You are on page 1of 8

I.

Mga Layunin
Sa pagtatapos animnapung minutong (60) talakayan, Ang mag-aaral ay inaasahang ;
a. Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon na napanood na debate o
kauri nito.
b. Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat taglayin ng kabataan; at
c. Nabibigyan ng kahalagahan ang pagbibigay ng sariling ideya at opinyon
II. Paksang-aralin:
a. Paksa : Debate : Pagpapahayag ng damdamin
b. Mga Sanggunian :
 Filipino - Ikasiyam na Baitang, Ikatlong Markahan, PIVOT 4A Learner’s Material
Unang Edisyon, 2020
 Most Essential Learning Competencies (MELC) 2020
c. Mga Kagamitan: Laptop, projector at PPT.
d. Pagpapahalaga: “Ang bawat isa ay may karapatan na ipahayag ang kanilang mga sariling
opinyon at ideya”
III. Pamamaraan:
A. Mga Paunang Gawain
i. Pagbati
ii. Panalagin
iii. Pagtatala ng Dalo
iv. Pamamahala sa silid-aralan
B. Pagbabalik-aral/Pahapyaw sa Aralin
Ang guro ay magtatanong ng mga sumusunod ;
 Ano ang kahulugan ng pagsasalita ?
 Ano ang kahulugan ng pakikinig ?
 Paano maiiwasan ang stage fright ?
 Ano-ano ang mga elementong nakakaimpluwensiya sa pakikinig ?
C. Paganyak

“Ano ako?”
Ang Guro ay magsasagawa ng isang gawain sa mga mag-aaral na kung saan magpapakita ang guro ng
mga larawan na may kaakibat na salita na hindi nakaayos at ang bawat mag-aaral ay tutukuyin at
susuriin ang bawat larawan para mabuo nila ang nakagulong mga letra at mabuo ang sagot.

U I S Y B A D E E T
P I Y O O N N A D Y A L E K O T

D. Pagtalakay
a. Nilalaman at Pagbuo ng Kasanayan
Ang guro ay ituturo ang mga sumusunod:

DEBATE - ang debate ay sining ng pakikipagtalastasan sa pampahayag ng ating


saloobin, nararamdaman o paniniwala patungkol sa isang paksa, isyu o usapin.

Key words :
Isa sa uri ng masining na pakikipagtalastasan.
Mayroong dalawang pangkat na binubuo ng isang pangkat na panig sa proposisyon at
isang pangkat na oposisyon o hindi sumasangayon sa proposisyon.

IDEYA - nagmula sa kaisipan sa isang bagay na maaring magresulta sa isang plano,


mungkahi, o posibleng pagkilos.

Key words
Maaring isa itong paniniwala sa isang isyu, tao, tradisyon, simulain at likhang isip.

Kadalasang, ginagamit ang mga sumusunod na parirala sa pagbibigay-diin sa kaniyang


ideya ;
A. base sa kaalaman ko
B. Marahil
C. Sa taya ko
D. Sa palagay ko
E. Sa ganang akin
F. Sa tingin ko

Halimbawa :
Sa taya ko ang isang sakong bigas na’yan ay aabot sa 25 kilos.
Sa palagay ko ito ang mas magandang gawin para sa sitwasyon na’yan.

OPINYON - isang pananaw ng isang tao na maaring totoo o pasubalian. Ito ay isang
paniniwala ng tao na batay sa obserbasyon o eksperimento.

Key Word:
Maaring bunga ito ng mayamang karanasan sa pagmamasid, pagbasa o pakikinig.
Sariling Palagay
Batay sa mga dating kaalaman, ito ay makakabuo ng paniniwala.
Sariling pagmamatuwid.
May layunin na maganyak o mangumbinsi

Kadalasang, ginagamit ang mga sumusunod na parirala sa pagbibigay-diin sa kaniyang


opinyon;

A. Buong igting kong sinusuportahan ang…..


B. Kumbinsido akong…
C. Labis akong naninindigan na…
D. Lubos kong pinaniniwalaan…
Halimbawa :
Buong igting kong sinusuportahan ang pagpataw ng parusang parusang kamatayan sa
aitng bansa.
Kumbinsido akong ang WHO ay makakahanap ng lunas upang mapuksa ang COVID
19.
Labis akong naninindigan na ang pagbasa ng Bibliya ay nakakatulong sa paglago ng
ating buhay.

b. Ginabayang Pagsasanay
“ Diba Teh!”

