You are on page 1of 7

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

SA FILIPINO BAYTANG 10

Pangalan: ______________________________________Petsa : ______________Baitang/Pangkat : _____________


Kompetensi: Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa anyo ng sanaysay
Panuto: Basahin at unawain ang tekstong nasa loob ng kahon.Piliin ang titik ng tamang sagot

Takot na takot na sumibad sa loob ng bahay si Tony.Ipinaghiganti niya ang pang-aabusong sinapit ni Aida sa kamay ng anak ng
alkalde.Pinatay niya ito.Hindi pa man napipigil ni Regina ang plano ng anak na tumakas ay dumating na ang pulis kasama ng
alkalde.Pinasusuko siya sa batas.Maluwat naman siyang isinuko ni Regina sa kanila subalit pinagtulungan nilang saktan ang walang
kalaban-labang si Tony.Mabilis na inagaw ni Regina ang sandata ng isang pulis at ipinambaril ito sa kawawang anak.Pinatay niya ang
sarili niyang anak.Dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kaniyang ginawa.
1. Makatarungan ba ang ginawa ni Tony na pagpatay sa anak ng alkalde? Sipi mula sa “Moses,Moses”
a.Hindi, dahil ang pagpatay ay isang kasalanan sa mata ng tao at Diyos. Ni Rogelio R. Sicat
b.Hindi, dahil hindi nararapat ilagay ng tao ang batas sa kaniyang mga kamay.
c.Oo, dahil hindi naging makatarungan ang batas sa pagpataw ng kaparusahan.
d.Oo, dahil itinuturing na ang pang-aabuso sa kababaihan ay isang karumal-dumal na krimen.
2. Ano ang maaring dahilan ni Regina sa pagbaril sa kaniyang anak?
a.Dahil mali ang ginawa ng kaniyang anak kaya siya na mismo ang nagparusa dito.
b.Mas nanaisin niyang makitang mamatay ang anak kaysa makulong nang matagal ng panahon.
c.Sa kadahilanang batid niya ang paghihirap na mararanasan ng anak sa kamay ng mga pulis na humuhuli kay Tony.
d.Dahil siya ang higit na alam ang pangyayari at ang tamang tao na magdedesisyon sa kung ano angkahahantungan ng kaniyang anak.
3.Sa mata ng batas karapat-dapat bang hulihin at parusahan si Regina?
a.Oo, dahil pinatay niya ang kaniyang anak at labag ito sa batas.
c.Hindi, dahil anak naman niya iyon at siya ang nagluwal nito sa mundo.
b.Oo, dahil inaasahan na ang ina ay iniaalay ang buhay sa anak at hindi mismo siya ang kukuha nito.
d.Hindi, dahil walang sinumang tao ang may karapatang magdesisyon kung ano ang kanilang maaring gawin, kung tama naman motibo ng
pagpatay.
Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa: tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing (F10WG-IIa-b-66)
Panuto: Basahin ang talata at piliin ang wastong gamit ng pokus ng pandiwa.Piliin ang titik ng tamang sagot
Napabilis ang paghakbang niya. Nahigingan niya, ang nagrekomenda sa dalawang iyon ay hindi gaanong malakas kaya natanggal. Si Mr.
Maique na nagrekomenda sa kaniya’y hindi isang representante o senador kaya. Naging amo niya si Mr. Maique sa huling pribadong kompanyang
pinagtatrabahuhan at minsang masalubong niya ito sa Avenida matapos ang ilang taong maalis sa opisinang iyon(“pinagbakasyon” siya nang
matuklasan sa taunang physical examination na may ganggaholeng butas ang dalawa niyang baga) ay nabanggit niya ritong tila hindi na siya
makasumpong pang muli sa trabaho(kahit na sa posisyong dyanitor). Maraming higit na mas batang aplikante sa kaniya (siya’y sobra nang
kuwarenta), at mas maraming may pinag-aralan kaysa kaniya (grade 1 lang ang naabot niya).
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagbibigay-diin sa gamit ng tagaganap bilang pokus ng pandiwa?
a. Si Mr. Maique ay nagrekomenda sa dalawang aplikante kahit hindi siya senador.
b. Inirekomenda ni Mr. Maique ang dalawang aplikante kahit hindi siya senador.
c. Sa Avenida niya nasalubong ang dalawang dating tauhan ni Mr. Maique.
d. Sinalubong ni Mr. Maique ang dalawang dating tauhan sa Avenida.
6. Alin sa sumusunod na mga pahayag o pangungusap ang nagbigay-diin sa gamit ng layon bilang pokus ng pandiwa?
a. Itinago ni Mr. Maique sa kinauukulan ang totoong edad ng mga kamag-anak na aplikante.
b. Humanap si Mr. Maique ng ibang paraan kung paano malulunasan ang krisissa mga produktong petrolyo.
c. Nagsilbing senador si Mr. Maique nang mawalan ng regular na posisyon sa lokal na pamahalaan.
d. Ipinanlakbay ni Mr. Maique ang kaniyang tiket sa kabila ng kawalang katiyakan sa magiging resulta.
7. Sa aling kaisipan nagamit nang angkop ang pokus sa tagaganap?
a. Higit na nakapukaw ng kaniyang pansin ang binurdahang trahe de boda ng sikat na fashion designer.
b. Lumikha ang tao ng mga makinaryang higit pang sopistikado kaysa kayang maisip.
c.Tinalikdan niya ang bisyo sa paniniwalang wala itong maidudulot na mabuti sa kaniya.
d. Sa gitna ng nagugulumihanang isip ay pinili niya ang magpakahinahon kaysa maging marahas.
Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (pinaglalaanan at kagamitan) sa pagbabahagi ng sariling damdamin at saloobin tungkol
sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa.
