You are on page 1of 5

Santiago City

Tel/Fax: (078)-305-3226 / 305-0897


www.northeasterncollege.edu.ph

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipapaliwanag ang depenisyon ng pagsulat pati na ang kompleks na proseso at uri ng sulating
ginagamit sa pag-aarl.
b. Nabibigyang kahulugan ang pagsulat, kompleks na proseso, at uri ng sulatin.
c. Napapahalagahan ang pagpagkatuto sa paksa sa pamamagitan ng pagsulat sa isang personal
na sulatin.

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang pagsulat, kompleks na proseso, at uri ng mga sulatin
Sanggunian:
https://www.scribd.com/presentation/481495250/INTRO-PAGSULAT-FINAL
https://www.scribd.com/document/428722968/Mfil-13
httpa://www.coursehero.com/file/87423487/Proseso-ng-pagsulat
Kagamitan: powerpoint, pen, notebook, atbp…
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a1. Pagbati
Magandang araw mga mag-aaral
Magandang araw guro
a2. Panalangin
Bago tayo magsimula tayong lahat ay tumayo,
______ pagunahan mo ang ating panalangin
sa araw na ito.
Sa ngalan ng ama, ng anak, ng espirito
santo,,, Amen..
a3. Pagtala ng Lumiban
Klas sino ang absent ngayong araw? Wala po sir

a4. Pagbabalik-Aral
Bago tayo dumako sa ating talakayan ngayong
araw tayo muna ay magbalik tanaw. Klas ano
ang inyong natutunan nyo sa nakaraang
paksa?
Sir tungkol po sa pagsulat, ang pagsasalita vs.

Page 1 of 5
pagsulat.

B. Pagganyak
Klas ngayon naman ay may inihanda akong
Gawain 1: Jumbled Words
gawain para sa inyo.
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra
upang maibigay ang hinihinging
kasagutan sa mga gabay na tanong.
1. Isang anyo ng komunikasyon kung saan
ang kaalaman o mga ideya Ng tao ay
isinasalin sa pamamagitan ng mga titik o
simbolo.
2. Ito ay isang teksto na naglalayong hikayatin
ang mambabasa na magsagawa ng isang
tiyak na aksyon.
3. Layunin nito'y magkwento ng isang
pangyayari o kawil na pangyayari.

Sagot: PAGSULAT, PANGHIHIKAYAT,


PAGSASALAYSAY.
Mahusay...

C. Pagpapakilala sa Aralin
Klas alam nyo bang napakahalagang
malaman natin ang proseso ng pagsulat
upang magkaroon tayo ng kaalaman kung
paano simulan at makapaghanda ng mga
kinakailangan bago magsulat. Ito ay may mga
uri at halimbawa, ang pagsulat na
kinakailangan nating sundin upang makabuo
ng wasto at tiyak na talata o upang maisulat ng
maayos ang inyong sinusulat.

D. Pagtalakay sa Paksa
Ngayon naman ang ating paksang tatalakayin
ay tungkol sa “pagsulat, kompleks na proseso,
at uri ng sulatin” kaya naman makinig
sapagkat pagkatapos ng talakayan ay
magbibigay ako ng isang gawain. Opo sir
(Ang guro ay tatalakayin ang tungkol sa
“pagsulat, kompleks na proseso at mga uri ng
sulatin.)
Ano ang pagsulat?
Ang pagsulat ay paghahatid ng mensahe
ng awtor (opinion man o mga kaalaman)
sa mga mambabasa sa tulong ng mga titik
o simbolo at kalakip nito ang pagiging
epiktibo niya sa paghahatid ng mensahe.

