You are on page 1of 61

May mga salitang ginagamit sa

pahayag na patayutay
• Ang tayutay (figure of speech) ay
tinatawag ding patalinghagang
pagpapahayag. Sa pagtatayutay, sadyang
lumalayo ang nagpapahayag sa
karaniwang paraan ng nagsasalita upang
sa ganoon ay magawa ng higit na
maganda at kaakit-akit ang kanyang
sinasabi.
Uri ng Tayutay
• Pagtutulad
• Pagwawangis
• Pagbibigay katauhan
• Pagpapalit-diwa o metonomiya
• Pagmamalabis
• Paglilipat-diwa
• Pagtawag
• Pagsalungat
• Pag-uyam
• Pagpapalit-saklaw-sinekdoke
Pagtutulad
• Paghahambing ito ng dalawang bagay na
magkaiba at sa paghahambing ay
gumagamit ng mga katagang ‘’tulad,
tulad ng, para, para ng , kapara ng ,
animo ay, kawangis ng , at iba pa.’’
• Halimbawa;
– Parang leon sa bagsik ang tatay niya.
Pagwawangis
• Ito’y tiyaking paghahambing ng dalawang
bagay na magkaiba kaya hindi na
gumagamit ng ‘’para ng, kawangis ng,
animo ay, tulad ng’’ at iba pa.
• Halimbawa
– Bukas na aklat ang buhay niya sa aming
nayon.
Pagbibigay Katauhan
• Dito’y isinasalin sa mga karaniwang bagay ang
mga katangian, talino, gawi ng tao.
Naipapakita ito sa paggamit ng pangngalan at
pandiwa.
• Halimbawa
– Halos sumabod ang kanayang baga nang maabot
niya ang pusod ng dagat. (pangngalan)
– Nagsayaw-sayaw sa mabining hihip ng hangin ang
mga dahon ng talahib. (pandiwa)
Pagpapalit-diwa o Metonomiya
• Dito’y nagpapalit ng ngalan o katawagan ng
bagay na tinutukoy sa pamamagitan ng
sagisag sa sinasagisag o sisidlan sa isinisilid.
• Halimbawa:
– Nakasampung basket siya ng napitas na duhat.
(sisidlan sa isisisislid)
– Si Nena ang pinakamagandang tala sa aming pook.
(pinakamagandang babae sa sagisag dito ng tala)
Pagmamalabis
• Dito’y sadyang pinalalabis o pinakukulang
ang kalagayan o katayuan ng tao o bagay
na tinutukoy.
• Halimbawa:
– Tingting na ang katawan ni Romy. (payat na
payat)
Paglilipat-diwa
• Inililipat sa karaniwang mga bagay
ang mga pang-uri sa sadyang pantao.
• Halimbawa;
–Tinanaw niya ang palalong buwan.
Pagtawag
• Ito’y ang pakikipag-usap sa mga
karaniwang bagay na parang isang tao; o
isang tao na gayong wala naman ay
paraang naroon at kaharap.
• Halimbawa;
– Pag-ibig, masdan ang ginawa mo!
– Neneng, bakit ka lumayo!
Pagsalungat
• Maikli at pinag-ugnay na mga salitang
magkasalungat ng kahulugan.
• Halimbawa;
– Lumubog-lumitaw ang batang nalulunod.
– Sa ngayon, sa akin ay puti’t- itim ang kulay
ng buhay.
Pang-uyam
• Pananalita itong mangungutya kapag
kukunin ng tiyakan ngunit tila kapuri-puri
ang pangungusap.
• Halimbawa;
– Napakabuti mong kaibigan, pagkatapos
kitang tulungan, ako pa ngayon ang
pinakamasamang tao.
Pagpapalit-saklaw
(Sinekdoke)
• Nagpapaliy din ito ng ngalan o katawagan
ngunit sa pamamagitan ng pagbanggit sa
bahagi sa halip ng kabuuan o ng pangalan ng
isang tao na kumakatawan sa isang pangkat ng
mga tao.
• Halimbawa:
– Hudas ang taong iyan!
– Mula ngayon, huwag na kitang makitang
tutungtong pa sa aming hagdan.
May mga salitang naililipat ang
kahulugan
• Natalakay na ito sa pagtalakay sa
kahulugang denotasyon at konotasyon ng
mga salita. Dapat itong isaalang-alang ng
bumabasa sapagkat maraming salita ang
talagang naililipat ang kahulugan kapag
ginagamit na sa mga pangungusap.
May mga salitang ginagamit sa
pahayag na pang-uyam o ironya
• Ang ironya ay pahayag na nangungutya
ngunit sa pamamgitan ng mga salitang
kapag kukunin sa tiyak na kahulugan ay
tila kapuri-puri. Kaua dapat mag-ingat sa
pagpapahalaga sa ganitong pahayag
sapagkat maaaring tanggaping mabuti at
mainam ang sinasabi bagaman at sa
totoo ay namamalibhasa o nag-uuyam
nga.
Uri ng Pagbasa
• Masinsinang pagbasa
– Ito’y ang maingat na pag-aaral at puspusang
pag-unawa sa isang aralin na maaaring
dalawa o hanggang limang pahina ang
haba.
• Masaklaw na pagbasa
– Ginagawa ito sa labas ng klase at itinatakda
