You are on page 1of 6

Mahabang Pagsusulit

Pangalan:________________________ Petsa:_______________

Seksyon:______________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.
Para sa bilang 1-5: Piliin ang letra na nagsasabi ng tamang kahulugan sa mga salita
1. Ang isang taong may busilak na puso ay hindi kayang manlamang. Ano ang kahulugan ng salitang
“busilak ang puso”?
A. Malambot B. Mabait C. Buhay D. Mapag-imbot
2. Ang lahat ng mga kasalanan mo ay aking ng ibabaon sa hukay. Ano ang kahulugan ng salitang
“ibaon sa hukay”?
A. Kalimutan B. Patayin C. Tabunan D. Tandaan
3. Labis na nagpapasalamat si Pangulong Marcos sa mga anak-pawis sa iba’t ibang probinsya ng
bansang Pilipinas. Ano ang kahulugan ng salitang “anak-pawis”?
A. Karpintero B. Manggagawa C. Magsasaka D. Mahihirap
4. Nais niyang manguna sa klase kaya siya ay nagsusunog ng kilay. Ano ang kahulugan ng salitang
“nagsunog ng kilay”?
A. Nag-aaral nang mabuti B. Nag-aahit ng kilay C. Nagpupuyat D. Nagsusunog ng kila
5. Maraming balitang kutsero ang nagkalat sa social media. Ano ang kahulugan ng salitang
“balitang kutsero”?
A. totoong balita B. pang-artistang balita C. katuwaang balita D. hindi totoong balita
6. Ito ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung paano nag-iiba ang kanilang anyo at
kahulugan nito sa paglipas ng panahon.
A. Elihiya B. Etimolohiya C. Etniko D. Wala sa nabanggit
7. Ito ay isang tulang liriko o pandamdamin ay paksang nauukol sa matimyas na pagmamahal,
pagmamalasakit, at pagmimighati ng isang mangingibig.
A. Elihiya B. Awit C. Tula D. Kundiman
8. Ito ay isang tulang liriko na nagpapahayag ng damdamin, paggunita, at pagpaparangal sa isang
nilalang na sumakabilang-buhay.
A. Elihiya B. Awit C. Tula D. Kundiman
Para sa bilang na 9-12: Tukuyin kung ano ang ibig sabihin ng salita
9. Nagmula sa pariralang ingles na up here na ang ibig sabihin ay high five
A. Appear B. Apir C. Apple D. Kamuxta
10. Ang buong pangalan ng pambansang bayani ng Pilipinas ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda. Kung ang kahulugan ng Rizal sa kanyang pangalan ay luntiang bukirin. Ano naman ang
Mercado?
A. Parke B. Palaisdaan C. Palengke D. Paaralan
11. Kung ang silla ay nangangahulugan na silya, ano naman ang kahulugan ng salitang berita?
A. Balita B. Baril C. Barena D. Bareta
12. Ang salitang lapiz ay mula sa salita ng mga kastila na nangangahulugang lapis sa atin. Saan
naman nagmula ang salitang balangay na ibig sabihin ay barangay.
A. Kastila B. Ingles C. Malay D. Chinese
Para sa bilang na 13-16: Piliin ang angkop na kahulugan ng kilos, gawi, at karakter batay sa konteksto ng
