You are on page 1of 13

Modyul 1 :

Ang Panitikan at ang Maikling Kuwento

Lagom-Pananaw:
Kumusta ka? Sana ay nasa mabuting kalagayan ka ngayon. Ang modyul na ating
tatalakayin ngayon ay tungkol sa salamin ng ating lahi (mukhang batid mo na ito)
at ang maikling kuwento. Iisa-isahin natin kung paano umunlad ang mga ito sa
ating bansa. Handa ka na ba?
Layunin:

a. Natutukoy at naipaliwanag ang kahulugan ng panitikan at iba pang konsepto


ng panitikan.
b. Nailalarawan ang iba pang konsepto ng panitikan sa masining na
pamamaraan
c. Natatalakay ang mga pangunahing konsepto ng maikling kuwento
d. Nakalilikha ng isang digital na likhang-sining na balangkas.

Paunang Pagsubok
Matchy-matchy: Hanapin sa kolum A ang kasagutan sa kolum B at ilagay ito sa
patlang pagkatapos ng bawat bilang.

A. B.
1. _______Isang awit ni Balagtas
2. _______Pinakaunang aklat na nailimbag sa
a. Pasalin-dila bansa.
b. Banaag at Sikat 3. _______Karamihan sa mga panitikan noong
c. Huseng Sisiw unang panahon ay ________.
d. Zoilo Galang 4. _______Obra-maestra ni Lope K. Santos
e. Aurelio Tolentino 5. _______Sagisag panulat ni Jose Corazon de
f. Japones Jesus
g. Americano 6. _______Pinakaunang nobelistang Pilipino sa
h. Florante at Laura Inges
i. Juan Abad 7. _______Ang may katha ng “Ang Tanikalang
j. Huseng Batute Ginto”
k. Doctrina Christiana 8. _______Ang may-akda ng “Kahapon, Ngayon at
Bukas”
9. _______Ang tinaguriang “Gintong Panahon ng
Panitikan”
10. ________Namalasak ang bodabil sa panahon ng
_____.
Pagtalakay
Ano ang Panitikan?

Sa kahulugang pangwika, ang salitang panitikan ay nagmula sa salitang titik na ginamitan


ng panlaping pan… an na siyang bumubuo ng isang bagong pangngalan (noun) na
katapat ng “literature” ng Espanol at “ literature” ng Ingles.

Ang pantikan ay katipunan ng mga akda na likha ng damdamin at kaisipan ng isang tao,
lipi o ng isang lahi sa iba’t ibang panahon ng kasaysayan ng isang bayan at ng isang bansa
sa kabuoan.

Narito ang ilan pang kahulugan ng panitikan mula sa kilalang manunulat at iskolar:

 Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang


bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunanat sa kaugnayan ng
kaluluwa sa Dakilang Limikha- (Azarias)
 Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng pinakamabubuting kaisipan at
damdamin- (W.J Long)
 Salamin ng kultura ang panitikan, nakalarawan ditto ang kahapon, ngayon at
maging ang isang bukas ng isang bansa. – (L. Tiamzon-Rubin)
 Ang panitikan ay tinatawag ding makasining na panulatan na katipunan ng lahat
ng uri ng mga sulatin, kathain at katalaan ng isang sambayanan. – (Del Rosario, G.)
 Ang panitikan ay naglalayong itaas ang pamantayan ng pagpapasya at panlasa ng
tao upang umabot sa kinikilalang matapat at tumpak sa tunay na buhay at
magkaroon ng pagkakataon na makasalamuha ang lalong marurunong na
kapuwa-diwa sa bawat bayan at sa lahat ng panahon. – (Ruskin)

Ulad ng ibang bayan, ang Pilipinas ay mayroon ding panitikang ipinahahayag sa kaniyang
sariling wika at ito ang pinatutunayan ng mga nasusulat na kaisipan at damdamin ng
ating mga ninuno sa kanikanilang wikang ginagamit sa rehiyong kanilang kinabibilangan.
Masusumpungan ang mga ito sa mga bugtong, kasabihan, kawikaan, alamat, kuwentong-
bayan, tula, awit, nobela, maikling katha at maging ang kanilang mga dula at mga akdang
nagsisilbing salamin ng kanilang kultura.

Ayon kay Dr. Gonsalo del Rosario, Ama ng Maugnaying Pilipino, ang panitikan na
tinatawag ding “masining na panulatan” ay may tatlong anyo: panulaan, tuluyan at
paladulaan

1. Panulaan- ay pagbuo ng mga pahayag ng mga salitang binibilang sa pantig at/o


pinagtugma-tugma sa mga dulo ng mga taludtod sa loob ng isang saknong. Ang
tatlong (3) kahatian nito ay maikling tula, tulambuhay at epiko.
2. Tuluyan- Ito’y maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo o
karaniwang anyo ng pangungusap. Ang sumulat ay parang nakikipag-usap lamang
sa mga mambabasa, mauri ang tuluyan sa maikling kuwento, nobela at sanaysay.
3. Paladulaan- pagtatanghal ito ng isang bahagi o tagpo ng buhay o isang
pangyayari na humahantong sa kasukdulan. Ang tatlong (3) uri nito ay dula, dula-
dulaan, at dulambuhay.
Kwizkasyon 1:
Para sa iyo ano ang kahalagahan ng panitikan? Ipaliwanag sa isang talataan.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Mga Impluwensiya ng Panitikan