(F10WG-IIa-b-67)
Panuto: Basahin ang talata at piliin ang wastong gamit ng pokus ng pandiwa.Piliin ang titik ng tamang sagot
Ang kultura o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang
mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon ay
may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipinona mas kadalasang kilala bilang Tagalogay maraming hiniram na salita galing
Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa,
bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa ay nagsasagawa ng malalaking pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o
ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga
ganitong tradisyon ay ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay
nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.
Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay may malaking
kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensiya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago
dumating ang mga Kastila at ang mga mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika saPilipinas ay maraming hiniram sa wikang
Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram
na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng
pamumuhay ng mga tao nanagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.
7. Alin sa kasunod na mga pahayag ang nagbibigay ng angkop na damdamin at nagpapakita ng pokus sa kagamitan?
a. Nakalulungkot na nagawang hikayatin ng mga mangangalakal na Intsik ng kanilang katutubong pagkain ang mga Pilipino.
b. Hanggang sa kasalukuyan ay nadarama ng mga Pilipino ang kasiyahan mula nang ipanregalo ng mga mangangalakal na Intsik ang pansit
at siopao na siyang pamana sa ating kultura.
c. Malaki ang aking pag-asa na mawawala rin sa kulturang ito ang ipinang-impluwensiya ng mga dayuhan sa ating isip at kalooban.
d. Nakapanghihinayang subalit dapat tanggapin ang katotohanan na walang bagay na permanente dito sa mundo.
8. Mula sa tekstong binasa, aling pangyayari ang higit na nakapagpatibay ng iyong damdamin na nagpapakita ng pokus sa kalaanan?
a. Ikinaiyak niya ang pagrerebelde ng mga Pilipino laban sa mga dayuhan.
b. Wala nang maaaring dumamay sa mga Pilipino maliban sa kapwa Pilipino.
c. Ihihingi niya ng paliwanag ang pananakop na ginawa ng mga Kastila sa Pilipinas na labis na dahil sa tagal ng panahon.
d. .Ipagkakaloob niya ang dangal ng lahing Pilipino sa sinumang makagagawa ng kabayanihan sa bayan.
9. Makikita sa aling pangungusap ang kaisipan ng teksto na naglalahad ng angkop na saloobin tuon sa pokus sa kagamitan?
a. Nahikayat ang mga mangangalakal na Intsik ang kanilang masarap na pagkain bilang parte na rin ng kulturang Pilipino.
b. Ipinampasaya ng mga dayuhang Kastila sa Pilipinas ang “Pista” na siyang sumisimbolo sa minanang tradisyon at kultura mula sa Espanya.
c. Nagdaramdam ang karamihang Pilipino sa kawalang malasakit ng mga dayuhan.
d. Malaki ang kabatiran kung may pagsisikap na mag-aral
Kompetensi: Naiuugnay ang mahalagang kaisipan sa binasa sa sariling karanasan.
Panuto: Basahin ang talata at iugnay ang kaisipan sa sariling karanasan.Piliin ang titik ng tamang sagot

“Ngunit Inang” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan


Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang pag-ibig ko’y ikaw ina, ang pag-ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong piyano kapag ikaw ay namatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O ina ko, ika’y walang kapantay.”
10. Sa aling bagay mo ihahambing ang pagmamahal sa iyong ina? Sipi mula sa “Ang Pamana”
a. Bato, dahil madalas na hindi natitibag ang paninindigan ng mga ina. Ni Jose Corazon de Jesus
b. Orasan, dahil lagi na lang may curfew sa oras ng pag-uwi o pagko-computer.
c. Radyo, dahil walang tigil silang mangaral at manermon sa kanilang mga anak.
d. Puso, dahil walang pagod siyang nagmamahal at nagkakalinga sa kanyang mga anak.
11. Bakit itinuturing na dakila ang isang ina sa buhay ng kanilang anak?
a.Dahil sa patuloy na paggabay ng mga ina sa kaniyang mga anak.
b Dahil maraming ina na hindi pinahahalagahan ang ginagawa ng kanilang anak
c. Dahil ang ina ay walang-sawa sa panenermon upang mapanuto ang kanyang mga anak.
d. Dahil sa sakripisyong ipinamamalas ng isang ina sa kaniyang mga anak mula sa pagsilang hanggang sa pag-aaruga nang napakatagal na panahon.
12. Anong kaisipan ang ipinapahayag sa saknong?
a. na ang ina at anak ay dapat magmahalan
b. na ang isang ina ay may katumbas na halagang materyal
c. na ang isang anak ay may tungkulin na mahalin ang kanyang ina
d. na hindi kayang tumbasan ng alinmang yaman ang pagmamahal at halaga ng isang ina
Kompetensi: Naiuugnay ng may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang narinig na balita, komentaryo, talumpati at iba pa.
Panuto: Basahin ang talata .Piliin ang titik ng tamang sagot
Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa
mga lansangan na nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona.
Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na
pagsisikapan kong maisakatuparan.
Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa kanyang Inagurasyon
13. Bakit mahalagang masolusyunan ang mga suliranin na kinakaharap ng pamahalaang Rousseff?
a. upang maging isang sikat na namumuno si Rousseff
b. upang maging mabuting ehemplo ang kanyang administrasyon sa mga karatig na bansa
c. upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Brazilian sa ilalim ng kanyang pamamahala
d. upang ipakita na ang isang babaeng namumuno ay kayang makipagsabayan sa isang lalaki pagdating sa pamamahala
14. Ano ang maaaring dahilan ng mga problemang nabanggit sa unang pangungusap?
a. kawalan ng disiplina ng mga tao
b. tiwaling pamamalakad ng gobyerno
c. kakulangan ng trabaho sa bansang Brazil
d. kakulangan ng tiwala ng mga tao sa gobyerno
15. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang epektibong gamitin ng pamahalaan upang solusyunan ang problemang nabanggit sa itaas?
