isusulat ito sa patlang.
C. Pagtatalakay
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga nakahandang katanungan na may kaugnayan sa
akdang binasa. Dito masusubok ang kanilang kasanayan sa pag-unawa sa bawat detalyeng tinalakay
at binasa.
D. Pagsusuring Pampanitikan
Tatalakayin ang kaalamang pampanitikan. Pagkatapos, pasasagutan ang mga nakahandang
katanungan upang masukat ang mga kaalamang nakalap ng bawat mag-aaral.
a. Aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang pangkat. Ang bawat pangkat ay tatalakayin ang
pahayag sa ibabang bahagi ng panuto at sasagutin nila ang sumusunod na mga katanungan
b. Aatasan ang mga mag-aaral na basahin ang mga inihandang sitwasyon sa ibabang bahagi ng panuto at
bigyang tugon ang bawat isa.
c. Aatasan ang mga mag-aaral na pumili ng isang sitwasyon na nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa
sarili mula sa mga kategorya sa ibabang bahagi ng panuto. Pagkatapos, ipo-post nila ito sa kanilang
Facebook account at pabibigyan ng sagot sa mga kaibigan kung paano nila ito haharapin. Kukuha rin
sila ng screenshot ng mga sagot mula sa kaibigan at ipipresenta sa guro.
E. Wika at Gramatika
Tatalakayin ang kaalamang pangwika at panggramatika. Pagkatapos, pasasagutan ang mga
nakahandang katanungan upang masukat ang mga kaalamang nakalap ng bawat mag-aaral.
a. Aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang pangkat. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang
makabuluhang paksa na nais pag-usapan at saliksikin. Pagkatapos, magbibigay sila ng mga opinyon
ukol dito gamit ang mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon
b. Aatasan ang mga mag-aaral na ilahad ang kanilang opinyon na binubuo ng hindi hihigit sa 200 na
salita tungkol sa paksa sa ibabang bahagi ng panuto. Kailangan ay gumamit sila ng mga pahayag sa
pagbibigay ng opinyon. Isusulat nila ito sa isang buong malinis na papel o short bond paper.
c. Aatasan ang mga mag-aaral na humingi ng opinyon sa isang propesyunal hinggil sa bentaha at
disbentaha ng mga social media platforms.
F. Likhang Gawain
Aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng isang diyalogo o usapan mula sa bahagi ng akdang
Ang Pagbabalik na nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili. Ilalahad nila ang tunggalian gamit
ang mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon.
G. Takda
Aatasan ang mga mag-aaral na magsaliksik ng isang nobela mula sa bansang Cambodia.
Pagkatapos, pipili sila ng dalawa hanggang tatlong sitwasyon o pangyayari mula sa kuwento na
nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili. Ipapaliwanag nila ang bawat pangyayari gamit ang
mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon.
I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahang makakamtam ang sumusunod
na mga kakayahan:
a. Natutukoy ang kasingkahulugan ng bawat piling salita mula sa tinalakay na akda
b. Nailalahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga kulturang Malaysian at kulturang
Pilipino sa ibat’t ibang aspekto gamit ang Venn diagram
c. Nasusuri ang bawattaludtod ng tinalakay na tula ayon sa damdaming nangingibabaw rito
d. Nailalahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tulang pandamdamin mula sa Pilipinas at
Malaysia ayon sa mga elemento ng tula
e. Nakabubuo ng tulang pandamdamin na nasa anyong malayang taludturan

II. Paksang Aralin


Panitikan: Puting Kalapati, Maglibot ka sa Buong Mundo (Tula mula sa Malaysia)
Pagsusuring Pampanitikan: Tulang Pandamdamin
Wika at Gramatika: Paraan sa Pagpapahay ng Emosyon
Aklat: HINIRANG (Wika at Panitikang Filipino sa Makabagong Panahon)