Banal na kasulatan
 Ang Biblia ay mula sa bansang Palestina at naging batayan ng sangka-
Kristiyanohan. Ito ay naging banal sapagkat ito’y kinasihan ng banal na ispiritu.
 Ang Diyos ang pangunahing awtor Ang Diyos ang pangunahing awtor ng
Biblia. Hindi ibig sabihin na siya’y ng Biblia. Hindi ibig sabihin na siya’y
kumuha ng panulat at papel at nagsulat. Ang Diyos, bilang awtor ng Biblia ay
nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga piling tao para magsulat ng mga
mensahe na gusto niyang ipabatid at sabihin sa atin.
 Ang salitang Biblia ay mula sa salitang Ang salitang Biblia ay mula sa salitang
griyego na “biblios" na ang kahulugan na ang kahulugan ay koleksiyon ng
mga aklat. Ito’y koleksiyon ng mga sinaunang banal na kasulatan tungkol sa
sa Diyos at sa pakikipag-ugnayan Niya sa mga tao.
 Nahati ito sa dalawang bahagi:(1) Lumang tipan na binubuo ng 46 na
mga aklat (2) Bagong Tipan na binubuo ng 27 na mga aklat.

Koran
 Mula sa bansang Arabia na nagtataglay ng mga kaisipan at kautusang siyang
sinusunod hanggang sa ngayon ng mga Mohammedan.
 Ito ay mula sa salitang Arabic na ang ibig sabihin ay pagbasa.
 Naglalaman ng mga paniniwala na galing kay Allah na ibinigay kay
Mohammad.
 May 114 na kabanata na may iba’t ibang pamagat.
5 Haligi ng Paniniwalang Islamiko
 Araw-araw na pagbigkas ng “walang panginoon kundi si Allah at si Mohammad
ang kaniyang propeta”.
 Pagdarasal ng limang ulit sa isang araw na nakaharap sa Mecca na nag ulo’y
nakatungong sumasayad sa lupa.
 Pagbibigay abuloy sa mga mahihirap.
 Pag-aayuno simula madaling araw hanggang sa bukang-liwayway sa buwan ng
Ramadan.
 Paglalakbay bilang pagsamba at patungong Mecca kahit minsan lamang habang
nabubuhay.

Mahabharata
 Isa sa dalawang pangunahing Sanskrit epiko ng India na nagbibigay halaga sa
mataas na kalidad ng panitikan at inspirasyong panrelihiyon.
 Tumutukoy ito sa labanan sa pagitan ng dalawang grupo ng magpipinsan: ang
Kauravas at ang Pandavas.
 Ito ay mahalagang pinagkunan ng impormasyon tungkol sa ebolusyon ng
Hinduism noong 400 BC- AD 200.
 Ang ibig sabihin ng Mahabharata ay “ Great King Bharata” .
 Binunuo ang tula ng 220, 000 taludtod na hinati sa 18 na seksiyon kung saan
naidagdag ang suplementaryong “Harivamsa”
 Nakapaloob dito ang “ Bhagavadgita” awit ng panginoon- nag-iisang
pinakamahalagang kasulatang relihiyon ng Hinduism.
 Nagpapakita rin ito ng Dharma (Codes of Conduct)

Libro ng mga Patay (Book of the Dead)


 Ito ay kayamanang panliteratura ng mga taga-Ehipto
 Ito ay produkto ng mga lumang kulto na nabuo sa lumang kabihasnan ng Ehipto.
 Ito ay koleksiyon ng mahigit 100 na sulat tungkol sa mahika, dasal, at awit sa mga
anito tulad ni Amon-Re at Osiris.
 Ang sulating ito ay may malaking impluwensiyang panrelihiyon at ang mga ito ay
estrukturang patula.
 Ang mga sulatin ay nakatala at inilipat mula sa “Egyptian Papyrus” na isa namang
uri ng sulating papel na naimbento ng mga Ehipto noong unang panahon.
 Ang mga sulating nakapaloob sa Libro ng mga Patay ay sinasabing gabay ng mga
namatay na magbibigay sa kanila ng direksiyon sa kabilang buhay at proteksiyon
laban sa kanilang mga kaaway. Ang mga ito ay nakatala sa dingding ng puntod o
“Mummy Case” ng namatay.
 Ang aklat ang pangunahing pinanggalingan ng kanilang relehiyong paniniwala ng
“Ancient Egypt” – walang hanggang buhay , muling pagkabuhay ng katawan, ang
pagpanaw sa kabilang buhay, espirituwal na kapanganakan at ang huling
paghukom kay Osiris. Ang “Papyrus ng Nebsini” ay lista ng mg autos na
sinasambit ng mga kaluluwa sa huling paghukom.

Divine Comedy
 Ang La Divine Commedia (Italian) ay isa sa mga haligi ng panitikan sa Europa.
Itinuturing itong isa sa mga dakilang gawa sa kasaysayan ng literature.
 Ang obra-maestra na ito ni Dante Alighieri ay naisulat noong 1310-1314.
 Naging popular ito noong ika-labinlimang siglo kung kaya’t tinagurian siyang
Divino Poeta o Divine Poet.
 Nahahati ito sa tatlong kabanata: Ang Infierno, Purgatorio at Paradiso. Ang mga
pangyayari ay naganap sa loob ng sampung araw mula Biyernes Santo hanggang
Linggo ng Pagkabuhay noong 1300.
 Nahahati ito sa dalawang (2) bahagi : 1) Canto Ventesimonono- Paglalaban ni
Miguel Arkanghel kasama ang iba pang anghel laban kina Lucifer at ng mga
demonyo. 2) Canto Ottavo- Paglalakbay ni Dante at Beatrice patungong paradiso.