I. Bigyan ng libreng pabahay ang mga mamamayan.
II. Ipakulong ang mga batang pakalat-kalat sa mga lansangan.
III. Mangalap ng mga mamumuhunan upang makapagbigay ng bagong trabaho ang pamahalaan.
IV. Ilapit sa angkop na ahensya ng gobyerno ang mga batang inabandona ng kanilang mga magulang
a. II b. III at IV c. I, III at IV d. I
Kompetensi: Naiuugnay ang mahalagang kaisipan sa binasa sa sariling karanasan.
Panuto: Basahin ang talata .Piliin ang titik ng tamang sagot
“Ngunit Inang” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang pag-ibig ko’y ikaw ina, ang pag-ibig ko’y ikaw inang
Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
Aanhin ko iyong piyano kapag ikaw ay namatay
At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman
Pagkat di ka maaaring panatayan ng daigdigan
Pagkat, ikaw O ina ko, ika’y walang kapantay.”
Sipi mula sa “Ang Pamana”
16.Paano mo ilalarawan ang damdamin ng nagsasalita sa tula?
Ni Jose Corazon de Jesus
a. Matibay ang pagmamahal
b. paninisi.
c.nag-aalinlangan
d. nagmamakaawa
17.Paano mo maituturing na dakila ang iyong ina?
a. Dahil sa patuloy na paggabay niya sa kanyang mga anak.
b. Dahil maraming siyang hindi pinahahalagahan na ginagawa ng kanilang anak
c. Dahil siya ay walang-sawa sa panenermon upang mapanuto ang kaming mga anak.
d. Dahil sa sakripisyong ipinamamalas niya sa kaniyang mga anak mula sa pagsilang hanggang sa pag-aaruga nang napakatagal na panahon.
18. Anong kaisipan ang ipinapahayag sa taludtod 8?
a. na ang ina at anak ay dapat magmahalan
b. na ang isang ina ay may katumbas na halagang materyal
c. na ang isang anak ay may tungkulin na mahalin ang kanyang ina
d. na hindi kayang tumbasan ng alinmang yaman ang pagmamahal at halaga ng isang ina
Kompetensi: Naiuugnay ng may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang narinig na balita, komentaryo, talumpati at iba pa.
Panuto: Basahin ang talata .Piliin ang titik ng tamang sagot
Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na
nawawalan ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may
pagkain, kapayapaan at kaligayahan. Ito ang pangarap na pagsisikapan kong maisakatuparan.
Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kinyang Inagurasyon
19. Ano ang iyong damdamin pagkatapos mong mabasa ang pahayag?
a. Humanga ako sa magnadang pananalita ni Pangulong Dilma Rousseff
b. Sa tingin ko, siya ay magiging mahina dahil siya ay babae
c. Maaring matatag ang kanyang paninindigan kayat humanga ako sa kanya at siya ay dapat maging ehemplo sa mga kababaihan.
d. Naawa ako kasi hindi niya alam ang kanyang pinagsasabi.
20. Anosa palagay mo ang maaaring dahilan ng mga problemang nabanggit sa pahayag?
a. kawalan ng disiplina ng mga tao
b. tiwaling pamamalakad ng gobyerno
c. kakulangan ng trabaho sa bansang Brazil
d. kakulangan ng tiwala ng mga tao sa gobyerno
21. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang epektibong gamitin ng pamahalaan upang solusyunan ang problema ng kahirapan?
I. Bigyan ng libreng pabahay at trabaho ang mga mamamayan.
II. Ipakulong ang mga batang pakalat-kalat sa mga lansangan.
III. Mangalap ng mga mamumuhunan upang makapagbigay ng bagong trabaho ang pamahalaan.
IV. Ilapit sa angkop na ahensya ng gobyerno ang mga batang inabandona ng kanilang mga magulang
a. II b. III at IV c. I, III at IV d. I
Kompetensi: Naipapahayag ang mahahalagang kaisipan at pananaw tungkol sa Mitolohiya.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot
22. Ang mitolohiya ay kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong
unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao. Alin sa mga sumusunod ang may pinakamalapit na katangian sa
mitolohiya?
a. alamat at kasaysayan c. tula at kasaysayan
b. sanaysay at maikling-kuwento d. nobela at talumpati
23. Si Thor ang diyos ng kulog at kidlat; siya rin ang pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir. Kung si Thor ang pinakamalakas sa Aesir, sino naman
ang itinuturing na pinakamalakas na diyos sa mitolohiya ng mga Griyego?
a. Zues b. Jupiter c. Poseidon d. Cronos
24. Alin sa mga sumusunod na katangian ng panitikan ang maituturing na bahagi ng elemento ng mitolohiya?
I. Ang mga tauhan ay diyos o diyosa na may taglay na kakaibang katangian.
II. Ang tagpuan ay may kaugnayan sa kultura noong sinaunang panahon.
III. Ang mga tauhan ay mga ordinaryong tao at ang pangaraw-araw nilang gawain.
IV. Ang tema ng mitolohiya ay karaniwang tungkol sa pinagmulan ng daigdig, paniniwalang panrelihiyon at aral sa buhay.
a. I at II b. II at III c. II, III at IV d. I, II at IV
Kompetensi: Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula.
(F10 PT 11 – C D-70)
Panuto: Piliin ang titik nang tamang kahulugan ng mga sumusunod na matatalinhagang salita na ginamit sa tula.
25. Marami sa tao sa salapi silaw
a. Maraming taong naghahangad ng maraming pera
b. Maraming taong pera ang pinapanginoon
c. Maraming tao ang maraming pera
d. Maraming tao ang walang pera
26. Kaya kung isa kang kapus kapalaran, Wala kang pag-asang maakyat sa lipunan
a. Ang mahihirap ay hindi nagtatagumpay
b. Ang mga sawi ay walang mararating
c. Ang mahihirap ay hindi makikilala
d. Ang mga walang pinag-aralan ay maghihirap
27. Mga mahihirap lalong nasasadlak, Mga mayayaman lalong umuunlad
` a. Ang mga mahihirap ay nadarapa habang ang mayayaman ay nagtatagumpay
b. Ang mga mahihirap ay lalong naghihirap habang ang mga mayayaman ay lalong yumayaman
c. Ang mayayaman ang nasa itaas at ang mahihirap ang nasa ibaba
d. Ang mayayaman ang makapangyarihan habang ang mahihirap ang naaapi
28. May kapangyarihan, hindi sumusulyap, Mga utang na loob mula sa mahihirap
a. Ang may kapangyarihan ay hindi marunong tumanaw ng utang na loob sa mahihirap
b. May utang ang mga may kapangyarihan sa mahihirap
c. Hindi pinahahalagahan ng may kapangyarihan ang mahihirap
d. Hindi lumilingon sa pinanggalingan ang mga may kapangyarihan
Kompetensi: Nasusuri ang mga elemento ng Tula.
