You are on page 1of 8

Banghay Aralin

Filipino 7
Setyembre 21-23, 2020

I. Layunin:
a. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar ng pinagmulan ng
kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
b. Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar sa
bansa.

II. Paksang Aralin:


Ang Kuwentong-bayan at ang Paraan ng Pagsusuri ng Kultura
Ang Araw, ang Buwan at ang mga Bituin
Nakalbo ang Datu
Sanggunian: Sinag sa ika-21 Siglo 7
Kagamitan: Aklat, Video at Powerpoint

III. Panimulang Gawain


A. Pagbabalik-aral
Gamit ang estratehiyang Anticipation Reaction Guide pasagutan sa mga mag-aaral
ang nasa ibaba bago magsimula sa aralin upang malaman ang kanilang nalalaman.

B. Pagganyak
Ipapanood sa mga mag-aaral ang video na may pamagat na “wow Mindanao” na
matatagpuan sa https://www.youtube.com/watch?v=TMK7GRGh_nQ. Matapos nito ay
tanumgin ang mga mag-aaral kung tungkol saan ang kanilang napanood.
Mga Prosesong Tanong:
1. Mula sa napanood ano ang mahihinuha niyong kalagayan ng mga taga-
Mindanao?
2. Ano ang kanilang hanap-buhay?
3. Ano-anong kultura ng mga taga-Mindanao ang makikita sa napanood na video?
Patunayan ang sagot.

Ipabasa sa mga mag-aaral ang artikulo na ukol sa Mindanaosa mga pahina 2 at 3 ng


batayang aklat.

C. Pagtalakay sa Aralin
1. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga talasalitaan na ipakikita ng guro.
2. Iparinig sa mga mag-aaral ang kuwentong-bayan na Ang Araw, ang Buwan, at
ang mga Bituin. Pasulatin sila ng mga mahahalagang impormasyon batay sa kanilang
napakinggan gaya ng mga tauhan, pag-uugali at kanilang posisyon sa pamilya.

Tauhan Pag-uugali Posisyon sa Pamilya

Pagktapos ay pasagutan ang gawain B at C ng pakinggan mo sa mga pahina 5 at 6


ng batayang aklat.
Talakayin ang Ang Kuwentong-Bayan at ang Paraan ng Pagsusuri ng Kultura na
nasa pahina 7 ng batayang aklat. Matapos nito ay ipabasa/ipapanood sa kanila ang
kuwentong “Nakalbo ang Datu sa mga pahina 8 at 9 ng batayang aklat. Matapos nito ay
pasagutan sa mga mga mag-aaral ang gawaing nasa pahina 10 at 11 ng batayang aklat.

D. Pagpapahalaga
Bilang kabataan paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa kulturang iyong
sariling kinagisnan?

IV. Pagtataya
Maghanap ng video ng mga kuwentong-bayan sa Mindanao. Suriin ito gamit ang graphic
organizer upang matukoy mo ang ugnayan ng tradisyon at ng akdang pampanitikan .

Ugnayan ng
Tradisyon at
Akdang
Pampanitikan

V. Takdang Aralin
Basahin at unawain ang Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay sa pahina 14 at 15 sa
batayang aklat.

Inihanda ni:
Bb. Daisy F. Cacayan
Guro sa Filipino
Banghay Aralin
Filipino 8
Setyembre 21-23, 2020

I. Layunin
a. Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-bayang
napakinggan.
b. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan
sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

II. Paksang Aralin


Mahahalagang Aral
Mga Karunungang-bayan
Sanggunian: Sinag sa ika-21 Siglo 8
Kagamitan: aklat, video, powerpoint

III. Panimulang Gawain


A. Pagbabalik Aral
Magbigay ng isang halimbawa ng bugtong, salawikain, at karunungang-bayn.
Bigyan ng oras ang mga mag-aaral upang maproseso ang ibinigay pagkatapos ay
itanong ang mga kung tungkol saan ang mga ibinigay na gawain.

B. Pagganyak
Ipakita ang magiging paksa sa araw na ito. Mula sa ipinakitang mga salita o parirala
ay magbibigay ang mga mag-aaral ng mga salita na maaaring maiugnay rito.
Mga Prosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga salitang maiiugnay niyo sa paksa natin ngayon?
2. Ano-ano ang ibig sabihin ng salawikain, karunungang-bayan at bugtong?