Limang Klasika at Apat na Libro


 Ito ay maituturing na pinagmulan ng “Confucian Literature”
 Ito’y naglalaman ng mga turo ni Confucius tungkol sa kahulugan ng buhay,
nakapaloob ito sa dalawang koleksiyon ng mga kasulatan.
5 Klasika
 1) Ang Libro ng Pagbabago (Yi Ching), 2) Ang Libro ng Kasaysayan (Shu Ching), 3)
Ang Libro ng mga Awit (Shih Ching), 4) Ang Libro ng mga Ritwal (Li Ki), 5) Ang
LIbro ng Tagsibol at Taglagas (Chun Chui)
4 na Libro
 Ang Analekta, Ang Mencius, Ang Doktrina ng isang Hamak at Ang Dakilang
Pagkatuto.
Iliad at Odyssey
 Mula sa bansang Gresya na isinulat ni Homer
Ang Iliad
 Tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga Greko noong kanilang
kapanahonan.
 Tulang epiko na tungkol sa salaysay ng pagsakop ng mg Griyego sa Lungsod ng
Troy.
 Pinakatanyag mula sa panitikan ng Gresya.
Odyssey
 th
Isinulat patapos na ang 8 Century B.C
 Tumatalakay sa mahabang paglalakbay ni Odyseuss, isang bayaning Griyego
pabalik sa Ithaca pagkatapos ng pagbagsak ng Troy.
 Itinuturing ito na isang salaysayin ng pagmamahalan o katangiang makaromansa.
Tema/ Kaisipan ng Iliad at Odyssey
 Naglalantad ng katapangan at pagpapakasakit ng sarili.
 Paghahangad ng kapangyarihan.
 Nagpapakita ng kahinaan ng tao.
 Pagmamahal sa pamilya at kalahi.

El Cid Campeador
 Nagpapakita ng katangiang panlahi ng mga Español at ng kanilang alamat at
kasaysayang pambansa noong unang panahon.
 Ito’y isang tulang pasalaysay na kung saan malaking bahagi ng tula ay base sa
katotohanan.
 Si Rodrigo Diaz Bivar, ang itinuturing na pambansang bayani sa Espanya.
 Ang ibig sabihin ng El Cid ay diyos ng digmaan o pakikipaglaban.

Ang Awit ni Roland (Song of Roland)


 La Chanson de Roland, ang pinakamatanda at pinakadakilang tula na naisulat sa
wikang Pranses noong kalagitnaang panahon.
 Ayon sa mga iskolar, ang tula ay naisulat sa pagitan ng taong 1098-1100.
 Sa ibang mga iskolar ang tulang ito ay isang propaganda upang hikayatin ang mga
Kristiyano na kalabanin ang Islam.
 Kinapapalooban ito ng mga kuwentong Roncesvalles at ang lalong kilalang Dose
Pares ng Pransiya.
 Ang tula ay naglalarawan ng mga pangyayari sa panahon ng panunungkulan ni
haring Charlemagne.
 Pangunahing tema/ kaisipan ng tula ay ang kabutihan at kasamaan, kabayanihan
at katapangan, kagustuhan ng Diyos, Tungkulin sa ngalan ng pag-ibig.

Canterbury Tales
 Ito ay koleksiyon ng mga salaysayin na sinulat ni Geoffrey Chaucer noong ika-14 na
siglo. Ito ay binubuo ng 24 na salaysayin- ang dalawa rito ay naisulat ng tuluyan at
ang iba ay patula.
 Ang Canterbury ay isang lugar sa Inglatera na kung saan ang mga kuwentong ito
ay mula sa mga taong naglalakbay patungo sa dambana ni Santo Tomas a Becket.
Paglalakbay na may kasamang musika, kuwento na kahit malayo ang paglalakad
papunta sa dambana ay hindi ito iniinda ng mga tao dahil sa saya ng kanilang
paglalakbay. Nagpapalitan sila ng mga kuwento, tawanan at kung minsan may
sagutan dahil sa pasikatan.

Isang Libo’t Isang Gabi (A thousand and One Night)


 Ito ay koleksiyon ng mga kuwento tulad ng Aladdin, Sinbad at Ali Baba na mula sa
Arabia at Persia.
 Ito’y nagtataglay ng mga kaugaliang pampamahalaan, pangkabuhayan,
pangkalinangan at panrelihiyon ng mga taga-Silangan.
 Kilala rin ito sa tawag na “The Arabian Nights”
 Unang naisalin ito sa wikang Pranses mula sa salitang Arabo noong 1700’s at noon
din ito ang unang nailimbag sa pamamagitan ni Antoine Galland, isang Pranses
kaya nakilala ito sa Europa.
 Ang bersiyon ni sir Richard Burton na may 16 na volume ang pinakakilalang salin sa
Ingles na hinango niya naman kay John Payne.

