You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

BILIRAN PROVINCE STATE UNIVERSITY


ISO 9001:2015 CERTIFIED

School of Teachers Eduucation (STED)


Unang Semestri, T.P 2021-2022

MODYUL SA ELEKTIB 1
Malikhaing Pagsulat
(Unang Semestri – T. P. 2021 -2022)

VIRGINIA CASIO – PAPILLERAS


Instraktor
Elektib 1 – Malikhaing Pagsulat

PANIMULA
Ang pagsulat ay isang mahalagang makrong kasanayang hinuhubog at
pinauunlad sa bawat mag-aaral. Kaya naman, bahagi ng asignaturang
Filipino ang pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin.

May iba’t ibang dahilan kung bakit nagsusulat ang isang tao. Sa isang
mag-aaral na katulad mo, ang kalimitang dahilan ng pagsusulat ay ang
matugunan ang pangangailangan sap ag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo
ng sapat na kasanayan sa pagsasatitik ng inyong mga naisip at
nararamdaman. Sa mga propesyonal naming manunulat tulad ng mga awtor,
peryodista, sekretarya, guro, at iba pa, ito ay kanilang ginagawa bilang bahagi
ng pagtugon sa boaksyon o trabahong kanilang ginagampanan. Para naman
sa iba, ito ay nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay
naibabahagi nila ang kanilang ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili o
kasiya-siya para sa kanila.

LAYUNIN

Maraming batayang kaalamang nararapat alamin sa mag-aaral na


maging gurong tulad mo. Sa larangan ng pagtuturo, pinakamahalaga ang
kaalaman sa asignaturang iyong ituturo.

Pagkatapos mong makompleto ang modyul na ito kailangang ikaw ay


1. Nakapagsusulat ng isang personal, transaksyunal at malikhaing
sulatin.
2. Nakabubuo ng isang sanaysay hinggil sa napapanahong isyu.
3. Nakasusulat ng isang Biopoem
4. Nakabubuo ng isang personal na sulatin (dyornal, talaarawan,
lakbay sanaysay)
5. Nakapagdidisenyo ng portpolyo ng mga sulating nagawa.

V. C. PAPILLERAS 2 | Page
Elektib 1 – Malikhaing Pagsulat

Handa ka na bang maglakbay sa mundo ng Malikhaing Pagsulat at


wikang ginagamit dito? Halina, bitbitin ang pagiging bukas ang isip, pagiging
positibo at mapanuri upang maitaas ang panlasa at kamalayan sa ugnayan
ng pagsusulat at pagsusuri nito.

Paunang Salita

Malaking tulong sa iyo ang gawaing papel na ito na siyang magiging


gabay mo sa sariling pagkatuto. Higit na magiging mabisa at makabuluhan
ang iyong pag-aaral kung malinaw sa iyo ang mga tuntuning dapat
isaalang-alang at marapat lamang sundin.

Bawat aralin sa modyul na ito ay nagtataglay ng sumusunod:


o Panimula
o Mga Layunin
o Panimulang Gawain
o Pagsusuri
o Pagtalakay sa Aralin
o Pagtataya
o Isagawa Mo
o Fidbak
o Mga Babasahin
o Mga Dapat Tandaan

May panimula at pangwakas na pagsusulit ang modyul. Sa bahagi ng


mga aralin, makatatagpo tayo ng mga tanong sa sarili (TSS) na susukat ng
naging kasanayan sa pag-unawa. Mayroon ding mga gawaing lilinang ng
iyong kasanayan sa pagtuturo (Gawain). Taglay ng glosari ang paliwanag o
depinisyon ng ilang terminolohiyang ginamit sa mga aralin.

Maligayang pag-aaral sa iyo!

