You are on page 1of 17

Si Pele, Ang Diyosa ng

Apoy at Bulkan
Kritiko Para Sa

Mga Tauhan sa Kwento


- Ricky Dalisay

Haumea Diyosa ng makalumang kalupaan, ina ni Pele

Kane Milohai Diyos ng kalangitan, ama ni Pele

Pele Diyosa ng apoy

Namaka Diyosa ng tubig, kapatid at kaaway ni Pele

Hiiaka Diyosa ng hula at ng mga mananayaw, paboritong kapatid ni


Pele

Apat na Diyosa ng nyebe mga naiingit sa kagandahan at talento ni


Pele at Hiiaka

Ohia makisig na lalaking nagustuhan ni Pele

Lehua asawa ni Ohia

Hopoe matalik na kaibigan ni Hiiaka

Lohiau kasintahan ni Pele

Kane Milo tumulong kay Hiiaka upang mabalik ang kaluluwa ni


Lohiau, kapatid ni Pele at Hiiaka

Buod ng Kwento
- China De Leon

May isang pamilyang naninirahan sa lupain ng Tahiti ang magasawang sina diyosang Haumea at Diyosong Kane Milohai kasama ang
anim na anak na babae at pitong anak na lalaki. Ngunit habang lumalki ang pamilya ay unti-unting nawawala ang kapayapaan dahil
sa awayan ng magkapatid na sina Pele ang diyos ng apoy at Namaka ang diyosa ng tubig. Isang araw ay nasunog ni Pele ang kanilang
tirahan pati narin ang kanilang lugar, nagalit si Namaka sa galit niya ay nagbanta siya na babahain niya ang isla kaya napilitang
maglakbay ang pamilya pati narin si Pele gamit ang bangka. Habang namamangka ay nakahanap sila ng isang isla at doon sila
nanirahan at sa islang iyon ay napisa ang itlog na inaalagaan ni Pele at pinangalanan niya itong Hitaka mahusay itong sumayaw at
kumanta. Ngunit may apat na diyosang naiinggit sa kanila kaya sa tuwing nagtatayo sila ng tirahan ay binubugahan nila nito ng
niyebe kaya palipat-lipat sila ng tirahan kalapit ng isla. Sa huli ay nakahanap si Pele ng tirahan para sa kanyang pamilya ..Ito ay sa
isang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Hindi sumuko si Namaka. Pilit niyang pinaabot sa tuktok ang kanyang mga along
kanyang pinakawawalan. Hindi nagpatalo si Pele pinaliyab niya ang apoy sa pusod ng bulkan. Nagsanhi ito ng pagsabog ng bulkan
nang matuyo ang mga lava atnaging isang lupainat ito ay tinawag na Haway. Nanalo si Pele sa laban nila ngunit nanghina siya at
namatay. Ngunit hindi siya naglaho minsan ay nagiiba siyang anyo. Nagbalatkayo siyang bilang isang magandang babae at nakita
niya si Ohia, inakit niya ito ngunit may asawa siyang nagngangalang Lenua.Nakita niya itong nagyayakapan at sa galit niya ay
ginawa niyang isang puno si Ohia at nagmakaawa si Lenua kaya ginawa niya itong isang bulaklak.
Ang naging sunod niyang biktima ay ang panakamamahal niyang kapatid na si Hitaka na pinasundo niya si Lohiau kay Hitaka.
Nagtagal si Hitaka dahil sa mga halimaw niyang kinalaban nang nakita niya si Lohi ay may sakit dahil akala niya ay hindi na siya
babalikan ni Pele. Nagkamabutihan silang dalawa ngunit pinipigilan nito ni Hitaka at lumipas ng apatnapung araw ay hindi pa din
sila nakakabalik ang bunsong kapatid. Kung ano ano ang inisip ni Pele, iniisip niya na inaakit na ni Hitaka si Lohiay kaya
pinasabog niya ang bulkan kaya nasira ang hardin at namatay si Hopeo na pinagbilin niya kay Pele.Sapagbalik ni Hitaka ay nakita
niya na nasira ang kanyang hardin at patay na si Hopeo. Bilang ganti, ay niyakap niya si Lohiau upang makita ni Pele at nagalit
muli ito kaya pinasabog niya muli ang bulkan at namatay si Lohiau dahil natabunan siya ng lava. Humingi siya ng tulong sa kanyang
kapatid na si Kane-milo at tinulungan siya nito namangka sila , nakita nila ang katawan ni Lohiau at muling ibinalik ni Kane-milo
ang buhay nito. At masayang nakita ulit ni Hitaka si Lohiau . Napagpasyahan nilang lumipat at lumayo sa Haway.
Napagsisihan ni Pele ang kanyang nagawang kasalanansa kanyang kapatid pati na rin kay Lohiau. Kaya hinyaan niyang mamuhay ng
payapa. Hindi alam ni Hitaka ang masaganang pagsibol ng mga itinatanim niya ay dahil kay Pele. Sa kasalukuyan, may mga
nagsasabing may nakapagsasakay sila ng matandang babaeng nakaputi na may dalang aso sa Kilauea.

Banghay/Istilo ng Paglalahad
-Ania Dela Cruz

Sa

storyang Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at


Bulkan naging maayos ang pagkakasunod sunod
ng storya, ito ay hindi naging magulo at ito ay
naging maliwanag. Ito din ay nagbibigay ng aral
na walang maidudulot na maganda ang pagiging
selosa o laging galit kahit na hindi pa alam ang
buong storya, kailangan intindihin ang mga
taong nasa paligid mo at pahalagahan ang
pamilya. Ang lugar at pagpapaliwanag ng tauhan
sa kwento ay naging malinaw at madaling
intindihin.

