You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG LUNGSOD NG ANTIPOLO

SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL


Marigman St. Brgy. San Roque Antipolo City

KAGAMITAN SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN - BAITANG 7


Ikatlong Markahan- Unang Linggo
T.P 2020-2021
Pangalan : ___________________________________________________________________
Baitang at Pangkat:_________________ Petsa : _____________________________
Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa
unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya

ALAM MO BA…?

Ang KOLONYALISMO ay nagmula sa salitang Latin na “colonus” na


nangangahulugang MAGSASAKA. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na namamahala ng
mga sinakop at gagamitin ang mga likas na yaman ng mga sinakop para sa kanilang mga
sariling interes.

Ang IMPERYALISMO ay nagmula sa salitang Latin na “imperium” na


nangangahulugang COMMAND. Ang ibig sabihin din ng salitang imperyalismo ay dominasyon
ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong politikal, pangkabuhayan at kultural na
pamumuhay ng isang maliit at mahinang nasyon-estado upang maging pandaigdigang
makapangyarihan.

MGA DAHILAN, PARAAN AT EPEKTO NG KOLONYALISMO


SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

 HILAGANG RUTA- pinakatagpuan ruta ng kalakalan sa Asya: - nagsisimula sa China at


tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara
 GITNANG RUTA - baybayin ng Syria at dadaan sa Golpo ng Persia
 TIMOG RUTA - India hanggang Egypt sa pamamagitan ng Red Sea

UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT KANLURANG


ASYA (16-17 SIGLO)

MGA DAHILAN NA NAGBUNSOD SA MGA KANLURANIN NA MAGTUNGO SA ASYA

BANSANG KANLURANIN: PORTUGAL FRANCE, ENGLAND, SPAIN AT NETHERLANDS

Vasco da Gama – nalibot ang Cape of Good Hope sa dulo ng Africa na siyang magbubukas ng
ruta patungong India at sa mga Islang Indies.
1. Mga Krusada- Naganap mula 1096 Hanggang 1273. Isang kilusan na inilunsad ng
simbahan at ng mga Kristiyanong Hari upang mabawi ang banal na lugar, ang
Jerusalem sa Israel.
2. Ang Paglalakbay ni Marco Polo- Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-
Venice. Nagsilbing tagapayo ni Kublai Khan, emperador ng China nga Dinastiyang
Yuan. Dahil dito, maraming adbenturerong Europeo ang namangha at nahikayat na
makarating at makipagsapalaran sa Asya.
3. Renaissance o Kilusang pilosopikal na makasining- dito binigyan-diin ang
pagbabalik interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece. Nagbukas ng daan sa
pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyo kaya umusbong ang rebulosyong
komersiyal na nagdulot ng mga pagbabago sa gawang pang-ekonomiya.
Astrolabe- Ginagamit upang malaman ang oras at latitud.
4. Ang Pagbagsak ng Constantinople- Naputol ang ugnayan ng pangangalakal sa mga
Europeo at mga Asyano nang dahil sa pagsakop ng Turkong Muslim sa ruta ng
kalakalan. Dahil dito, napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal na
Europeo.
5. Merkantilismo- Umiral ang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto
at pilak, may pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa.
Naging dahilan ng mga Europeo upang mag-unahan na makakuha ng mga lupaing
nasasakop sa Asya.
Mga Bansang
Mga Bansang Nasakop sa Asya
Europeo
Iran, Diu at Goa sa India, Malacca sa Malaya at Moluccas sa Ternate,
Portugal
Macao sa China at Taiwan.
England Nova Scotia Canada, India, Ceylon, Malaya, at Singapore
France Laos, Cochin China, Cambodia, at Annam
Netherlands India at Indonesia
Spain Pilipinas

IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO (IKA-18 HANGGANG IKA-


19 SIGLO)
APAT NA PANGUNAHING SALIK SA PANAHON NG IMPERYALISMO
1. Udyok ng Nasyonalismo- nais ng mga nasyon sa Europe na magkaroon ng malawak
na kapangyarihan upang labanan ang kanilang karibal na mga bansa.
2. Rebulosyong Industriyal - nangangailan ng pagkukunan ng mga hilaw na materyal at
pamilihan ng mga produktong yari mula sa kanila kaya sila ay nagpalawak ng teritoryo.
3. Kapitalismo- nahikayat na gamitin ng mga mangangalakal ang kanilang salapi.
4. White Man’s Burden- Isinulat ni Rudyard Kipling, ipinasailalim sa isang kaisipan na ang
mga nasasakupan ay pabigat sa mga kanluraning bansa.

GAWAIN BLG. 1
PANUTO: Gamit ang venn diagram, sa isang pangungusap lamang, ibigay ang pagkakapareho
at pagkakaiba ng Imperyalismo at Kolonyalismo. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

GAWAIN BLG.2: MAP-KULAY


PANUTO: Gumuhit ng mapa ng Asya sa isang bond paper at kulayan ayon sa itinakdang kulay
ang mga bansang Asyano na sinakop ng mga Kanluranin.
Portugal- Berde France- Asul England- Pula
GAWAIN BLG. 3
PANUTO: Sumulat ng limang pangungusap kung ano ang magagawa mo bilang mag-aaral
upang manatiling malaya, maayos at payapa ang ating bansang Pilipinas. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. ______________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________
4. ______________________________________________________________________
5. ______________________________________________________________________

GAWAIN BLG 4
PANUTO: Gumuhit ng tatlong larawan na kumakatawan sa KALAYAAN, KARAPATAN AT
PAGKAKAPANTAY–PANTAY sa tatlong kolumn ng bond paper o malinis na papel.

MGA SANGGUNIAN
Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.
1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Ikalawang Yugto ng Pananakop
Unang Edisyon, 2020

SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like