You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region IV-A CALABARZON
MATAAS NA PAARALANG NASYUNAL NG SOUTHVILE 8C
San Isidro, Rodriguez, Rizal
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FIIPINO 7

Pangalan: _________________________________________________Petsa:_____________________
Grado/Pangkat: ____________________________________________Iskor:______________________
Panuto: Basahin ang akda sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Akda A
Chit Chirit Chit
Chitchiritchit alibangbang
Salaginto salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang
1. Anong uri ng panitikan ang Akda A?
a. Bugtong b. Palaisipan c. Awiting panudyo d. Karunungang bayan
2. Anong dalawang salita mula sa Akda A ang HINDI magkatugma?
a. lansangan-tandang b.chitchiritchit-salaginto c. alibangbang-lansangan d. alibangbang-salagubang
3. Paano mapapatunayan na ang Akda A ay kabilang sa uri ng panitikan na isinagot mo sa bilang 1?
a. Dahil ito ay matalinghaga. b. Kapupulutan ito ng aral sa buhay.
c. Ginawa ito upang maging mapanukso sa kapwa. d. Sinusubok nito ang katalinuhan ng lumulutas nito.
Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba at bigyang kahulugan ang tugmang de gulong sa bilang 4-5.
4. God knows Hudas not pay. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Maraming taong hindi palasimba. c. May mga sumasakay na masasamang tao.
b. Alam ng Diyos ang lahat ng bagay. d. Sa lahat ng may ginawang masama, alam na ito ng Diyos.
5. Aanhin pa ang gasolina, kung jeep ko ay sira na. Paano mo ito ipapaliwanag?
a. Maaari naming bumili ng panibagong sasakyan.
b. Maraming bagay sa mundo na madaling masira at mawala.
c. Ipinagpapakahulugan nito na hindi na mahalaga ang gasolina sa buhay ng tao.
d. Inihalintulad ito sa kasabihang “Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.”
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
6. Ang palaisipan ay nangangailangan ng talas ng pag-iisip. Ano ang salitang-ugat ng salitang may salungguhit sa
pangungusap?
a. isip b. pala c. isipan d. palaisip
7. Isa sa panitikang umiiral noong unang panahon ay ang mga awiting panudyo. Ang salitang panudyo ay pinagsamang
tudyo (salitang-ugat) at pan- (panlapi). Paano bibigyang kahulugan ang panlaping ginamit?
a. Lugar na pinagmulan b. Ginamit bilang isang bagay
c. Nagpapakita ng maraming bilang. d. Nagpapakita ng pang-isahang bilang.
8.Alin sa mga sumusunod na anyo ng panitikan ang payak at hindi dumaan sa anumang pagbabago sa kayarian ng salita?
a. Bugtong c. Tugmang de gulong
b. Panudyo d. Karunungang bayan