Page 2 of 5
Ito ay nagbibigay-daan para maihayag ng
mga tao ang kanilang saloobin sa
pamamagitan ng tekstuwal na
pamamaraan.
Ayon kay Rivers, 1975 ang
pagsulat ay isang kompleks na proseso.
Ang pagsulat ay nagsisimula sa pagkuha
ng kasanayan (self-getting) hanggang sa
kasanayang ito ay aktwal na nagagamit
(self-using).
Isang kompleks na proseso
Mga hakbang sa pagsusulat

1. Pagpili ng Paksa – Upang makapili tayo


ng mga materyales na maaari nating
gamitin sa pagsulat.
2. Pangangalap ng Impormasyon –
Anumang paksang napili, kailangan parin
magdaan sa masusing pagsasaliksik at
pagtuklas.
3. Pagpapahalaga sa Impormasyon – Ang
mga impormasyong nakuha mula sa
pananaliksik ay malaking tulong upang
makabuo ng maayos na sulatin.
4.Pagsulat – Matapos maisagawa ang
pangangalap ng mga impormasyon at
pagbibigay halaga sa mga ito tiyak na
handa na tayong sumulat.
Uri Ng Sulatin
1. Personal na Sulatin
-Ito ay kadalasang ginagamit ng mga
estudyante dahil nagagawa nilang ilabas
ang anumang damdamin, pag-iisip, o
kung ano pang mga bagay na galing sa
kanilang sarili.
Halimbawa: liham, datalog, dyornal, diary, tala,
at talambuhay
2. Transaksyunal na Sulatin
-Ang sulating ito ay pormal at ang pagkakabuo
ng sulating ito ay may sariling pokus at
mensahe na nais ihatid.
Halimbawa: proposal, advertisement,
patakaran, plano, at panuto.
3. Malikhain na Sulatin
-Ang ano mang pagsusulat na lumalabas sa
mga hangganan karaniwang propesyonal,
pampahayag, o teknikal ng mga anyo ng
panitikan.

Page 3 of 5
Halimbawa: nobela, bugtong, awit, maikling
kwento, pabula, parabula, at editorial
4. Pagsasalaysay
-Ito ang pinakamadalas gamitin sa pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao
sa kanyang kapwa. Layunin nitoy
magkwento ng isang pangyayari o kawil
ng mga pangyayari.
5. Eksposisyon
-Isang pagpapahayag na may tunguhin
ipaliwanag o bigyang kahulugan ang
pangyayari, opinion,kabatiran, o mga
kaisipan.
6. Palarawan
-Naglalayong magsaad ng kabuuang
larawan ng isang bagay, pangyayari, o
kaya naman ay magbigay ng isang biswal
na konsepto ng mga bagay-bagay, pook,
tao, o pangyayari.
7. Panghihikayat
-Ito naman ay nagpapahayag na may
layuning manghikayat ng mambabasa na
makiayon o tanggapin ang pananaw ng
manunulat.
Naunawaan ba?

E. Paglalahat
Ngayon ay susubukin natin ang inyong
kaalaman kung talagang kayo ay nakinig.

Panuto: Isulat ang mga sagot sa isang malinis


na papel batay sa mga tanong sa ibaba.
1. Sa inyong sariling opinion ano ang
pagsulat?
2. Ano-ano ang mga hakbang sa pagsulat?

3. Bakit kailangang sundin ang mga hakbang


sa pagsulat?
F. Paglalapat
4. Ibigay ang mga uri ng pagsulat?
Ngayon ano naman ang inyong natutunan sa
5. Ano ang mga kahulugan ng mga sinulat
ating tinalakay?
ninyong uri ng pagsulat?

Page 4 of 5
(magtatawag ang guro ng magbabahagi ng
kanyang kasagutan)

Mahusay palakpakan naman natin.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Sumulat ng isang personal na sulatin tungkol sa liham sa magulang. Ilagay ito sa
buo/malinis na papel pagkatapos nito ay ipasa sa akin.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Basahin ang susunod na tatalakayin tungkol sa “mga kailangan sa pagbuo ng
sulatin”.

Inihanda Ni:
JUNE B. SORIANO
Gurong Nagsasanay

Iniwasto Ni:
AILEEN MELODY DE VERA
Guro ng Wika

Page 5 of 5

You might also like