Panuto: Suriin angTula batay sa tiyak na elemento.Piliin ang titik ng tamang sagot
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.
29. Kung mapapansin natin, may labindalawang pantig sa bawat taludtod. Anong elemento ng tula ang sumasaklaw dito?
a. sukat b. tugma c. kariktan d. talinghaga
30. Anong elemento ng tula ang tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita, mga salitang may malalim na kahulugan at mga tayutay?
a. sukat b. tugma c. kariktan d. talinghaga
31. Anong uri ng tula ang binasa mo sa itaas?
a. tulang padula c. tulang pasalaysay
b. tulang patnigan d. tulang pandamdamin o liriko
Kompetensi: Nasusuri ang matatalinghagang pananalita na ginamit sa pagsulat ng tula (F10WG-IIc-d-65 )
Panuto: Suriin ang sumusunod na tula batay sa matalinghagang pananalitang ginamit.Isulat ang titik ng tamang sagot.
Kung tatanawin mo sa malayong pook
Ako’y tila isang nakadipang kurus
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos
(mula sa “Isang Kahoy”, ni Jose Corazon de Jesus )
32. Ang ikalawang taludtod ng tulang “Isang Kahoy” ay ginamitan ng aling uri ng tayutay?
a. Pagwawangis b. Pagtutulad c. Padiwantao d. Paurintao
33.Ang pangyayari o karanasang binanggit sa tula ay nagpapakilala ng uring pagtutulad lalo na sa mga taludtod na
a. 1 at 3 b. 2 at 3 c. 3 at 4 d. 2 at 4
Kung minsa’y Buwan kang
Angmayuming ganda at iwing liwanag,
Sa tulog kong puso’y
kaylimit sugpuin ng tuksong pangarap
(Mulasa “O, Ang Babae,” ni Leoncio S. Gonzales)

34.Nangingibabaw sa kaisipang inilalarawan ng mga italisadong salita o parirala ang anong uri ng tayutay?
a. Pagtutulad b. Pagwawangis c. Pagmamalabis d. Pagtatao
35.Ang unang taludtod ng tulang “O, Ang Babae” ni Leoncio S. Gonzales ay kinapapalooban ng uring
a. Pagtatao b. Pagwawangis c. Pagtutulad d. Pagmamalabis
Layunin: Naibibigay ang kahulugan ng matatalinhagang pananalita na ginamit sa tula.( F10 PT 11 – C D-70)
Panuto: Piliin ang titik ng tamang kahulugan sa mga sumusunod na matatalinghagang salita na ginamit sa tula
Tao palibhasa’s sa wala nagmula
Kayat nagbabalik sa simulang wala
Datapwat ang tao’y di tulad sa bula
Na kapag napawi na nga
Tao’y namamatay upang magsimula
Ang buhay na ganap sa puso ng madla
36. Tao palibhasa’s sa wala nagmula, Kayat nagbabalik sa simulang wala
a. ang tao ay isinilang na maksalanan mamatay ng makasalanan
b. ang tao ay nilikhang hindi mayaman
c. kung ang tao ay ipinanganak na mayaman,mayaman din itong mamatay, kung mahirap mahirap din siyang mamatay.
d. Ang tao sa alabok nanggaling sa alabok din babalik.
37. Mismong ang ulo ang sipsipin hanggang sa maubos ang katas nito ay kasingkahulugan ng
a. Ang talino at karunungan ng mahihirap ay pinagsasamantalahan
b. Pinagsasamantalahan ang mahihirap na siyang nakakaalam sa katotohanan
c. Impluwensiyang ang katalinuhan ng mahihirap bago ito pagsamantalahan
d. Ang mga taong mahihirap ay nagagawang pagsamantalahan dahil sa kawalan
38. Anong kalagayang panlipunan ang sinasalamin ng tula?
a. Kahirapan b. . Kaunlaran c. Kasaganaan d. Kawalang hustisiya
Kompetensi:Nasusuri ang pokus ng pandiwa: ganapan at sanhi sa binasang kuwento( F10WG-IIc-d-68 )
Panuto: Basahin at unawain ang kuwentong “May Daigdig sa Karagatan” ni Clemente M. Bautista.Suriin ang pokus sa ganapan at sanhi na ginamit
sa bahagi ng binasang kuwento.
Ikinaputol ng kawing ng mga gunitang iyon ni Mang Lope ang paghawak ni Aling Nena sa kaniyang balikat upang tanungin kung hindi siya
mangingitid nang gabing iyon. Nagsisilbing pangitiran ni Mang Lope ang malawak na karagatang biyaya ng Diyos sa kanilang pamilya subalit hindi
ito ang biyayang nais ni Mang Lope para sa kaniyang anak na si Nilo. Gayunpaman, ang pag-uusap ng mag-asawa ay ikinabalik ng dating saya at
pagmamahal sa pagitan ng mag-asawa at ng kanilang anak.
(mula sa “May Daigdig sa Karagatan” ni Clemente M. Bautista)
39.Sa unang pangungusap sa talata, mahihiwatigang nauunawaan nino ang sitwasyon ng pamilya?
a. Nilo b. Clemente c. Mang Lope d. Aling Nena
41. Ikinaputol ng kawing ng mga gunitang iyon ni Mang Lope ang paghawak ni Aling Nena sa kaniyang balikat upang tanungin kung hindi siya
mangingitid nang gabing iyon.