Dala ako niya, dala ko siya. - Sapatos


9. Anong uri ng panitikan ang nasa loob ng kahon?
a. Bugtong b. Palaisipan c. Tulang Panudyo d. Tugmang de gulong
10. Aling pahayag sa ibaba ang isa sa layunin ng teksto sa loob ng kahon?
a. Nagbibigay ng kaalaman sa sumasagot nito. b. Nasusukat nito ang katalinuhan ng isang tao.
c. Nakapanghihikayat na gawin rin ito ng ibang tao. d. Nakapagbibigay libang sa mga oras na walang magawa ang
tao.
11. Paano bibigyang kahalagahan na ang nagpahayag ng teksto ay isang sapatos?
a. Kapag maganda ang iyong sapatos, ikaw ay “in”.
b. Literal na dala ng sapatos ang tao at dala naman ng tao ang sapatos.
c. Mahalaga ang iyong sapatos dahil ito ang nagdadala sa iyo kung saan mo gustong makapunta.
d. Isa sa minanang kultura nating mga Pilipino sa dayuhang nanggaling sa Tsina ang pagsusuot ng pangyapak bilang
proteksyon sa ating paa.
12. Ano ang sumisimbolo sa mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbikas ng isang salita o pahayag?
a. Suprasegmental b. Ponemang Suprasegmental c. Morpema at Ponema d. Pagbabagong Morponemiko
13. Aling simbolo ang ginagamit upang mabigyang diin ang mga pantig sa isang salita at malaman kung paano ito
bibigkasin?
a. Tuldok at bar c. Gitling at bar
b. Tuldok at gitling d. Gitling at kuwit
14. Ano ang tumutukoy sa pagbaba at paglakas ng bigkas ng pantig ng salita?
a. Haba c. antala
b. Diin d. Tono
15. Paano dapat bigkasin ang salitang buhay kung ang tinutukoy nito ay ang kapalaran ng tao?
a. BU:hay c. BU:HAY
b. bu:HAY d. bu:hay
16. “Inilagay ko ang paso sa tabi ng pinto.” Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
a. Isang uri ng lalagyan na pinagtataniman. b. Taong nagbibigay saya sa maraming bata.
c. Isang bagay na nangangahulugang tapos na o lipas na. d. Mahapding pakiramdam sa balat sanhi ng
pagkakadikit sa mainit na bagay.
Panuto: Tukuyin kung saan makikita ang diin at haba ng salita batay sa kahulugan. Tukuyin ang mga pahayag
batay sa mensaheng nais ihatid. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
17. Ipinakikilala ka sa kaibigan niya.
a. Anton si Clifford kaibigan ko. c. Anton si, Clifford kaibigan ko.
b. Anton, si Clifford, kaibigan ko. d. Anton si Clifford kaibigan, ko.
18. Paano ang tamang hati sa pangungusap na itinuturo mo ang iyong ama sa iyong gurong si G. Reyes?.
a. G. Reyes siya po, ang tatay ko. c. G. Reyes siya po ang tatay ko.
b. G. Reyes, siya po ang tatay ko. d. G. Reyes, siya po, ang tatay ko.
19. Sinasabi mo sa iyong kausap na papasok ka sa paaralan.
a. Ate Leny papasok na po ako. c. Ate Leny papasok, na po, ako.
b. Ate Leny, papasok na po ako. d. Ate Leny, papasok, na po ako.
20. Nagulat ka nang makita mo ang iyong ina na umuwi na pala ng Pilipinas.
a. Inay, nakauwi ka na pala kalian ka po dumating. c. Inay! Nakauwi ka na pala! Kailan ka po dumating?
b. Inay! Nakauwi ka na pala! Kailan ka po dumating! d. Inay! Nakauwi ka na pala… Kailan ka po dumating!
21. Pinag-uusapan ninyong magkaibigan ang kamag-aral ninyo na maganda.
a. Hindi lang maganda mabait pa iyang si Anna. c. Hindi lang maganda, mabait pa iyang si Anna.
b. Hindi lang maganda mabait pa, iyang si Anna. d. Hindi lang, maganda mabait pa, iyang si Anna.
22. Ang elementong pinalitan ng panghalip sa unahan ng teksto o pahayag o pahayag sa hulihan bilang pananda sa
pinalitang pangngalang binanggit sa unahan ay ____________________.
a. anapora b. diapora c. katapora d. pandora
23. Dito ang elementong pinalitan ng panghalip ay binabanggit pagkatapos ng panghalip na inihalili o pinalit ay _______.
a. anapora b. diapora c. katapora d. pandora
24. “Si Impeng Negro ay isang mabuting anak. Siya ay isang agwador.” Ang salitang may salungguhhit ay ginamit sa
pagpapatungkol na
a. anapora b. diapora c. katapora d. pandora
25. “Pumutok ang kaniyang nguso subalit pinilit pa din ni Impeng na lumaban.” Ang salitang may salungguhhit ay ginamit
sa pagpapatungkol na
a. anapora b. diapora c. katapora d. pandora
26. “Walang oras na hindi niya tinutukso si Impeng. Si Ogor na siga sa kanilang lugar.” Ang salitang may salungguhhit ay
ginamit sa pagpapatungkol na
a. anapora b. diapora c. katapora d. pandora
Panuto: Basahin ang talata na nasa ibaba. Suriin ang paghihinuha ng mga pangyayari batay sa nabasang
