You are on page 1of 1

Lagumang Pagsubok sa Filipino 9

Pangalan________________________________________Antas____________________Iskor______________________

I.Panuto: Basahin at Unawain : Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata,maraming tagpuan,tunggalian at masalimuot ang pangyayari.
a. Sanaysay b. Maikling kwento c. Nobela d. Dula
2. Uri ng tula kung saan nabibilang ang Elehiya
a. Pandamdamin b. Pasalaysay c. Tulang dula d. Patnigan
3. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan.
a. Elehiya b. Epiko c. Awit d. Tanaga
4. Isang akdang hinango sa bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay.
a. Pabula b. Parabula c. Anekdota d. Talambuhay
5. Nahagip ng kanyang espada ang tenga at ilog ng higante. Ang kahulugan ng salitang nahagip ay______________
a. Nasagasaan b. Natamaan c. Nadaplisan d. Nasugatan
6. Ang paratang sa kaniya ay isang kamalian. Ano ang kahulugan ng salitang PARATANG?
a. Bintang b. Maltrato c. Akala d. Palagay
7. “Sige patayin mo siya ! Ang pahayag ay –
a. Nakikiusap b. Nagmamakaawa c. Nag-uutos d. Nagpapaunawa
8. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umisip sila ng ibang paraan. Ang salitang NAKUMBINSI ay
a. Napaniwala b. Nasunod c. Napasubaybay d. Napapapayag
9. “Huwag mong kalimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa” Ito ay isang ____________
a. Pangangatwiran b. Pangangaral c. Pagpapapayo d. Pagdadahilan
10. Ano ang nangyayari kung laging sumusunod sa payo ng magulang ?
a. Magiging sikat sa pamayanan b. bibigyan ng medalya c. mapapabuti ang buhay d. hindi mpapahamak
11. “Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na inialay.” Ang unang linya ng tula ay nagpapahiwatig
a. pag-iisa b. paglubog ng araw c. pagpanaw ng isang tao d.bagong araw na darating
12. “Kailangang makasama ka, kung hindi mapag-iiwanan ka.” Ano ang layunin ng nagsasalita
a. manghikayat b. magpaliwanag c. magturo d. mang-aliw
13. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang ibig sabihin ng UPA ay _________
a. pautang b. bayarin c. kaukulang bayad sa paggawa d. utang
14. “Sa mga taong naghahasik ng kaguluhan, lumiliit na ang inyong mundo at may kalalagyan kayo.”Anong damdamin ito?
a. naiinis b. nagagalit c. nalulungkot d. nalulumbay
15. Ang bawat nilalang ay nagtataglay ng hiram na buhay. Ano ang maaaring bumuo rito na detalyeng pangungusap?
a. Iwasang ang masamang bisyo c. Ipagtanggol natin an gating karapatang mabuhay
b. Ingatan natin an gating kalusugan d. Lahat ay tama

B. Natutukoy ang pang-abay na ginamit sa pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Nakalabas si Theseus sa sanga-sangang pasilyo sa tulong ngi Ariadne.
a. pamamaraan b. panlunan c. pamanahon d. pananggi
2. Ang Minotaur ay mabilis na napatay ni Theseus
a. pamamaraan b. panlunan c. pamanahon d. pamitagan
3. Noon ay nagsilang ang Reyna Pasiphae ng isang Minotaur na may ulo at katawan ng tao.
a. pamamaraan b. panlunan c. pamanahon d. panang-ayon

C. Ayusin ang mga salita ayon sa tindi ng damdamin


4. 1. Pagkasuklam 2. Pagkamuhi 3. Pagkagalit 4.pagkamuhi
a. 1324 b.4321 c.2134 d.1234
5. 1. Sigaw 2. Bulong 3. Hiyaw 4. Anas
a. 1324 b. 3214 c. 4213 d. 1234
6. 1. Kaba 2. Takot 3. pangamba 4.panginginig
a. 1324 b. 4321 c. 2134 d. 1234

D. Punan ng angkop na pang-ugnay ang pangungusap upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Titik lamang.
7. Ang determinasyon ni Ruth ay _____________kanyang biyenan.
a. tungkol kay b. para kay c. tungkol sa d. para sa
8. Ang pag-ibig at katapatan ni Ruth ay naging daan ______________ makapag asawa siya
a. nang b. dahil sa c. upang d. sapagkat
9. Namatay ang mga anak ni Naoimi kaya’t mag-isa siyang naiwan sa banyaga_______bansa
a. nang b. ng c.na d. upang
10. Maituturing na pang-abay na pamanahon ang ________
a. magiging mabuti b. nagdadalamhating ama c. mula ngayon d. dinukot sa bulsa

II. Sumulat ng isang sanaysay na naglalarawan ng kultura ng alinmang bansa sa Silangang Asya . Maaaring ito ay
Pormal o di-pormal at hindi bababa sa 200 salita.

You might also like