You are on page 1of 2

Mala- Masusing Banghay Aralin sa Filipino

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Naihahambing ang tekstong binasa F8PB-IIIa-c-29

I. Mga layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Nailalahad ang tatlong uri ng popular na babasahin;
b. Natutukoy ang pagkakaiba ng tatlong uri ng popular na babasahin;
c. Nakagagawa ng isang halimbawang teksto mula sa paksang pinag-aralan; at
d. Nalilinang at napahahalagahan ang mataas na antas ng kasanayan sa pag-unawa sa iba’t ibang anyo
ng panitikan.
II. Paksang Aralin:
a. Paksa: Mga Popular na Babasahin
b. Sanggunian: Gintong Pamana I.1997.p.44*
c. Kagamitan: biswal na kagamitan, mga larawan at representasyon
III. Pamaraan:
A. Panimulang Gawain
 Pagbati
 Panalangin
 Pagsasaayos sa hanay ng mga upuan
 Pagtatala ng liban

B. Pagganyak

Panuto: Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang guro ay magpapalaro ng “ hulaan mo ang
pamagat ko” gamit lamang ang pinag dudugtong-dugtong na larawan. Kung sino ang mauunang
makasasagot ay mabibigyan ng karampatang puntos. Pagkatapos ng laro ay magtatanong ang guro sa
mga mag-aaral tungkol sa kaugnayan ng ginawang laro sa paksa na tatalakayin.

C. Pagtatalakay

Ang mga babasahin ay tunay na may malaking gampanin sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga
tao sapagkat dito natin masasagap ang mga mahahalagang balita o impormasyon. Sa
kontemporaryong panitikan ay nauuri ang mga babasahin sa tatlo ito ay ang;

Pahayagan Komiks Magasin Kontemporaryong


Ang pahayagan o Ang komiks ay isang Dagli
newspaper ay isang uri ng makulay at popular Ang magasin ay Ang dagli ay isang
paglilimbag na naglalaman na babasahin na peryodikong anyong
ng balita, impormasyon at nagbibigay aliw sa publikasyon na pampanitikan na
patalastas. mambabasa, naglalaman ng maituturing na
nagtuturo ng iba’t maraming maikling kwento
Dalawang klase ng ibang kaalaman at artikulo,kwento,larawan, ngunit hindi dapat
pahayagan nagsusulong ng anunsyo at iba pa. aabot sa haba ng
kulturang Pilipino. kalimitang maikling kwento.
 Tabloid pinopondohan ng mga
Sinasabing Halimbawa ng patalastas.
pangmasa. Uri ng Pilipino Komiks
pahayagan na  Darna Halimbawa ng mga
karaniwang may  Lastik man Magasin
sukat na 11-17  Captain  Candy
pulgada, mas maliit Barbel  Yes
kaysa sa  Dyesebel  Metro
broadsheet at  Valentina  Cosmopolitan
kadalasan ay hindi  For Him
hihigit sa limang Magazine
column sa kabuuan.  Men’s Health
 Broadsheet
Tumutukoy sa
karaniwang format
ng pahayagan na
nasa 15-20 pulgada
at naglalaman ng
anim na column at
gumagamit ng
tradisyunal na
pamaraan ng
pangangalap ng
balita at binibigyan
ng malalim na
saklaw na may
matinong tono at
pagsulat na artikulo
at editoryan na ang
pinupuntiryan
mambabasa ay mga
taong may pinag-
aralan.

Sa pagpapatuloy ng talakayan ay hihingi ang guro ng saloobin sa mga mag-aaral at mga halimbawa.

D. Pangkatang Gawain (10-15 minuto)

Panuto: Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng isang maikling dula-dulaan mula sa mga hindi
malilimutang eksena sa nabasa na mga babasahin.
Pamantayan:
Pagtatanghal: 10 puntos
Ekspresyon ng mukha: 10 puntos
Hikayat sa Madla: 5 puntos
Kabuoan 25 puntos

E. Pagproseso ng Gawain

 Paghingi ng reaksyon/tugon mula sa mga mag-aaral na nakilahok sa Gawain.


 Pagbibihay ng puna ng guro

F. Paglalahat

 Bakit mahalagang na alam mo ang iba’t ibang uri ng popular na babasahin at paano mo ito
nagagamit sa pang araw-araw na pamumuhay.
IV. Pagtataya

Gamit ang isang graphic organizer paghambingin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng apat na
popular na babasahin na tinalakay sa araw na ito.

V. Kasunduan

Panuto: Sa isang Velum Board ay gumawa ng isang komiks istrip na naglalarawan sa Kultura at
Panitikan ng mga Pilipino. Alalahanin na ang gagawing komiks ay may anim (6) na frame lamang.

Pamantayan:

Kaangkupan sa Paksa at Nilalaman: 20


Pagkamalikhain: 10
Kabuoan: 30 puntos

Inihanda ni: Epifel Christy R. Perges

You might also like