ng guro nang mas maaga.
Uri ng Pagbasa
• Malakas na pagbasa
– Ang taong bumabasa ng malakas ay dapat may
katamtamang lakas ng tinig, wastong galaw ng
katawan, pinag-iiba iba ang tono ng tinig ang
nilalaman at ng akda ay kailangang maihatid sa
mga makikinig nang buong pagkaunawa at
kawilihan.
• Pagbasa ng tahimik
– Ito ang paraan ng pagbabasa na ang mga mata
lamang ang ginagamit.
Pagsulat
PAGSULAT
• Ito ay isang paraan ng paghahayag ng
pag-iisip at damdamin ng isang tao
sa pamamagitan ng paglilimbag ng
mga sagisag o simbolo ng mga tunog
ng salita.
Proseso ng Pagsulat
• Unang-una, kailangang pumili ng
magandang paksa. Kapag nagsusulat,
gumawa ng pagpapasya sa sasabihin
tungkol sa paksa. Importanti ring
isaalang-alang na kung ilalathala ang
akda ay suriin ang babasahing lalabasan
nito.
Paalala sa Pagsulat
• Iwasan ang mga kilometrikong pagsulat.
• Iwasan ang mabubulaklak, malalalim at
masalimuot na pananalita.
• Gawing konkreto at malinaw ang pagpapahayag.
• Hindi na rin uso ang direktang pangangaral kaya
maganda na ang mensahe’y sumasaling at
umaantig.
• Magsulat ng mga bagay na totoong-totoo sa iyo,
lalo na sa mga bagay na minamahalaga mo.
Paalala as Pagsulat
• Maaari ring pag-aralan o alamin ang
estilo ng matatagumpay na manunulat.
• May mga nagsusulat na iniisip muna ang
kabuuan at saka iniisip ang detalye.
• Iugnay mo ang mga bagay sa paligid sa
buhay ng tao.
Ginagawa ng Pagsusulat sa Tao
• Kapag, nagsusulat, naisasaayos ang mga
karanasan, damdamin at kaisipang hango sa
araw-araw na buhay. Naidodokumento ng tao
ang kanyang buhay at pamumuhay, ang kanyang
pagkatao at ang kasaysayan ng kanyang lahi.
• Sa pagsusulat nalilinang ang kakayahan sa
pagpapahayag, napag-iisipang mabuti ang mga
bagay-bagay, naliliming mabuti ang buhay at mga
paniniwala.
Kahusayan sa Retorika
• Mga taong mahusay magsulat ngunit
hindi mahusay magsalita.
• Mga taong mahusay magsalita ngunit
hindi mahusay magsulat.
DALAWANG URI NG PAGTUTURO NG
PAGSULAT
• Pinatnubayang pagsulat o di-
malayang pagsulat
• Malayang pagsulat
Paraan na ginagamit sa pagsasanay sa
pagsulat ng pinatnubayan
1. Pagsagot sa mga tanong o sa paglilipat
ng mga pangungusap na patanong sa
pangungusap na paturol. – dalawang uri
ng tanong ang karaniwang gamitin dito;
ang tanong na sinasagot ng oo at hindi at
ang tanong na nasasagot ng dilit o kaya.
Paraan na ginagamit sa pagsasanay sa
pagsulat ng pinatnubayan
• Halimbawa‘
A. 1. Anong oras ka dumating kangina?
2. Anu-ano ang una mong ginawa?
3. Nayari mo ba ang iyong ginawa?
B. 1. Sino ang pinakamatalik mong kaibigan?
2. Taga saan siya?
3. Ano ang mga katangian niya?
4. Ano ang pinakagusto mong ugali niya?
Paraan na ginagamit sa pagsasanay sa
pagsulat ng pinatnubayan
2. Pagsasaayos sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangungusap o isipan. Sadyang guguluhin ng
guro ang isang wastong ayos ng mga
pangungusap ng isang talata.
Maaring maging ganito ang panuto: isulat sa
tamang pagkakaayos o pagkakasunod-sunod
ang mga pangungusap upang makabuo ng
isang maayos na talata.
Paraan na ginagamit sa pagsasanay sa
pagsulat ng pinatnubayan
• Halimbawa:
– Nakakita na naman ang mga ito
– Dalawang lalaki ang inatasang bumaba Sa bundok
at humarap ng albularyo.
– Bago sila umakyat na muli sa bundok, nagpakuha
muna ang albularyo ng isang malaking tandang na
kulay pula. Sinabi nila sa albularyo ang nangyari sa
lalaki.
Ang dapat at tamang ayos ng mga pangungusap ay
2,1,4 at 3
Paraan na ginagamit sa pagsasanay sa
pagsulat ng pinatnubayan
• Pagbibigay ng pamaksang pangungusap
• Pagsulat ng buod ng komposisyon
• Pagkuha ng paksa mula sa modelo.
• Paggawa ng balangkas.
• Pagsulat ayon sa mga tala ng mga
pangyayari.
ILANG PAMANTAYAN SA MABUTING
PAGSULAT
• Maayos ba ang pagkasunod-sunod ng inilahad na mga
