You are on page 1of 3

University of the Visayas

Basic Education Department


Cebu, Philippines
A.Y. 2019-2020

Banghay-Aralin sa Filipino 7

Petsa, Oras at Petsa: July 8 -15, 2019


Seksyon Oras at Seksyon:
 11:10 -12:00 (St. Scholastica)
 1:00 -1:50 PM (St. Agatha)
 1:50 – 2:40 PM (St. Therese)
 3:00 – 3:50 PM (St. Brigid)

Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang bawat mag-aaral ay


inaasahang makakamtan ang mga sumusunod na kakayahan:
A. Natutukoy ang kasingkahulugan ng bawat piling salita mula
sa tinalakay na akda
Layunin B. Nabibigyang halaga ang mga katangian na dapat taglayin
ng isang bayani sa pamamagitan ng paggawa ng venn
diagram na nagpapakita ng paghahambing sa katangian ni
Bantugan at katangian ng mga makabagong bayani sa
kasalukuyang panahon.
C. Naibibigay ang sanhi o bunga ng bawat piling pahayag
mula sa itinalakay na akda

Panitikan: Bantugan (Epiko mula sa Mindanao)


Paksa Pagsusuring Pampanitikan: Epiko
Wika at Gramatika: Mga Pang-ugnay sa Pagsasaad ng Sanhi at
Bunga
Unang Araw
A. Panimula
- Pagbati
- Panalangin
- Pagsasaayos ng mga upuan/ pagpulot ng mga kalat
B. Pagganyak
Pamamaraan sa  Isusulat ang salitang “epiko” sa pisara, tatanungin
Pagtalakay at ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang mga
Pagkatuto nalalaman tungkol sa epiko
C. Pagtatalakay
 Tatalakayin ang pagsusuring pampanitikan,
pagkatpos ay papasagutan ang mga katangungang
may kaugnayan sa itinalakay na paksa
Ikalawang Araw
A. Panimula
- Pagbati
- Panalangin
- Pagsasaayos ng mga upuan/ pagpulot ng mga kalat
B. Pagbabalik- aral
 Magtatanong ng ilang katanungan tungkol sa “epiko”
upang malaman kung naalala pa ba o naitindahan
ban g mga bata ang aralin.
C. Pag-unlad ng Talasalitaan
 Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kasingkahulugan
ng mga salitang sinalungguhitan sa pamamagitan ng
pagbilog ng titik ng tamang sagot. (Hinirang,pahina
27-28)
D. Pagtatalakay
 Tatalakayin ang kwento sa pamamagitan ng
pagtatanong ng mga katanungan.
 Magkakaroon ng Dugtungang Pagkukwento

Ikatlong Araw
A. Panimula
- Pagbati
- Panalangin
- Pagsasaayos ng mga upuan/ pagpulot ng mga kalat
B. Pagbabalik – aral
 Magtatanong ng mga katanungan ang guro
upang malaman kung naalala pa ba ng mga mag-
aaral ang mga pangyayari sa kwento.
C. Pagsasanay
 Magbibgay ng maikling pagsusulit ang guro
upang sukatin ang mga natutunan ng mga mag-
aaral
D. Paglalapat
 Ang mga mag-aaral ay gagawa ng venn diagram
kung saan ipaghahambing ang katangian ni
Bantugan sa mga bayani sa kasalukuyang
panahon.

Ikat-apat na Araw
A. Panimula
- Pagbati
- Panalangin
- Pagsasaayos ng mga upuan/ pagpulot ng mga kalat
B. Pagtatalakay
 Tatalakayin ang kaalamang pang-wika at
gramatika. Pagkatapos, pasagutan ang mga
nakahandang katanungan upang masukat ang
mga kaalamang nakalap ng mga mag-aaral.
C. Paglalapat
 Magsusulat ng isang sanaysay ang mga mag-
aaral tungkol sa isang problemang kinahaharap
ng Pilipinas. Isasaad sa sanayasay ang mga
sanhi at bunga nito.

Ebalwasyon Ikalimang Araw


 Ang guro ay magbibigay ng isang mahabang
pagsusulit sa nga mag-aaral.
Takdang Aralin  Ang mga mag-aaral ay nakatakdang sagutan ang
pahina 40 ng kanilang aklat na Hinirang 7

Sanggunian Largo, R. et al. (2019) Hinirang: Wika at Panitikang Filipino sa


Makabagong Panahon 7. Quezon City: The Intilegente Publishing,
Inc.

Inihanda ni: Sinuri ni:

Bb. SAMANTHA ANG MR. EDUARDO B. GERVACIO


Guro Sa Filipino Assistant Principal JHS Department

Inaprobahan ni: DR. GLENN R. ANDRIN


Principal, Basic Education Dept. / Campus Administrator

You might also like