You are on page 1of 12

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


pampanitikan ng Luzon

Pamantayang Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news


casting) tungkol sa kanilang sariling lugar

Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental


(tono, diin, antala) F7PN-IIIa-c-13

II. NILALAMAN

A. Sanggunian:
1. Curriculum Guide: page 144
2. MELC: p. 170
3. MIMAROPA Filipino Module Q3: 1-4

B. Iba pang kagamitan:


Powerpoint presentation, pictures, tarpapel, activity sheets, activity cards

C. Pagpapahalaga: Nabibigyang-halaga ang tamang komunikasyon

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa isang maikling
panalangin. (Ang mga mag-aaral ay mananalangin.)

2. Pagbati
Magandang umaga, mga bata. Magandang umaga rin po, sir.

3. Pampasiglang awit
Bago tayo magpatuloy, atin munang
awitin ang kantang “Ang Diyos Mabait Sa’kin”. (Ang mga mag-aaral ay aawit.)

4. Pagtala ng liban
Mayroon bang nagliban sa ating klase
ngayong araw? Wala po.

Magaling.
5. Pagpapaalala ng Pamantayan

Ating balikan ang mga pamantayan sa


loob ng silid-aralan. Anu-ano ang mga ito? Umupo nang maayos.

Magaling. Anu- ano pa? Makinig sa guro.

Itaas ang kamay kung may nais


itanong o gustong magsalita.

B. Panlinang na gawain

1. Pagsasanay

May inihanda akong iba’t ibang pares ng


pangungusap. Basahin natin ang mga ito
nang mabuti.

a. Totoo? Maganda siya?


Totoo! Maganda siya.

b. Magagaling sila?
Magagaling sila.

c. Mahal ka niya?
Mahal ka niya.

d. May bisita tayo bukas?


May bisita tayo bukas.

e. Ikaw ang may-sala sa nangyari?


Ikaw ang may-sala sa nangyari.

2. Paghawan ng balakid

Bago tayo magpatuloy, ating alamin ang mga


bagong salita na makatutulong sa ating bagong aralin.

a. Ponema ang tawag sa yunit ng tunog o pinakamaliit


na bahagi ng wika na may kahulugang tunog.

Halimbawa:

Sa salitang “pusa”, may apat itong ponema. “P”, “u”,


“s” at “a”.

b. Ang segmental ay tinatawag na makahulugang tunog

c. Ang suprasegmental ay tinatawag na pantulong sa


ponemang segmental. Ang tinutukoy na ginagamit
bilang pantulong ay ang tono (Pitch), haba (Length),
diin (Stress), at antala (Juncture)

C. Pagganyak

Ngayon ay ating basahin ang isang tula tungkol


sa isang pamilya na patuloy na namumuhay sa gitna ng
pandemya.

Ang pamagat ng tulang ito ay “Ayuda sa Panahon


ng Pandemya”. Ito ay likha ni Rhea T. Bejasa.

“Ayuda sa Panahon ng Pandemya”


ni Rhea T. Bejasa

Pito ng pulis ang gumambala sa masikip na eskinita,


Bata, batuta isang baldeng muta, nahinto sa tudyuan ang mga bata,
Isa, dalawa, tatlo, apat…pito, pampito sa hanay ng mga bahay ang
Barong - barong ni Aling Rosa,
DSWD, ang malakas niyang basa,
Tumayo mula sa paglalaba, kahit basa ang saya.

Sa mukha niya’y mababakas ang saya,


“Mama, nandyan na ba si Papa?”
Tanong ni Bunso, habang nakatingin sa malaking mama.
“Hindi siya ang iyong ama”. Tugon ng ‘di kumukurap na si Aling Rosa.

Tumingala ang anak na sa mukha’y may pagtataka,


Bakit tila, masaya ang ina?
Samantalang hindi naman dumating ang kaniyang ama,
Nagmasid sa paligid, maraming kapitbahay ang nakaabang sa kanila.

Maya-maya’y dumukot sa bulsa ang malaking mama,


Isa, dalawa, tatlo, limang lilibuhing pera,
Nakangiting iniabot sa maluha-luhang si Aling Rosa.
Nangingilid ang luha, tinanggap ang pera at sa papel ay pumirma.