talata. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Talata 1: Ayon sa isang sikat na kasabihan, ang kabataan ay ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayong mga
kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. Iaahon natin ito sa kahirapan at
ibibigay natin ang hinahangad nitong kasaganaan. Iwawagayway natin ang bandila ng ating bayan patunay na
tayo’y 2aggin sa anumang pang-aalipin ng mga dayuhan. Ito ay ilan lamang sa mga katangian at kaugaliang
inaasahan natin na taglay ng bawat kabataan para sa ikauunlad ng ating bayan.
27. Ano ang sabi ng isang sikat na pahayag sa kabataan:
a. Kabataan, pag-asa ng bayan c. kabataan ikaw na
b. kabataan ang sandigan. d. kabataan mag-aral ka.
28. Ano ang dapat ibigay ng isang kabataan?
a. pag-asa ng inang bayan c.walang aasahan sa kabataan.
b. magandang kinabukasan sa ating bansa.. d. bangon kabataan.
29. Kapag naiwagayway ang bandila ng ating bayan, mahihinuha na ito ay…
a. ganap na sikat. c. kailangan itayong mabuti ng maitaas ito.
b. may kasaganahan na natatamo. d. dahil humihingi ito ng tulong.
30. Ang Kabataan ang Pag-asa ng bayan, mahihinuha na
a. sikat na mga kabataan. c. ang kabataan ang pag-aaral ay pagbutihin.
b. kabataan ang magpapatuloy para sa kaunlaran. d. ang kabataan ngayon ay walang pakialam sa buhay.
31. Bilang isang kabataan ano ang maiaambag mo sa lipunan?
a. mag-aaral akong mabuti. c. tutulungan ko ang aking bansa at magiging mabuting mamamayan ako.
b. hindi ako magiging masamang kabataan. d. hindi ako lalabag sa batas.
32. Bilang isang kabataan ano ang maibabahagi mo sa mga kabataang nalululong sa masamang bisyo?
a. magtatayo ako ng rehabilitation center. c. hihikayatin kong maglunsad kami ng programang pangkabataan.
b. mangangampanya ako na huwag gumamit ng droga. d. sasabihan na mahalaga ang buhay kaya’t huwag sayangin.
Panuto: Bigyan ng kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
33. Maunlad na ang buhay nila ngayon at sa isang sikat na subdibisyon na sla naninirahan. Aling mga salita sa
pangungusap ang nagpapahiwatig ng kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Mayaman B. Mahira C. Walang makain D. Namamalimos
34. Napakakunat magbayad ng utang nitong si Garry. Ang konotasyong kahulugan ng napakakunat ay_____.
A. Madam B. Mapagbigay C. Mabait D. Masamang ugali
35. Kapos na sila sa badyet kaya madalas ay walang makain ang kanilang pamilya. Alin ang nagpapahiwatig ng
kakapusan?
A. Badyet B. Madalas C. kulang D. Nakalaan
Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang tanong sa bilang 36-41
Tumawa nang malakas si Ogor. Nakabibingi siya ,Mariin .Pumulas ang luha sa sulok ng kanyang mga mata.Nasa
ganito siyang kalagayan nang bigla niyang maramdamanang isang 1. Ubod lakas na sipasa kanyang pigi 2. Napasigaw
siya umiyak siya.3. gumulong sa basing semento 4. Namimilipit tangan ang sinipang pigi ang buong anyo ng nakaangat
niyang mukha larawan ng ga daigdig na sakit.
36. Ang tinutukoy na salitang nakabibingi ay ___________________.
a. ingay b. katahimikan c. sigaw d. tawa
37. Alin sa mga salitang may bilang ang nagpapakilala ng mensahe?
a. Bilang 1 b. bilang 2 c. Bilang 3 d. bilang 4
38. Ang ipinahihiwatig na kahulugan na gadaigdig na sakit ay sakit na _________________.
a. bahagya b. katamtaman c. naglalaho d. napakatindi
39. Pumulas ang luha sa sulok ng kanyang mga mata. Ano ang kahulugan ng ng “pumulas”?
a. dumating b. lumipad c. tumakas d. umagos
40. Alin ang mainam na gamiting salita upang maubo ang pangungusap: Bigla, ubos - lakas at nag-uumuti siyang
______.
a. lumapit b. Lumihis c. umigtad d. umiwas
41. Nakaririmarim ang pook na iyon, kaya’t ayaw na niyang bumalik pa. Anong pangungusap ang kasingkahulugan nito?
a. Nakasusulasok ang pook na iyon, kaya’t ayaw na niyang bumalik pa.
b. Nakakasuklam ang pook na iyon, kaya’t ayaw na niyang bumalik pa.
c. Nakatutuwa ang pook na iyon, kaya’t ayaw na niyang bumalik pa.
d. Nakakayamot ang pook na iyon, kaya’t ayaw na niyang bumalik pa.
Panuto: Isa- isahin ang mga elemento ng maikling kwento ayon sa mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.
42. Ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari sa kwento.
