You are on page 1of 15

Walang Sugat

Dulang akda ni Severino Reyes


Ibinatay sa Pahanon ng Rebolusyon ng
1896, ang dulang Walang Sugatay unang
naipalabas sa
‘Teatro Libertad ’ noong 1902. Tungkol ito
kawalan
sa ng hustisyang tinamasa ng mga
Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ang
mga temang gamit nito ay pagmamahalan sa
gitna ng digmaan, sakripisyo, pagkawalay, at
kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya. Isinulat
ito ni Severino Reyes upang ipakita sa lahat ang
kanyang pahayag laban sa imperyalismo. Ang
orihinal na musikang kasama nito ay nagmula kay
Fulgencio Tolentino.
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene
I)
Dumating si Tenyong sa bahay ng kasintahan
niyang si Julia. Inabutan niyang nagbuburda si Julia ng
isang panyo. Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong ang
kanyang gawa. Nakita ni Tenyong na ang panyo ay may
mga letra ng kanyang pangalan (Antonio Narcisso
Flores) ngunit sabi ni Julia ay para raw ito sa Prayle
(Among Na Frayle). Nagalit tuloy si Tenyong at gustong
sunigin ang panyo.
Sinabi ni Julia na para nga kay Tenyong ang
panyo at sila’y nagsumpaan na ikakasal sa altar.
Biglang dumating si Lucas/Lukas, isang alalay ni
Tenyong, na nagsabing inaresto ang ama ni Tenyong at
ilan pang kalalakihan ng mga Guardia Civil sa pag-
aakalang sila ay mga rebelde.
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene
II)
Ang mga pamilya at kaibigan ng
mga inaresto ay naghandang bumisita at
magbigay ng pagkain sa kulungan.
Sumakay sila sa tren papunta
kapitolyo. ng
Inutusan ng mga Kastilang frayle si
Kapitan Luis Marcelo na paluin at saktan pa
ang mga nakakulong kahit na
mayroon ng namatay at nag aagaw-
buhay na si Kapitan Inggo, ang tatay ni
Tenyong.
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene
III )
Sinabi ng punong-frayle na papakawalan na si
Kapitan Inggo sa kanyang asawa. Sinabi rin niyang
pupunta siya sa Maynila upang sabihin sa Gobernador-
Heneral na pakawalan na ang iba pang mga
inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin ng prayle
pagdating duon. Ipapapatay niya ang mga
mayayaman at edukadong Pilipino.
Nakapiling ni Kapitan Inggo ang kanyang
pamilya at mga kaibigan bago siya mamatay.
Pagkamatay nito, sinumpa ni Tenyong na
maghiganti!
Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene
IV)
Pinili ni Tenyong na sumali sa
mga rebelde kahit anong-pilit ni Julia na
tigilan ito. Sa huli, pumayag si Julia
at ibinigay kay Tenyong ang kanyang
medalyon/agimat. Nagsumpaan muli
sila na mamahalin ang isa’t-isa habang-
buhay.
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene
I)

Sinabi ng ina ni Julia na ikakasal ito


kay Miguel, isang mayamang
illustrado. Inayawan ito ni Julia. Hindi
alam ng kanyang ina na hinihintay
niya ang pagbabalik ni Tenyong. Sa
kabilang banda, nagsimulang
magkarelasyon ang mga alalay nina
Julia at Tenyong na sina Monica at
Lucas/Lukas.
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene
II/III )
Sumunod na linggo, dumating sina
Miguel, ang kanyang ama, at isang pari sa
bahay nina Julia upang ayusin ang
pag-iisang-dibdib nina Miguel at Julia.
Kabado si Miguel at hindi masabi ng
tama ang kanyang panliligaw kay Julia.
Naiba ang usapin ng kasalan nang
naging pagrereklamo ito ng pari sa
lumalaking problema tungkol sa mga
Pilipinong hindi na nagsisimba.
Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene
III )
Sa kuta ng mga katipunero,
biglang dumating si Lucas/Lukas na
may bitbit na sulat para kay Tenyong na
galing kay Julia. Nalaman ni
Tenyong na namatay na ang kanyang ina
at ikakasal na si Julia kay Miguel. Balisa
at malungkot sa nabasa, humingi
siya ng tulong sa kaniyang heneral.
Umatake ang mga Kastila at nagsimula
ang labanan.
Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III - Scene
I)
Bumalik si Lukas kay Julia
walang nakuhang sagot na
Tenyong. Bumisita muli si Miguel
mula kay
Julia at nagsabing magiging engrande
kay ang
kanilang kasalan. Nagkunwari si Julia
na masakit ang ulo upang iwasan si
Miguel.
Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III – Scene II /
III)
Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at
napilitan na rin si Julia na pumayag, sa pag-akalang patay na
si Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang kanyang
ina. Engrandeng selebrasyon ang magaganap at nakatipon
ang buong bayan. Pero bago mairaos ang seremonya,
dumating si Lucas na may balitang nakita na si Tenyong pero
agaw-buhay itong nakaratay sa karte. Dinala si Tenyong sa
pinagdausan ng kasal ni Julia. Sa muling pagtatagpo ng
magkasintahang sawi, hiniling ni Tenyong sa pari na, yaman
din lamang na mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa
pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia
si Miguel. Dahil mukhang matutuluyan na nga si Tenyong,
pumayag na rin si Miguel sa kakaibang huling hiling ni
Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila.
Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si
Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw; “Walang
sugat! Walang sugat!”.

You might also like