Uncle Tom’s Cabin


 Ito ay naglalaman ng nakakahindik na kaalipinan ng mga itim sa bansang Amerika.
 Ito ay paseryeng ipinalabas sa “National Era” isa sa dalawampung wika,
nakabenta sa 300,000 na kopya sa Amerika.
 Ang aklat na ito ay naging daan ng Digmaang Sibil sa Amerika.
 Ang kahulugan ng pamagat ay “The Life of the Lowly”

Maikling Kuwento
Kalikasan at katuturan
Ayon sa U.P Diksiyonaryong Filipino (2001), ang kuwento (buhat sa salitang Español na
cuento) ay anumang salaysay, nakalimbag man o hindi. Sa mga Cebuano at Ilonggo,
kilala ito bilang “sugilanon”, “salita” ng mga Pampango at “sarita” ng mga Iloko (Lucero
et. Al, 1994). Dagdag pa bahagi ito ng tinatawag na katha o likhang salaysay, maikling
kuwento man o nobela. Samakatuwid maikling salaysay ang maikling kuwento.
Nabibigyan ito ng depenisyon batay sa haba ng teksto.
Ang maikling kuwento, bukod sa pagiging maikling uri ng katha, ay umiinog sa iisang
tema, tinatalakay ang piling mga tauhan, at bihira ang kilos o aksiyon. Isa ito sa
pinakamatanda at pinakamaunlad na anyong pampanitikan, ayon sa pagtaya ng mga
kritiko at historyador ( Dalisay, 2006). Madalas tinatalakay lamang nito ang isang
pangunahing pangyayari, tunggalian, tauhan at mayroong resolusyon, o pagwawakas sa
huli. Mas makabagong anyo ito kaysa sa nobela. Sa Pilipinasa mas naunang nailimbang
ang nobelang realistiko ni Jose Rizal na Noli Me Tangere kaysa sa mga maikling kuwento
ni Deogracias Rosario, ang kinikilalang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog.

Kasaysayan (Ang Maikling Kuwento at ang Tradisyong Oral sa Panitikan)


May tatlong paniniwala si Edgar Allan Poe kaugnay sa kalikasan ng tradisyonal na
maikling kuwento. Ayon sa kaniya, (1) maikli lamang ito at nababasa sa isang upuan
lamang (2) may binubuong banghay ukol sa isang protagonist o pangunahing tauhan at
(3) may nilalayon upang makalikha ng isang kakintalan.
Kuwentista, mangangatha o tagapagsalaysay ang tawag sa mga manunulat ng
maikling kuwento. Nobelista naman ang propesyon ng lumilikha ng nobela, na isang uri
ng mahabang salaysay. May kawili-wiling depinisyon si Joan Aiken (1998) ukol sa iba’t
ibang uri ng mga manunulat batay sa anyo. Aniya, kapag nawiwili kang maglarawan, ikaw
ay isang mananaysay; kapag kinagiliwan moa ng maayos na pahayag, malamang na ika’y
makata ngunit kapag interesado ka sa mga sitwasyon, sa mga kilos at ugali ng mga tao sa
mga nasabing sitwasyon, ikaw ay isang kuwentista.
May tradisyon ang mga Pilipino sa larangan ng pagkukuwento. Tinatawag itong
kuwentong-bayan o sinaunang salaysay; popular na salaysay ngunit anonimo ang may-
akda; salaysay na bahagi ng panitikang-bayan. Nasa anyo ito ng oral o pasalitang
pamamaraan. Bawat kabihasnan sa daigdig ay mayroong ganitong uri ng tradisyon sa
pagkukuwento. Isinasagawa ang ganitong uri ng tradisyon bilang bahagi ng
pangggagamot; bahagi ng ritwal sa relihiyon; pagtuturo sa susunod na henerasyon;
aliwan ng tribo; pahinga sa maghapong paggawa, lalo na sa mga lipunang agricultural;
paraan ng pagpapahayag at bilang pagbubuo ng identidad bilang isang lahi.
Masasabing ang anyo ng pagsasalaysay ay sinaunang anyo ng sining. Bahagi ang
ganitong tradisyon sa tinatawag na panitikang-bayan. Halimbawa nito ang alamat-
panitikang-bayan na tumatalakay sa pinagmulan ng mga bagay, lugar, pangalan; mito-
tumatalakay naman sa pagkakalikha na ang mga tauhan ay tauhang mitolohikal; pabula-
payak na tumatalakay sa pilosopiya sa buhay na kadalasang mga hayop ang tauhan bilang
simbolo o kongkretisasyon ng abstraktong idea; epiko- isang salaysay sa anyo ng
mahabang berso na tumatalakay sa pag-ibig at pakikipagsapalaran ng bayani ng isang
kultura; at mga kuwentong-bayan- na tumatalakay samga hiwaga ng karaniwang buhay
ng mga tao.
Bago pa man naging metatag ang maikling kuwento, may mga pagtatangka para
mabigyang-hugis angb nasabing anyo. Natukoy ni R.C Lucero (1994) ang exemplum o
ejemplo na maiikling kuwento ginagamit sa mga nobena, sermon at iba pang uri ng
tekstong panrelihiyon. Dagdag pa rito ang cuadro ng maiikling sulatin sa prosa o tuluyan
na tumatalakay ng mga secular at napapanahong paksain, at hindi ginagamit sa
pagpapalaganap ng relihiyon. Nakapag-ambag din ang mga Tagalog ng dagli o pasinagw,
ang mga Bisaya ng pinadalagan o binirisbis, at ang manunulat sa wikang Español ng
instantea o rafaga. Maiikling salaysay ang mga ito na nakalathala sa mga peryodiko at
kadalasang lantarang nagpapahayag ng pag-ibig ng lalaki sa isang babae o kaya nama’y
tahasang tumutuligsa sa patakaran ng mananakop na Amerikano (248).
Nagsimula ang anyo ng dagli noong 1902 na lantarang nangangaral o naglalahad
ng karanasan sap ag-ibig. Tinatawag na pasingaw ni Teodoro Agoncillo (1965) ang dagli
na inaalay sa isang paraluman. May pananaw ang ibang kritiko na makabayan ang
oryentasyon ng mga unang pagtatangka sa maikling kuwento sa bansa. Sumusunod ang
dagli sa tradisyong hinawan ng mga makabayang propagandistang manunulat noong
mga huling yugto nang pananakop ng mga Español. Sinisikap ng mga may-akda ng dagli
na mapag-alab ang damdaming makabayan ng mambabasa ng peryodiko (Melendez-Cruz
1994). Ayon kay Patricia Melendez-Cruz, ang dagli ang unang anyo ng maikling
kuwentong Tagalog , ay lumitaw sa unang dekada ng pananakop ng Amerika sa mga
makabayang pahayagan. Ito’y panahong sinupil ang damdaming makabayan sa
pamamagitan ng Sedition Law, Nov. 4, 1901, Brigandage Act, Nov. 12, 1902 at Flag Law
1907.
Inisa-isa ni Melendez-Cruz ang mga karaniwang paksain ng mga nalathalang dagli:
1. Kalayaan bilang lunas sa sakit ng Inang bayan;
2. Paggamit ng dahas para maangkin ang kalayaan;
3. Negatibong paglalarawan sa mga Amerikanong bilang lasenggo;
4. Pagtuligsa sa Pilipinong-asal alipin;
5. Pagbatikos sa pagbaba ng moralidad ng Pilipino dahil sa paglipana ng mga bahay-
sayawan, bar at pasugalang itinayo ng mga Amerikano;
6. Pagkamateryalistiko ng Amerikano at
7. Pagtatakwil sa sugal.
Mangyari pa ang mga dagli ng Tagalog ay nalathala sa mga peryodiko tulad ng Muling
Pagsilang, Talibaba, Ang Mithi, Lipang Kalabaw, Buntot Pague atpb. Kabilang sa mga
kilalang manunulat ng dagli ay sina Patricio Mariano, Lope K. Santos, Carlos Ronquillo,
Gerardo Chanco, Valeriano Hernandez Peña, Iñigo Ed Regalado at Francisco Lacsamana.
(Lucero et. Al, 1994). Sa mga panahong iyon ng peryodismo sa Tagalog, umusbon ang
anyo ng maikling kuwento at bumagsak ang anyo ng nobela. Sang-ayon kay Agoncillo
(1965), dulot ito ng impluwensiya ng mga Amerikano sa mambabasang Pilipino. Aniya
ang pagmamadali sa anaumang gawain, ang pagkamainipin at pagtitipid ng panhon sa
panig ng mga mambabasa ay nakuha ng mga Pilipino sa mga Amerikano.