V. C. PAPILLERAS 3 | Page
Elektib 1 – Malikhaing Pagsulat

Aralin 1
Ang Proseso ng Pagsulat

Layunin:

Sa araling ito, matututuhan mo ang ilang mahahalagang bagay na


makatutulong sa iyo bilang magiging guro ng wika. Inaasahang magagamit
mo ang mga kabatirang ito upang:
Malalaman ang mga Proseso ng Pagsulat
 Kahulugan ng Pagsulat
 Bahagi ng Teksto/Pagsulat
 Mga Pamaraan ng Mabisang Panimula
 Pamamaraan sa Pagsasaayos ng Katawan
Mga Pamaraan ng Pagsulat ng Konklusyon
 Pamamaraan ng Pagsulat
 Mag Uri ng Gawaing Pagsulat
 Paraan sa pagsulat ng Isang Talata
Ang Akademik na Pagsulat
Ang Teknikal na Pagsulat
Ang Sining ng Malikhaing Pagsulat
 Ang Malikhaing Pagsulat
 Ang mga Layunin at kahalagahan ng pagsusulat
 Mga gabay sa malikhaing pagsulat

Magiging higit na magaling kang manunulat ka kapag lubos na nalinang sa


iyo ang mga kaalaman at kabatirang nabanggit.

Paunang Gawain
Subukin mong sagutin ang panimulang pagsubok bilang
paghahapaghahanda sa ating aralin. Ibahagi ang isa mga sulating nagawa o
nabuo mon a itinuturing mong pinakamhalaga, pinakamaganda, o maaaring
pinakamalapit sa iyong puso. Punan ang aklat sa ibaba para sa hinihinging
detalye.

V. C. PAPILLERAS 4 | Page
Elektib 1 – Malikhaing Pagsulat

Pamagat ng sulatin: Maikling buod o tala tungkol sa nilalaman


nito:

Dahilan kung bakit ito ang itinuturing mong


pinakamaganda, pinakamahalaga, o
pinakamalapit sa iyong puso:

Fidbak
Kumusta ang pagsagot mo sa Paunang Gawain, ikaw ba ay nahihirapan
sa pamimili? Nagkaroon ng mga akdang patas ang halaga sa iyo? O sa tingin
mo’y mayroon ka pang dapat gawin sa mga ito?
Mabuti ito. Mabuti sapagkat sa pagdaloy ng araling ito ay
matutuklasan mong ang pagsulat ay isang prosesong hindi natatapos dahil
mayroon at mayroon kang nanaising idagdag sa paglawak ng iyong kaalaman
sa pagdalaoy ng panahon at pagdaan ng mga aralin sa iyong mga kamay

Pagsusuri
Nabanggit sa itaas na may iba’t ibang dahilan kung bakit nagsusulat
ang tao at batay sa paunang Gawain, napapansin mob a ang paksa ng sulatin

V. C. PAPILLERAS 5 | Page
Elektib 1 – Malikhaing Pagsulat

na iyong ginawa? Tungkol saaan ito? Ito bay ay malikhain, anong uri ng
sulatin? Malalaman mo ang kasagutan pag nabasa at napag-aralan mon a
ang nilalaman ng modyul na ito.

Pagtalakay sa Aralin
Alam Mo ba?

A. Kahulugan ng Pagsulat
 Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang
na permanenteng panandang ginagamit upang kumatawan sa isang
pahayag kung saan maari itong muling makuha nang walang
interbensyon ng nagsasalita.

 Sabi naman ni Florian Coulmas, ito ay isang set ng nakikitang


simbolong ginagamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa
isang sistematikong pamamaraan, na may layuning maitala ang mga
mensahe na maaaring makuha o mabigyang – kahulugan ng sinuman
na may alam sa wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa
pag-eenkoda.

 Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang


kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan.

 Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na proseso sa layuning


makalikha at makagawa ng maayos na sulatin isang kasanayan.

 Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pag-aaral at


produkotong konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto; maipahiwatig
ang ating nadarama na di natin kayang sabihin ito ay para libangin
ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at
makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinyon.

