You are on page 1of 5

Paksa: Argumentativ / Pangangatwiran

PANGANGATWIRAN / ARGUMENTATIV

Argumentativ / Pangangatwiran- isang anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng


isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o
makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig.
Kahulugan at Kaligiran
 Nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o
panig upang makahikayat ng mambabasa o tagapakinig.
 Maisasagawa ito kung mayroon tayong kakayahang ihanay nang maaayos ang ating
kaisipan at ipaliwanag ito upang makahikayat ng kapwa.
 Isa sa mga katangiang dapat taglayin ng tagapagpahayag ng diskursong ito ay ang
pagkakaroon ng matibay na paninindigan sa mga bagay na pinaniniwalaang tama.
 Mahalaga ang diskursong ito sa ating pagpapahayag ng mga pananaw hinggil sa mga
isyung kinakaharap.
 Ang Pangangatwiran bilang ikaapat na batayang anyo ng pagpapahayag ay naiiba sa
paglalahad, pagsasalaysay, at paglalarawan dahil layunin nitong hikayatin ang iba na
tanggapin ang katoohanan o kawastuhan ng isang paninindigan o dili kaya’y baguhin ang
kanilang pag-iisip o impluwensiyahan ang kanilang pag-uugali at pagkilos sa
pamamagitan ng mga makatwitrang pahayag.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG PARA MAGING MATAGUMPAY ANG


ARGUMENTASYON
1. Matibay na Paniniwala - Nagmula sa pagkakaroon ng isang tao ng malinaw na pag-iisip
na maipamamalas sa pamamagitan ng diskurso.
2. Mahatak na Panghikayat - Nakatuon sa damdamin ng manunulat sa kanyang binubuong
diskurso.
MGAKATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA MANGANGATWIRAN
1. Mahinahon
2. Tumatanggap ng kamalian
3. Nakakaunawa sa katwiran ng iba
PAKSA: ANG PAGBIGKAS NG TALUMPATI

PAMAMARAAN O PROSESONG PAGSASATINIG


 BOKALISASYON (VOCALIZATION)
Paglikha ng mga tunog habang ang hangin mula sa diyapragma (diagphram) at baga
(lung) pagdumadaan sa ng 2 vocal chord o voice box sa bahaging lalamunan

 PAGBIGKAS(PRONUNCIATION)
Paglikha ng mga makahulugang salita mula sa pagsassama ng mga binuong partikular
na tunog: sa pamamagitan ng paggamit ng dila ngipin, ngalangala:ang pagpapayaman
sa pagpapakahulugan ng salita ay sa pamamagitan ng artikulasyon ang tamang
pagbigkas mula sa pag-iiba iba ng tunog

 RESONASYON(RESONATION)
Pagpapayaman sa mga isinasaboses na tunog sa pamamagitan ng pagbaba at pagtaas
sa lakas nito: sa pamamagitan ito ng pagpadaan ng hanging sa ilong at tamang pagbukas
ng bibig.

 MODYULASYON(MODULATION)
Paglikha ng pagbabagong katangian sa timbre(tone)at taas (pitch) ng boses sa
pamamagitan ng panginginig sa lalamunan (larynx at lalaugan(pharynx)

Mga Karaniwang Pagkakamali sa pagbigkas ng Talumpati


 Maling pagbigkas ng mga salita o hindi pagbigkas sa ilang tunog ng salita
 Kawalan ng pagbabago-bago sa boses
 Mababa ang kalidad ng artikulasyon na maaring sanhi ng maling diin(stress), maling
paggamit ng punto (accent) o maling pagpaparirala
 Madalas na pagkakaroon ng verbal recap o mga paulit-ulit na pagbigkas ng mga walang
saysay na kataga tulad ng ah at uhm.

Mga Dapat Asalin ng Isang Mananalumpati


 Ang mananalumpati ay dapat na maging maginoo sa pagtayo . Tuwid ang kanyang
katawa’t ulo sa paglakad sa entablado.
 Sa pag–akyat sa entablado, ang mananalumpati ay dapat na lumakadng masigla at may
tiwala sa sarili.
 Maaring gumamit ng kumpas ang mananalumpati upang maihatid sa mga nakikinig ang
isang kaisipan o damdamin
Ang Kumpas
Napapaloob ito sa mga pisikal na aspekto ng pagbigkas(physical delivery) tulad ng tamang
pagtayo, posisyon ng ulo at paa habang nagsasalita. Tumutukoy ang kumpas sa tamang
paggamit o paggalaw ng mga kamay alinsunod sa mga sumusunod na prinsipyo:
 Gamitin lamang kung kinakailangan (di dapat labis)
 Natural na masigla
 Ibinabatay sa mga salitang binibigkas

Mga Uri ng Kumpas


• Dalawang palad sa dibdib
• Nakabukas-palad ang kanang kamay
• Paturo(di paturong paduro)
• Nakakuyom na palad sa dibdib
• Kumpas na pataas sa kaliwa o kanang gilid
• Kumpas na pagturo sa sentido
• Mga nakabukas na palad sa harap ng mga tagapakinig
• Mga nakabukas na palad patungo sa madla
• Bahagyang nakataas ng mga palad.
Republika ng Pilipinas
Kolehiyo ng Edukasyon
Pampamahalaang Pamantasan ng Pangasinan
Kampus ng San Carlos
Lunsod ng San Carlos City Pangasinan

ULAT PAPEL SA RETORIKA

PAKSA TAGAPAGULAT

Ekspository/Paglalahad Gng. Mylyn Dela Cruz

Argumentativ/Pangangatwiran Bb. Sunshine Dela Rosa

Istruktura ng Pagpapahayag G. Rangie Diaz

Ang Talumpati/Pagbigkas Gng. Aivee Estabillo

Ang Pagbigkas ng Talumpati Gng. Jackielou G. Fernandez

Isinumete kay:

Bb. Kristine Benito


Propesor sa Retorika

You might also like