Mula sa pagpapakahulugang nabuo ng mga mag-aaral ay simulan ng talakayan.

C. Pagtalakay sa Aralin
Isagawa ang estratehiyang That’s Sketchy upang matukoy ang kahulugan ng
matatalinhagang salita.
1. Agaw-buhay
2. Anak-dalita
3. Butas ang bulsa
4. Balat-sibuyas
Paano nakatulung ang gawain upang higit na maunawaan ang kahulugan ng
matatalinhagang salita?
Ipaskil ang matatalinhagang salita at bugtong na nasa ibaba. Ipabasa ito nang
malakas. Pahulaan ang kahulugan nito gayundin ang sagot sa bugtong.
a. Matalas ang dila (masakit mangusap o magsalita)
b. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan (payong)
Pagkatapos ipagawa ang gawain A-C sa Pakinggan Mo sa pahina 5 ng batayang
aklat.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Mga Karunungang-Bayan” sa Basahin Mo sa
pahina 6-8 ng batayang aklat. Matapos nito ay itanong ang “Lahat ba ng
karunungang-bayan ay nagtataglay ng mahahalagang-arak? Ipaliwanag ang sagot.

D. Pagpapahalaga
Ano ang nakikitang mong kahalagahan ng mga karunungang-bayan?
Dapat bang malaman o matutuhan pa rin ng mga kabataan ang mga kaalamang
ito?
IV. Pagtataya
Pasagutan sa mga mag-aaral ang Palawakin Natin A-C na nasa pahina 8-9 ng batayang
aklat.

V. Takdang Aralin
Panoorin ang pelikulang “Tanging Ina”. Pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na
tanong:
1. Paano ginamit ng may-akda ang mga karunungang-bayan sa kaniyang pelikula?
2. Paano nakatutulong ang mga karunungang-bayan upang higit na makilala ang mga
tauhan sa pelikula o higit namapaganda ang pelikula sa kabuuan?

Inihanda ni:
Bb. Daisy F. Cacayan
Guro sa Filipino
Banghay Aralin
Filipino 9
Setyembre 21-23, 2020

I. Layunin
a. Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano batay sa napakinggang akda.
b. Nakabubuo sa sariling paghahatol sa pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa
akda.
c. Nabibigyang-kahulugan ang mga mahihirap na salitang ginamit sa akda batay sa
denotatibo at konotatibong kahulugan.

II. Paksang Aralin: Mga Elemento ng Maikling Kuwento


Takipsilim sa Djakarta
Sanggunian: Sinag sa ika-21 Siglo 9
Kagamitan: Aklat, Video at Powerpoint

III. Pagtalakay sa Aralin


A. Pagbabalik-aral
Gamit ang estratehiyang ARG alamin ang dating kaalaman ng mga mag-aaral na
may kinalaman sa mahalagang tanong na dapat masagot nila sa araling ito.

B. Pagganyak
Magpakita ng iba’t ibang pamagat ng maikling kuwento na nailathala sa bansa.
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang sa palagay nila ang karaniwang paksa ng
mga kuwentong ito at sa papaanong paraan ito matutukoy.
Mga kuwento:
Kuwento ni Mabuti
Walang Panginoon
Paalam sa Pagkabata
Parusa
Impeng Negro
Tata Selo
Mga Proseong Tanong:
1. Mahalaga bang mabasa ang akda upang matukoy ang paksa na malimit nilang
ginagamit sa kuwento.?
2. Ano kayang mga pangyayari sa nakaraang panahon mna tinalakay sa akdang ito?
3. May pagkakatulad kaya ang mga paksa ng ating mga akda sa mga akda na
nagmula sa Timog-Silangang Asya? Bakit?

C. Pagtalakay
Ipakopya ang tsart sa ibaba at magbibigay ang guro ng salita na may kahulugang
denotatibo at konotatibo.

Denotatibong Kahulugan Konotatibong Kahulugan


SALITA

Paggamit sa Pangungusap
Paggamit sa Pangungusap

Ano ang denotatibo at konotatibong kahulugan ng mga salita?


Paano nagkakaiba ang gamit ang dalawang salita?
Iparinig/ipapanood sa klase ang kuwentong “Ang Istorya ng Taxi Driver”. sa
panahon ng pakikinig o panonood, ang mga mag-aaral ay magatatala ng mga
mahahalagang impoprmasyon gamit ang estratehiyang I HEAR-THINK-WONDER.