 Ayon kay Arapoff, ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa


pamamagitan ng mahusay ng pagpili at pag-oorganisa ng mga
karanasan.

 Ito ay isang tao-sa-taong komunikasyon at paraan ng paghubog ng


damdamin at isipan ng tao.

V. C. PAPILLERAS 6 | Page
Elektib 1 – Malikhaing Pagsulat

B. Bahagi ng Teksto

I. Panimula/Introduksiyon

Ito ay napakahalagang bahagi ng isang tekso sapagkat nagsisilbi


itong pang-akit sa mga mambabasa upang basahin ang teksto. Ito
rin ang nagpapakilala sa paksa ng teksto. Sa bahaging ito,
iniintrodyus ang paksa na iniikutan ng teksto at inilalatag dito
ang ang kaligiran ng paksa na maaaring buoin ng proposisyon,
pahayag o asersyon hinggil sa tatalakaying paksa o mga katwirang
papatunayan o pasisinungalingan.

Ito ang pinakamukha ng sulatin, dapat ito ay kaakit-akit,


nakapupukaw, nakagaganyak, nakahahatak ng kuryusidad. Nakapaloob
din ditto ang pinakalayunin ng pagsulat ng teksto.

Nagsisimula tungkol sa pangkalahatang pangungusap tungkol sa


paksa. Nangangailangan ng tatlo hangang limang sunod – sunod na
pangungusap na nagpapalawak sa paksa. Ang bawat talata ay
nagpapatalas sa iyong pokus.

Ang iyong huling pangungusap ng panimula ay nararapat na isang


tesis na pahayag. Ito ay pahayag ng iyong pangunahing ideya, tinatawag
itong Authorial Stance.

Ang Authorial Stance ay nangangahulugan sa iyong perspektibo sa


materyal na iyong sinusuri.

Ang mga sumusunod ay ang mabibisang panimula

1. Pasaklaw na Pahayag – sa panimulang ito, ang resulta o kinalabasan


muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di-
gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalaga na detalye.
Halimbawa: Balita
2. Pagbubuod – naghahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang
sadyang tinatalakay
3. Pagtatanong –

V. C. PAPILLERAS 7 | Page
Elektib 1 – Malikhaing Pagsulat

4. Tuwirang Sinabi – panimulang karaniwang nakikitang nakapanipi


sapagkat mula ito sa tapat na pagsipi sa tiyak na pahayag ng isang taong
bantog, dalubhasa, awtoridad at maari rin naming karaniwang tao lamang
ngunit ang sinabi’y naghahayag ng mahahalagang bagay na magagamit na
lundayan sa pinapaksa.

5. Panlahat na Pahayag – isang uri ito ng panimula na nagtataglay ng


kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga
kawikaan, at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na
makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.

6. Paglalarawan – ang panimulang ito’y ginagamit kapag


nagtatampok ng tao. Sapagkat nagbibigay, deskripsyon, mga malarawan
at maaksyong salita ang ginagamit.

7. Pagkakaligiran – ito naman ang ginagamit napanimuilakung ang


binibigyang-larawan ay pook.

8. Pagsusumbi – bihira ang panimulang ito. Maikli lamang, na


karaniwan nang binubuo ng iisang salita. Masurpresa itong parang suntok
kung tumimo sa kuryusidad ng bumabasa.

9. Pagsasalungat – Sa panimulang ito, ang binibigyang diin ay ang


pagkakaiba. Ang tuntuning sinusunod dito ay mas malaki ang pagkakaiba,
mas matindi ang bisa.

10. Pagsasalaysay – ang panimulang ito’y anyong malumanay na


pagkukuwento.

11. Makatawag-pansing Pangungusap – Ito’y isang mapanggitlang


panimula dahil di-karaniwang sinasabi o naririnig sa araw-araw ang
pariralang ginagamit dito.

