You are on page 1of 14

Aralin 1.

Mga Pahayag na
Nagbibigay ng mga
Patunay
natutukoy ang mga pahayag na
LAYUNIN 1 nagbibigay patunay

naibabahagi ang kahalagahan ng


mga pahayag na nagbibigay
2 patunay
nagagamit ang mga pahayag na
nagbibigay patunay sa paglalahad ng
3 argumento o pakikipagtalastasan
KASINGKAHULUGAN KASALUNGAT

ordinaryo

maginaw

makupad

sakim

labis
● Tunay na mayaman ang panitikang Pilipino,
sapagkat nariyan ang mga tinipong koleksyon ni
Damiana Eugenio.
● Hindi makapaniwala ang datu, ngunit nang
ipinakita ni Pilandok ang kayamanang sinasabing
nakuha niya sa nasabing kaharian ay naniwala na
rin siya.
● Batay sa mga pagsusuring pampanitikan, ang mga
kuwentong-bayan ay sadyang mabisang hanguan
ng magagandang aral sa buhay.
● Isa si Dean Fansler sa mga dayuhang
nagkainteres sa panitikang Pilipino, katunayan ay
inilathala niya noong 1921 ang Filipino Popular
Tales.
● Sadyang tuso si Pilandok, katunayan ay
makailang ulit na niyang naisahan ang datu.
Pahayag na Nagpapahiwatig
Ito ay pahayag na maaaring sumasalamin sa isang tao
o bagay kahit hindi direktang nakikita, nahihipo, o
naririnig ang ebidensiya nito.

Halimbawa:
Ang pagkapanalo ni Catriona Gray bilang Miss
Universe ay labis na ikinamangha ng mga Pilipino
maging ng buong mundo.
Pahayag na Nagpapakita
Ito ay pahayag na nagpapakita o nagsasaad ng
katotohanan.

Halimbawa:
Ramdam ang kaba ng dalawang kandidata ngunit
kapansin-pansin na napapanatili nila ang magandang
postura sa entablado.
Pahayag na Nagpapatunay
Ito ay pahayag na nagsasaad ng pananalig o paniniwala.

Halimbawa:
Sadyang humanga ang lahat kay Catriona Gray maging
ang mga nakaraang Pilipina na nakasungkit ng
koronang Miss Universe, sa katunayan nagpost sa
kaniyang instagram account si dating Miss universe Pia
Wurtzbach bilang pagbati sa kaniya.
Pahayag na Nagtataglay ng Matibay na Kongklusyon
Ito ay pahayag na nagsasaad ng ebidensiya.

Halimbawa:
Batay sa mga sinabi ng mga Pilipinang dating naging
Miss Universe, masasabing angat si Catriona Gray sa
simula pa lamang ng kompetisyon.
Pahayag na Kapani-paniwala
Ito ay pahayag na kapani-paniwala dahil ang
ebidensiya ay maaaring makapagpatunay.

Halimbawa:
Talagang sa simula pa lamang ay angat na si Catriona,
sapagkat ang kaniyang lakad, ngiti at kasuotan ay
tunay na kakaiba at napakaganda.
Pahayag na May Dokumentaryong Ebidensiya
Ito ay mga pahayag na naitala, nailarawan, o kaya ay
video.

Halimbawa:
Si Catriona Gray ang nakakuha ng pang-apat na
korona ng Miss Universe para sa Pilipinas; taong
1969 nang makuha ni Gloria Diaz, taong 1973 naman
para kay Margarita Moran at 2015 naman nang
makamit ni Pia Wurtzbach.
Pahayag na May Pinatutunayang Detalye
Ito ay mga patunay na detalyeng nakapaloob mismo sa
pahayag.

Halimbawa:
Masasabing isa ang Pilipinas sa mga bansang may
pinakamaraming naiuwing korona sa mga patimpalak ng
tagisang ng kagandahan at katalinuhan; patunay riyan ang
naitalang apat na korona para sa Miss Universe, isa sa Miss
World, anim sa Miss International at apat para sa Miss Earth.
Ang mga pahayag na nagbibigay patunay ay
nagpapahiwatig, nagpapakita, nagpapatunay,
nagtataglay ng matibay na kongklusyon, kapani-
paniwala, may dokumentaryong ebidensiya, at
pinatutunayan ng mga detalye. Ito ay mahalaga sa
pagbuo ng mga pahayag sapagkat sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga patunay ay
mas nagiging malinaw ang pahayag at nagiging
dahilan upang maunawaan nang lubusan ng
tagapakinig o mambabasa ang isang mensahe o
babasahin.
GAWAIN
PANUTO: Dugtungan ang pahayag upang mabuo ang kaisipan. Gamitan
ito ng mga pang-ugnay na nagpapatunay. Ang talata ay binubuo ng 200
o higit pang mga salita.

Nalaman at nauunawaan ko na ang


pagkakasundo sa isang samahan ay …..

You might also like