Kwizkasyon 2: Balangkasin ang ginawang paglalarawan ni Joan Aiken ukol sa iba’t ibang
uri ng manunulat batay sa anyo gamit ang isang dayagram.

Pagpahalaga sa nga Maikling Kuwento mula sa Rehiyon

Sa puntong ito, narito ang mga mungkahing paraan kung paano higit na
mapapahalagahan ang mga maikling kuwento mula sa rehiyon ng bansa. Sa pagbabasa
ng mga katha, mahalagang matukoy ang mga mina at bukal ng karanasang local/
rehiyonal na nakatulong sa akda ng mga tekstong pampanitikan. Makatutulong ang pag-
aaral sa kasaysayan ng rehiyon at mga lalawigan sa proyektong ito. Ilahok na rin dito ang
pag-aaral sa tradisyon at kultura ng rehiyon.
Maaari ding pag-aralan ang ugnayan ng tradisyong pasalita (hal., mga kuwentong-
bayan, alamat atbp.) sa maikling kuwento sa mga aspekto ng tema, simbolo, talinhaga,
mga kasangkapang pampanitikan, tipo ng tauhan at ang site. Maaaring balikan ang kaso
ng Pampanga na walang termino para sa maikling kuwento. May nalikha silang
kuwentong hindi likha hindi dikta ng Kanluran. Ayon kay Lourdes Vidal, tinatawag nilang
“salita” ang anomang uri o anyo ng kuwento o kinatha. (macuyad kung maikli ang
“salita” , “macaba” naman kung mahaba ang katha). Ibig sabihin nararapat ay isinulat ito,
hindi naman kailangang nailimbag, sa anyo ng prosa o tula sa pangunahing katangian na
ito’y nagsasalaysay. Ito ang katutubong pamantayan ng kuwentong Kapampangan nan a
maiuugnay sa kuwentong-bayan. Sa pamamagitan nito, mapalilitaw ang pagpapatuloy ng
mga tradisyong katutubo sa mga akda. Kaugnay nito maaari ding tukuyin ang mga
sinunsundang tradisyong pampanitikan ng mga kuwento. Halaw baa ng banghay sa mga
eksena at yugto ng mga awit at korido? May hibig ba ito ng pasyon? Kababakasan ba ito
ng mga kuwentong Europeo? Sa kaso ng maikling kuwentong Kapampangan at
Pangasinan, masasabing kababakasan ito ng mga katangiang didaktiko, may padrong
patriyarkal, nakatutok sa bayan, sentimental at likha ng mga manunulat na pribelihiyado.
Paano ito ipapaliwanag gamit ang mga ebidensiya mula sa kasaysayang pampanitikan ng
rehiyon?
Mangyari pa, gaya rin sa mga estudyante ang pagsaliksik sa pangkasaysayan at
panlipunang kaligiran ng mga kuwento. Maaaring suriin ang mga aspekto ng
produksiyon. Sino ang naglalathala o naagtataguyod ng paglalathala ng mga kuwento?
Sang uri nagmula ang mga kuwentista? Ano-ano ang mga pangyayaring panlipunan at
pangkasaysayan na nag-udyok sa pagkatha? Ano0ano ang mga katangian ng maikling
kuwento na particular lamang sa mga rehiyon? Paano iniakda at hiniraya ng mga
kuwento ang rehiyon o bayan? Ano-ano ang mga danas at mithiing panrehiyon na
masisipat sa mga akda?
Kaugnay nito, marapat ding iugnay ang rehiyonal na akda sa pambansang pag-
akda. Kailangan ditong suriin ang ambag ng nabanggit sa pagpapanatili o pagtitibay ng
mga tradisyong pampanitikan. Maaari ding suriin ang epekto ng kolonisasyon sa
nilalaman ng kuwento at sa anyo nito. Maaari ding lumikha ng mga paghahalintulad sa
mga litaw na tema ng mga akda tulad ng pagpupugay sa mga bayani ng bayan (hal.,
rebolusyonaryo sa panahon ng Español, mga Huk), pagpapatibay sa mga halagang-bayan
(hal., paggalang sa batas, pagmamahal sa magulang, takot sa Diyos, pagdakila sa dalisay
nap ag-ibig), kalagayan ng mga manunulat, pagpapanatili ng sinaunang kultura sa anyo
ng satira at pangangalaga sa kapaligiran.