Reaksyon Para sa Tagpuan


- Marcus Alcoba

Naging

angkop ang isla ng Hawaii sa kwento.


Inilahad sa kwento ang bawat detalye na
nagbibigay sa atin ng ideya kung ano nga ba
ang itsura ng kapuluan ng Hawaii.
Napakahusay ng kwento sapagkat mas
ipinakilala pa nito sa mga mambabasa ang
mga kapuluan ng Hawaii at ang mga
pangitain at kultura na talaga namang
makikita parin natin sa kasalukuyang
panahon kung tayo ay dadayo sa islang iyon.

Reaksyon Para sa Estilo ng Pagsulat


- Thomas Canillas

Naging

matalino ang may akda sa paggawa ng


kwento. Marami syang naibigay na kaalaman
na nagpapatotoo at sumusuporta sa kwentong
kanyang nagawa, katulad ng paglaki nga ng
isla ng Hawaii dahil sa mga lava na
nanggagaling sa bulkang Mauna Loa sa tuwing
ito ay puputok. Nagustuhan ko naman sa
lahat ang pagbibigay nya ng konkretong mga
halimbawa, eksplanasyon at mga detalyeng
nagpadali para sa mga mambabasang katulad
ko na intindihin ang kwento.

Reaksyon Para sa Kultura at


Pilosopiyang Pilipino na nailahad sa
Akda
- Jandy Gamban

Naipakita sa kuwentong ito ang isa sa mga kaugaliang


Pilipino na pagpoprotekta sa ating pamilya na ginawa ni
Pele.

Sa aking palagay, may parte sa istoryang ito ang


nagpapakita ng isang pilosopiyang pilipino. Alam naman
natin na umiikot ang istoryang ito sa pag-hihiganti.
Nagpamalas naman ang pangunahing tauhan ng ilang
kaisipan na kadalasay ginagawa ng mga Pilipino sa
realidad ng buhay. Minsan iniisip lang natin na magawa ang
isang bagay kahit na hindi natin alam ang maaaring maging
resulta nito. Hindi muna natin inaalam ang mga susunod
na bagay na mangyayari pagkatapos ng aksyon na gagawin
natin.

Mga Ginintuang Aral mula sa Akda


- China De Leon

Matuto tayong magpasensya sa ating mga kapatid - katulad na lamang ni Hitaka


pinagpapasensyahan niya ang kanyang ate Pele Kahit nahuhulog na siya kay
Lohiau ay pinigilan niya ito para sa kanyang ate Pele.

Matuto tayong maging mapagbigay sa ating mga kapatid - katulad na lamang ni


Hitaka pinagbigyan niya ang kanyang kapatid na si Pele kay Lohiau ngunit yun ay
nung una dahil ayaw niyang magalit sa kanya ang kanyang ate pero sa huli
ipinaglaban niya ito.

Huwag tayong mahihiyang humingi ng tulong sa ating mga kapatid - katulad na


lamang ng ginawa ni Hitakasa paghinga ng tulong sa kapatid niya na si Kane-milo.

Alagaan natin ang ating pamilya - katulad na lamang ng ginawa ni Pele


humahanap siya ng lugar na kung saan magiging ligtas ang kanyang pamilya.

Matuto tayong pagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan - katulad na


lamang ng ginawa ni Pele dahil sa huli aypinagsisihan niya ang kanyang mga
nagawang kasalanan , sinusubukan niyang gawing tama anng mga nagawa niyang
mali.

Dapat nating tanggapin na hindi lahat pwedeng maging atin - Katulad ni Pele
tinanggap niya na lang na hindi sila para sa isat-isa ni Ohia kundi si Ohia ay para
kay Lehua. Kahit ginawa niya itong halaman at puno hindi niya ginambala ang
kanilang pagmamahalan.

Kongklusyon
- Ricky Dalisay

Sa katunayan ay nagustuhan ko talaga ang akdang ito. Sa aking


palagay ay napaka ganda nitong basahin di lamang ng mga matatanda
gayun din ng mga bata. Napaka raming bagay ang matututunan sa
akdang ito, di lamang mga kaalaman sa kapuluan ng Hawaii kundi pati
narin ang mga gintong aral na nakapaloob sa akda. Imunumungkahi ko
lamang na sana ay gumamit ang may akda ng mga konseptong mas
madaling maintindihan ng mga batang mambabasa upang sila ay tunay
na mapukaw sa kagandahan ng akda na maaaring magresulta sa kanila
upang isabuhay ang mga magagandang gintong mga aral dito. Pero
kung tutuusin, ay napaka ganda na talaga ng akdang ito sapagkat ang
manunulat ay isinulat ang akdang ito hindi lamang upang tayo ay
libangin kundi nasa isip nya rin na tayo ay may matutunan at may
maisabuhay sa ating pang araw-araw na buhay. Sana ay suportahan pa
natin ang kwentong katulad nito at ang mga manunulat na katulad ng
may-akda ng kwentong ito upang sila ay patuloy parin lumikha ng mga
napaka ganda at punung-puno ng mga aral na kwento na may napaka
laging kaganapan sa paghubog pa natin sa mga susunod na henerasyon,
upang sila ay mas maging matalino at aktibong miyembro pa ng ating
lipunan sa mga susunod pang panahon.

You might also like