III. Mga Pamamaraan sa Pagtatalakay at Pagkatuto


A. Panimula/Pangganyak
Gumawa ng Powerpoint presentation para sa panimulang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ito ay maaaring diskusyon o laro na kung saan magkakaroon ang mga mag-aaral ng ideya
tungkol sa susunod na paksang talakayin.
B. Pag-unlad ng Talasalitaan
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kasingkahulugan ng mga salitang sinalungguhitan.
Bibilugan nila ang titik ng tamang sagot.
C. Pagtatalakay
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga nakahandang katanungan na may kaugnayan sa
akdang binasa. Dito masusubok ang kanilang kasanayan sa pag-uunwa sa bawat detalyeng
tinatalakay at binasa.
D. Pagsusuring Pampanitikan
Talakayin ang kaalamang pampanitikan. Pagkatapos, pasagutan ang mga nakahandang
katanungan upang masukat ang mga kaalamang nakalap ng bawat mag-aaral.
Pangkatang Gawain – Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang pangkat. Ang bawat
pangkat ay ilalahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga kulturang Malaysian at kulturang
Pilipino sa iba’t-ibang aspekto. Gagami sila ng Venn Diagram at kailangan ay maging malikhain
sa paggawa nito. Pagkatapos, ipaulat ito sa harapang ng klase.
Individual na Gawain – Atasan ang mga mag-aaral na tukuyin ang damdaming nangingibabaw
sa bawat taludtod na binasa sa tulang Puting Kalapati, Maglibot ka sa Buong Mundo at
ipaliwanag. Para sa ikalawang bahagi ay susuriin nila ang mensahe ng bawat saknong ng tulang
Puting Kalapati, Maglibot ka sa Buong Mundo. Pagkatapos ay ilalahad nila ang kanilang sariling
karanasan na may kaugnayan sa tulang binasa.
Ika-21 siglong Gawain – Atasan ang mga mag-aaral na magsasaliksikng tig-iisang tulang
pandamdamin mula sa internet na galing sa Pilipinas at Malaysia. Ilalahad nila ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng bawat isa sa pamamagitan ng mga elemento ng isang tula. Isusulat nila ito sa
malinis na papel o short bond paper at ipi-presenta sa guro.
E. Wika at Gramatika
Talakayin ang kaalamang pangwika at panggramatika. Pagkatapos, pasagutan ang mga
nakahandang katanungan upang masukat ang mga kaalamang nakalap ng bawat mag-aaral.
Pangkatang Gawain – Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang pangkat. Ang bawat
pangkat ay hahanap ng isang awitin mula sa internet o sa youtube ukol sa kalayaan. Pagkatapos,
aawitin nila ito nag sabay-sabay sa harapan ng klase sa pamamagitan ng paglalapat ng wastong
emosyon.
Individual na Gawain – Atasan ang mga mag-aaral na tukuyin ang damdaming nangingibabaw
sa mga inilatag na pahayag. Para sa ikalawang bahagi ay babasahin nila ang sumusunod na mga
napapanahong isyu sa ibababg bahagi ng panuto. Pagkastapos ay ipapahayag nila ang kanilang
sariling emosyon ukol sa mga ito.
Ika-21 siglong Gawain – Atasan ang mga mag-aaral na i-post sa kanilang social media ang
gagawing picture poetry sa Likhaing Gawain upang mabigyang komento at reaksiyon ng mga
makakakita. Kukuha sila ng screenshot ng mga komento at ip-presenta sa guro.
F. Likhang Gawain
Atasan ang mga mag-aaral na kumuha ng isang larawan ng isang bagay o lugar na
maaaring magpaliwanag sa kanilang nararamdaman o estado sa kasalukuyan. Mula sa larawang
nakuha at gagawan nila ito ng isang tulang pandamdamin na nasa anyong malayang taludturan.
Kailangan ay gumamit sila ng mga matatalinghagang salita sa pagbuo nito at ipahahayag nila ito
gamit ang angkop na emosyon. Isusulat o ipi-print nila ito sa short bond paper at ipatanghal sa
harapan ng klase.

