You are on page 1of 3

FILIPINO 10

Pangalan: _________________________________________ Petsa:____________


Baitanag at Seksyon : ________________________________Iskor: :____________
MELC 36
Mitolohiya: Nailalahad ng mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang
usapan ng mga tauhan

Pahina 173 ( Alam mo ba na…) Bakit Mahalaga ang Mitolohiya?


Tuklasin:
Gawain 1 at Gawain 2 (pahina170-172)
MELC 37
Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
(collocation)
Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan (pahina 178)
MELC 39
Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
Basahin Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante ni: Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni: Sheila C. Molina (pahina 174-177)
Gawain 5: Unawain Mo (pahina 178)
Gawain 6: Pagsusuri sa Elemento ng Mitolohiya (pahina 179)
Gawain 7: Magsanay Magsuri (pahina 179)
Gawain 8: Dagdag... Pagsusuri (pahina 180)
Gawain 9: Unawain Mo (pahina 181)
Pagsasanay 3: (pahina 183)
MELC 38
Nakabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood
Ilipat
Panoorin ang mitolohiya ng Hawaii https://www.youtube.com/watch?v=DlB7pzVe1AY
Gamitin ang hakbang sa pagbuo ng pagsusuri sa mitolohiya. Kung sakaling hindi
mapanood maaari mo ring basahin ang mitolohiya ng Hawaii at nasasagot ang mga
katanungan upang sistematikong ito’y masuri batay sa elementong taglay nito.

Si Pele ang Diyosa ng Apoy at Bulkan.


Mitolohiya ng Hawai’i
Tahimik na namumuhay sa maganda at masaganang lupain ng Tahiti ang mag-
asawang si Haumea ang Diyosa ng makalumang kalupaan at si Kane Milohai ang Diyos
ng kalangitan, kasama ang kanilang anim na anak na babae at pitong anak na lalaki.
Subalit habang lumalaki ang kanilang mga anak ay unti-unting nawawala ang
kapayapaan at katahimikan sa kanilang tahanan. Dahil sa matinding alitan ng mga
anak nila na si Pele ang Diyosa ng Apoy at si Namaka ang Diyosa ng tubig.Nag-ugat
ang matinding awayan ng magkapatid sa paniniwala ni Namaka na inagaw ng kapatid
na si Pele na ang kanyang kabiyak. Nais ayusin ng kanilang magulang ang alitang ito,
subalit hindi ito natupad sapagkat noong nadiskubre ni Pele ang apoy sa kailaliman ng
lupa labis siyang naakit at wala nang sinumang makapaglalayo sa kanya at sa apoy. Sa
tuluyang pakikipaglaro ni Pele sa apoy ay aksidenteng nasunog ang buong isala ng
Tahiti sag alit ni Namaka ay nagbanta itong aahunin ang tubig sa buong isla upang
lumubog ito sab aha sa takot ng mag-asawang Haumea at Kane Milohai para sa
kaligtasan nilang lahat ay agad-agad nilang isinakay ang kanilang buong pamilya sa
isang Bangka si Pele ang naatasang gumaod at magdala sa kanila sa isang isla upang
makatakas sa poot ni Namaka. Sa bilis ng paggaud ni Pele ay nakarating sila sa isang
isla at sa islang iyon pansamantalang nanirahan ang mag-anak. Hanggang sa dumating
ang panahon na napisa mula sa itlog si Hi’iaka na labis na iniingatan ni Pele at itinuring
ng Diyosa ng Hula at ng mga mananayaw.
Sa islang ito ay may apat na Diyosa ng niyebe at naninirahan at kinaiinggitan ang taglay
na kagandahan ng magkapatid na sina Pele at Hi’iaka hanggang sa hindi sila makabuo
ng sariling tahanan. Ang bundok Mauna Loa ang huling ligtas na lugar na nahanap ni
Pele subalit kahit na nasa mataas na lugar na sina Pele ay hindi basta sumuko si
Namaka pilit niyang ipinaabot sa tuktok ng bundok ang mga along kanyang
pinakakawalan. Hindi naman nagpatalo si Pele. Sa wakas nagamit niya ang apoy
upang makaganti kay Namaka pinagliyab niya ang apoy sa pusod ng bundok ang
lumabas na lava sa tuktok ng bundok ay gumulong pababa at tumabon sa malaking
bahagi ng dagat na nasa ibaba nito. Nang matuyo ang ibabaw ng laba na tinatawag na
ngayong isla ng Hawai’i o the Big Island, Nanalo nga si Pele sa matindi laban nila ni
Namaka subalit humina ang kanyang katawang lupa at namatay ngunit ang kanyang
espiritu ay nanatili at nagawang baguhin ang kanyang anyo. Inakit ni Pele ang makisig
na lalaki na si Ohi’a ngunit may asawa na itong si Le Hua at tapat na nakayakap sa
kanya. Sa tindi ng galit ni Pele ay kumawala sa kanya ang matinding apoy at ito’y
tumama kay Ohi’a kaya’t ito’y naging sunog na puno. Isinama na rin niya ang
nagmamakaawa na si Le Hua at ito’y naging halaman at ikinapit sa puno ng Ohi’a.
isang araw ay ipinasundo ni Pele kay Hi’iaka ang kanyang kasintahan na si Lohi’au.
Ipinagbilin niya sa kanyang kapatid na si Pele ang kanyang hardin ng Ohi’a kasama ang
kanyang matalik na kaibigan na si Hopoe. Nagsimula na siya sa mahaba at
mapanganib niya paglalakbay dahil sa maraming halimaw. Nadatnan niyang nanghihina
si Lohi’au kaya’t pinagaling niya ito hanggang sa magkalapit ang loob ng dalawa. Sa
tindi ng galit at selos ni Pele ay muling sumabog ang lava mula sa bulkan at nasunog
ang hardin at ang kaibigang matalik ni Hi’iaka na si Hopoe. Upang makaganti hinagkan
at niyapos niya si Lohi’au na siyang muling nagpasabog sa kanyang selosa at mainiting
ulong kapatid at namatay si Lohi’au. Humingi ng tulong si Hi’iaka sa kanyang kapatid na
si Kane Milo at ibinalik niya ang kaluluwa ni Lohi’au sa kanyang katawang lupa kaya’t
labis na naging masaya ang magsing-irog na si Lohi’au at si Hi’iaka nang sila ay muling
nagkita. Nagpasya silang lumayo sa isla ng Hawai’ i at lumipat na lang sa isla ng Kaua’i
at doon na nanirahan upang makaiwas sa galit ni Pele.Pinagsisihan ni Pele ang
kanyang ginawa sa kanyang pinakamamahal na kapatid at kay Lohi’au. Hindi alam ni
Hi'iaka na ang masaganang pagsibol ng anumang itanim sa kanilang lupain ay
kagagawan ni Pele bilang pagpapakita ng pagsisisi at patuloy na pagmamahal sa
kanyang bunsong kapatid.

