You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 11/12

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman
1. Natutukoy ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulatin.

B. Pamantayan sa Pagganap
1. Nasususuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulatin.

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto


1. Nabibigyang-kahulugan ang sulating pang-isports.(CS_F111/12PB-0a-
c107).

II. Nilalaman

A. Paksa: Sulating pang-isports


B. Kagamitan:Mga larawan,papel,laptop,dyaryo
C. Sanggunian: Internet

III. Pamamaraan

A. Pagsisimula ng bagong aralin.

1. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng mga larawang may kaugnayan sa paksa.

B. Paglalahad
Ano ang nakuha niyong mga salita batay sa mga larawang nakita?

C. Pagtalakay sa paksa

Magbibigay ng pangkatang gawain ang guro at mamarkahan ang mga


mag-aaral batay sa kanilang presentasyon.
Unang Grupo
Bumuo ng mga aksyon na ipahuhula sa mga kapwa mag-aaral sa
mga ss.na laro.
1.basketbol
2.golf
3.Taekwondo
4.jujitso
5.swimming
Pangalawang grupo
Bumuo ng isang akrostik batay sa salitang SULATIN.
Pangatlong grupo
Gamit ang Graphic Organizer,magtala ng mga salitang may
kaugnayan sa salitang isports.
Pang-apat na grupo
Bumuo ng isang pick-up line batay sa salitang ISPORTS.
Panglimang grupo
Magtala ng halimbawa ng sulating pang-isports.

D. Paglalapat ng aralin

Bilang isang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng sulating pang-isports


sa ating pang-araw-araw na buhay?

E. Paglalahat ng aralin

Batay sa ating talakayan,ano ang kahulugan ng sulating pang-isports?


IV. Pagtataya ng aralin

Panuto:Basahing mabuti ang artikulo na nasa harapan at ipaliwanag kung bakit


masasabing sulating pang-isports ito at magbigay ng mga patunay batay sa nilalaman
ng artikulo.

V. Takdang aralin

Magsaliksik ng mga layunin, katangian,gamit at anyo ng sulating pang-isports.

Inihanda ni:

MINERVA H. CAMACHO
Guro sa Filipino

You might also like