You are on page 1of 3

DAILY LESSON LOG Paaralan STA.

TERESITA NATIONAL HIGH Antas 7


SCHOOL
Guro DONABELLE S. TRIMOCHA Asignatura FILIPINO
Petsa at Oras Mayo 29, 2018 (MARTES) Markahan Ikalawang
Markahan

Ikaapat na Araw
I. LAYUNIN Natutukoy ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit (Impormal) sa talakayan (balbal,
kolokyal, lalawiganin).

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan.
B. Pamantayang sa Pagganap Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto F7WG-IIa-b-7
Isulat ang code ng bawat kasanayan Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng awiting-bayan (balbal,
kolokyal, lalawiganin, pormal)
II. NILALAMAN Panitikan: Awiting Bayan
Gramatika/Retorika: Antas ng Wika batay sa Pormalidad (Impormal) (Balbal, Kolokyal,
Lalawiganin)
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Supplemental Filipino High School Grade 7 Quarter 2
Guro Pahina 22-26
2. Mga Pahina sa Kagamitang Supplemental Filipino High School Grade 7 Quarter 2
Pang-Mag-aaral Pahina 22-26
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan www.rexinteractive.com
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, Speaker, Larawan
Kamusta ka na?
III. PROSESO NG
PAGKATUTO
A. UNANG YUGTO WARMER-Pampainit

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na dayalogo.

Dayalogo 1
Sinetch? Ahm Oks naman aketch., kaw,
keribels din?

Dayalogo 2

Ala eh, heto banas Kamusta ka na ga sa


na banas na? ginagawa mo? Ako eh
are parin.
Dayalogo 3

K lang, kaw?Ah, naron


Musta ang unang araw ng
sya sa gym.Lika !
pagpasokmo?Pede anatay natin
puntahan natin.
si kuya

B. IKALAWANG YUGTO Battle of the Brains


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:
1. Ano ang inyong napansin sa mga dayalogo na napakinggan?
2. Paano sila nagkakaiba iba?
3. Ano kaya ang tawag sa mga salitang ito?
PANGKATANG GAWAIN
Magbigay ng 3 salita mula sa awiting bayan na Bahay Kubo
C. IKATLONG YUGTO TALAKAYAN BATAY SA ANTAS NG WIKA BATAY SA PORMALIDAD:
(powerpoint presentation)

Antas ng wika batay sa Pormalidad (Impormal)


Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa
kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan,
at okasyong dinadaluhan
A. Impormal – Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang-araw-araw, at
madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
• Lalawiganin – Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan.
Makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa:
– Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
– Nakain ka na? (Kumain ka na?)
– Buang! (Baliw!)
• Kolokyal – Pang-araw-araw na salita. Maaaring may kagaspangan nang kaunti. Maaari din
itong maging kagalang-galang ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
– Nasan, pa’ no, sa’kin, kelan
– Meron ka bang dala?
Balbal – Sa Ingles, ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito;
ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa:
– chicks(dalagang bata pa)
– orange(bente pesos)
– pinoy(Pilipino)

Tanong - Sagot
1. Batay sa tinalakay, ipaliwanag ang pagkakaiba-iba ng antas ng wika batay sa pormalidad.
2.Ano ang maaring maging implikasyon ng pagkakaroon ng iba’t ibang antas ng wika sa
pang- araw- araw na pakikipagtalastasan?
3.Ano ang kahalagan ng wastong gamit ng wika sa iba’t ibang lugar o panahon?

D. IKAAPAT NA YUGTO PAG-UNAWA SA WIKA


Panuto: Mula sa napakinggang awitin pumili ng mga halimbawang salita batay sa
antas ng wikang Impormal (balbal, kolokyal, at lalawiganin) at tukuyin kung saan
nauuri ito. Itala ang sagot sa talahanayang nasa ibaba.

Balbal Lalawiganin Kolokyal

E. IKALIMANG YUGTO EHERSISYO


LIKHA: Pangkatang Gawain
A. Panuto: Ang bawat pangkat ay magpapakita ng isang presentasyon na
gumagamit ng mga salita na ayon sa paksang tinalakay. Isagawa ang gawain sa
pamamagitan ng mga sumusunod:
Pangkat 1: Role playing
Pangkat 2: Talk Show
Pangkat 3: Pagbuo ng tula
Pangkay 4: Game Show
Pangkat 5: Newscasting

PAMANTAYAN SA PAGSASADULA
Kriterya/Pamantayan Puntos
1. Mahusay ang pagpili ng mga 7
salitang (antas ng wika) ginamit.
2. Kaangkupan at kahalagahan ng 5
paksa.
3. Nakitaan ng pagiging malikhain sa 4
ginawang presenatasyon.
4. May Kahandaan sa Gawain 2
5. Dating sa manunuod. 2
Kabuuan 20
Paglalahat ng Aralin One Minute Answer Challenge:
Panuto: Punan ang pahayag sa loob lamang ng isang minuto:

Ang antas ng wika batay sa impormalidad ay_____________________.


Mahalagang pag-aralan ito sapagkat______________________________..Bukod pa dito ito
ay______________________.
Palalapat ng aralin sa pang-araw-araw – Sa aking palagay…
na buhay 1. Ano ang maaring maging implikasyon ng pagkakaroon ng iba’t ibang antas ng
wika sa pang- araw- araw na pakikipagtalastasan?
2. Ano ang kahalagan ng wastong gamit ng wika sa iba’t ibang lugar o panahon.
Kasunduan: Panuto: Magtala ng mga salita batay sa antas ng wika at ibigay ang katumbas nitong balbal,
lalawiganin at kolokyal. Ilagay ang sagot sa kwaderno.

Inihanda ni:

DONABELLE S. TRIMOCHA
Guro sa Filipino 7

Iniwasto nina:

CHRISTOPHER F. PUTUNGAN
Class Manager

DONNABELLE B. BIHASA
Facilitator

Ma. Prescila L. Diasanta


Process Observer

PILITA A. VILLANUEVA
EPS- FILIPINO
Division of Cavite

Binigyang Pansinin ni

ELAINE BALAOGAN
EPS- Filipino Region IV-A CALABARZON

You might also like