Batay sa pangyayaring inilahad, ang pangngusap ay nagpapakilala ng pokus sa
a. Ganapan b. Layon c. Kagamitan d. Sanhi
42.Nagsisilbing pangitiran ni Mang Lope ang malawak na karagatang biyaya ng Diyos sa kanilang pamilya subalit hindi ganoon ang pagtingin ni
Mang Lope para sa kaniyang anak.
Ang binasang pahayag at batay na rin sa kaisipang nakapaloob sa talata, malinaw na ang pangungusap ay nakatuon sa aling pokus?
a. Ganapan b. Layon c. Kagamitan d. Sanhi
43.Sa huling pahayag sa talata, malinaw ang konsepto na mahalaga ang pag-uusap upang maibalik ang dating sigla sa ugnayan ng pamilya.Aling
salita ang nagsilbing dahilan ng kilos o aksiyon sa pangungusap?
a. maibalik b. pahayag c. malinaw d. pag-uusap
Kompetensi: Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap ( F10WG-IIg-h-64 )
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Suriin ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak na ginamit sa pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
Mga kaibigan, ngayon na raw ang simula ng diumano ay pagbabago. Anim na taon tayong nahirati sa sistema ng “Daang Matuwid” ngunit
wari’y hindi umabot sa ikabubusog ng ating isip at kalooban lalo pa’t alam ng lahat na nananatiling mataas ang bilang ng mga naghihirap.Ano pa ba
kaya ang maaari nating asahan sa susunod na administrasyon matapos ang ELEKSIYON 2016? Pagbabago. Sa biglang malas, iisiping ito nangaang
daan upang matugunan ang napakatagal nang krisis:kahirapan at terorismo.
Sinang-ayunan ng maraming mamamayan ang naging resulta ng sunod-sunod na isinagawang sarbey sa pagka-Pangulo sa nakalipas na
ilang buwan. Kumusta na ang food threshold? Malamang na bumabang muli upang maipagkanulo ito sa bagsak na ekonomiya. Ang food threshold
sa almusal na dati ay tortang kamatis, kape para sa matatanda at gatas para sa mga bata ay posibleng maiba na sa bagong liderato. Marami ang
umaasa at patuloy na aasa sa pagbabago. Dahil sa mga posibleng pagbabago, ang kumpiyansa ng taumbayan sa integridad ng mga namumuno ay
muling tataas.Gayunpaman, asahang patuloy na magtutungo ang mga militanteng grupo sa harap ng Malacanang.
44.Mga kaibigan, ngayon na raw ang simula ng diumano ay pagbabago. Mula sa pahayag, gamit ang ingklitik, naganap ang pagpapalawak ng
pangungusap sa pamamagitan ng
a. ngayon b. na raw c. sa d. gamit
45.Ang unang pangungusap sa ikalawang talata ay bumabanggit ng pangyayaring nauugnay sa sunod-sunod na ginawang sarbey sa pagkapangulo.
Sa bahaging ito, naganap ang pagpapalawak ng pangungusap sa aling komplemento o kaganapan?
a. Tagaganap b. Tagatanggap c. Sanhi d. layon
46.Malinaw ang kaisipang ipinababatid ng pangungusap 4 sa talata 2 ng teksto: food threshold bilang panukat ng ekonomiya ng bansa. Paano
mabisang pinalawak ang pangungusap sa tulong ng komplemento o kaganapan?
a. Sa pamamagitan ng paggamit ng pariralang food threshold
b. Sa pamamagitan ng pagpapaloob ng pariralang “tortang kamatis”
c. Sa pamamagitan ng pagsisingit ng pariralang “dahil sa mga posibleng pangyayari”
d. Sa pamamagitan ng paggamit ng pariralang bagong liderato
47.Dahil sa mga posibleng pagbabago, ang kumpiyansa ng taumbayan sa integridad ng mga namumuno ay muling tataas. Mula sa binasang
pahayag, sa ilalim ng aling kaganapan nangyari ang pagpapalawak ng pangungusap? Patunayan.
a. Sa kaganapang direksyunal dahil ginamit ang pariralang “kumpiyansa ng taumbayan”.
b. Sa kaganapang sanhi sapagkat ipinasok ang pariralang “muling tataas”.
c. Sa kaganapang sanhi dahil ipinaloob ang pariralang “Dahil sa mga posibleng pagbabago.”
d. Sa kaganapang tagaganap sapagkat ginamit ang pariralang “mganamumuno.”
48.Gayunpaman, asahang patuloy na magtutungo ang mga militanteng grupo sa harap ng Malacanang. Ang pangyayaring nabanggit ay naging
malinaw sa pagpapalawak ng pangungusap na ginamitan ng anong kaganapan?
a. Tagaganap b. Tagatanggap c. ganapan l d. Layon
49.Pansinin ang mga pahayag sa unang talata; sa ikalawang talata. Pareho mong nakita ang proseso ng pagpapalawak na ginamit. Magkatulad man
o magkaiba ang proseso na ginamit, paano ginawa ang pagpapalawak ng mga pangungusap?
a. Higit na maraming bilang ng ginamit na mga ingklitik sa talata 1 kaysa talata 2
b. Higit na maraming kaganapan ang naipaloob sa talata 1 kaysa talata 2.
c. Nagkaroon ng pagpapasok ng mga ingklitik sa unang talata,kaganapan sa ikalawang talata.
d. Naipaloob sa talata1 ang mga kaganapan o komplemento samantalang ingklitik naman sa talata 2.
Kompetensi: Nabibigyang reaksiyon ang pagiging makatotohanan/di makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento.
