You are on page 1of 3

UPPER VILLAGES CHRISTIAN ACADEMY INC.

#25 Brgy. Riverside, City of San Pedro, Laguna


Contact Nos. :(02)-5198991/ (02)-7822267/ (0917)-6304556 email: uvcaschool@gmail.com
WEEKLY LEARNING PLAN
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Grade Level: Nine Time Frame: October 12-16,2020
Teacher: Angelica P. Capoquian Learning Area: Filipino
School Year: SY 2020-2021 Quarter: 1st
___________________________________________________________________________________
1. OBJECTIVES.
A. Content Standard: The learners…
* Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya

B. Performance Standard: The learners…


* Nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang
pampanitikan ng Timog-Silangang Asya

C. Learning Competencies: The learners…


* Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na katangian ng kabataang
Asyano
* Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw

2. KEY MESSAGE (LESSON TITLE).


Gamit ng Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Sariling Pananaw

3. LEARNING RESOURCES.
A. References.
A. Teacher’s Guide Pages (Teaching Manual): Sulong – Wika at Panitikan 10, pp. 61-76
B. Learner’s Material Pages (Student Textbook): Sulong – Wika at Panitikan 10, pp. 51-60
C. Additional Materials from Learning Resources:
Mga larawan
B. Learning Resources for Development and Engagement Activities.

4. PROCEDURES.
A. Introduction:
 Lesson Review: Ilalahad ng guro ang buod ng Sanaysay na tinalakay sa nakaraang sesyon.
 Purposes of the Lesson:
* Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na katangian ng kabataang
Asyano
* Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw
 Presentation of the Samples/Motivation:
Tanong: Paano k aba nagpapahayag ng iyong sariling pananaw?

B. Development:
 Discussion/Lesson Proper:
 Ilalahad Ang iba’t ibang gamit ng pang-ugnay sa pagpapahayag sa sariling
pananaw:

1|Page
UPPER VILLAGES CHRISTIAN ACADEMY INC.
#25 Brgy. Riverside, City of San Pedro, Laguna
Contact Nos. :(02)-5198991/ (02)-7822267/ (0917)-6304556 email: uvcaschool@gmail.com
WEEKLY LEARNING PLAN
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
 Pangatnig – ang pangatnig ay mga kataga o slaitang nag-uugnay sa
dalawang salita, pararila at sugnay upang makabuo ng isang malinaw at
magkakaugnay na kaisipan.
MGA URI NG PANGATNIG:
1. Pandagdag – nagsasaad ito ng diwa ng pagpupuno o pagdaragdag ng mga
impormasyon.
2. Pagbibigay ng eksepsiyon – nagsasaad ito ng pagbubukod o paghihiwalay
3. Pagbibigay ng sanhi o dahilan – piag-uugnay ng pangatnig ang mga lion
ng salita upang magbigay ng katwiran at magsabi ng kadahilanan.
4. Paglalahad ng bunga/resulta – nagsasaad ito ng kinalabasan o
kinahinatnan
5. Pagbibigay layunin – nagsasaad ito ng hangarin o naisin.
6. Pagbibigay ng kondisyon – nagsasaad ito ng kondisyon o pasubali
7. Kontrast o Pasalungat – nagsasaad ito ng pag-iiba, pagkontra at pagtutol.
8. Pagbibigya ng Konklusyon – nagsasaad ito ng panghuling pananaw o
opinion.
9. Pagpapatotoo – Nagsasaad ito ng pagpapatunay.