G. Takda
Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng makabuluhang pangungusap ayon sa emosyon
na nakatalaga sa bawat bilang sa ibabang bahagi ng panuto. Ang gawain na ito ay kailangan
nilang ipresenta sa susunod na pagkikita.
I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahang makamtam ang sumusunod na
mga kakayahan.
a. Naibibigay ang angkop na kahulugan ng bawat piling pahayag mula sa tinalakay na akda.
b. Nakapagsasagawa ng panet discussion
c. Nakapagsasaliksik at nakapagtatala ng mga tradisyon ng Indonesia at nailalahad ang kuro-kuro
kung ang bawat isa ay daoat o hindi dapat panatilihin bilang kaugalian at tradisyon.
d. Nakagagawa ng sariling reaksyon mula sa pinanood na video clips o documentary films tungkol
sa mga kababaihan sa Indonesia
e. Nakapagsasagawa ng ambush interview sa mga nakakatanda at kapuea mag-aaral tungkol sa
paksa kung dapat bang sundin o suwayin ang mga lumang kaugalian at tradisyon na
kinamulatan.
f. Nakabubuo ng mga makabululuhang pangungusap gamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag
ng pananaw
g. Nakalilikha ng photo essay hinggil sa iba,t-ibang isyung panlipunan na kinakaharap ng bansang
Indonesia partikular sa kanilang mga kababaihan
h. Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa mga dapat o hindi dapat taglayin ng kabataang Asyano
na ginagamitan ng mga angkop na pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw

II. Paksang Aralin


Panitikan: Kay Zeehandelaar
Pagsusuring Pampanitikan: Ang Sanaysay at ang mga Bahagi Nito
Wika at Gramatika: Mga Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Pananaw
Aklat: HINIRANG (Wika at Panitikang Filipino sa Makabagong Panahon)

III. Mga paparaan sa Pagtatalakay at Pagkatuto


A. Panimula/Pangganyak
Bilang panimulang gawain sa aralin na ito, atasan ang isa sa mga mag-aaral na basahin
nang malakas sa harapan ng klase ang akdang pinamagatang Kay Estella Zeehandelaar.
Pagkatapos ay isa-isahin ang mga mag-aaral na ibigay ang kanilang mga reaksiyon tungkol sa
napakinngang akda. Iugnay ang kanilang mga tugon sa susunod na paksang tatalakayin.

