You are on page 1of 3

Ang 

komiks 
isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang
isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng isa o
higit pang mga larawan,

Bahagi ng Komiks
1. Pamagat ng kuwento
2. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento
3. Lobo ng usapan- Pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo ito batay sa
inilalarawan ng dibuhista.
4. Kahon ng Salaysay-
Pinagsusulatan ng maikling salaysay tungkol sa tagpo
5. Kuwadro- Naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)

Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na


nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang
Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng
imahinasyon.

Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na
walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba.

Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit ang mga
elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa kalawakan,
ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga
nilalang. Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super
karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks, maraming
binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.

Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipino na


gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing " Trubner's Record" sa Europa
ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang
popular na pabula sa Asya.
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga
magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula dito,
nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks,
Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.

Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks dahil sa
ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng murang papel. Naapektuhan
nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng
komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya, ang komiks.
Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño at iba pa.

Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong


ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang
pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990
dahil nahumaling na ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang.

Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya sa


bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007
tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa
pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks
kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, 'world-class' ang kakayahan
ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks.

Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing pagsulat
sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa
labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at
marami pang iba.

Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga

kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks dahil

may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi
mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita

at bibig para makabasa-- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.”

You might also like