pangungusap.
13. “Anong oras na, hindi pa ba kayo babangon?” Ang wika ni Aling Selsa sa kanya dalawang anak.
A. Naiinis B. Nanlalambing C. Naguguluhan D. Nakikiusap
14. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng pagtitiwala?
A. Akin na ang iyong pera dahil kailangan ko ngayon.
B. Ako ay magsisimba, ibibilin ko muna sa iyo ang ating tindahan.
C. Madami na naman bayarin na dumadating.
D. Ikaw na muna ang magbayad ng ating kuryente sa ngayon buwan.
15. “Kailangan kong umalis Mela. Tignan mo nga ang buhay natin, napakahirap. Gusto ko
magkaroon ng malaking bahay at maraming salapi” ang sabi ng Brahman sa kanyang asawa. Ano
ang mahihinuha mo sa sinabi ng Brahman?
A. Nagsisising nag-asawa ng mahirap
B. Umiiwas sa mabibigat na trabaho sa bukid
C. Mataas ang ambisyon at nais sa buhay
D. Nais makaranas ng buhay-lungsod
16. “Kailangan kong magtrabaho ng husto para sa aking pamilya.” Anong karakter ang pinapakita sa
pahayag?
A. Mapagkakatiwalaan B. Masipag C. Mabait D. Determinado
17. Alin sa mga pangyayari sa akdang “Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kwento ng Trono”
Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng hindi makatotohanan?
A. Sa sobrang abala ng Brahman ang komunikasyon niya sa kanyang pamilya.
B. Mayroong Espiritu na nagmamanman at nakikinig na nagpaplano na gayahin ang
wangis ng Brahman.
C. Nagpasya ang Brahman na pumunta sa lungsod para magtrabaho.
D. May isang mahirap na Brahman na naninirahan sa dampa kasama ang pamilya.
18. Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa akdang “Ang Alamat ng Unang Serena” ang
makatotohanan sa akda?
A. Sa paglilihi laging gustong iulam sa pagkain ay isdang bangus.
B. Nakipagkasundo si Tirso sa hari ng karagatan.
C. Marahan siyang lumapit sa bangka. Sa isang iglap siya ay sinakmal ng
dambuhalang alon.
D. Ang kalahati ng kanyang katawan paitaas ay tao subalit sa pababa ay walang
paa. Ang pinakapaa ay puno ng kaliskis.
19. Ang mga sumusunod ay pangyayari sa akdang “Alamat ni Prinsesa Manorah”. Tukuyin kung ano
ang posibleng mangyari sa totoong buhay.
A. Agad na lumisan si Prahnbun upang mahanap ang dragon.
B. Agad syang nagtungo sa ermitanyo at sinabihang mahihirapan syang mahuli ang
Prinsesa sapagkat ang mga kinnaree ay agad na lumilipad kapag tinatakot.
C. Isang araw, naligaw ang isang binata na si Prahnbun sa kagubatan ng Himmapan.
D. Itinali ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang di makalipad at agad na
naglakbay upang maibigay kay Prinsipe Suton.
Para sa bilang 20-23: Piliin sa kahon ang tamang tunggalian na naihahayag sa pangyayari.