B. Pag-unlad ng Talasalitaan
Ibibigay ng mga mag-aaral ang angkop na kahulugan ng bawat pahayag. Bibilugan nila
ang titik ng tamang sagot.
C. Pagtatalakay
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga nakahandang katanungan na may kaugnayan sa
akdang binasa. Dito masusubok ang kanilang kasanayan sa pag-unawa sa bawat detalyeng
tinalakay at binasa
D. Pagsusuring Pampanitikan
Talakayin ang kaalamang pampanitikan. Pagkatapos, pasagutan ang mga nakahandang
katanungan upang masukat ang mga kaalamang nalakap ng bawat mag-aaral.
Pangkatang Gawain – Atasan anf mga mag-aaral na bumuo ng kanilang pangkat. Ang bawat
pangkat ay magsasagawa ng panel discussion. Ang unang pangkat ay susuriin ang anyo ng pag-
iisip ng manunulat sa pagsulat ng akdang binasa. Ang pangalawang pangkat naman aygagamitin
ang mga linya o pahayag mula sa sanaysay na tumutukoy sa opinyon sa ginawang talakayan
tungkol sa isyung panlipunan na makikita sa loob ng sanaysay.
Indibidwal na Gawain – Atasan ang mga mag-aaral na magsaliksik at magtala ng mga
tradisyon ng Indonesia. Pagkatapos, ilalahad nila ang kanilang kuro-kuro kung ang bawat isa ay
dapat o hindi dapat panatilihin bilang kaugalian at tradisyon.
Ika-21 siglong Gawain – Atasan ang mga mag-aaral na manood ng video clips o documetary
fils sa Youtube tungkul sa mga kababaihan sa Indonesia. Pagkatapos, gagawa sila ng
sarilingreaksiyon mula sa napanood sa pamamagitan ng pagbuo ng post sa kanilang Facebook
account. Pabibigyan nila ito ng komento at reaksiyon sa mga kaibigan. Kukuha rin sila ng
screnshot ng mga komento at reaksiyon sa kanilang post at ipi-presenta sa guro.
E. Wika at Gramatika
Talakayin ang kaalamang pangwika at panggramatika. Pagkatapos, pasagutan ang mga
nakahandang katanungan upang masukat ang mga kaalamang nakalap ng bawat mag-aaral.
Pangkatang Gawain – Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang pangkat. Ang bawat
pangkat ay magsasagawa ng ambush interview sa mga nakakatanda at kapuwa mag-aaral tungkol
sa paksa kung dapat bang sundin o suwayin ang mga lumang kaugalian at tradisyon na
kinamulatan na sa tingin niyo ay hindi na angkop sa kasalukuyang panahin. Pagkatapos, Isulat
nila sa Manila paper o kaya ay gagawa sila ng isang Powerpoint Presentation ng mga nakalap na
impormasyon at tugon. Ipa-presenta ito sa harapan ng klase.
Indibidwal na Gawain – Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng mga makbuluhang
pangungusap gamit ang mga pang-ugnaysa pagapapahayag ng sariling pananaw sa ibabang
bahagi ng panuto. Ang bawat pangungusap ay dapat tumatalakay sa mga isyung panlipunan ng
bansa gaya ng kahirapan, karapatang pantao, child labor, isyung pangkasarian o gender biases at
iba pang napakahalagang mga isyu na kinahaharap ng bansa sa kasalukuyang panahon. Issulat
nila ito sa malinis na papel o short bond paper at ipi-presenta sa guro.
Ika-21 siglong Gawain – Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang pangkat. Ang bawat
pangkat ay lilikha ng photo essay hinggil sa iba’t-ibang isyung panlipunan na kinahaharap ng
bansang Indonesia partikular sa kanilang mga kababaihan. Kukuha sila ng mga magagandang
larawan at kailangan ay mahusay nilang bigyang diin ang bawat konsepto nito. Ipapakita nila ang
pagkakaugnay-ugnay ng bawat detalye at larawan. Pagkatapos, ipo-post nila ito sa kanilang
Facebook account upang bigyang komento o reaksiyon ng mga makakakita. Kukuha rin sila ng
screenshot ng mga komento at reaksiyon sa kanilang post at ip-presenta sa guro.