isipan/pangyayari?
• Malinaw na ba ang kaisipan? Kung hindi pa, paano ito
mapapalinaw?
• Isang bagay lamang ba ang tinalakay ng mga
pangungusap sa bawat talata?
• May kawili-wili bang pasimula?
• Wasto ba ang mga bantas? Ang mga baybay ng mga
salita? Ang pagkakagamit ng malalaking letra?
• Maayos ba ang anyo ng sulatin?
• Maganda ba at makatuwiran ang wakas?
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
• Ang paksa
• Paggawa ng balangkas
– Simple lamang ang balangkas. May maikling simula na
maaaring magsabi ng mga tauhan, ng tagpuan at mga
problema o paksa, may katawan ito na katatagpuan ng
mga pangyayari, kung sa salaysay, paliwanag sa mga
paglalahad at mga katuwiran kung sa pangangatwiran.
At ang wakas na nagsasabi sa isang pangungusap kung
paano nalutas ang problema o naipaliwanag ang
paksa o napangatuwiranan ang isyu.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
• Paggawa ng burador
– Ang paggawa ng buradoy ay paglalagay ng
‘’kalamnan’’ sa ‘’kalansay’’ na balangkas. Isulat ng
tuloy-tuloy at huwag matakot na mabura o
magkamali. Kaya burador ang tawag dito ay dito
talaga ginagawa ang pagtatama sa mga mali,
pagdaragdag ng kulang o karaniwang kaisipan at
pagbabawas ng labis na naisulat. Sikaping maging
matapat o makatotohanan, payak at malinaw sa
pagsulat. Ang burador ang kabuuan ng isinusulat ayon
sa balangkas at siyang pagbabatayan ng wakas o pinal
na ayos ng sulatin.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT
• Pagtatama sa burador
– Gaya ng nagsabi na sa burador gagawin ang pagdaragdag
sa mga kulang, pagbabawas sa mga labis at pagtama sa
mga kamalian. Dahil sa tuloy-tuloy na pagsulat burador,
posible na may mga dapat isama sa nakaligtaan o baka
wala sa balangkas kaya hindi naisama sa burador ngunit sa
huli ay napasya na dapat palang masama sa sulatin. Maaari
namang naging labis na masalita na naging paulit-ulit ang
pagkakapahayag kaya sa pagwawasto ng burador ay
malamang na may mga salita o parirala o pangungusap na
maaaring alisin nang hindi mababawasan ang nilalaman ng
sulatin at makapagbigay pa rito ng kabagayan, kalinawan at
kawastuhan.
ANG PAGBABANTAS
• Ito ay paggamit ng pananda sa
pagpapahayag na pasulat.
Tuldok (.)
• Ito ay panapos ng pangungusap na
paturol at pautos.
• Halimbawa
– Magpapagapas na sina Tata Selo sa darating
na Linggo.
– Bumataris ka kay Tata Selo.
Tuldok (.)
• Sa inisyal na pangalan ng tao.
• Halimbawa
– A.P. Torres
– F.V.R.
Tuldok (.)
• Pananda sa salitang dinaglat.
• Halimbawa:
– Gng. Rosenda Dizon
– Okt. 19,1997
Tuldok (.)
• Pananda pagkatapos ng bilang o letra sa
mga balangkas o talataan.
• Halimbawa:
– A.
– B.
Pananong (?)
• Panapos sa pangungusap na
patanong.
• Halimbawa:
–Sino ba ang iboboto mo?
Pananong (?)
• Sa pahayag ng pag-aalinlangan sa
katumpakan ng pahayag na sinundan,
nasa loob ito ng panaklong.
• Halimbawa:
– Ipinanganak siya noong 1932 (?)
Padamdam (!)
• Pananda ito sa dulo ng pangungusap ng
pandamdam.
• Halimbawa:
– Lumayas ka!
Ang kuwit (,)
• Panghiwalay sa sunod-sunod na mga
salita o magkakasamang diwa.
• Halimabawa:
–Kumuha siya ng gatas, kape, matamis
at tasa.
Ang kuwit (,)
• Inihiwalay ng kuwit ang ‘’oo at hindi’’ sa
sagot sa iba pang bahagi ng pahayag.
• Halimbawa:
– Oo, sasama ako sa inyo.
– Hindi, ayokong pumunta sa bukid.
Ang kuwit (,)
• Inihihiwalay ang pangalan ng taong
kinakausap.
• Halimbawa:
– Dan, ikuha mo ako ng meryenda.
– Sasama ka ba Nick?
Ang kuwit (,)
• Panghiwalay sa sugnay na pantulong
kapag ito ay sa unang bahagi ng
pangungusap.
• Halimbawa:
– Kapag hindi umulan, tayo ay tutuloy sa
parke.
Ang kuwit (,)
• Inihihiwalay ng kuwit ang tuwirang
sinasabi sa di-tuwirang pahayag.
• Halimbawa:
– ‘’Ayokong sumama sa iyo’’, nakasimangot na
tugon ni Sonia
Ang kuwit (,)
• Panghiwalay sa pamuno ng
pangungusap.