a.tauhan b. tagpuan c. banghay d. kakalasan
43. Ang lugar kung saan nangyari o ginanap ang kwento.
a.tagpuan b. banghay c. wakas d. tauhan
44. Ang kumikilos at gumaganap sa kuwento.
a.tunggalian b. tauhan c. banghay d. wakas
45. Ito ang kinahinatnan ng mga pangyayari sa kwento.
a.banghay b. tunggalian c. wakas d. kasukdulan
46. Ito ang humahadlang / suliranin sa kwento.
a.wakas b.tagpuan c. tunggalian d. banghay
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong tungkol sa akdang “Ang Duwende”. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
47.Ano ang itsura ng duwende?Alin ang hindi.
a. Maitim ang buhok b. walang balbas
c. Mapula ang mukha d. mataba at maitim
48.Bukod sa pagiging pilyo , ano raw ang isa pang katangian ng mga duwende?
a. Matulungin b. mapagbiro c. Mapanira d. matapang
49.Ayon sa kwento , ano ang mga ugali at gawain ng duwende?
a. naninira ng gamit
b. namamalo ng mga bata
c. nangangagat ng mga bata
d. nangunguha ng mga bata
50.Ano ang maaaring mangyari sa mga taong may sinasabing masama sa mga duwende?
a. nawawala
b. binibiyayaan
c. pinaparusahan
d. tinatakot
51. “ Ang mga Duwende” na binasa ay isang akdang pampanitikan na
a. Pabula c. Kwentong bayan
b. alamat d. epiko
Panuto: Kilalanin kung anong katangian ng mga tauhan batay sa mga pahayag o kanilang pananalita. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
A. Masayahin B. Nangangarap C. Malungkutin D.Magagalitin E. Maalalahanin F. Matampuhin
52.“Gusto kong tumawa tulad ng totoong bata”
53. ”Wag kayong tatamad tamad , sigaw kanyang tatay.
54. “ Kay dami- dami palang batang kalye” naisip ni Nemo.
55. “ Bituin , bituin tuparin ngayon din. Lahat kami’y gawing batang masayahin.
Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap.piliin ang sa palagay mong wastong paghihinuha. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.
56. ‘’Ang ningning ay madaya’’, nasabi ito ng may-akda dahil…
a. Ang mga bagay na maningning ay totoong-totoo.
b. Maraming ang may gusto sa mga bagay na maningning
c. Madalas na naloloko o nahuhumaling ang mga tao sa maningning na bagay.
57. ‘’Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning’’. Nais ipahayag dito ng ma-akda ay..
a. Ang magagandang bagay na nakikita ng mata ay magbibigay liwanag sa buhay.
b. Hindi mapapahamak ang taong nasa liwanag.
c. Huwag maging sinungaling o mayabang kundi maging isang mabuting at mapagmahal na tao.
58.‘’ Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating ugat ay
magbalatkayo na maningning.’’ Nasabi ito ng may akda upang…
a. Mabigyang-babala ang mga Pilipinong maging matalino sa pagpili ng kakaibiganing bansa.
b. Malaman ng mga Pilipino na ugali na talaga nating maging mapagkunwari.
c. Tayong mga Pilipino ay mahilig sa magagandang bagay kaya’t darating ang panahong mabubuhay tayo sa
kasinungalingan.
59.‘’Kung ang ating dinudulugan at kinahainan ng puspos na galang ay ang maliwanag at magandang-asal at matapat na
loob, ang kahit sino ay walang mapagningning pagkat di natin pahahalagahan’’. Ibig sabihin ay …
a. Magiging mahirap sa tao ang hindi magpapadaya sa kinang na hatid ng kasikatan at kapangyarihan, kaya;t
dapat lang ang bawat isa ay mamumuhay sa kaliwanagan.
b. Kung ang higit na pinahahalagahan at ipamumuhay ng bawat tao ay ang katotohahan,kagandahang-loob,at
katapatan, tiyak na walang madadaya sa ating dulot ng maningning na bagay.
c. Tama lamang na ating iagalang at pahalagahan ang mga taong matapat at may magandang asal.
60.‘’Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning at upang huwag mapagmalas ng mga matang
tumatanghal ang kanilang kapangitan ; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad,mahinhin, at
maliwanag na napatatanaw sa paningin,’’ nagpapaalala ang may-akda na…
a. Ang kayabangan at kasamaan ay palaging may kasamang pagkukunwari samantalang ang mga taong
namumuhay nang matuwid ay may magandang pag-uugali.
b. Hindi kaagad makikita ang taong masama at mayabang dahil sila ay laging nagtatago sa dilim ngunit ang
nasa liwanag ay madaling makita ninuman.
c. Madalas na natatakpan o nababalutan ng kasikatan at pagkukunwari samantalang ang mga taong
namumuhay nang matuwid at puspos ng pag-ibig ay walang itinatago o pinagtatakpan