F. Likhang Gawain
Atasan ang mga mag-aaral na sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga dapat o hindi
dapat taglayin ng kabataang Asyano. Ang sanaysay ay dapat magtaglay ng lima hanggang
walong talata. Kailangan ay gumamit sila ng angkop na pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling
pananaw. Bibigyan din nila ito ng makatawag pansing pamagat. Isusulat o ipi-print ito sa short
bond paper. Pagkatapos, ipalahad ito sa harapan ng klase.
G. Takda
Atasan ang mga mag-aaral na magsaliksik ng mga isyung panlipunan sa kanilang lugar at
ihambing ang bawat isa sa imang bansa lalo na sa sanaysay na Kay Estella Zeehandelaar.
Isusulat nila ang gawaing ito sa malinis na papel o short bond paper. Ipi-presenta ito sa guro sa
susunod na pagkikita.
I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahang makakamtam ang sumusunod
na mga kakayahan.
a. Natutukoy ang kahulugan ng bawat piling salita mula sa tinalakay na akda
b. Nakapagsasadula ng mga piling eksena mula sa isang dula na kakikitaan ng kultura ng mga
Pilipino
c. Nasusuri ang mga katangiang ipinakita ng bawat tauhan sa tinalakay na akda
d. Nakapipili ng dalawa hanggang tatlong eksenang nagustuhan mula sa tinalakay ba akda at
naipaliliwanag ito kung bakit ang mga ito ay napili
e. Nakapagsasagawa ng brainstorming hinggil sa kultura at paniniwalang Pilipino na makikita
ngayon na nakakaapekto sa paglago ng ekonomiya o maging pag-unlad ng bansa
f. Nakapagbibigay ng patunay sa iba’t—ibang sitwasyon na makikita sa mga inihandang larawan
gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan
g. Nakakapagsaliksik ng iba pang mga paniniwalag pilipino na may pagkakatulad sa mga karatig-
bansa sa Asya at nailalahad ang mga ito gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng
katotohanan
h. Nakalilikha ng isang bangkang papel na naglalaman ng mga namanang tradisyon mula sa
kanilang lolo o lola pati narin sa mga magulang na patuloy pa ring ginagawa hanggang sa
kasalukuyanng panahon.

II. Paksang Aralin


Panitikan: Tiyo Simon (Dula mula sa Pilipinas)
Pagsusuring Pampanitikan: Dula
Wika at Gramatika: Ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan
Aklat: HINIRANG (Wika at Panitikang Filipino sa Makabagong Panahon)