Kwizkasyon 3: Gamit ang isang talataan, Ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit
nagkukuwento at nagsasalaysay ang mga tao. (5 puntos)

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Mga Uri ng Kuwento Batay sa Layunin


1. Pampanitikang Kuwento (Literary Fiction)- ang kuwentong isinulat alang-
alang sa kasiningan. Sa ganitong uri ng pagkakasulat ng kuwento, hindi
naisasantabi ng kuwentista ang kaniyang malikhaing bisyon sa pag-akda.
Isinasaalang-alang niya ang mga patnubay sa mainam na pagsulat higit sa
anupamang udyok sa malikhaing proyekto. Maingat ang pagkakagamit niya ng
salita. Kadalasan nama’y tumututok siya sa isang element ng kuwento upang
pagyamanin ito. Nag-eeksperimento rin siya sa pagkukuwento.
Mga Katangian ng Pampanitikang Kuwento
- Orihinal na idea
- Mainam na pagkakasulat
- Inobasyon sa wika
- May natatanging estilo sa pagkukuwento
- Pagtalakay sa mga napapanahong usapin
- Paglalaro sa anyo o tradisyonal na banghay
- Wlang pangingimi o pangahas sa pagpili ng paksa
- May katimpian ng emosyon sa loob ng teksto
- Paggamit ng sariwang simbolo at talinhaga
- Bumabaklas sa pormula o sa gasgas na banghay
Sa Pilipinas , ang pampanitikang kuwento ay nalalathala sa mga pahayagan at
publikasyong pang-unibersidad tulad ng Literary Apprentice (U.P Writer’s Club),
Philippine Collegian (Unibersidad ng Pilipinas), The Scanner (CBSUA-Calabanga).
May mga palagay na ang ganitong uri ay mahirap maintindihan dahil sa mataas na
pilosopiyang kaakibat sa paglikha ng akda. Karaniwang tinutugon din ng mga
pampanitikang kuwento ang kaligayahang pansining o pang-estetika ng kuwentista o ng
mga kakilala niyang manunulat. May mga paniniwala pang ang pagsulat ng ganitong uri
ay para sa mga matatalino at intelektuwal na mambabasa lamang at limitado sa espasyo
ng akademya. Madalas din, ang ganitong mga kuwento ay kapuwa manunulat din ang
bumabasa at tumatangkilik. Kung kaya, ang ganitong uri ay naaakusahan ng eletismo o
makitid na paglikha ng pagkukuwento. Nasa toreng garing daw ang mga kuwentista.
2. Komersiyal na Kuwento (Commercial Fiction)- sa termino pa lamang
masasabing ito ay nilikha alang-alang sa negosyo o sa komersiyo. Pagsusulat
ito na may katapat na kabayaran. Kung gayon nakasalalay sa salapi ng
tagapaglathala o patnugot ng magasin ang layon ng pagsulat ng kuwento. Ibig
sabihin, maaaring diktahan ng tagapaglathala kung ano ang dapat isulat ng
kuwentista, ayon na rin sa panlasa ng masa o nakararami.
Sa mga unang yugto ng maikling kuwento sa Pilipinas, komersiyal na uri ang
karamihan sa kuwento. Mangyari, komersiyal ding magasin ang naglalathala ng nasabing
anyo. Nariyan ang Bulaklak, Ilang-Ilang at ang Liwayway na naglalathala ng mga katha sa
Tagalog. Samantala, mayroon din naming magasing Bannawag, Hilligaynon at Bisaya para
naman sa mga mambabasang Iloko, Ilonggo at mga Cebuano, ayon sa pagkasunod-
sunod. Komersiyal ang ganitong mga magasin dahil bukod sa pagtatampok ng mga
kuwento at subaybaying nobela (serialized novel) na kinagigiliwan ng karaniwang
mambabasa , naglalaman din ito ng mga lathalain tungkol sa tahanan, tradisyonal na tula
, balita sa artista, kapalaran ayon sa mga bituin, mga payo sa problema, resipi at iba pa.
Maraming problema sa komersiyal na kuwento. Sinasabing banta ang mga ito sa
kasiningan ng anyo. Kapag komersiyal ang layunin ng manunulat , nawawalan siya ng
kalayaan kung ano ang dapat niyang isulat. Bawat magasin ay may patakarang editorial.
Ibig sabihin, may mga paksain lamang na dapat talakayin. May mga wikang dapat
pangalagaan – iyon lamang wikang higit na mauunawaan at gumagamit ng mga salitang
katanggap-tanggap sa publiko. Bawal ang mga eskandaloso at bulgar na pananalita;
bawal ang naglahok ng mga kolokyal, balbal o ang tinatawag na salitang kanto. Sa
komersiyal na daluyan, nababawasan ang pagkakataong makapag-eksperimento, ang
magpasok ng progresibo at abanteng idea at magpakilala ng inobasyon sa wika. Kung
kaya binabatikos ng mga kritiko ang mga kuwentistang “natali” na sa komersiyalismo ng
kanilang sining. Dagdag pa, pinararatangan ang komersiyal na kuwento ng pagiging
didaktiko (labis na pangangaral), konserbatibo ( hindi bukas sa pagbabago o
impluwensiya ng makabagong panahon), at paulit-ulit o gasgas (dahil namimihasa sa
pormula). Kilala rin ang komersiyal na kuwento bilang bahagi ng pantikang popular ng
bansa. At bilang bahagi ng kulturang popular tulad ng telebisyon, radyo at pelikula,
tinatagurian ang mga kuwentong ito bilang “badoy, basura at bakya,” buhat sa antukoy
ng kritiko at iskolar ng panitikan at kulturang popular na si Soledad Reyes. Kabilang sa
maituturing na komersiyal na kuwento ang mga nasa komiks, nobelang romansa, erotiko,