A. Tao laban sa tao B. Tao laban sa sarili C. Tao laban sa lipunan D. Tao laban sa kalikasan
20. Si Justine ay nakapulot ng wallet na may laman na mahigit sa 10,000 at nagkataon na kailangan
niya ng pera pangbayad ng martikula sa paaralang pinapasukan niya. Si Justine ay
nagdadalawang isip kung hahanapin niya ang may ari ng wallet o hindi. Ano ang tunggalian
nagaganap sa pangyayari? B
21. Nagkagulo ang mga tao sa Barangay Sampaloc dahil sa naganap na sunog sa isang karatig bahay
o kapitbahay. Ano ang tunggalian nagaganap sa pangyayari? D
22. Si Joseph ay nakipagsuntukan kay Angelo dahil napikon siya sa hindi magandang biro nito sa
kanya. A
23. Ang mga taga baryong Makiling ay nagprotesta sa harap ng munisipyo dahil inaangkin ng
kanilang alkalde ang lupang tinitirikan ng kanilang mga bahay. Ano ang tunggalian nagaganap sa
pangyayari? C

Para sa bilang 24-26: Sagutin ang mga tanong batay sa kultura ng Kanlurang Asya.

24. Paano nailalarawan ang katayuan ng mga kababaihan kumpara sa kalalakihan sa lipunang
Arabo?
A. Maaaring gawin ng mga kababaihan ang trabahong ginagawa ng mga kalalakihan.
B. Hindi pinapayagan bumoto ang mga kababaihan.
C. Nananatili pa ring mababa ang katayuan ng mga kababaihan sa lipunan
D. Pantay na pagtingin sa babae at lalaki
25. Bakit kadalasang Hijab at Burka ang kasuotan ng mamamayan sa Kanlurang Asya?
A. Maraming mamamayan na muslim sa Kanlurang Asya.
B. Pagpapakita ng estado sa lipunan.
C. Napapalibutan ng disyerto ang relihiyon na ito.
D. Ayaw nila maging itim ang kulay ng kanilang balat.
26. Sinundan pa din ni Lakshamanan sa gubat si Rama kahit mapanganip. Anong kultura ang
sumasalamin sa pangungusap?
A. Pagpapadalos ng desisyon
B. Pagiging makatarungan
C. Marunong sa kapalaran
D. Pagpapahalaga sa pamilya

Para sa bilang 27-30: Tukuyin kung sinong bayani ng Kanlurang Asya ang sinasaad sa pangungusap.
A. Mother Theresa B. Mahatma Gandhi C. Malala Yousafzai D. Mustafa Kemal Ataturk
27. Itinatag niya ang kauna-unahang Republika sa Kanlurang Asya at may pangunahing layunin nag
awing modernisasyon ang bansang Turkey. D
28. Inalay niya ng buong puso ang kanyang sarili para tulungan ang mga inibandona at
nangangailangan. A
29. Siya ay mapagmahal sa mga kababaihan, ipinaglaban niya ang Karapatan ng kababaihan sa pag-
aaral, magtrabaho at bumoto. C
30. Matapang niyang isinulong ang paghahangad ng Kalayaan ng India at kilala sa kaniyang
Satyagraha o di marahas na paraan ng protesta laban sa kawalang katarungan. B
Para sa bilang 31-40: Piliin ang naangkop na kasagutan sa salitang may salunggihit.

31. Umiikot nang mabilis ang elisi ng Electric Fan. Ang may salungkuhit ay..
A. Pandiwa B. Pang-abay C. Pang-uri D. Panghalip
32. Si Anna ay mabagal na naglalakad kapag pumapasok sa paaralan. Ang may salungguhit ay..
A. Pandiwa B. Pang-abay C. Pang-uri D. Panghalip
33. Kanina, may lalaking tumatakbo nang mabilis sa tapat ng SM Fairview dahil siya ay nanakawan.
Alin sa pangungusap ang pang-abay na panlunan?
A. Kanina B. Mabilis C. Nanakawan D. Sa tapat ng SM Fairview
34. Namimilipit sa sakit ng tiyan si Joel kahapon nang sinugod siya sa hospital. Alin sa pangungusap
ang pang-abay na pamanahon?
A. Namimilipit B. Kahapon C. Sinugod D. Sa hospital
35. Noong nakaraang linggo, nakita ni Marites pagalit nang sumisigaw si Marisol dahil nakikipag-
away ang anak nito sa labas. Alin sa pangungusap ang pang-abay na pamamaraan?
A. Sumisigaw B. Noong nakaraang linggo C. pagalit D. Nakikipag-away
36. Hindi nakatulog ng maayos si Jepoy dahil sa lakas ng karaoke ng kapit-bahay nila. Ang may
salangguhit ay..
A. Sanhi B. Pahambing na magkatulad C.Bunga D. Pahambing na di-magkatulad
37. Kumikinang ang kwintas na kanyang suot kaya siya ay napansin ng magnanakaw. Ang may
salungguhit ay..
A. Sanhi B. Pahambing na magkatulad C. Bunga D. Pahambing na di-
magkatulad
38. Si Luis ay mas magaling sa makateknolohiyang kagamitan kaysa sa kanya lolo Bert. Ang
pangungusap ay nagsasaad ng anong uri ng pahambing.
A. Magkatulad B. Pasahol C. Palamang D. Katamtaman
39. Di-hamak na hampas lupa lamang ako hindi gaya ng maraming manliligaw mo. Ang pangungusap
ay nagsasaad ng anong uri ng pahambing.
A. Magkatulad B. Pasahol C. Palamang D. Katamtaman
40. Ang palabas na “Malacanang” at “Murderer o Martir” ay pareho ng tema. Ang pangungusap ay
nagsasaad ng anong uri ng pahambing.
A. Magkatulad B. Pasahol C. Palamang D. Katamtaman

