Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 7
NIEL M. BAJAO
GURO
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral
ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang
komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa
kanilang sariling lugar
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang
kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin,
antala) F7PN-IIIa-c-13
a. Totoo? Maganda siya?
Totoo! Maganda siya.
b. Magagaling sila?
Magagaling sila.
c. Mahal ka niya?
Mahal ka niya.
d. May bisita tayo bukas?
May bisita tayo bukas.
e. Ikaw ang may-sala sa
nangyari?
Ikaw ang may-sala sa
nangyari.
Ponema ang tawag sa yunit ng
tunog o pinakamaliit
na bahagi ng wika na may kahulugang
tunog.
Halimbawa:
Sa salitang “pusa”, may apat itong
ponema. “P”, “u”, “s” at “a”.
Ang segmental ay tinatawag na
makahulugang tunog
Ang suprasegmental ay tinatawag na
pantulong sa ponemang segmental na ang
tinutukoy na ginagamit bilang pantulong ay
ang tono (Pitch), haba (Length), diin
(Stress), at antala (Juncture)
“Ayuda sa Panahon ng Pandemya”
ni Rhea T. Bejasa
Pito ng pulis ang gumambala sa masikip na
eskinita,
Bata, batuta isang baldeng muta, nahinto sa
tudyuan ang mga bata,
Isa, dalawa, tatlo, apat…pito, pampito sa hanay
ng mga bahay ang
Barong - barong ni Aling Rosa,
DSWD, ang malakas niyang basa,
Tumayo mula sa paglalaba, kahit basa ang saya.
Sa mukha niya’y mababakas ang saya,
“Mama, nandyan na ba si Papa?”
Tanong ni Bunso, habang nakatingin sa
malaking mama.
“Hindi siya ang iyong ama”. Tugon ng ‘di
kumukurap na si Aling Rosa.
Tumingala ang anak na sa mukha’y may
pagtataka,
Bakit tila, masaya ang ina?
Samantalang hindi naman dumating ang
kaniyang ama,
Nagmasid sa paligid, maraming
kapitbahay ang nakaabang sa kanila.
Maya-maya’y dumukot sa bulsa ang malaking
mama,
Isa, dalawa, tatlo, limang lilibuhing pera,
Nakangiting iniabot sa maluha-luhang si Aling
Rosa.
Nangingilid ang luha, tinanggap ang pera at sa
papel ay pumirma.
“Bakit ka umiiyak Mama?” tanong ng
pangalawa,
“Dahil ba uuwi na si Papa?” tinig ni Bunsong
nag-uusisa,
“Tahan na Mama”, wika ng anak na babaeng
nakamata,
Marami-rami pa tayong labada,
Ipinadala ng matandang biyuda.
Garalgal ang tinig, nagsalita si Aling Rosa,
“Bukas, may kanin at karne na sa ating
mesa.”
May bigas nang mabibili ang inyong kuya,
Sabay sulyap sa baldeng bukas at
nakatiwangwang na.
“Salamat sa Diyos”, sambit niya
Hindi na tayo magugutom kahit may
pandemya,
May kakainin tayo kahit kakaunti ang
tanggap kong labada,
Sa wakas dumating na ang ayuda.
- Pito ng pulis ang gumambala sa
masikip na eskinita
2.
b. mayaman = 231
b. mayaman = 213
3.
c. magaling = 213
b. magaling = 123
Ikalawang pangkat:
Suriin ang tono ng bawat salita. Isulat ang damdamin na nais nitong iparating.
1.
a. kanina = 213 – may alinlangan
b. kanina = 231 – may kasiguraduhan
2.
b. mayaman = 231 – may kasiguraduhan
b. mayaman = 213 - may alinlangan
3.
c. magaling = 213 – may alinlangan
b. magaling = 123 – may pagpupuri
Ikatlong pangkat
Gamitin ang pangungusap sa baba at ang
iba’t ibang antala upang makapagbigay ng
iba’t ibang kahulugan.
HINDI SIYA ANG KAIBIGAN KO.
1. Hindi// siya ang kaibigan
ko.
2. Hindi siya ang kaibigan ko.
Anu-ano ang mga bahagi ng
ponemang
suprasegmental?
Bakit mahalaga na gamitin
natin ang mga ito nang wasto sa
pagbibigkas ng
mga salita?
A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga halimbawa ng salitang may iba-
ibang diin.Ibigay ang isinasaad na kahulugan nito.
1. SA:ma = sa:MA =
2. LI:gaw = li:GAW =
3. GA:lah= ga:LAH =
4. PU:la= pu:LAH =
5. BU:koh= bu:KOH =
B. Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag sa layunin
nito.Maaaring gamitin ang
bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas. Isulat sa
sagutang papel.
1. kumusta = ____, pagtatanong na masaya
kumusta = ____, pag-aalala
2. kunin mo = ____, pag-uutos
kunin mo = ____, pagtatanong
3. mahusay = ____, pagpupuri
mahusay = ____, pagtatanong
C. Panuto: Basahin ang pahayag. Subukin
kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan
ang maibibigay sa paggamit ng hinto at
intonasyon.
PAMANTAYAN
5 PUNTOS 3 PUNTOS 2 PUNTOS
Naisulat ang
Naisulat nang paksa ng talata Hindi naisulat at
PAKSA buong husay ang ngunit mayroon naipakita ang
paksa ng talata kaunting paksa ng talata
alinlangan