You are on page 1of 26

Aralin 5.

Pagsusuri ng
Maikling Kuwento
LAYUNIN
1 Natutukoy ang pangunahing
paksa ng maikling kuwento

Naiuugnay sa sariling
2 karanasan ang kuwentong
binasa

Nakasusulat ng mga
3 paliwanag tungkol sa buhay
ng Pilipino na maiuugnay sa
isyung pandaigdigan
Ang Kuwintas
ni Guy de Maupassant
https://www.youtube.com/watch?v=zYCU6WzKTqY
Si Henry-René-Albert-Guy de Maupassant o mas kilala sa
ngalang Guy de Maupassant ay isang Pranses na manunulat.
Kilala siya sa tanyag niyang maikling kuwentong “The
Necklace.” Ipinanganak noong ika-5 ng Agosto taong 1850, si
Maupassant ay galing sa nakaaangat na pamilya, siya ay nag-
aral sa isang seminaryo noong siya ay labintatlong taong
gulang at nag-aral ng Law sa Paris bago siya sumabak sa
giyera bilang isang sundalo. Nakapaglimbag ng mahigit 300
daang mga kuwento at 6 na libro si Maupassant bago siya
namatay noong siya ay 43 taong gulang.
Throwback ng Kaalaman

1. Patungkol saan ang nabasang kuwento?


2. Ano-ano ang ideya o impormasyong inilahad sa
kuwento?
3. Paano maiuugnay ang mga ideyang ito sa mga
nangyayari sa bansa?
Anong alahas ang paborito mo?
https://philippineone.com/pamahiin-alahas/
Mga Katangian ng Maikling Kuwento

1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay


2. May mahalagang suliranin ang pangunahing tauhan
3. May mahalagang tagpuan
4. Magkakaugnay ang kawing-kawing na mga pangyayari
5. Mabilis ang pagtaas ng kawilihan
6. May maigting na kasukdulan
7. Mabilis na isinusunod ang wakas
8. Nag-iiwan ng isang kakintalan
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
1. Tauhan
Nagbibigay buhay sa kuwento. Ang pangunahing tauhan ang
may pinakamalaking ginagampanan sa kuwento

Mga Tauhan:

Madame Loisel – Babaeng ma inggitin, ambisyosa


Monsieur Loisel – Asawang maunawain, maalalahanin, at mapagmahal
2. Tagpuan
Pinangyarihan ng kuwento. Sakop nito ang panahon, oras, at
kapaligiran

Tagpuan:

France – Bansang labis na nagpapahalaga sa taglay na kagandahan ng


kababaihan.
3. Banghay
Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Binubuo ito
ng mga sumusunod:
• Simula
✓ Simulang pangyayari ng kuwento. Unti-unting pag- papakilala
sa pangunahing tauhan.
• Saglit na kasiglahan
✓ Mahalagang pangyayaring nagbibigay pahiwatig sa suliraning
kahaharapin ng pangunahing tauhan.
• Suliranin
✓ Iikutan ng buhay ng pangunahing tauhan at ng buong
kuwento.
• Tunggalian
✓ Tunggalian o paglalabang kinasasangkutan ng pangunahing tauhan.
Maaaring ito ay:
Tao laban sa tao
❖ Tunggalian ng pangunahing tauhan at ng kasamang tauhan sa kuwento.
Maaaring paglalabang pisikal, talino, kapangyarihan, espiritwal, at iba pang
maaaring laban ng tao sa kaniyang kapwa.
Tao laban sa kapaligiran
❖ Pangunahing tauhan laban sa kaniyang lipunang ginagalawan, maaaring
ito ay diskriminasyon, kahirapan, at iba pa na susukat sa buong pagkatao
ng pangunahing tauhan. Maaari ding ang katunggali ng pangunahing
tauhan ay ang mismong kalikasan.
Tao laban sa sarili
❖ Pangunahing tauhan laban mismo sa kaniyang sarili. Maaaring ito ay
pagtatalo ng kaniyang isipan at damdamin sa desisyong gagawin.
• Kasukdulan
✓ Pinakamataas na antas ng kawilihan. Ito ang bahaging
pinakahinihintay ng mga mambabasa sa kung ano ang
kahihinatnan ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
• Kakalasan
✓ Matapos maihantad ang kasukdulan ay agad na kakalasin ang
suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan.
• Wakas
✓ Kinahinatnan ng kuwento. Maaaring ang estilo ng may-akda sa
pagwawakas ng kuwento ay maghatid ng palaisipan sa mga
mambabasa sa kung ano ang kasunod na mangyayari sa
pangunahing tauhan.
Banghay:
• Labis na iniisip ni Madame Loisel ang kalagayan sa buhay. (Simula)
• Dumating si Monsieur Loisel namay dalang imbitasyon para sa isang
pagkakatipon na kanilang dadaluhan. (Saglit na Kasiglahan)
• Dahil walang kakuntentuhan sakung ano lamang ang mayroon sa buhay ay
nanghiram ng kuwintas sa kaibigan si Madame Loisel sa pagnanais na siya ang
maging pinakamaringal na babae sa pagkakatipongdadaluhan. (Suliranin)
• Naging tuon ng atensyon sa pagkakatipon si Madame Loisel.
• Nawala ang kuwintas na hiniram. (Kasukdulan)
• Nabaon sa utang ang mag-asawa dahil pinilit nilang mapalitan ang kuwintas.
• Kinaawan ni Madame Forestier si Madame Loisel nang magkita sila at
ipagtapat ang buong pangyayari na naganap sa kuwintas. (Kakalasan)
• Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Madame Loisel nang sabihin ni
Madame Forestier na peke ang kuwintas na ipinahiram niya sa kaibigan, puwit
lamang ng baso ang mga bato ng naturang kuwintas. (Wakas)
4. Paksang- diwa
Pangunahing kaisipang nangingibabaw sa kuwento.