Ang guro ay ipapangkat ang mga mag-aaral sa apat na grupo upang pagdebatehan ang mga sumusunod
sa paksang kung sino ang mas karapat dapat palayain ;
Pangkat 1 - Taong sinasabi na napagbintangan lamang siya.
Pangkat 2 - Isang ama na pumatay para sa pabuyang pera na nilaan niya para sa kanyang mga anak.
Pangkat 3 - Taong isinakamay ang batas at pumatay upang ipaghiganti ang kanyang kaanak na
pinatay.
Pangkat 4 - Taong nakulong dahil nahulihan na gumagamit ng pinagbabawal na gamot o droga.
Pangkatang Tagubilin at Alituntunin :

 Bawat pangkat ay dedepensahan ang paksang napunta sa kanila.


 Mayroong isang minuto (1) ang bawat pangkat para sa Pambungad na pagsasalita/Introduksyon.
 Mayroong tatlong minuto (3) ang bawat pangkat para sa Paglalahad ng Katotohanan tungkol sa
paksa.
 Mayroong tatlong segundo (30) hanggang isang minuto (1) ang bawat pangkat para sa
Pagpapalitan ng ideya.
 Mayroong dalawang minuto (2) ang bawat pangkat para sa Pangwakas na Pananalita at
Konklusyon..

Pamantayan sa pagmamarka :
Pamantayan 1 2 3 Sarili Pangka

Paksa/Kaisipan Walang mainam na May naipahayag na Lubhang malinaw at


kaisipang 2 hanggang 3 maayos ang
ipinapahayag kaisipan ang kaisipang
tungkol sa paksa. nabanggit tungkol naipahayag. May 4 o
sa paksa. higit pang kaisipan
ang nabanggit
tungkol sa paksa.
Pangangatwiran Walang sapat na Walang gaanong May sapat na
katibayan ng iniharap na katibayang iniharap
pangangatwiran pangangatwiran sa pangangatwiran.

Pagpapahayag/Pagsasalita Mahina o hindi Mahina ang pa may Maayos na maayos


maunawaan ang gkapahayag ngunit ang pagkakapahayag
sinasabi. may pang-akit sa na may pang-akit sa
nakikinig ang boses nakikinig ang boses
o pagsasalita. o pagsasalita.

Pagtuligsa Walang naipahayag May isa o dalawang May 3 o sapat at


tungkol sa sinabi ng malinaw na pahayag malinaw na pahayag
kabilang panig. tungkol sa tungkol sa
ipinahayag ng ipinahayag ng
kabilang panig. kabilang panig.

Tiwala sa sarili Hindi maayos ang May mahinang Lubusang


pagsasalita dahil sa pagpapahayag dahil naipahayag nang
kaba kaya’t naipabatid nang malinaw at
nabubulol. kaunti ang layunin naipabatid ang
ng panig. katanggap-tanggap
na layunin ng panig.
Kabuoang Puntos

c. Malayang Pagsasanay
Ang guro ay magsasagawa ng isang gawain na kung saan pasusulatin ang bawat mag-
aaral ng isang sanaysay na naglalaman ng sariling opinyon o ideya hinggil sa paksang
kanilang mapipili.
Pamimiliang Paksa :
1. Same-Sex Marriage
2. Pagsasatupad ng SOGIE BILL sa senado
3. My body, My Rules
4. Pagrebisa ng K-12 Kurikulum

Rubriks sa pagmamarka :