Para sa bilang 41-44: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na pang-ugnay sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.
A. una B. at C. maliban D. laban sa

PANDEMYA

Noong March taong 2020, nagsimula ang hindi inaasahang pangyayari sa buhay ng
bawat isa. Lahat ay nanibago, nangangapa at nag-aadjust dahil sa mga ginawa para maitawid
lamang ang pang araw-araw na pamumuhay. Ang virus na COVID-19 ay labis na mapanganip
walang sinasanto bata, matanda, maykapansanan o wala, mayaman o mahirap maaari nitong
dapuan ng malubhang karamdaman. Para maiwasan pa ang pagkalat nito. (41)_A___ay
nagpatupad ng mga alintuntunin tulad ng pagsusuot ng Face Mask at Social Distancing.
Kailangan din manatili ng bawat isa sa loob ng kaninilang pamamahay (42)__C___ mga
tinatawag nating Frontliners (43)__B__ang mga nahawaan na ng sakit ay nananatili sa hospital
upang magpagaling, nananalangin at patuloy nakikipagdigma (44)___D____ hindi makitang
kaaway natin sa buhay ang Virus na COVID-19.

Elihiya para sa matalik kong kaibigan (Bestfriend)

III
I
Naalala ko pa noon, sa ilalim ng punong manga
Kaibigan, mula sa pagkabata
Tayo’y sumumpa sa bawat isa
Hanggang tayo ay magdalaga’t magbinata.
Na walang kalimutan at higit sa lahat ay iwanan.
Para nga tayong kambal tuko na hindi mapaghiwalay
Kaya ang aking nararamdaman sa ngayon ay halong
Ng mga magulang nating, araw-araw
inis at lungkot
nagbabangayan.
Naiinis ako dahil wala kang natupad sa mga pangako
Pareho ang ating mga kinahihiligan
nating dalawa.
Maging sa kasuotan ay ating pinagpaplanuhan.
Nalulungkot ako dahil wala na akong matalik na
kaibigan.
II
IV
Magkapatid na ang turingan nating dalawa
Ganun pa man, hindi nawawala ang tampuhan.
Ganun pa man, katawang lupa mo lang ang nang-
Pero hindi nagtatagal tayo’y nagkakaunawaan.
iwan
Kaya nga, pangako natin sa isa’t isa
Pero ang pagmamahal at mga alala mo
Ninong at Ninang tayong dalawa
Mananatili sa kailaliman ng puso ko.
Sa mga puslit na ating sabay papalakihin.
Maging masaya ka na sana sa piling ng may lumikha
At lagi mo akong bantayan at alagaan.
Hanggang sa muling pagsasama kaibigan.

Para sa bilang 45-50: Basahin at unawain ang ang Elihiya na nasa itaas matapos ay sagutan ang mga
sumusunod na katanungan.

45. Sino ang namayapang tinutukoy sa tula?


A. Ina B. Lolo C. Kapatid D. Kaibigan
46. Ano ang tema ng tulang nabasa?
A. Paggunita sa taong namayapa
B. Pagkahinayang sa buhay ng isang tao
C. Pag-alala sa samahang nabuo
D. Pagpapasalamat sa taong minamahal
47. Anong damdamin ang ipinapakita sat ula?
A. Nagagalak B. Nagdadalumhati C. Nagaglit D. Naghihinayang
48. Sa anong uri ng tula nabibilang ang tekstong binasa?
A. Dalit-awit B. Dalitlumbay C. Dalitsuyo D. Dalitsamba
49. Anong simbolo ang ginamit sa tula?
A. Tuko B. Pusa C. Aso D. Daga
50. Anong lugar ang nabanggit sat ula?
A. Tabi ng daan B. Bahay C. Simbahan D. Sa ilalim ng punong manga

E. mahihirapan syang mahuli


ang Prinsesa sapagkat ang mga
kinnaree ay agad na lumilipad
F. kapag tinatakot.
G. Agad syang nagtungo sa
ermitanyo at sinabihang
H. mahihirapan syang mahuli
ang Prinsesa sapagkat ang mga
kinnaree ay agad na lumilipad
I.kapag tinatakot.

You might also like