You are on page 1of 3

LEARNING ACTIVITY # 2 & 3

NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________

COURSE&YEAR:__________________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: ________LITERATURE 1O4___ _______________________ COLLEGE DEPARTMENT

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:

 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Skill Demonstration /  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
Exercise / Drill ___________________

PAMAGAT: Kahulugan ng Panitikan

LAYUNIN: Makapagbigay ng sariling katuturan sa panitikan

SANGGUNIAN: San Juan, G.P., San Juan, C.P., Mag-atas, R.U., Carpio, P.D.S. & Cabaysa,
W.G. (2005). Panunuring pampanitikan. Sta. Cruz, Manila: Booklore
Publishing Corporation.

Ang PANITIKAN ay buhay, buhay-buhay ng tao. Inilalarawan nito ang mga ugali,
asal, gawi at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa kani-kanilang kapanahunan. Kung ano
ang saloobin, naiisip at nadarama at mga nagaganap sa kanilang kapanahunan ay
naipapahayag ng mga makata at manunulat ng pantikan. Dahil dito, kaya nga’t
masasabing ang panitikan ay ang ekspresyon ng tao.

TALA SA KAHON

Mga iba pang Kahulugan ang Panitikan Ayon sa Iba’t Ibang Personalidad

1. Ponciano B.P Pineda - ang panitikan ay katipunan ng magaganda, mararangal, masisining

at madamdaming kaisipang nagpapahayag ng mga karanasan at lunggati ng isang lahi.

2. Maria Ramos - ang panitikan ay lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.

Masasabi ngang lakas na nagpapakilos sa tao ang panitikan.

3. Simplicio Bisa (1987) - ang panitikan ay salamin ng lahi. Nasisinag sa panitikan ang mga
karanasan ng isang bansa ang mga kaugalian, mga paniniwala, mga tradisyon, pangarap at
lunggatiin ng isang lahi.

4. William Joseph Long - “Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng pinakamabuting

kaisipan at damdamin ng tao.”

5. Hon. Azarias (sa kanyang aklat na “Pilosopiya ng Literatura”) – ang panitikan ay

pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa
pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha.

6. Paz N. Nicasio at Federico B. Sebastian (1985) – ang panitikan ay kabuuan ng mga

karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at pangarap ng
isang lahinna ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at masining na paraan,
nakasulat man o hindi.

7. Teresita P. Capili-Sayo (1987) – ang panitikan ay lakas na nag-uugnay sa damdamin ng

mga tao upang makita ang katwiran at katarungan, dahil dito’y masasabing lumilinang ang
panitikan sa nasyonalismo ng mga mamamayan
8. G.K.R. Pineda at Tomas C. Ongoco (1972) – “ang panitikan ay kapatid na babae ng
kasaysayan. Ang panitikan, tulad ng kasayasayan ay nagtataglay ng mga ulat ukol sa mga
naganap sa isang lahi at mga naisip na dakila at marangal ng lahing ito.” Nagkakaiba lamang
sa pamaraan ng pagpapahayag ang dalawa. Samantalang ang kasaysayan ay tuluyan at
naglalarawan ng hubad na katotohanan, ang panitikan ay nagagayakan ng magagarang damit
ng pagpapahayag at nakukulayan ng malikhaing guniguni ng may-akda.

9. Lydia Fer Gonzales, et. al (1982) - “ang panitikan ay pagpapahayag na kinapapalooban ng

katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at
damdamin ng manunulat, at sa paraang abot-kaya ng mangangatha o manunulat. Sa panitikan
nakakatalamitan ng isipan ng mga mambabasa ang isipan ng manunulat ng iba’t ibang
panahon ng iba’t ibang bansa”.

10. Jose A. Arrogante (1983) - ang panitikan ay talaan ng buhay. Talaan ito ng buhay
sapagkat dito nailalahad ng tao ang kanyang kaisipan at damdamin: sapagkat dito niya
nailalarawan nang tapat, tunay at totoo ang kanyang mga kaugalian, saloobin at paniniwala;
sapagkat dito naisasalaysay ang bawat takbo ng mga pangyayari na nagaganap sa kanyang
panahon ng pag-unlad, mula nang siya’y binhiin, sumilang, magmusmos, mamulat, magkaisip,
matuto, gumalang at hanggang mamatay; sapagkat dito napapangatwiranan niya ang mga
karanasan –pakikibaka, pagkatakot, pagkabigo, pagtatagumpay, pakikiayon, pagsusuwail, at
pag-iisa; sapagkat dito niya nabibigyan ng katuturan ang kanyang sariling kahalagahan ayon
na rin sa sarili niyang prinsipyo at ayon sa simulain at tradisyon ng kanyang lipunang
ginagalawan at bayang tinubuan na kung minsan ay hindi nagkakatugma, sa siya ay nauuwi
sa isang mabigat na pakikipagtunggali sa sarili, sa kapawa, sa lipunan at sa kalikasan;
sapagkat dito napupuna niya, nasusuri, napahahalagahan ang katotohanan, ang kagandahan,
ang kabutihan ng lahat ng nakapaligid sa kanya, ng buhay at nabuhay sa daigdig, at kung di
man, kapagdaka’y kabaligtaran ng mga ito ang kanyang masusumpungan. Dito niya
nakikinikita ang mga maiilap na pangarap, ang ,malalayong pag-asa, tuloy napipigilan niya ang
bugso ng kanyang loob sa maaari niyang gawin na maaari niyang pagsisihan sa huli. Sa
kabuuan, ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na
kanyang kinabibilangan at pinapangarap ay malikhainniyang maisisiwalat sa talaang ito na
tinatawag na panitikan.

PAGSUSULIT: I. Gumawa ng sariling pagpapakahulugan sa panitikan mula sa mga ibinigay

na katuturan sa itaas.
___________________________________________________________________________

II. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan? Talakayin.

Sa tingin ko ang panitikan ay ang tinatawag na “holy grail” ng lahat sapagkat ito ang
nagpakahulugan at nagpaintindi sa atin sa lahat ng bagay. Base sa mga nakalathalang
kahulugan sa taas, ang panitikan para sa akin ay isang napakahalagang bagay na kung saan
maaari na rin itong isama sa mga pinakamalaking salik na nagpaunlad ng sangkatauhan.

II. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan? Talakayin.

Napakahalaga talaga na pag-aralan ang patinitikan. Una ay ito ang gamit natin upang
maipahayag ang saloobin, kaisipan at karanasan ng isang tao. Dahil dito ay mas mapapaunlad
pa ang pakikipagtalastasan ng mga tao. Pangalawa, ito ay nakakatulong upang masagap natin
ang mahahalaga impormasyon na kinakailangan sa pang-araw-araw. Dahil sa mga
nakalathalang bagay ay malalaman natin ang mga nangyayare bukod pa sa pang-araw-araw.
Pangatlo, nang dahil sa panitikan ay natuklasan natin ang mga pangyayari noong unang
panahon ukol sa ating mga ninuno. Nang dahil dito ay mas yumayaman pa ang ating panitikan
dahil sa pagdiskubre ng mga mayayamang panitikan noong unang panahon. Pang-apat, ang
panitikan ang nagpapakita ng mga kaugalian at mga nakasanayan ng bawat pangkat o etniko
na umiiral sa atin kaya naman ang mga nasa dila lang na mga panitikan ay nakukuha ng mga
mananaliksik mula sa katutubong tao. At higit sa lahat ay ang panitikan ang nag-uugnay sa
mga tao kahit ano mang uri ng panitikang ginamit.

You might also like