pornograpiko, kababalaghan o pantasya, at katatakutan (horror o ghost stories).
Ilan sa mga nakilalang manunulat sa komersiyal na magasin at sa popular na anyo ay
sina Gilda Olvidado, Maia Jose, Helen Meriz, carlo J. caparas, Nerissa cabral, Rod Santigao
at Elena patron. Hindi mabilang ang kanilang mga tagahanga na sumubaybay ng kanilang
mga akda. Nakuha nila ang pulso ng karaniwang mambabasa ng lipunang Pilipino. Sa
kanilang pagiging popular, naisalin sa ibang midyum ang kanilang mga katha- sa komiks,
radyo, telebisyon at pelikula. Dahil ditto, higit pang nagiging kilala ng marami ang
ansabing manunulat at lumawak ang narrating ang kanilang akda. Sa kanluran, kilalalang
manunulat na komersiyal sina Stephen King, Helen Fielding, J.K Rowling, Michael
Crichton, Dan Brown, Sidney Sheldon, Nick Hornby atbp. Sino baa ng hindi nakapanood
ng kanilang pelikulang The Da Vinci Code, Bridget Jone’s Diary, Jurassic park, About a Boy
at Harry Potter?
Gayunpaman, mailap ang papering ibinibigay sa kanila ng mga kritiko o ng akademya.
Hindi kinikilala ng prestehiyosong paligsahan ang kanilang mga katha. Sa katunayan,
hindi sila nailalahok sa mga listahan ng mga babasahing dapat pag-aralan o ang tinatawag
na pampanitikang kanon, dahil sa namamayaning elitism sa akademya. Mayroong mga
kuwentista sa komersiyal na magasin ang naging establisado at kinilala ng akademya
dahil sa husay ng kanilang pagkukuwento. Sila’y sina Edgardo Reyes, Efren Abueg,
Andres Cristobal Cruz, Reynaldo Duque, Rogelio Sicat, Liwayway Arceo at Rosari de
Guzman-Lingat. Nakawala sila sa makitid na pamantayang itinakda ng komersiyal na
pagsususlat at hinangaan sila dahil dito.
Sa kanluran at sa iba pang panig ng daigdig, ang mga komersiyal na ktha ay palagiang
nasa listahan ng mga madaling mabenta at popular na aklat. May iba’t ibang tipo at
pormula ang mga kathang ito na ginagamit ding bansag sa mga uri ng komersiyal na
pelikula. Isa-isahin natin ang mga anyo nito:
(1) Kababalaghan- tumutukoy sa mga kathang may elementong supernatural; nilikha
ito bilang panakot sa mga mambabasa at kinsangkapan nito ang mga
kinatatakutan ng mambabasa tulad ng nilalang sa ibang mundo o ibang panahon,
kamatayan at kabaliwan. Halimbawa nito ang mga nobelang katatakutan ng mga
Japones na si Koji Suzuki- Dark Water, Ring, Loop, at Spiral. Naisapelikula ang
mga ito at nag-ambag ng bagong katangian sa anyo ng pelikulang katatakutan sa
daigdig.
(2) Misteryo- kathang makabanghay na umiinog sa paglutas ng espiya o detektib ng
mga palaisipan tulad ng isang kamatayan o aksidente. Halimbawa nito ang the Da
Vinci Code ni Dan Brown, The Rule of Four nina Ian Caldwell at DustinThomason,
The Westing Game ni Ellen raskin at Chasing Vermeer ni Blue Balliet.
(3) Krimen- kathang tinalakay ang misteryo, imbestigasyon at paglutas sa
karimarimarim na krimeng naranasan ng indibidwal o grupo ng tao . halimbawa
nito ang Smaller and Smaller Circles ni F.H Batacan, American Psycho ni Bret
Easton ellis at The Postman Always Rings Twice ni James Cain.
(4) Thriller- kathang makapigil-hininga dahil sa paggamit ng panggulat at pambibitin.
Halimbawa nito ang The Bourne Identity ni Robert Ludlum at The Silence of the
Lambs at Red Dragon ni Thomas Harris.
(5) Kathang Siyensiya- katha tungkol sa bentahe ng teknolohiya at epekto ng
siyensiya sa isang lipunan, sa mga malalayo o imbentong daigdig o mga
problemang lumitaw dulot ng pag-usbong ng mga imbensiyon ; nilikha ito para
makapagmuni ang mambabasa sa kalagayan ng lipunan sa kasalukuyan.
Halimbawa nito ang The Giver ni Lois Lowry, Jonathan Strange and Mr. Norell ni
Susanna Clarke, Eintein’s Dreams ni Alan Lightman, American Gods ni Neil Gaiman
at The Left Handed of Darkness ni Ursula LeGuin.
(6) Romansa- Kinatha bilang aliwan ng babae ukol sa pakikipagsapalaran sa
pakikipagkaibigan, pakikipagkasintahan, at maging buhay may-asawa. Halimbawa
nito ang Pride ang Prejudice ni Jane Austen at Jane Eyre ni Charlotte Bronte.
(7) Kathang Pambabae/ Chick Lit- Kilala rin bilang postfeminist fiction, ito’y mga
kuwento, kadalasang hitik sa siste at katawa-tawang sitwasyon sa buhay pag-ibig
ng mga modernong babae sa kalunsuran . Halimbawa nito sa kanluran ang Sex
and the City ni Candace Bushnell, The Devil Wears Prada ni Lauren Weisberger. Sa
Pilipinas, tinangka ito ni Tara Sering sa mga akda niyang Getting Better at Almost
Married. May baryasyon ang ganitong uri ng katha para naman sa mga
kalalakihang mambabasa. Tinatawag itong Dick Lit o Lad Lit. Kilala si Nick Horby sa
anyong ito sa mga akda niyang High Fidelity at About a Boy. Sa Pilipinas, nalathala
ang Vince’s Life ni Vince Teves.