12. Analohiya – Ito ay nagtutulad o nagwawangis.

13. Anekdota – isang panimulang nagkukuwento ng maikling istorya


para pasiglahin ang babasa o di kaya’y gamiting tularang lundayan ang
kaugnayan sa paksang tatalakayin.

II. Katawan

Ito ang pinakamahaba at pinakamahalagang bahagi ng teksto,


nakasaad din dito ang nilalaman ng teksto. May dalawang bagay na
kailangan sa pagbuo ng katawan o gitna: ang pagsama-sama sa mga

V. C. PAPILLERAS 8 | Page
Elektib 1 – Malikhaing Pagsulat

kaisipang magkakasing-uri; ang paghahanay ng mga kaisipan sa


isang makatuwirang pagkakasunod-sunod. Matatagpuan dito ang
pangunahing pagtalakay sa paksa- ang pangangatwiran, pagpapaliwanag,
pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad.

Pangkalahatang Pamamaraan sa Pagsasaayos ng Katawan ng Sulatin

1. Pakronolohikal – tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari


mula pinakamatagal hanggang sa kasalukuyan

2. Paanggulo – batay sa personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao


tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong
paglalagom.

3. Paespesyal o Pagaagwat – paglalahad mula sa pinakamalapit o ang


alam na alam na paksa hanggang sa pinakamalayo o ang hindi na
masyadong alam na paksa.

4. Paghahambing – isinasaayos nang paseksyon. Unang seksyon ay ang


pagkakaiba. Ang pangalawang seksyon ay ang pagkakatulad. Maari rin
silang magkapalit.

5. Palamang o Pasahol – sinisumulan sa mga bagay munang lalong


mahalaga ang binabanggit bago ang di-gaanong mahalago o vice-versa.

6. Patiyak o Pasaklaw –isinasaayos na man ito sa paraang sinasabi


muna ang mga partikular o definidong detalye bago ang
pangkalahatang mga pahayag o vise-versa.

7. Papayal o Pasalimuot – sinisimulan ito sa mga bagay na komplikado


kasunod ang mga bagay na simple o vice-versa.

III. Konklusyon o Wakas


Nakasaad naman sa bahaging ito ang mahahalagang puntos ng papel.
Inilalahad din ang napatunayan o napagalaman batay sa paglalahad at
pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik. Dito
makikita ang kabuuan ng sulatin.

Mabisang Pangwakas

1. Tuwirang Sinabi 4. Pagpapahiwatig ng aksiyon

2. Panlahat na pahayag 5. Mahalagang Insidente

3. Pagbubuod 6. Pagtatanong

7. Pagsisipi

V. C. PAPILLERAS 9 | Page
Elektib 1 – Malikhaing Pagsulat

Pagtataya

Panuto: Suriin at basahin ang mga sumusunod na sulatin. Magbigay


ng puna, ideya o reaksiyon sa sulating binasa. Pansinin ang pagkakabuo ng
sulatin batay sa tinalakay sa itaas.

Rubrik sa Pagwawasto
Puntos
Nilalaman at Kaisipan 10
Organisasyon ng mga Ideya 5
Wastong Gramatika 5
Kabuuan 20

A. Lalaki binaligtad ang watawat ng Pilipinas


sa NAIA, inaresto

HINULI ang isang lalaki sa NAIA Terminal 2 matapos baligtarin nito ang
watawat ng Pilipinas.

Nahaharap na sa mga kasong paglabag sa Republic Act 8491 at unjust


vexation si Jay-ar Beril, tubong Jose Dalman, Zamboanga del Norte.

Sa ulat, alas – 9 ng umaga noong araw ng lingo nang mapansin ni APC2


Ismael Rivera ang isang lalaki na ibinababa ang watawat sa flagpole at una
niya itong inakala na kawani sa airport.

Ngunit nagulat na lamang si Rivera nang muling itaas ng lalaki ang


watawat na pabaligtad, ang kulay pula ay nasa itaas, na simbolo ng nasa
digmaan ang bansa.