III. Mga Pamamaraan sa Pagtatalakay at Pagkatuto


A. Panimula/Pagganyak
Bilang panimulang gawain sa aralin na ito, itanong sa mga magaaral kung naniniwala ba sila sa
Diyos. Pagkatapos ay kailangan nilang ipaliwanag kung ano ang kanilang katibayan na mayroong
Diyos.
Iugnay ang kanilang mga tugon sa susunod na paksang tatalakayin.
B. Pag-unlad ng Talasalitaan
Ilalagay ng mga magaaral ang kanilang sarili sa katayuan ni Tiyo Simon. Bibigyan tugon
nila ang mga pahayag batay sa kanilang naging karanasan o paniniwala. Para sa ikalawang
bahagi ay ipapaliwanag nila ang mga paniniwala ng ina ni Boy kay Tiyo Simon. Ang mga
kasagutan ay isusulat sa mga patlang.
C. Pagtatalakay
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga nakahandang katanungan na may kaugnayan sa
akdang binasa. Dito masusubok ang kanilang kasanayan sa pag-unawa sa bawat detalyeng
tinalakay at binasa.
D. Pag susuring Pampanitikan
Talakayin ang kaalamang pampanitikan. Pagkatapos, pasagutan ang mga nakahandang
katanungan upang masukat ang mga kaalamang nakalap ng bawat mag-aaral.
Pangkatang Gawain – Atasan ang mga mag-aaral na bumubuo ng kanilang pangkat. Ang bawat
pangkat ay magbabasa ng isang dula na kakikitaan ng kultura ng mga Pilipino. Pagkatapos, pipili
sila ng tatlo hanggang limang eksena na sumasalamin sa kulturang Pilipino mula sa dulang
binasa at isasadula ang mga ito sa harapan ng klase.
Indibidwal na Gawain – aatasan ang mga mag-aaral na punan ang mga kahon sa ibabang
bahagi ng panuto ng mga hinihinging impormasyon batay sa dulang Tiyo Simon
Ika-21 Siglong Gawain – aatasan ang mga mag-aaral na pumili ng dalawa hanggang tatlong
eksena na kanilang naibigan mula sa dulang Tiyo Simon. Ipaliliwanag nila ang bawat isa kung
bakit ito nagustuhan sa pamamagitan ng isang post sa kanilang Facebook accounbt. Sa ibabang
bahagi ng post ay ilalahad nila ang kanilang mga natutunan sa pagbabasa nito at ang pahayag sa
paghihikayat sa mga kaibigan na basahin ang dulang Tiyo Simon.
E. Wika at Gramatika
Talakayin ang kaalamang pangwika at panggramatika. Pagkatapos, pasagutan ang mga
nakahandang katanungan upang masukat ang mga kaalamang nakalap ng bawat mag-aaral.
Pangkatang Gawain – aatasan ang mga mag-aaral na magsagawa ng brainstorming hinggil sa
kultura at paniniwalang Pilipino na makikita ngayon na nakaapekto sa paglago ng ekonomiya o
maging sa pag-unlad ng bansa. Patutunayan nila ang kanilang mga pahayag sa pamamagitan ng
pagsasaliksik at paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.
Indibidwal na Gawain – Aatasan ang mga mag-aaral na suriin nang mabuti ang mga larawan sa
ibabang bahagi ng panuto. Gagawan nila ng pagpapatunay ang bawat isa sa pamamagitan ng
pagsasaliksik at paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan. Kailangan ay
siguraduhin nilang may batayan o ebidensya ang kanilang pahayag.
Ika-21 Siglong Gawain – aatasan ang mga mag-aaral na magsaliksik ng iba pang mga
paniniwalang Pilipino na may pagkakatulad sa mga karatig-bansa sa Asya. Gagamit siula ng mga
ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan sa paglalahad ng mga nakalap na datos.Pagkatapos,
ipo-post nila ito sa kanilang Facebook account upang makapagbahagi ng kaalaman sa mga
kaibigan. Pabibigyan nila ito ng komento at reaksiyon sa mga makababasa. Kukuha rin sila ng
screenshot ng mga komento at reaksiyon sa kanilang post at ipipresenta sa guro.
F. Likhang-Gawain
Aatasan ang mga mag-aaral na lumikha ng isang bangkang papel na naglalaman ng mga
namana nilang tradisyon mula sa kanilang lolo o lola pati na rin sa mga magulang na patuloy pa
ring ginagawa hanggang sa kasalukuyang panahon. Lilikhain nila ito sa masining na
pamamaraan. Kailangan ay gumamit sila ng mga paborito bilang kulay na may kaakibat na
kahulugan. Pagkatapos, ipaliliwanag nila ito sa klase.
G. Takda
Aatasan ang mga mag-aaral na ihambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
bansang Pilipinas at Malaysia tungkol sa usaping kultura at tradisyon. Ipaliliwanag nila ang mga
natuklasan gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan. Gagamit sila ng Venn
Diagram sa paggawa nito at isusulat sa malinis na papel o short bond paper.
I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahang makakamtan ang sumusunod
na mga kakayahan.
a. Nakapagbibigay ng mga salita o parirala na angkop sa salitang bookfair sa pamamagitan ng
isang graphic organizer;
b. Nakabubuo ng proposal para sa pagtatanghal ng aklat;
c. Nakagagawa ng timeline tungkol sa kasaysayan ng pagtatanghal ng mga aklat sa Pilipinas;
d. Nakagagawa ng malikhaing flyer ukol sa gaganaping bookfair;
e. Nasusuri o nagagawan ng karakterisasyon ang bawat tauhan sa paboritong aklat o kuwento;
f. Nailalahad ang sariling opinyon tungkol sa pagsasagawa ng bookfair sa tulong ng mga
ekspresyong mapanghikayat at paglalarawan;
g. Nakagagawa ng online advertisement tungkol sa gaganaping pagtatanghal ng mga aklat
gamit ang mga ekspresyong mapanghikayat at paglalarawan; at
h. Nakapagsasagawa ng bookfair for a cause.