Panukatang Pagsusulit:
Gumawa ng isang “Digital na Likhang-Sining na Balangkas” ito ay 20 puntos.
Rubriks ng Pagmamarka

Pamantayan Napakahusay! Mahusay! Paghusayan pa! 1 Marka


4-5 na puntos 3-2 na puntos puntos
Nilalaman Malinaw at May kabuluhan ang Hindi malinaw
makabuluhan ang ginawang ang kaugnayan ng
pagpapaliwanag sa pagpapaliwanag piniling salita sa
salitang kumakatawan subalit may ilang paksang
sa paksang tinatalakay kaisipan na Malabo. tinatalakay.
Organisasyon Kapansin-pansin ang Kapansin-pansin May kaguluhan
natatanging ang kamalayan sa ang pagsasaayos
pagsasaayos at kaisahan pagsasaayos at at kaisahan ng
ng mga idea. kaisahan ng mga mga idea.
idea.
Wika Wasto at angkop ang May iilang mga Hindi gaanong
paggamit ng mga pagkakamali sa naisaalang-alang
bantas, baybay at gamit paggamit ng ang wasto at
ng mga salita. bantas, baybay at angkop na
gamit ng mga salita. paggamit ng mga
bantas, baybay at
gamit ng mga
salita
Kasiningan Napakahusay sa Hindi gaanong Kulang pa ang
paggamit ng mahusay sa kakayahan sa
makabagong arte ng paggamit ng arte paglikha gamit
teknolohiya gamit ang ang arte ng
teknolohiya teknolohiya
Ebalwasyon ng Pagkatuto

Pagbati at napagtagumpayan mo ang hamong ibinigay sa modyul na ito.

Sanggunian
Eugene Y. Evasco, et. al: Palihan; Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat:
Quezon, C & E Publishing, Inc. 1994
Joselito C. Gutierrez, et.al: Ang Pagtuturo ng Wika, Panitikan at Kultura sa K-12
Kurikulum: Malabon City: Jimczyville Publications, 2006
file:///C:/Users/Toshiba/Downloads/kupdf.net_12-impluwensya-ng-panitikan.pdf
https://www.google.com/search?q=hd+papers&tbm=isch&chips=q:hd+papers,g_1
:old:fAYoo_ZTra0%3D&rlz=1C1GGRV_enPH781PH781&hl=en-
GB&sa=X&ved=2ahUKEwi6_7u2veDrAhUHg5QKHazMD7AQ4lYoA3oECAEQGw&bi
w=1263&bih=608

Inihanda ni:

Bb. Ladybelle S. Tuprio


Guro sa Filipino
Central Bicol State University of Agriculture-Calabanga
ladybelle.tuprio@cbsua.edu.ph
0907 049 9430

You might also like