Mga Gabay na Katanungan


1. Ang tauhan ba ay isang diyos o siyosa na may taglay na kakaibang
kapangyarihan? Ipakilala
2. Saan at kailan nagana pang pangyayari. Ilarawan.
3. Saan nakatuon ang pangyayari o banghay? Isalaysay
4. Ano ang temang tinatalakay sa mitolohiya?
Tayain ang ginawa mong pagsusuri gamit ang sumusunod na pamantayan:
a. Naipakikilala nang mahusay ang tauhan sa mitolohiya
b. Nailalarawan nang mabuti ang tagpuan
c. Naisasalaysay nang maayos ang mga pangyayari
d. Nailalahad nang wasto ang tema ng mitolohiya.
Ang bawat pamantayan ay bibigyan ng katumbas na eskala:
4- Napakahusay
3- Mahusay
2- Katamtaman
1- Dapat pang paunlarin

Ipinasa ni :
Maricho M. Sancio
1.1 ang aking karanasan sa bahagi ng preparasyon,
nagkaroon ng kalituhan dahil sa ang nilalaman ng modyul ay halos kakaunti lamang
na ang kalalabasan ay mahihirapan ang guro na hatiin sa isang buong linggo ang
mga Gawain na sa katotohanan ay maaari itong masagutan sa isang upuan
lamang.

1.2. sa distribusyon, naging maayos naman ang sistema ng pagbibigay nito sa mga
magulang. Ang nagging suliranin lamang ay kapag ito na ay ipinapaliwanag na ng guro,
hindi maiiwasan na may mga magulang na hindi inuunawa ang sinasabi ng guro at may
mga magulang na nagkakaroon ng suliranin na maunawaan ito kaya ang nangyayari ay
uulitin na naman itong ipaliwanag ng guro sa kanilang mga mag-aaral.

1.3 kapag ang mga mag-aaral ay hindi gumagamit ng WHLP, ang nagiging epekto nito
ay hindi pagkakasunud-sunod ng kanilang mga Gawain na ang nagiging resulta ay
pagkalito ng mga guro kapag ito na ay kanilang tsinetsekan na dahil hindi na ito
nakasunod sa kanilag susi sa pagwawasto.

You might also like