 Mastery Development:
A. Ang guro ay makapagbibigay ng mga halimbawa ng pangungusap gamit ang iba’t
ibang pangatnig.
1. Pandagdag – (at, o, pati, saka)
 Naipakikita ng mga Thai ang kanilang kultura at maging ang kanilang
kaugalian.
 Maniniwala ka ba na ang mga taga-Thailand ay mababait o sadyang wala
kang tiwala sa kanila.
 Nanindig ang aking balahibo sa tunay na kabaitan nila pati na rin ang aking
puso ay tumahip sa tuwa.
 Tunay ngang malikhain din ang mga Thai saka ang mga Pilipino.
2. Pagbibigay ng eksepsiyon – (maliban, bukod, puwera)
 Kahanga-hanga ang sining na taglay ng Thailand maliban sa pagiging
mababait malikhain din pala sila.
3. Pagbibigay ng sanhi/dahilan – (dahil, sapagkat, palibhasa)
 Dahil sa kaugalian na mayroon ang bansang ito nakilala ito bilang lugar ng
ngiti.
4. Paglalahad ng bunga/resulta – (kaya, tuloy, bunga)
 Palangiti ang mga tao sa Thailand, kaya kilala silang bayan ng ngiti.
5. Pagbibigay ng layunin – (upang, para, nang at sa gayon)
 Upang mas mapabuti ang lipunan, naisip niyang alamin ang kalakasan nito.
6. Pagbibigay ng Kondisyon – (kung, kapag, sakali)
 Matutupad ang mga pnagarap kung ikaw mismo ay kikilos.
7. Kontrast/Pasalungat – (pero, ngunit, dtapwat, subalit)
2|Page
UPPER VILLAGES CHRISTIAN ACADEMY INC.
#25 Brgy. Riverside, City of San Pedro, Laguna
Contact Nos. :(02)-5198991/ (02)-7822267/ (0917)-6304556 email: uvcaschool@gmail.com
WEEKLY LEARNING PLAN
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
 Maganda na san ang buhay mo subalit tamad ka lang.
8. Pagbibigay ng konlusyon – (samakatuwid, kung kaya)
 Tayo ang may kakayahang tupdin an gating mga pangarap, samakatuwid,
dapat tayong kumilos.
9. Pagpapatotoo – (sa totoo lang, sa katunayan, sa totoo)
 Sa totoo lang, hindi dapat tayo nakaupo lamang.
B. Susubukin ng mga mag-aaral na makapagsulat ng sariling sanaysay na nagsasaad ng
sariling opinion tungkol sa mga dapat o hindi dapat taglayin ng mga kabataang
Asyano at tutukuyin ang mga pang-ugnay na ginamit. (SHAREDBLOG)

C. Engagement:
 Application/Real Life Integration/Subject Integration:
Ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang naisulat na sanaysay sa naunang pagsasanay.
Babasahin ang naisulat na sanaysay sa paraang patalumpati. Bibigyan ng pagkakataong
makapagbigay ng opinion ang ilan sa mga mag-aaral tungkol sa napakinggan. Tutukuyin din ang mga
nabanggit na pang-ugnay.

 Additional Activities and Remediation: Asynchronous


Magbibigay ang mga mag-aaral ng tiglilimang pangungusap gamit ang mga natalakay na pang-
ugnay. (Sharedblog)

D. Assimilation:
 Generalization and Abstraction:
 Sa pagpapahayag ng sariling pananaw, karaniwan na ang paggamit ng iba’t ibang
puri ng pang-ugnay gayan ng pangatnig dahil naipapahayag natin nang maayos at
malinaw an gating sariling kuro-kuro o kaisipan tungkol sa isang paksa o isyu.
 Ang pangatnig ay mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o
sugnay upang makabuo ng isang malinaw at magkakaugnay na kaisipan.
 Values Integration: Kahalagahan sa pagpapahayag ng sariling pananaw
 Evaluation: (included in the lesson package)
Tukuyin kung anong uri ng pangatnig ang mga halimbawa.
1. Pati
2. Bukod
3. Upang
4. Sakali
5. Sa totoo lang

Checked and Observed by:


Jael M. Manuel
Subject Coordinator
Anjo G. Marcelo, MAEd
JHS Supervisor
Carina Z. Dela Cruz, Ph.D
School Principal
3|Page

You might also like