II. Paksang-Aralin
Panitikan: Mga Hakbang sa Pagtatanghal ng Bookfair
Pagsusuring Pampanitikan: Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsasagawa ng Bookfair
Wika at Gramatika: Mga Ekspresyong Mapanghikayatn at mga Pahayag na Naglalarawan
Aklat: HINIRANG (Wika at Panitikang Filipino sa Makabagong Panahon)

III. Mga Pamamaraan sa Pagtatalakay at Pagkatuto


A. Panimula/Pagganyak
Sisimulan ang pagtalakay sa aralin na ito sa pamamagitamn ng pagtatanong sa mga mag-
aaral kung naranasan na ba nilang bookfair. Pagkatapos makuha ang kanilang mga tugon ay
iugnay ito sa susunod na paksang tatalakayin. Maari ding magsagawa ng laro na may kaugnayan
sa paksa upang sa gayon ay ma sganahan sila simula umpisa hanggang sa pagtatapos ng
talakayan.
B. Pag-unlad ng Talasalitaan
Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga salita o parirala na maaring iugnay sa salitang
bookfair sa pamamagitan ng graphic organizer.
C. Pagtatalakay
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga nakahandang katanungan na may kaugnayan sa
akdang binasa. Dito masusubok ang kanilang kasanayan sa pag-unawa sa bawat detalyeng
tinalakay at binasa.
D. Pag susuring Pampanitikan
Talakayin ang kaalamang pampanitikan. Pagkatapos, pasagutan ang mga nakahandang
katanungan upang masukat ang mga kaalamang nakalap ng bawat mag-aaral.
Pangkatang Gawain – aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang pangkat na bumuo ng
kanilang pangkat. Balak ng bawat grupo na itanghal ang mga aklat na nakaimbak sa kanilang
mga bahay upang makatulong sa mga batang lansangan sa darating na pasko. Gagawa sila ng
proposal para sa gawaing ito sa tulong ng talahanayan na nasa kanilang aklat.
Indibidwal na Gawain – aatasan ang mga mag-aaral na gumawa ng timeline tungkol sa
kasaysayan ng pagtatanghal ng mga aklat sa Pilipinas. Isusulat o ipiprint nila ito sa malinis na
papel o short bond paper.
Ika-21 Siglong Gawain – aatasan ang mga mag-aaral na gumawa ng isang halimbawa ng flyer
ukol sa gaganaping bookfair. Kailangan ay maging malikhain sila sa pagbuo nito. Pagkatapos,
ipo-post nila ito sa kanilang Facebook account.
E. Wika at Gramatika
Talakayin ang kaalamang pangwika at panggramatika. Pagkatapos, pasagutan ang mga
nakahandang katanungan upang masukat ang mga kaalamang nakalap ng bawat mag-aaral.
Pangkatang Gawain – aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang pangkat. Ang bawat
pangkat ay magtatala ng mga paboritong aklat o kuwento. Mula sa itinala ay pipili sila ng isa, at
gagawan ng karakterisasyonang mga tauhan nito.
Indibidwal na Gawain – aatasan ang mga mag-aaral na ilahad ang kanilang opinyon tungkol sa
pagsasagawa ng bookfair sa tulong ng ekspresyong mapanghikayat at paglalarawan.
Ika-21 Siglong Gawain – aatasan ang mga mag-aaral na gumawa ng isang online advertisement
tungkol sa gaganaping pagtatanghal ng aklat. Kailangan ay gumamit sila ng mga ekspresyong
mapanghikayat at mga pahayag na naglalarawan sa pagbuo rito.
F. Likhang-Gawain
Aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang pangkat. Ang bawat pangkat ay
kakalap ng mga aklat na napaglumaan na at maari pang magamit. Magsasagawa sila ng bookfair
for a cause.
G. Takda
Aatasan ang mga mag-aaral na bumuo ng kanilang pangkat. Ang bawat pangkat ay
makikipagpanayam sa dalawa hanggang tatlong palimbagan tungkol sa pagsasagawa ng
bookfair. Pagkatapos, ihahambing nila ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga isinalaysay ng
bawat palimbagan. Isusulat o ipiprint nila ito sa short bond paper.

You might also like