Pangalan: ____________________

….and that makes me


I hear Now I wonder
THINK

Tatalakayin ang Alamin Natin na nasa pahina 8-10 ng batayang aklat upang mas
maunaawaan ang mga elemento ng maikling kuwento.

D. Pagpapahalaga
Gaano kahalaga na alam mo ang paraan ng pagsusuri sa maikling-kuwento?

IV. Pagtataya
Pasagutan sa mga mag-aarala ang gawain A sa pakinggan mo sa pahina 5 at 6 at gawain
C na nasa pahina 7-8 ng batayang aklat.

V. Takdang Aralin
Upang mapalawak ang kasanayan ng mga mag-aaral, ipabasa sa kanila ang
kuwentong “Takipsilim sa Djakarta sa basahin mo sa pahina 10-16 ng batayang aklat at
sagutin ang Palawakin Mo sa pahina 16-17 ng batayang aklat.

Inihanda ni:
Bb. Daisy F. Cacayan
Guro sa Filipino
Banghay Aralin
Filipino 10
Setyembre 21-23, 2020

I. Layunin;
a. Naipapahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan
b. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa:pamilya,
pamayanan at lipunan o daigdig.

II. Paksang Aralin: Mga Elemento ng Maikling Kuwento


Takipsilim sa Djakarta
Sanggunian: Sinag sa ika-21 Siglo 9
Kagamitan: Aklat, Video at Powerpoint

III. Pagtalakay sa Aralin

A. Pagbabalik Aral
Gamit ang estratehiyang ARG alamin ang dating kaalaman ng mga mag-aaral na
may kinalaman sa mahalagang tanong na dapat masagot nila sa araling ito.

B. Pagganyak
Sa pagsisimula ng aralin ay tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang
kaalaman hinggil sa salitang “kaisipan” at kung sa papaanong paraan ito matutukoy sa
isang kuwento.
Mga prosesong tanong:
1. Ano ang kaisipan?
2. Paano ito tutukuyin sa isang akda?
3. Bakit kailangan itong alamin lalo na kapag tayo ay nagbabasa ng mga akda?

C. Pagtalakay
Bigyan ng task sheet ang bawat mag-aaal kung saan naroon ang mga salitang nasa
kahon sa ibaba. Ihahanay nila ang mga ito ayon sa tamang kayarian.

Mula sa naihanay na mga salita ay isa-isa itong pabigyan ng kahulugan. Ipaalala sa


kanila na sa pagbibigay ng kahulugan ay isaalang-alang ang kayarian nito.
1. Sa paanong paraan niyo natukoy ang lahulugan ng bawat salita?
2. Bakit kailangang isaalang-alang ang kayarian ng salita sa pgbibigay ng
kahulugan/

Basahin o iparinig sa klase ang mitolohiyang “Si Damon at Pythias”. Sa panahon ng


pakikinig o panonod ay ipatala sa mga mag-aaral ang mahalagang impormasyon sa akda
gamit ang estratehiyang I HEAR-THINK-WONDER.

Pangalan: ____________________

….and that makes me


I hear Now I wonder
THINK
Pagkatapos ang pakikinig ay talakayin ang akda ganit ang mga prosesong tanong;
1. Sino-sino ang mga tauhan sa mitolohiya?
2. Ano-ano ang mga pangyayaring inilahad na may kinalaman sa mga tauhan?
3. Ano ang pangunahing kaisipan na sumasalamin sa bawat pangyayaring
kinasasangkutan ng mga tauhan/
4. Ano ang pantlong na kaisipan na sinasalamin ng bawat pangyayari sa akda?

D. Pagpapahalaga
Ano ang aral na mapupulot sa akdang inyong napakinggan?

IV. Pagtataya
Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain B at C ng pakinggan mo sa mga pahina 5-7 ng
batayang aklat.

V. Takdang Aralin
Ipabasa sa mga mag-aarala ng mitolohiyang “Ang Babae at ang Pulang Rosas na
Tsinelas” sa pahina 9-12 ng batayang aklat. Sa panahon ng pagbabasa ay ipatala sa kanila ang
mga impormasyon ng kuwento gamit ang story map.

Inihanda ni:
Bb. Daisy F. Cacayan
Guro sa Filipino

You might also like