Paksang diwa - Matutong magkaroon ng kakuntentuhan sa sarili upang


mabuhay nang mapayapa at masaya.
5. Katimpian
Higit na masining ang paglalarawan ng damdamin ng tauhan sa
kuwento, kung ito ay sa paraang may pagpipigil. Hindi
hinuhubaran ng may-akda ang karakter ng tauhan. Maaaring higit
na madama ang kalungkutan ng tauhan sa pigil na pag-iyak kaysa
sa pagpapalahaw.

Katimpian – Hindi nagpakita ng anumang kagaspangan ng ugali si


Monsieur Loisel sa kaniyang asawa. Maaaring nakadarama siya ng inis sa
asawa, ngunit labis niyang pinipigilan ang sarili.
6. Paningin
Tinatawag din itong pananaw. Ito ay tumutukoy sa daloy ng
kuwento. May apat itong uri.

✓ Unang paningin
✓ Ikatlong paningin
✓ Obhetibong paningin
✓ Itinakdang obhetibong paningin

Paningin – Pangatlong panauhan


7. Kakintalan
Ang naikintal o naiwang damdamin o kaisipan ng kuwento sa
mga mambabasa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang
kagandahang nanghahalina sa mga mambabasa upang balik-
balikan ang kuwento.
Kakintalan – Maging totoo sa sarili at sa lahat ng pagkakataon.
Inaasahang Pagpapahalaga

Kailangang suriing mabuti ang isang maikling kuwento


1 batay sa elemento nito upang makita ang halaga ng bawat
bahagi ng isang kuwento.

Ang pagbabasa ay mas nauunawaan kung ang mismong


2 mambabasa ay maiugnay ang sarili sa teksto sa
pamamagitan ng kanyang danas o karanasan.
Inaasahang Pagpapahalaga

Ang maikling kuwento ay isang obrang sumasalamin sa


pamumuhay ng mga taong naninirahan sa isang bansa
ngunit ito rin ay maaaring hanguan ng mga isyu o
3 suliraning panlipunan o pandaigdigan na kailangang
bigyan ng pansin ng mga bumabasa upang maging lubos
itong kapaki-pakinabang hindi lamang sa mga mag-aaral,
mambabasa kundi sa mga tao sa buong mundo.
A. Pagsunod-sunurin ang pangyayari sa kuwentong “Ang Kuwintas”.
Inaasahang Pagpapahalaga
Gumamit ng malaking titik A - E para dito. Isulat ang sagot sa patlang.
_____1. Nang sumapit ang araw ng kasiyahan nahigitan ni Mathilde ang lahat ng
mga babae sa ganda, rangya, at halina, kung kaya siya ay naging maligaya sa
gabing iyon.
_____2. Isang gabi dumating ang kaniyang asawang si G. Loisel na may dalang
sobre na naglalaman ng paanyaya sa isang kasiyahan mula sa Ministro ng
Instruksyon Pampubliko.
_____3. Sa kaniyang paniniwala, ang katulad niyang may angking ganda ay hindi
nababagay sa kahirapang kaniyang hinaharap kung kaya siya ay labis na
nagdurusa, at hindi masaya sa kaniyang kinasapitang buhay.
______4. Ngunit sinabi ni Madam Forestier na ang kaniyang hiniram ay isa lamang
imitasyon.
______5. Nang humarap si Mathilde sa salamin upang muling makita ang kaniyang
kagandahan, siya ay napasigaw sapagkat ang kuwintas na kaniyang hiniram ay
wala sa kaniyang leeg.
Inaasahang Pagpapahalaga
1.Masining na paglalarawan ng damdamin ng tauhan sa
pamamagitan ng pagpipigil.
2.Tumutukoy ito sa pangunahing kaisipang nagingibabaw
sa kuwento.
3.Ito ay uri ng pananaw sa kuwento kung saan nagsisilbing
tagapagmasid lamang ang nagsasalaysay.
4.Damdamin o kaisipang naiwan sa mga mambabasa
pagkatapos basahin ang anumang maikling kuwento.
5.Tunggalian sa kuwento kung saan ang kalaban ng
pangunahing tauhan ay ang kaniyang mismong sarili.
6. Sinasaklaw nito ang panahon, oras, at lugar na
InaasahangoPagpapahalaga
pinangyarihan pinagganapan ng mga eksena sa kuwento.
7. Tumutukoy ito sa daloy o pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento na binubuo ng simula, saglit na
kasiglahan, suliranin, tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at
wakas.
8. Ang katunggali ng pangunahing tauhan ay ang lipunang
kaniyang ginagalawan o ang mismong kalikasan.
9. Bahagi ito ng kuwento kung saan ipinakikita ang
kinahinatnan ng mga tauhan sa kuwento.
10. Ito ang pinakamataas na antas ng kawilihan o
pinakahinihintay ng mga mambabasa sa kahihinatnan ng
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.

You might also like