Panuto: Basahin ang nasa loob ng kahon.Piliin ang titik ng tamang sagot
Si Aldrin, iniwan ng kanyang ina upang mangibang-bansa ngunit pinagmamalupitan ng pinag-iwanan sa kaniya kaya siya ay lumayas
at nakitira sa kaibigan. Si Sara na minsan lamang pumasok sa eskwela dahil tumutulong sa pag-aalaga ng maliit na kapatid. Si Miguel na bagsak
sa major subject dahil sa gabi-gabing pagpupuyat para magtinda ng lugaw dahil paralisado ang ama.Si Jessa na dalawang buwang buntis dahil
sa pangmomolestiya ng tiyuhin. Lahat ng ito ay hindi lantad sa paningin ng kasamahan kong guro.
Nabago ang aking pananaw at doon ko sinimulang iparamdam ang higit na pagmamahal, pag-unawa at pagkalinga sa kanila. Doon
ko lubos na naunawaan ang kuwento ng kanilang buhay na salat sa pagmamahal. Dito man lang sa loob ng pangalawa nilang tahanan
maramdaman nilang ang mga “problem maker” ay maaari namang maging “dream maker.”
Sipi mula sa “Sa Loob ng Love Class”
50. Maituturing nga bang “problem maker” ang mga mag-aaral na nakakaranas ng sitwasyong inilarawan sa unang talata?
Ni Eric O. Cariño
a. Oo, dahil sila ang malimit na nagsisimula ng gulo sa loob ng paaralan.
b. Oo, dahil kalimitang sila ang nagiging problema ng lipunan sa hinaharap.
c. Hindi, dahil karamihan sa kanila ay tagapagtaguyod ng kanilang pamilya.
d. Hindi, dahil hindi naman sila ang tunay na pinag-uugatan ng problema kundi sila ay mga biktima lamang ng malupit na lipunan.
51. “Dito man lang sa loob ng pangalawa nilang tahanan maramdaman nilang ang mga “problem maker” ay maaari namang maging “dream
maker.” Ano ang kaisipang nakapaloob sa pangungusap na ito?
a. Ang paaralan ay nagsisilbing tahanan ng mga mag-aaral na naliligaw ang landas.
b. Ang paaralan ay isang institusyon na tumutulong sa mga mag-aaral upang makamit ang kanilang mga pangarap.
c. Ang paaralan ay katuwang ng pamahalaan upang hubugin ang mga mag-aaral na maging isang kapaki-pakinabang na mamayan sa hinaharap.
d. Ang paaralan ang siyang kumakalinga, nagbibigay ng sapat na pagpapahalaga at nagpapalago sa mga mag-aaral na patuloy na nangangarap sa
kabila ng masalimuot nilang buhay.
52. Kung ikaw ang guro, ano ang maaari mong gawin upang ang iyong mga kasamahan sa pagtuturo ay maunawaan ang sitwasyon ng kanilang mga
mag-aaral?
a. Ipaalam sa kanila ang totoong sitwasyon ng kanilang mga mag-aaral.
b. Walang gagawing hakbang dahil maaaring mahiya ang mga mag-aaral.
c. Sarilinin nalang ang problema dahil wala namang magagawa ang mga guro sa sitwasyon ng mga mga-aaral.
d. Lumapit sa mga taong higit na makakatulong sa mga mag-aaral tulad ng DSWD, opisyal ng barangay at iba pa.
Kompetensi: Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa pahayagan,magasin,at iba pa sa nakasulat na akda.
Panuto: Basahin ang talata.Piliin ang titik ng tamang sagot

World Teacher’s Month, idinaos ng Cavitenos


Dinaig ng probinsiya ng Cavite ang lahat ng Gaming Show sa Pilipinas,nang mamigay ng 20 bahay sa mga guro sa pagdiriwang ng Teacher’s
Month, noong Setyembre 29, 2015 na ginanap sa Maranatha Christian Academy.
Pinangunahan ni Cherrylou D. De Mesa, OIC Schools Division Superintendent ng Cavite ang magarbong pagpupugay sa mga guro.
“Sa araw na ito ay wala munang Superintendent o director,pantay-pantay muna tayong lahat” pahayag ni De Mesa sa pambungad niyang
pananalita.
Hindi rin nagpadaig si Antonio Diosdado,Direktor ng Rehiyon IV-A CALABARZON,sa kanyang pananalita sa libo-libong mga guro.Ipinaunawa
ng director ang bigat ng pagiging guro,kung kaya’t kailangan talaga ang puso sa propesyong ito.
-Mula sa Ang Tanglaw
53. Anong mahalagang katangian ng isang guro ang hindi dapat na mawala sa mga ito?
a. Ang pagkakaroon ng puso sa kaniyang propesyon.
b.Ang magkaroon ng sapat na oras upang matutukan ang mga suliranin ng mga mag-aaral
c.Ang may sapat na kaalaman sa kaniyang asignaturang itinuturo.
d.Ang magkaroon ng mahabang pasensiya sa mga mag-aaral.
54.Bakit mahalagang bigyang pagkilala ang ginagawa ng isang guro sa loob ng paaralan?
a.Upang hindi siya manawa sa kung ano ang ginagawa niya sa araw-araw
b.Upang lalong mahalin ng guro ang kaniyang propesyon.
c.Upang makita ng guro ang kaniyang kahalagahan bilang isang napakahalagang makinarya na siyang nakatutulong sa pag-unlad ng bawat nilalang.
d.Upang magkaroon ng interes ang guro na pagyamanin ang kaniyang sarili at propesyon.
55.Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa Kagawaran ng Edukasyon, paano mo bibigyang pugay ang mga guro sa kanilang espesyal na araw?
a.Magpaplano ka ng malaking pagtitipon na gagaganapin sa isang malaking bulwagan kung saan mayroong palaro at pamimigay ng premyo sa mga
ito.
b.Sila ay bibigyan ng isang araw na pahinga
c.Bibigyan sila ng sertipiko na kumikilala sa kanilang ipinakitang kagalingan.
d.Kakausapin ang mga ito at bibigyan ng mga magagandang feedback patungkol sa kanilang gawain bilang isang guro.