Agad pinuntahan ni Rivera ang lalaki ngunit tumakbo ito hanggang sa


maharang ng mga tauhan ng Aviation Security Command.

Nagwala pa si Beril at kinuwestiyon ang kapangyarihan ng airport


police na arestuhin siya na hindi nilinaw ang dahilan ng kaniyang ginawa.

Mula sa Bandera

B. Kahalagahan ng Edukasyon

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang


saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng
isang masaganang ekonomiya.

V. C. PAPILLERAS 10 | P a g e
Elektib 1 – Malikhaing Pagsulat

Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga


bagay na natutuhan sa ating mga unibersidad at paaralan. Bagaman,
kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na
edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na
pamumuhay ang siya pa ring dapat piliting maabot.

Maabot ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan


bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English
at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay nang
maayos.

Isagawa Mo!

Gawin ang mga sumusunod:

1. Bumuo/gumawa ng isang teksto na may mabisang simula,


katawan at wakas. (huwag mangopya sa internet gumawa nang iyo)

Mga
Pamantayan 5 4 3 2

Lubos na Naipakita Hindi gaanong Hindi mabisa


naipapakita ang ang mabisa ang ang simula,
May mabisang, mabisang mabisang simula,gitna, gitna, at wakas
simula. Gitna, simula, gitna at simula, gitna, at wakas ng ng teskto.
at wakas wakas ng at waks ng teskto.
teksto. teksto
Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
angkop ang mga salita angkop ang ang mga salita a
Kaangkupan sa mga salita sa ng paksa. mga salita sa sa paksa.
Paksa paksa. paksa.

Wasto ang Mayroong Mayroong iilan Marami ang di


gramatika/ ilan na di na di wasto sa wasto sa
balarilang wasto sa gramitika/ gramitika/
Gramatika/ ginamit sa gramatika/ balarilang balarilang
Balarila teksto balarilang ginamit sa ginamit sa
ginamit sa teksto teksto
teksto.

V. C. PAPILLERAS 11 | P a g e
Elektib 1 – Malikhaing Pagsulat

Pagtalakay sa Aralin II
Alam Mo ba?

Mga Uri ng Pagsulat

1. Akademik – Ito ay isang intelektuwal na pagsulat dahil layunin nitong


pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa
paaralan. Pormal ang istraktura. Maayos na inihahanay ang mga
pangungusap upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya.
Kadalasang seyoso, nakabatay sa sinaliksik na kaalaman. Ang pagbuo
ng ganitong uri ng kritikal na pagsulat ay nakadepende sa kritikal na
pagbasa ng isang indibidwal. Ang mga pamanahunang-papel, tesis,
disertasyon, suring-basa, panunuring pampanitikan, malikhaing
pagsulat o anumang sulating may paksang pag-akademik ay nabibilang
sa uring ito.
Ang academic na pagsulat ay karaniwang kaugnay ng alinman
sa tatlong larang o disiplina. Ang mga ito ay humanidades, agham
panlipunan, at siyensiyang natural, at negosyo o kalakalan. Kabilang
sa humanidades ang literature, sining pagganap (performance poetry,
dulang pang-entablado. at ipaba.) Kabilang naman sa agham panlipunan
ang siyensiyang pampolitika, sosyolohiya, sikolohiya, antropolohiya, at
ekonomiks. Sa siyensiyang natural naman ay kimika, pisika, inhenyira,
heolohiya, biolohiya, at iba pa; at sa negosyo o kalakalan ay business
management, studies in accounting, at administration studies.

2. Jornalistik – Ang mga salitang hango sa mga pahayagan gaya ng balita,


editorial, lathalain at mga balitang isports ay halimbawa ng jornalistik
na pagsulat.

