You are on page 1of 12

Hawaii (the Big

Island)
Ito ay ang
ikalimampu at
pinakahuling
estado ng
Amerika na
itinatag noong
Agosto 21, 1959
Mga ipinagbabawal at wala sa Hawaii
Si Pele, ang
Diyosa ng Apoy
at Bulkan
Mga tauhan
Kane Milohai – diyos ng Kalangitan
Haumea – diyosa ng makalumang
kalupaan Pele – diyosa ng Apoy
Namaka – diyosa ng Tubig
Kane-milo – panganay na kapatid nila Pele at
Namaka at Hi’iaka
Hi’iaka – diyosa ng mga Hula at ng mga mananayaw
Apat na diyosa ng niyebe – nagpaalis kena Pele
sa isla
Lehua at Ohi’a – magkasintahan na naging
halaman Hopoe – kaibigan ni Hi’iaka
Lohi’au – naging kasintahan ni Pele
Tagpuan
• Hawaii

•Tahiti – tirahan
ng pamilya ni Haumea
at Kane Milohai

•Mauna Loa –
bundok kung saan
nanirahan sila Pele
Panimula
Nagkaroon ng anak sila Haumea at
Kane Milohaiat nang lumaki sila ay
unti-unting nawala ang kapayapaan sa
Tahiti.
Parating nag-aaway sila Namaka at
Pele dahil sa paniniwala ni Namaka na
inagaw ni Pele ang kanyang kabiyak.
Gusto ng kanyang magulang na maging
diyosa ng tubig si Pele ngunit siya
ay naakit sa apoy at laging
nakikipaglaro dito.
Tunggalian

Aksidenteng nasunog ni Pele ang


kanilang tirahan dahil sa kakalaro niya
ng apoy. Nagalit si Namaka sa nagawa
ni Pele at nagbantang paaahunin niya
ang tubig sa buong isla. Dahil jan
tumakas ang pamilya sa takot. Si Pele
ang inatasang gumaod habang nasa
kandungan niya ang itlog na iniingatan
niya dahil laman nito ay ang kapatid
niya na ipinagkatiwala sakanya ng
kanilang magulang.
Kasukdulan
Nakahanap sila ng isla at doon na tuluyang
napisa ang itlog at lumaking isang magandang
dalaga si Hi’iaka. Halos lahat ng tao sa isla ay
namangha sa kagandahan ng magkapatid bukod sa apat
na diyosa ng niyebe at sila’y pinaalis sa isla.
Kaya namangka uli si Pele at nakahanap ng
ligtas na lugar, ang Mauna Loa. Hindi sumuko si
Namaka at pinaabot sa tuktok ng bundok ang mga
alon na pinapakawalan. Ginamit ni Pele ang kanyang
apoy upang ipagtanggol ang kanyang pamilya. Nang
matuyo ang lava naging kalupaan ito at nabuo ang
“the Big Island”. Matapos labanan ang kapatid,
nanghina ang katawang lupa ni Pele at namatay.
Subalit, nanatili ang kanyang espiritu sa isla at
kung minsan ay makikita nila siya sa ibang anyong
lupa
Kakalasan

Isang araw siya’y naging isang magandang


dalaga at nakita niya ang isang makisig na
lalake na si Ohi’a. Inakit niya ito ngunit
tumanggi ang lalake subalit siya’y may asawa
na. Nakita ni Pele ang pagmamahalan nila ni
Lehuna at siya’y naglabas ng apoy dahil sa
selos at galit kaya naging sunog na puno si
Ohi’a. Nagmakaawa ang asawa niya na pati siya
gawing halaman na lang din para sila ay
magkasama sa kabilang buhay. Naawa ang diyosa
kaya ginawa niyang pulang bulaklak si Lehua.
Waka
s Isang araw tinawag ni Pele si Hi’iaka at hinabilin
na sunduin ang kanyang kasintahan na si Lohi’au at huwag
itong akitin. Nadatnan ni Hi’iaka na halos patay na sa
pagkakasakit si Lohi’au dahil akala nito na siya’y
pinabayaan na ni Pele, sa pag aantay nila sa paggaling
ni Lohi’au ay napapalapit na sila sa isa’t isa. Sa
sobrang tagal nawala nang dalawa hindi na mapakali si
Pele kaya nagpasabog ito at namatay ang mga halaman ni
Hi’iaka. Nakita ito ng dalaga mula sa malayo, kaya
pinagselos niya ang kanyang kapatid na naging dahilan ng
pagkagalit at pagpasabog niya uli kaya namatay si
Lohi’au. Napagtanto ng dalaga na napamahal na nga siya
sa binata kaya humingi ito ng tulong sakanyang kuya na
si Kane-milo. Nabuhay nila ang binata, at sila’y tumira
sa ibang isla para hindi na sila pakialamanan ni Pele.
Nagsisi si Pele sakanyang nagawa at dahil mahal
niya ang kapatid niya hinayaan na niya ang dalawa at
naging masagana ang lupain na meron sila.
Mga mahahalagang aral

• Maging mapag-pasensya

• Mahalin at pagkatiwalaan ang iyong pamilya


at mga taong malalapit sayo

• Huwag mag-isip ng masama sa kapwa

• Huwag mainggit sa ibang tao

You might also like