Nilalaman ---------------------10puntos
Kaayusan ng mga ideya ---- 10 puntos
Kalinisan ---------------------- 5 puntos
Paraan ng pagsulat ----------- 5 puntos
Kabuoan ----------------------30 puntos

d. Panapos na Gawain
Panuto : Gumawa ng islogan sa isang short bond paper tungkol sa kahalagahan ng
pagbibigay opinyon at ideya sa ating lipunan. Lagyan ng disenyo at kulay ang
nagawang islogan at basahin ang nagawang islogan sa harap ng klase. Gamitin ang
rubrik na magiging batayan sa pagmamarka

Pamantayan Laang Puntos


Puntos
Malikhaing paggawa 5
Mensahe ng Islogan 5
Malinis at maayos 5
Kabuoang Puntos 15

E. Paglalapat
Ang guro ay ipapangkat ang klase sa dalawang grupo at ang bawat isa sa pangkat ay kinakailangan
tumulong.
Panuto :Basahin at suriin ang isang halimbawa ng debate sa ibaba. Magtala ng mga parang ginamit sa
pagpapahayag ng kanilang ideya at opinyon tungkol sa paksa.
Sangunian :

IDEYA

OPINYON

F. Paglalahat
 Paano malalaman kung ang ginamit na pahayag ay isang opinyon?
 Paano masusuri kung ang pahayag ay isang ideya ?
 Ano ang pagkakaiba ng Opinyon sa Ideya ?
 Ano ang kahalagahan ng pagbibigay ng ideya ?
 Ano naman ang kagandahan ng pagbabahagi ng opinyon ng bawat isa?
 Pabor ka ba sa kasabihan na “No man is an island”?
 Naniniwala ka ba na ang bawat isa sa lipunan ay may karapatang ipahayag ang kanilang sariling
opinyon at ideya?.
IV. Pagtataya
Ang guro ay magsasagawa ng isang gawain na kung saan pasusulatin ang bawat mag-aaral ng isang
sanaysay na naglalaman ng sariling opinyon tungkol sa paksang mga dapat o hindi dapat na katangiang
taglayin ng isang kabataan
Rubriks sa pagmamarka :

Akma sa paksa --------------- 10puntos


Kaayusan ng mga ideya ---- 10 puntos
Kalinisan ---------------------- 5 puntos
Paraan ng pagsulat ----------- 5 puntos
Kabuoan ----------------------30 puntos

V. Takdang-Aralin
Panuto : Sa isang buong papel, maghayag ng ideya, opinyon at mga argumentong kakikitaan ng
proposisyon at oposisyon hinggil sa paksang Fraternity

VI. Pagpapayaman ng Natutuhan


Panuto : Ayusin ang mga ginulong letra upang maibigay ang hinihinging kasagutan sa mga gabay na
tanong.

EDTEAB 1. isang sining ng pakikipagtalastasan sa pampahayag ng ating saloobin, nararamdaman


o paniniwala patungkol sa isang paksa, isyu o usapin.
IEDA 2. nagmula sa kaisipan sa isang bagay na maaring magresulta sa isang plano, mungkahi,
o posibleng pagkilos.
OYNIPNO 3. isang pananaw ng isang tao na maaring totoo o pasubalian. Ito ay isang paniniwala
ng tao na batay sa obserbasyon o eksperimento.

nagmula sa kaisipan sa isang bagay na maaring magresulta sa isang plano, mungkahi, o posibleng
pagkilos.
OYNIPNO 3. isang pananaw ng isang tao na maaring totoo o pasubalian. Ito ay isang paniniwala
ng tao na batay sa obserbasyon o eksperimento.

VII. Pag-iisip sa Natutuhan


a. Kumusta ang iyong karanasan sa ating araling tinalakay ngayon?

b. Anong bahagi ng ating aralin ang naging madali saiyo ? Ipaliwanag ang sagot.

c. Anong bahagi ng aralin ang HINDI naging madali sa iyo ? Ipaliwanag ang sagot.

You might also like