• halimbawa:
– Si Luis Taruc, ang dating huc supremo, ay isa
nang kinatawan.
Ang kuwit (,)
• Panghiwalay sa pang-abay na
malapangatnig gaya ng samakatuwid,
samantala, gayunman, sa kabilang dako,
halimbawa at iba pa.

• halimbawa:
– Kaya nga, hinihiling kong tanggapin natin
ang mungkahi niya.
Tutuldok (:)
• Pananda sa bating pasimula ng liham
pangangalakal.

• Halimbawa:
– Ginoo:
– G. Romero:
Tutuldok (:)
• Panghiwalay sa tala ng mga bagay na sunod-
sunod ng pahayag na “gaya ng mga
sumusuno’’ o ‘’ang mga sumusunod’’.

• Halimbawa:
– Ang mga uri ng tayutay ay gaya ng mga
sumusunod: Oksimoron, pagwawangis,
pagtutulad, pagbibigay katauhan.
Tutuldok (:)
• Pagkatapos ng pambungad na pahayag
na nagsasaad ng mga bagay na kasunod.

• Halimbawa:
– may tatlong bahagi ng talumpati: simula,
katawan at wakas.
Tuldok Kuwit (;)
• Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng
pangungusap na hindi pinag-uugnay ng
pangatnig.

• Halimbawa:
– Nagbasa ng aralin si Lyn; Si Nenita nama’y
nag-aayos ng hapag.
Tuldok Kuwit (;)
• Panghiwalay sa magkakasamang sangkap
na ginagamitan ng kuwit sa paghihiwalay
ng mga sangkap na panloob.

• Halimbawa:
– Ang Tour of Luzon ay nagtigil sa
Cabanatuan, Nueva Ecijah; Moncada,
Tarlac; at Lingayen, Pangasinan
Gitling (-)
• Kapag ang salitang nagsisimula sa patinig
ay inunlapian katutubo man o banyaga at
ang panlapi ay nagtatapos sa katinig.

• Halimabawa:
– Pang-ulan
– Mag-absent
– Mag-asawa
Gitling (-)
• Kapag nagdurugtong ng dalawang bahagi
ng tambalang salita

• Halimbawa:
– Bayad-utang
– Halik-hudas
– Lagnat-laki
– Sukang-iloko
Gitling (-)
• Kapag inuulit ang buong salita (na may
kahulugan) o bahagi ng isang pantig ng
salitang-ugat.

• Halimbawa:
– Araw-araw
– Kaba-kabanata
– Kakanta-kanta
Gitling (-)
• Kung ikinakabit ang panlapi sa pangngalang
pantangi at sa tambalang.

• Halimbawa
– Maka-Rizal
– Ala- Samson
– Taga-Munoz
– Ika-7
Gitling (-)
• Kapag pinagkabit ang apelyedo ng babae
at ang apelyedo ng kanyang asawa.

• Halimbawa
– Liwayway Arceo- Bautista.
Kudlit (‘)
• Ginagamit na pananda ng nawawala o
nilalaktawang letra o mga letra sa dalawa
o mahigit pang salitang magkasunod.
• Ngunit ang mga sumusunod ay maaaring
isulat nang buo o walang kudlit, ngunit,
subalit, sapagkat, bawat, dapatwat.
Panipi (“”)
• Ipinaloloob sa panipi ang tiyakang sinabi
ng nagsasalita.

• Halimbawa:
– “Sinabi ko na sa iyo, Epraim”, sabi ni Ruth.
Panipi (“”)
• Ipinaloloob sa panipi ang banyagang
salitang ginagamit sa pangungusap.

• Halimbawa:
–Ang ‘’Heath Center’’ ay dinumog ng
nagpapabakunang mga tao.

You might also like