You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Rehiyon IV-A CALABARZON


Dibisyon ng Batangas
Distrito ng Lobo

MASAGUITSIT-BANALO NATIONAL HIGH SCHOOL


BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

I. LAYUNIN
1. Natutukoy ang kasaysayan ng komik istrip at ang ilan sa mga halimbawa nito.
2. Naiisa-isa ang bahagi ng komik istrip at ang ilang tauhang kilala bilang superhero.
3. Napahahalagahan ang Kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagtalakay sa komik istrip.

II. PAKSANG-ARALIN
Panitikan: KOMIK ISTRIP
Kagamitan: Laptop, Tv, pantulong na visual
Sanggunian: Internet
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO / PAMAMARAAN


Gawaing Rutinari
 Pagdarasal
 Pagtatala ng liban
 Pagtsetsek ng takdang-aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI
1. Pagganyak
Ano-ano ang mga pangalan ng komiks ang iyong natatandaan?
Anong mga superhero ang iyong nalalaman bilang tauhan sa komiks?

Gabay na Tanong:
a. Sino sa mga nabanggit na superhero ang higit ninyong nagustuhan?
b. Ano para sa inyo ang dahilan bakit sila ay nalikha ng imahinasyon ng mga tao?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano nakatutulong ang komik istrip sa Kulturang Pilipino?

3. Presentasyon / Paglalahad ng Aralin

Pagtalakay ng kasaysayan ng komik strip.

ANALISIS
1. Ano ang sinasabing pinakaunang komiks sa Pilipinas?
2. Anong taon unang naglathala ng komik istrip?
3. Patuloy pa rin ba ang paglaganap ng komiks hanggang sa kasalukuyan? Patunayan.

Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M AN- (FOR YOUR INFORMATION)

MGA BAHAGI NG KOMIKS:

1. KUWADRO- naglalaman ng isang tagpo sa kwento (frame).


2. KAHON NG SALAYSAY- pinagsusulatan ng maikling salaysay.
3. PAMAGAT NG KWENTO
4. LARAWANG GUHIT NG MGA TAUHAN SA KWENTO
5. LOBO NG USAPAN- pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang
anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista.
PANGKATANG GAWAIN:
Ang klase ay papangkatin sa dalawa. Bubuo ng maikling komiks na nagpapakita ng mga bahagi nito.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

ORGANISASYON AT NILALAMAN 5 puntos

PAGKAMALIKHAIN 3 puntos

PAGKAKAISA 2 puntos

KABUUAN 10 puntos

A B S T R A K S Y O N / PAGLALAHAT
Ano ang komik istrip? Isa-isahin ang bahagi ng komik istrip.

A P L I K A S Y O N / PAGLALAPAT
Sa inyong palagay, masasalamin bas a komiks ang Kulturang Pilipino? Magbigay ng halimbawa.

EBALWASYON / PAGTATAYA
Basahin ang bawat katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang grapikong midyum na binubuo ng dayalogo, mga salita at larawan na siyang nagsasalsay
sa diwa ng kwento.

A. Komik istrip B. magasin C. dyaryo D. aklat

2. Bahagi ng komiks na naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame) .

A. Pamagat B. lobo ng usapan C. kuwadro D. larawang guhit

3. Pinagsusulatang ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista.

A. Lobo ng usapan B. kuwadro C. dayalogo D. pamagat

4. Siya ang pinaniniwalaang kauna-unahang Pilipinong sumulat ng komiks.

A. Mars Ravelo B. Carlo Caparas C. Jose Rizal D. Joe Lad Santos

5. Ano ang pamagat ng sinasabing pinakaunang komiks sa Pilipinas?

A. Pagong at Matsing B. Darna C. Ang Ibon D. Ang Panday

Sagot:
A C A C A

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN / TAKDANG- ARALIN

1. Magsaliksik ng iba’t ibang uri ng lobo ng usapan.


2. Gumawa ng komiks istrip gamit ang iba’t ibang anyo ng lobo ng usapan.,

Inihanda ni:

RAQUEL W. ROBEL
Guro

You might also like