Kompetensi: Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula. ( F10 PT 11 – C D-70)
Panuto: Piliin ang titik ng tamang kahulugan sa mga sumusunod na matatalinghagang salita na ginamit sa tula.
56. Pakiramdam ng lahat ay tila isang bagyo na handang hagupitin ang kahit sino
a. isang taong galit na galit c.isang taong mapagkumbaba
b.isang taong masayahin d.isang taong malakas ang dating
57.Ang kanyang madilim na katangian ay hindi nagbibigay inspirasyon sa kahit na sino
a.taong may mabuting kalooban c.taong ang katangian ay hindi makita ng iba
b.taong may masamang ugali d.taong hindi pinapakita ang katangian sa iba
58.Bukas ay itapon ninyo ang timbangan sa apoy upang painitin ang taglamig ng inyong buhay.
a. sirain ang timbangan ng hustisya
b .ipagsawalang bahala ang hustisya
c. sirain ang sariling prinsipyo para sa
d .ibigay sa iba ang hustisyang inilalapit sa iyo sariling kaligayahan
59. Pipi ang Bayan kaya hindi dumaraing
a.takot ang bayan na sabihin ang katotohanan
b.duwag ang mga tao
c..walang kamalayan sa mga pangyayari ang mga
d.maraming mga tao ang may tao kapansanan
Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang mga salitang nagpapahayag ng pangyayari at damdamin.
Panuto: Basahin ang talata.Piliin ang titik ng tamang sagot
Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw,gumigising po ako ng alas singko ng umaga.Umiigib ako ng tubig sa isang balon na
malapit sa amin.Napakahirap pong balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo.Pagkatapos po ay naghahanda na ako ng almusal at
inihahain ko p o iyon sa pamilyang pinaglilingkuran.Medyo nahuli nga po ako ng paghahain ng almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng
sinturong kwero.
60.Ginamit ang mga salitang ngayon pong araw na ito,pagkatapos po upang
a. magsalaysay b.maglarawan c. maglahad d. mangatwiran
61.Ikaw na bumabasa ng mga pangyayari ay makadarama ng
a. pagkahabag b.panlulumo c. pagtataka d. pagkaasar
62.Anong salita ang angkop na gamitin upang ilarawan ang damdaming pinalutang sa akda?
a.Nagmamahal b.Nagagalit c. Nalulungkot d. Nasasaktan
Kompetensi: Naibabahagi ang sariling puna at opinyon sa binasang talumpati na isa sa mga anyo ng sanaysay.
Panuto: Basahin ang talata.Piliin ang titik ng tamang sagot
Lumipas na ang panahon ng pag-aaklas laban sa paniniil ng mga mananakop:ginawa ito nina Rizal at Bonifacio,mga katipunero at iba pang
bayaning Pilipino.Ginawa nila ito dahil sa mulat silang walang ibang magtatanggol sa ating karapatan;walang ibang magtutulak para sa ating
ganap na kalayaan ,kundi tayo ring mga Pilipino. Wala nang iba.Salamat sa kanila,isandaan at labinlimang taon na nating ipinapahayag sa
mundo na tayo’y isang bansang Malaya.
Habang nagbabalik-tanaw at binibigyang-halaga natin ang ating kasarinlan,mulat ang pamahalaan sa tungkulin nitong pangalagaan ang
kalayaang ito.Kaya naman naninindigan tayo para sa ating mga karapatan bilang bansang may sariling soberenya,bilang bayang nagbuwis
na ng buhay para sa kalayaan,bilang Pilipinas na may sariling bandila na kapantay ng lahat. -Pang.Benigno C. Aquino III, pagdiriwang ng
anibersaryo ng Araw ng Kalayaan
63.Sa unang pangungusap, nais ipahayag ng pangulo ang
a.Pagtuligsa sa mga mananakop
b.Paghihikayat sa madlang magkaisa
c.Pagpapahalaga sa pagtatanggol sa bayan
d.Pagbibigay-pugay sa mga bayaning Pilipino
64.Sinasabi ng pangulo sa ikalawang talata na tanawin ang kasarinlan liban sa ______
a.Pahalagahan ang ating kalayaan
b.Magbuwis ng buhay para sa kalayaan
c.Tungkulin ng estado na pangangalagaan ang kalayaan
d.Maninindigan sa mga karapatan bilang bansang Malaya
65.Layunin ng talumpating ito na bigyan ng pagpapahalaga ang ang mga
a.Bayani b.Bandila c. kalayaan d. bansa
Kompetensi: Nasusuri ang mga elemento ng tula. (F10 PB11C - D – 70)
Panuto: Tukuyin ang mga elementong nakapaloob sa tula. Piliin ang titik ng tamang sagot
Panambitan
Bakit kaya dito sa mundong ibabaw Mga mahihirap lalong nasasadlak
Marami sa tao sa salapi silaw? Mga mayayaman lalong umuunlad
Kaya kung isa kang kapus kapalaran May kapangyarihan hindi sumusulyap
Wala kang pag-asang maakyat sa lipunan. Mga utang na loob mula sa mahihirap.

66. Ilang sukat mayroon ang taludtod ng tula?


a. wawaluhing pantig b. lalabindalawahing pantig c. lalabing apating pantig d. lalabingwaluhing pantig
67. Anong uri ng tugma ang ginamit sa unang saknong?
a. a,a,a,a b. a,b,a,b c. a,b,b,a d. a,a,b,b
68. Ilang taludtod mayroon ang bawat saknong?
a. 2 b. 3 c. 4 d. 6
69. Sa unang saknong aling talutod ang nagpapahayag ng talinghaga?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
70. Anong damdamin ang naghahari sa tula?
a. kasiyahan b. pagtataka c. pagkainggit d. pagkagalit
Kompetensi: Nagagamitangangkop at mabisangmgapahayagsapagsasagawangsuring-basa o panunuringpampanitiikan(F10WG- IIf-69)
Panuto: Basahin, unawain at suriinangsumusunodnateksto.