Inihanda ni: Sinuri ni:

SHELBY G. PADOHINOG MILAGROS R. SEROMA


Guro sa Filipino 7 Tagapamahala ng Filipino Dept.

Binigyan Pansin ni:

ESMALIA P. CABALANG
Punong Guro II
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region IV-A CALABARZON
Sangay ng Rizal
MATAAS NA PAARALANG NASYUNAL NG SOUTHVILLE 8C
San Isidro, Rodriguez, Rizal
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

KASANAYAN/LEBEL NG PAGTATAYA BILANG NG AYTEM KINALALAGYAN NG AYTEM

Naihahambing ang mga katangian ng tula/ 3 1-3


awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan

Naihahambing ang mga katangian ng tula/ 2 4-5


awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan

Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa 3 6-8


pamamagitan ng pagpapangkat

Nailalahad ang pangunahing ideya ng 3 9-11


tekstong nagbabahagi mg bisang
pandamdamin ng akda

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng 10 12-21


paggamit ng suprasegmental (tono, diin,
antala) at mga di-berbal na palatandaan
(kumpas, galaw ng mata/ katawan, at iba
pa) sa tekstong napakinggan

Nagagamit ang wastong mga panandang 5 22-26


anaporik at kataporik ng pangngalan.

Nasusuri ang mga pahayag na ginamit sa 6 27-32


paghihinuha ng pangyayari

Nabibigyan ng kahulugan ang mga salita 9 33-41


batay sa konteksto ng pangungusap

Naisa- isa ang mga elemento ng maikling 5 42-46


kwento.

Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang 5 47-51


panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kwentong bayan batay sa mga pangyayari at
usapan ng mga tauhan.

Nakikilala ang katangian ng mga tauhan 4 52-55


batay sa tono at Paraan ng kanilang
pananalita.

Nasusuri ang pakay/motibo/palagay ng may 5 56-60


katha.

KABUUAN 60

Inihanda ni: Sinuri ni:


SHELBY G. PADOHINOG MILAGROS R. SEROMA
Guro sa Filipino G7 Tagapamahala ng Filipino Dept.
Binigyang Pansin ni:
ESMALIA P. CABALANG
Punong Guro II
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Region IV-A CALABARZON
Sangay ng Rizal
MATAAS NA PAARALANG NASYUNAL NG SOUTHVILLE 8C
San Isidro, Rodriguez, Rizal
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7
SUSI SA PAGWAWASTO

1. C 52. C
2. B 53. D
3. C 54. E
4. D 55. B
5. D 56. C
6. A 57. C
7. B 58. C
8. A 59. B
9. A 60. C
10.D
11. C
12. B
13. A
14. D
15. A
16. A
17.B
18. B
19. B
20. C
21. C
22. A
23. C
24. A
25. C
26. C
27.A
28. B
29. B
30. B
31. C
32. C
33. A
34. A
35. C
36. C
37. D
38. D
39. D
40. B
41. B
42. C
43. A
44. B
45. C
46. C
47. B
48. A
49. A
50. C
51. C

You might also like