“Bakit ka umiiyak Mama?” tanong ng pangalawa,


“Dahil ba uuwi na si Papa?” tinig ni Bunsong nag-uusisa,
“Tahan na Mama”, wika ng anak na babaeng nakamata,
Marami-rami pa tayong labada,
Ipinadala ng matandang biyuda.
Garalgal ang tinig, nagsalita si Aling Rosa,
“Bukas, may kanin at karne na sa ating mesa.”
May bigas nang mabibili ang inyong kuya,
Sabay sulyap sa baldeng bukas at nakatiwangwang na.

“Salamat sa Diyos”, sambit niya


Hindi na tayo magugutom kahit may pandemya,
May kakainin tayo kahit kakaunti ang tanggap kong labada,
Sa wakas dumating na ang ayuda.

D. Paglalahad

Matapos nating basahin ang tula, ating suriin


ang iba’t ibang taludtod nito.

1. Basahin ang dalawang taludtod

- Pito ng pulis ang gumambala sa masikip na eskinita,


- Isa, dalawa, tatlo, apat…pito, pampito sa hanay ng mga bahay ang
Barong - barong ni Aling Rosa,

Ang salitang pito sa unang taludtod ay tumutukoy sa


laruang hinihipan upang tumunog. Mayroon ba itong
pagkakaiba sa kahulugang ipinapahiwatig ng salitang
pito sa ikalawang taludtod? Mayroon po.

Ano ang pagkakaiba ng dalawang salita? Ang pito sa unang taludtod ay


tumutukoy sa laruang
hinihipan. Sa ikalawang
taludtod, ang pito ay sa bilang.

Mahusay.

2. Bakit mahalaga ang paglalapat ng wastong tono sa


pagbigkas ng pahayag na “Bakit ka umiiyak mama?” Mahalaga ang paglalapat ng
wastong tono sa pagbibigkas
upang higit na maunawaan ang
kaisipan na taglay ng tula.

Magaling!

3. Basahin ang dalawang taludtod

- Tumayo mula sa paglalaba, kahit basa ang saya.


- Sa mukha niya’y mababakas ang saya
Mayroon bang pagkakaiba ang kahulugan
ng salitang “saya” sa dalawang taludtod? Mayroon po.

Ano ang kanilang pagkakaiba? Ang “saya” sa unang taludtod ay


tumutukoy sa palda o bestida.
Ang “saya” sa ikalawang
taludtod ay nangangahulugan ng
tuwa.

4. Ang mga salitang “saya”, “mama”, “pito” at


“bukas” ay maaaring magbago ang kahulugan
kung bibigyan ng wastong diin.

Bakit mahalaga ang paglalapat ng


wastong diin sa mga salitang may parehong
baybay ngunit magkaiba ang bigkas? Mahalaga ang paglalapat ng
wastong diin sapagkat
nabibigyang pannsin ang
kahulugang taglay ng salita.
Mahusay!

E. Pagtatalakay

Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon,
matutukoy ang kahulugan, layunin, o intensyon ng
pahayag ng nagsasalita sa pamamagitan ng ponemang
suprasegmental o ng mga tono, haba,
diin, at antala sa pagbigkas at pagsasalita.

Tulad ng pag-awit, may tono rin sa


pagsasalita: mababa, katamtaman, at mataas.

Ngayong araw ay ating aralin ang kahalagahan


ng paggamit ng ponemang suprasagmental. Ito ay diin,
tono at antala.

Ang una sa mga ito ay ang diin. Ang diin ay


ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay
isang ponema sapagkat sa mga salitang may
iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin
ay nakapagpapabago ng kahulugan nito.

Maaari nating gamitin sa pagkilala ng pantig na


may diin ang malaking titik.

(Ipakita ang mga salita:)


Basahin ang salita.

BU-hay (Magbabasa ang mga mag-aaral.)

Ang diin ng salita ay nasa unang pantig. Kung


babasahin natin ito sa ganitong pamamaraan, ano
kaya ang kahulugan ng salita? Ang ibig sabihin po nito ay kapalaran
ng tao.
Tama.

Basahin naman natin ang sumunod na salita.

bu-HAY (Magbabasa ang mga mag-aaral.)

Aling pantig ang may diin? Ang ikalawang pantig po.

Mahusay. Ano naman ang ibig ipakahulugan ng


salitang ito? Ang ibig sabihin po nito ay
humihinga pa o kaya’y gumagalaw pa.

Magaling!

Ang ikalawang bahagi ng ponemang


suprasegmental ay ang tono. Ang tono ay ang pagtaas
at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,
makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin,
makapgbigay-kahulugan, at makapagpahina
ng usapan upang higit na maging mabisa
ang ating pakikipag-usap sa kapwa.

Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman,


at mataas na tono. Maaaring gamitin ang
bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman ,
at bilang 3 sa mataas.

(Ipakita ang mga sumusunod na salita.)

Basahin natin ang mga sumusunod na salita na may


iba’t ibang tono.

pon

ka
ha
Ano ang salitang inyong binasa? Ang salita ay “kahapon”.

Tama. Ang tono ng salita ay maaaring


magbigay ng ibang damdamin sa nagbabasa.

Mula sa tono ng salitang ating binasa,


ano kaya ang damdamin na nais nitong iparating? Ang damdamin ng salita ay may
pag-aalinlangan.

Tama. May iba pa bang mga sagot? Ang damdamin ng salita ay tila
may hindi kasiguraduhan.

Basahin naman natin ang sumunod na salita.

ha

ka

pon

Ang salitang ginamit ay “kahapon” pa rin.


Matapos nating basahin ang salita, anong uri ng
damdamin kaya ang nais nitong iparating? Ito po ay nagpapakita ng damdamin
ng kasiguraduhan.

Napakagaling!

Ang ikatlong bahagi ng ponemang


suprasegmental ay ang antala. Ang antala ay
bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa kausap.

Maaaring gumamit ng simbolong kuwit


( , ), dalawang guhit na pahilis (//), o gitling ( - ).

Ating suriin ang isang pangungusap na may iba’t


ibang paggamit ng antala.

Basahin ang pangungusap.

Hindi// ako si Joshua.

Ano kaya ang nais ipakahulugan ng


pangungusap na ito? Nagbibigay ito ng kahulugan na
ang nagsasalita ay nagsasabing
siya si Joshua.

Maaaring siya’y napagkamalan


lamang na ibang tao.

Magaling. Basahin naman ang ikalawang


pangungusap.

Hindi ako, si Joshua.

Ano naman kaya ang nais ipakahulugan ng


pangungusap na ito? Ipinapahiwatig nito na ang
kausap ay napagbintangan
sa isang bagay na hindi niya
ginawa.

Tama. Ating basahin naman ang ikatlong


pangungusap.

Hindi ako si Joshua.

Ano naman ang nais ipakahulugan ng


pangungusap? Ipinapahiwatig ng nagsasalita
na siya ay hindi si Joshua.

Napakahusay. Sila ang tatlong bahagi ng


ponemang suprasegmental.

Bakit kaya mahalaga ang pagbibigay ng


wastong diin, tono at antala sa ating binabasa? Mahalaga ang mga ito upang
matukoy natin ang ibig
ipakahulugan ng mga salita sa
ating binasa.

Mahusay. Ano pa? Mahalaga ang mga ito upang


mabasa natin nang buong
husay ang iba’t ibang tula,
talata at kuwento.

Kayong lahat ay magagaling!

Pagpapahalaga:

Ang mga bahagi ng ponemang


suprasegmental ay napakahalaga. Ito ay
nakatutulong upang magkaroon ng
epektibong komunikasyon.
Kung gagamitin natin ang mga ito
sa pakikipag-usap, sinu-sino ang mga
kabilang sa komunikasyon? Ang nagsasalita at ang kausap.

Magaling! Sinu-sino naman ang


kabilang sa pasulat na komunikasyon? Ang may-akda at ang
nagbabasa.

Tama. Ano kaya ang maaaring


mangyari kung hindi natin gagamitin nang
wasto ang ponemang suprasegmental? Maaaring hindi
magkaintindihan ang
magkausap.

Ano pa? Maaaring ibang paksa o


kaisipan ang matanggap ng
nagbabasa o nakikinig.

Magaling! Lagi ninyong tatandaan na


dapat nating gamitin nang wasto ang ponemang
suprasegmental upang makapagpahayag ng
tamang impormasyon.

F. Paglalapat

Tayo ay magkakaroon ng isang pangkatang


gawain. Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.

Ang bawat pangkat ay bibigyan ko ng isang


activity card. Basahin nang mabuti ang mga panuto
nito.

Bago tayo magpatuloy, atin munang balikan


ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng isang
pangkatang gawain. Anu-ano ang mga ito? Basahin ang panuto.
Tulungan ang mga
kasama.
Igalang ang mga kasama.
Gumawa nang tahimik.
Mahusay. Mayroon kayong limang minute
upang tapusin ang gawain.