Isang grupo ng mga tao ang nag-usap tungkol sa iba’t-ibang dahilan na humanga sa pambubugbog kay Fak at lahat sila’y nagkaisa na
nangyari lang kay Fak ang dapat sakaniya. Bagama’t sila’y walang aktibong kinalaman sa usapin, naisip din nila iyon at ngayo’y pinag-uusapan nila
iyon ng may kasiyahan… “Sayang at hindi pa siya namatay.”“Mabuti nga sa kanya”
“Mas kasalanan pang pumatay ng isang aso kaysa pumatay ng isang kagaya niya!” “ Ang pesteng gaya ng isang iyon! Bakit kailangang maawa sa
kanya ang kahit sino?” May iba pa nasiyangnakararaminahindi interesadosanangyarikayFak. Nabubuhay silang walang pakialam at hindisila nag-
aabala sa problema ng iba. Kapag binabanggit ang nangyari nakikinig silang walang interes at hindi nagsasabi ng anumang opinyon. Wala silang
ipinakikitang awa o simpatiya. Isang bagay lang ang laman ng isip ng grupo ng mga taong ito…”Wala akong pakialam.”
71.Aling pahayag na ginamitan ng ekspresyon ng pagsalungat ang nagpapakita ng angkop na tema ng tekstong binasa?
a. Hindi dapat husgahan ng kapwa sa mali niyang ginagawa.
b. Hindi ang tao ang magpapasya sa kanyang kinabukasan
c. Mainam ang dumamay sa kapwa ngunit isipin din ang sariling kapakanan
d. Bahagi ng buhay ang paglilibang subalit pahalagahan ang sariling kinabukasan.
72.Sa aling pangyayari sa iyong buhay maiuugnay ang naging karanasan ng pangunahing tauhan na may kinalaman sa pagtrato ng lipunan?
a. Pagdamay sa oras ng kagipitan
b. Paggalang sa karapatang pantao
c.Paghusga sa tao dahil sa kasalanan o pagkakamaling ginawa
d.Pakikipamuhay ng malayo sa ibang tao
73.Suriin ang kaisipang ipinahihiwatig ng pahayag na kinapapalooban ng ekspresyon ng pagbibigay-puna
Pahayag: Hindi ginusto ni Fak na masadlak siya sa gipit nasitwasyon at makasakit ng iba kaya hindi makatwirang siya ay mahusgahan.
a. Talagang mahirap umiwas was sa pag-uusig ng ibang tao
b. Kagipitan ang magdudulot sa taong kamatayan
c. May paraan at panahon pa para maituwid ang pagkakamali
d. Huwag husgahan ang iyong kapwa
74.“Ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay pagsasaayos din ng gastos ng gobyerno”. Ang prinsipyong nakapaloob dito ay
a. Ang pera ng bayan, gamitin para sa bayan
b. Gamitin ng tama ang pondo para sapubliko
c. Ang mahusay na paggastos ng gobyerno kapalit ay maraming serbisyo
d. Paunlarin ang serbisyo sa bayan ng lumago ang pondo ng gobyerno.
Kompetensi: Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapanng mga tauhan (F10PN-IIa-b-71)
Panuto: Basahin ang talata at ilahad ang paksa at ideya ng usapan ng tauhan.Piliin ang titik ng tamang sagot.
Kinabukasan habang natutulog pa anghigante, ay hinugot ni thor ang maso sa ulo nito. Napatayo si Skymer, kinamot ang kanyang pisngi
at nagwika” kung may mga ibon ba sa itaas ng puno. Nang siya ay magising tila may mga nahuhulog na dahon sa kanyang ulo. “gising ka na ba
Thor?” wika nya. “oras na upang bumangon at magbihis. Malapit na kayo kay utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang
kwentang higante. Kung makararating kayo kay Utgaro, makikita nyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong
magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki sabi pa nito.
75. Ang pagtatanong ni Skymer kay Thor kung may ibon ba sa taas ng puno ay nangangahulugang hindi nya
a. Alam na tinaga sya ni Thor
b. Nalalamanangsikretoni Thor
c. Alam nya na unang nagising si Thor
d. Naramdaman ang paglipad ng ibon
76.Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng
a. Pag-aalala b. Pagmamalasakit c. Pagmamahal d. Pagtanaw ng utang na loob
“Pero hindi nilikha ang tao para magapi, “sabiniya”. Maaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi,” nagsisisiakonanapataykoangisda,
saloob-loobniya. Parating na ngayonangmasamangpanahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas
at matalino. Pero mas matalino ako kaysa kanya. Siguro’y hindi, saloob-loobniya. Siguro’y mas armado lang ako.
AngMatanda at angDagat
77. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi.” Sabi niya. “Maaaring was akin ang isang tao pero hindi sya magagapi.” Ang naturang pahayag ay
nagpapahiwatig na
a. Hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay
b. Kung may dilim may liwanag ding masisilayan
c. May pagsubok mang dumating matatag pa rin itong haharapin
d. Nilikhatayo para lumabanhindi para masaktanlamang
78.Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa naturang pahayag?
a. Mabait b. Maalalahanin c. Matapang d. Mabuti
79.“Huwagkang mag-isip, tanda” malakasniyangsabi. Magpatuloykasapaglalayag at harapinanganumangdumating.” Angpahayag ay
nagpapakitanguring tunggaliang
a. Tao vs tao b. Tao vs sarili c. Tao vs kalikasan d. Tao vs lipunan
Para sa aytem 80
Ang mundong ibabaw ay isang tanghalan
Tayong lahat dito ay naiilawan
Bawat galaw natin ay pinagmamasdan
Ng Mamang direkta, hayan sa likuran
80. Anong larawang-diwa ang mabubuo sa ikalawang taludtod ng tula?
a. Liwanag ng buwan
b. Mundo bilang malaking tanghalan
c. Tao: bilang nilikha’t ginagabayan ng Diyos.
d. Tanglaw ng buhay

You might also like