You are on page 1of 2

Petsa:

Pamantayang Nauunawaan ang kalikasan, layunin, at paraan ng pagsulat ng iba’t


Pangnilalaman ibang anyo ng sulating ginagamit sap ag-aaral sa iba’t ibang larangan.

Pamantayan sa Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo


Pagganap ng sulatin.

Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat


I. Layunin
CS-FA11/12PB-Oa-c-101
Akademik
II. Paksang-Aralin
Mga Sanggunian ADM- Module p.1-9 Pagsulat sa Filipino sa piling, LAS- Filipino sa
Piling Larang Akademik p.1-7
Mga Kagamitan Laptop, Module, LAS,meta strip, bondpaper, marker

III. Pamamaraan A. Pagbabalik tanaw ( Pagbubunot ng dalawang pangalan ng


mga-aaral)
- Kalian ka pinakahuling sumulat? Anong uriang sulatin ito?
Bakit nagustuhan mo itong sulatin? Ano-anong kabutihang
dulot sa pagsususlat? Ilahad.

B. Gawain ( Activity)
- Bumuo ng limang pangkat.. Pumili ng magiging lider.
- Tanggapin ng bawat grupo ang tig-isang piraso ng meta
strip, bond paper at marker.
- Buuin ang isang “word puzzle.” Bawat pangkat ay may isang
salita na bubuuin sa pamamagitan nang pagdaragdag ng
mga tamang letra.
- Isulat sa meta strip ang nabuong salita.
- Isulat naman sa bond paper ang sariling pakahulugan sa
nabuong salita.
- Iulat ng lider ang tungkol sa ginawa ng pangkat.
Pangkat 1 – (A R __ __ K __ ___O)

Pangkat 2 – ( B __O _ )

Pangkat 3 – (T __ S __ S )

Pangkat 4 – (__ A__A __ S __Y)

1. Pangkat 5-( R__P__ __T)

C. Pagsusuri ( Analysis)
Pamprosesong tanong
1. Ano ang masasabi mo sa gawain?
2. Ano ang naramdaman mo habang isinasagawa ang pagbuo
ng salita at pagbibigay ng sariling pakahulugan?
3. Ano ang iyong natuklasan sa ating ginawa?
Saan kaya patungkol ang ating aralin?
4. Ano-ano nang mga sulatin ang kanilang naranasang isulat na
(tula, blog, diary, atbp.).
5. Paano ito makakatulong sa pagpapalawak ng inyong
kaalaman sa kasanayan sa pagsulat?

D. Pagtatalakay ( Abstraction)

Pagtatalakay at Pagbibigay tuon ng guro at mga mag-aaral


sa mga sumusunod:

- Kahulugan ng Akademikong Pagsulat, halimbawa at


konsepto

E. Paglalapat ( Application)
1. Bumuo muli ng apat na pangkat. Pumili ng bagong lider.
2. Tanggapin ng bawat pangkat ang tig-isang piraso ng manila
paper at marker.
3. Buuin ang isang “concept map” tungkol sa akademikong
pagsulat – kahulugan, konsepto at mga halimbawa
4. .Iulat ng lider ang tungkol sa ginawa nilang awtput.
IV. Ebalwasyon Sagutin ang mga sumusunod:

- Pagsulat ng Talata
Sumulat ng isang talata na maglalahad ng sariling
pagpapakahulugan ng akademikong pagsulat.

- Gamiting gabay ang rubriks sa pagsulat ng talata.

V. Takdang Aralin - Magsaliksik ng ilang pakinabang na dulot ng akademikong


pagsulat.
- Isulat ang mga kasagutan o nasaliksik sa kwaderno.

Lagda ng Principal

Inihanda ni :

Gng. Ellen P. Yamson, MAED

You might also like