Unang pangkat:

Mag-isip ng tatlong salita na may iba’t ibang


diin. Ibigay din ang mga kahulugan nito. PU-no = isang malaking halaman
pu-NO = umaapaw

TA-nan = umalis ng walang paalam


ta-NAN = isang Cebuanong salita
para sa salitang “lahat”

BU-kas = sa susunod na araw


bu-KAS = walang takip, nakikita ang
nilalaman

Ikalawang pangkat:

Suriin ang tono ng bawat salita. Isulat


ang damdamin na nais nitong iparating.

1.

a. kanina = 213 - may pag-aalinlangan


b. kanina = 231 - may kasiguraduhan

2.

a. mayaman = 231 - may kasiguraduhan


b. mayaman = 213 - may pag-aalinlangan

3.

a. magaling = 213 - may pag-aalinlangan


b. magaling = 123 - may pagpupuri

Ikatlong pangkat:

Gamitin ang pangungusap sa baba at ang


iba’t ibang antala upang makapagbigay ng
iba’t ibang kahulugan.

HINDI SIYA ANG KAIBIGAN KO. Hindi// siya ang kaibigan ko.

Hindi siya ang kaibigan ko.

G. Paglalahat

Balikan natin an gating aralin ngayong


araw. Anu-ano ang mga bahagi ng ponemang
suprasegmental? Ang mga ito ay ang diin, tono at
antala.
Mahusay! Bakit mahalaga na gamitin
natin ang mga ito nang wasto sa pagbibigkas ng
mga salita? Mahalaga ang mga ito upang
matukoy ang wastong kahulugan ng
mga salitang binasa.

Magaling. Ano pa? Mahalaga ang mga ito dahil tumutulong


sila sa pagtukoy ng paksa ng mga
tekstong ating binasa.

Napakagaling ninyong lahat!

IV. Pagtataya

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga halimbawa ng salitang may iba-ibang diin.Ibigay ang
isinasaad na kahulugan nito.

1. SA:ma = sa:MA =
2. LI:gaw = li:GAW =
3. GA:lah= ga:LAH =
4. PU:la= pu:LAH =
5. BU:koh= bu:KOH =

B. Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag sa layunin nito.Maaaring gamitin ang
bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas. Isulat sa
sagutang papel.

1. kumusta = ____, pagtatanong na masaya


kumusta = ____, pag-aalala

2. kunin mo = ____, pag-uutos


kunin mo = ____, pagtatanong

3. mahusay = ____, pagpupuri


mahusay = ____, pagtatanong

C. Panuto: Basahin ang pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay sa
paggamit ng hinto at intonasyon.

1. Hindi si Layla ang nanalo sa paligsahan

Mga sagot:

A.

1. SA:ma = makisapi sa:MA = hindi mabuti


2. LI:gaw = pagpapakita ng pagmamahal li:GAW = nawala
3. GA:lah= pamamasyal ga:LAH = laging umaalis
4. PU:la= isang kulayu pu:LAH = pansinin o kutyain
5. BU:koh= isang prutas bu:KOH = ibunyag

B.

1. kumusta = 213, pagtatanong na masaya


kumusta = 231, pag-aalala

2. kunin mo = 321, pag-uutos


kunin mo = 213, pagtatanong

3. mahusay = 231, pagpupuri


mahusay = 213, pagtatanong

C.

- Hindi si Layla ang nanalo sa paligsahan.


- Hindi/ si Layla ang nanalo sa paligsahan.

V. Gawaing-Bahay

Sa isang talata, isulat ang isang sitwasyon na kailangan ang wastong paggamit ng ponemang
suprasegmental. Gamitin ang pamantayan sa pagsusulat ng talata.

PAMANTAYAN
5 PUNTOS 3 PUNTOS 2 PUNTOS
Naisulat nang buong Naisulat ang paksa ng Hindi naisulat at
PAKSA husay ang paksa ng talata ngunit mayroon naipakita ang paksa ng
talata kaunting alinlangan talata
Naipakita nang buong
Mayroong kaunting Hindi nagamit nang
husay ang wastong
maling paggamit sa maayos ang bantas,
PAGSULAT paggamit ng bantas,
bantas, pagbabaybay o pagbabaybay at ang
pagbabaybay at
malalaking titik malalaking titik
malalaking titik

Inihanda ni:

NIEL M. BAJAO

You might also like