3. Teknikal – isang uri ng pagsulat na ang pinakapaksa ay


nangangailangan ng paliwanag na tahasa o tuwiran, o kaya’y ng
direksiyon o instruksiyon, gaya ng paglalarawan ng mekanismo at
proseso.
Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon
para sa teknikal o komersiyal na layunin, panlibrong pang-akademiko,
ulat panlaboratoryo, liham pantanggapan o pangkalakalan tulad ng
memorandum, job order, kontrata ang ilan sa mga halimbawa nito.

4. Referensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba


pang sanggunian hinggil sa isang paksa. Ang pagtatala ng mga
sangguniang gagamitin ay nakatutulong nang malaki sa pagpapadali ng

V. C. PAPILLERAS 12 | P a g e
Elektib 1 – Malikhaing Pagsulat

gagawing pagsulat. Maaring ang mga ito’y mula sa mngga aklat,


pahayagan, magazine, on-layn sorses, diksyunaryo, jornal, tesis, index,
bibliography, note cards, at disertasyon.

5. Profesyonal - Uri ng pagsulat na ankatuon sa ekslusiv sa isang tiyak


na propesyon. Police Report, investigative report, legal forms, at medical
reports ang ilan lamang na halimbawa dito.

6. Malikhain – Masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang
imahinasyon ng manunulat bagama’t maaaring piksyonal at di-
piksyonal ang akdang isinusulat. Halimbawa ditto ay ang mga anyo ng
tula – ang mag epiko, awit, at iba pa; mga kuwento na piksyon at di-
piksyon – maikling kuwento, nobela, pati ang mga pabula, alamat, at
kuwentong-bayan; at dula – ang mga akdang pang-entablado,
pantelebisyon, at pampelikula. Mula sa mga halimbawa ay malalaman
na ang malikhaing pagsulat ay ang masining na pagpapahayag ng
damdamin at kaisipan sa paraang pasulat.
Laging kaakibat sa malikhaing pagsulat ang imahinsayon.
Malamang ay narinig na ninyo ang sumusunod sa ilang usapan sa iba’t
ibang pagkakataon:

“Mayaman kasi ang kanyang imahinasyon kayâ nagawa niya ang


kahanga-hangang obrang ito”

“Gamitin mo lang iyong imahinasyon at malulusutan mo ang


problemang iyan.”

“Wala kang maaasahan sa isang taong walang imahinasyon.”

Isagawa Mo 2
Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang kahulugan ng malikhaing pagsusulat? Ano-ano ang halimbawa


nito?
2. Ano – ano ang katangian ang isang malikhaing pagsulat?
3. Ano nman ang Akademikong pagsulat? Magbigay ng halimbawa ng
akademikong sulatin.
4. Ano naman ang teknikal na pagsulat? Ano – ano ang mga halimbawa at

V. C. PAPILLERAS 13 | P a g e
Elektib 1 – Malikhaing Pagsulat

katangian nito?
5. Paano naiba ang malikhaing pagsulat sa akademik at teknikal na
pagsulat?
6. Sa iyong palagay, bakit mahalagang matutong sumulat ng malikhain,
akademik, at teknikal na sulatin ang mga mag-aaral? Bigyang paliwanag
ang iyong sagot.

Pagtataya

Panuto: Bumuo ng venn diagram na nagpapakita sa pamamaraan ng pagsulat


Sa Tradisyonal, kontemporaryo, teknolohikal at makabago.

Rubrik sa Pagwawasto
1 Nilalaman (nagpapakita sa pamamaraan) 20 puntos
2 Malikhain ang pagkagawa 10 puntos
3 Kabuoan 10 puntos
40 puntos

Fidbak
Lubusan mo na bang naunawaan ang tungkol sa uri ng pagsulat? Kung
natapos mon ang sagutan ang mga Gawain, binabati kita at ipagpatuloy ang
mga pag-aaral/pagbabasa sa sunod nang lubusan mong maunawaan ang
tungkol sa Malikhaing Pagsulat.

V. C. PAPILLERAS 14 | P a g e

You might also like