You are on page 1of 2

FILIPINO – BAITANG 9

Ikaapat na Markahang Pagtatasa


T. P. 2020-2021
A. Paglinang ng Talasalitaan: Tukuyin sa mga pagpipilian ang KASINGKAHULUGAN ng mga salitang nakasalungguhit. Isulat
sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Sa gunita niya ay nasa isang sulok ng nakaririmarim na piitan ang kanyang ama.
a. nakakasuka b. nakakasuklam c. nakakainis d. nakakainip
2. Maririnig sana ni Ibarra ang malamyos na awitin ng orkestra at mamamalas ang malamlam na ilaw sa bulwagan.
a. madilim b. malabo c. mahina d. makulimlim
3. Isang mestisang babae si Maria Clara, maganda at mayuming binibini na hinahangaan ng lahat.
a. mahinhin b. malambing c. maamo d. tahimik
4. Bukas-palad si Kapitan Tiago sa kanyang kapwa at sa lahat ng nangangailangan.
a. matulungin b. masipag c. malapit d. mapang-anyaya
5. Si Don Tiburcio ay hawak sa leeg ni Donya Victorina sapagkat laging sunud-sunuran ang pilay sa kagustuhan ng
asawa.
a. Kontrolado b. bilanggo c. sinasakal d. pinapatay
6. “Hindi maaaring ipagpaliban ang usapin tungkol sa gastusin at baka tayo gahulin ng oras.”
a. kayanin b. kapusin c. maubusan d. magipit
7. Isang bato lang sa lansangan ang katayuan ng pamumuhay ni Sisa sa lipunan.
a. patapon b. ordinaryo c. kahiya-hiya d. kasuklam-suklam
8. Alumpihit ang alperes nang marinig ang mga pasaring sa kanya ni Padre Damaso sa sermo nito.
a. Bagabag b. Balisa c. Di mapakali d. Walang kibo
9. Umakyat ang dugo ni Crisostomo nang marinig ang paglalapastangan ni Padre Damaso sa alaala ng kanyang
yumaong ama.
a. nahimatay b. altapresyon c. nagalit d. malapit nang mamatay
10. “Usap-usapan naming kung saan naglalagalag ang kaluluwang kahahango sa purgatoryo”, sabi ni Sinang.
a. naglalakbay b. naglalayag c. namamasyal d. pumupunta
Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag, Isulat sa sagutang papel ang mga salitang magkasingkahulugan.
11. Nais isiwalat ni Elias ang tunay niyang pagkatao kay Ibarra upang ibunyag ang katotohanan.
12. Ang galit ni Ibarra ay nahalinhinan ng awa sa kanyang nasaksihan, napalitan ito ng pagkalugod sa nangyari.
13. Kailangang wawariin ng kinauukulan ang katotohanan upang kilalanin ang taong may kasalanan.
14. Tila nakapiring ang hustisiya kung kaya’y di agad nabigyang hatol ang salarin dahil parang may takip ang mata sa
katotohanan.
B. Wika at Gramatika
Panuto: Tukuyin ang katangian ng tauhan batay sa pahayag mula sa akda. Isulat ang titik ng tamang sagot.
15. Ikinakalansing ni Lucas ang pera sa kanyang bulsa na nakatawag ng pansin sa magkapatid na Tarsilo at Bruno.
a. Mayabang b. Mapagkumbaba c. Mapang-akit d. Mapang-inis
16. Hindi agad sumang-ayon si Kapitan Pablo na maipaglalaban ni Ibarra ang mga api sapagkat mayaman daw ito.
a. Tuso b. Maingat c. Maalalahanin d. Duwag
17. Napalitan ng panibugho ang kasiyahang naramdaman ni Ibarra sa pagkakatanggal ng pagiging excomunicado niya
sapagkat nakita niyang masayang nakikipag-usap ang kasintahan kay Alfonso Linares.
a. Seloso b. Pikon c. Masiyahin d. Malungkutin
18. Nagalit si Donya Victorina nang walang pumapansin sa kanya habang namamasyal kasama ang asawa sa bayan ng
San Diego.
a. Mayabang b. Mapagmataas c. Mapagkumbaba d. Mapanlibak
Panuto: Tukuyin ang dadamin ng tauhan na nangingibabaw sa bawat pahayag.
19. “Ikaw ang magandang larawan ng aking bayan at Espanya, sa iyo pinagparisan ang kariktan at dakilang asal ng
dalawang lipi. Kaya di kita malilimutan saanman ako magpunta.”
a. Pagmamahal b. Paghanga c. Pangungulila d. Pagpapahalaga
20. “Layo kayo, huwag kayong lalapit kung di niyo ibig mamatay! Siya’y iniiwasan ko’t ngunit narito siya ngayon at
hinahamak ang banal na alaala ng aking ama!”
a. Pagkakagalit b. Panggigigil c. Pagkabagot d. Pangungutya
21. Nang buksan ni Sisa ang pinto, nabantad sa kanya ang duguang si Basilio kaya halos madurog ang kanyang puso.
a. Pagkabigla b. Pagkaawa c. Pagkatakot d. Pangingilabot
C. Pagsusuring Pampanitikan
22. Namatay ang ina ni Maria Clara pagkatapos siyang maipanganak nang dapuan ito ng malubhang karamdaman. Alin sa
mga sumusunod ang ina ng dalaga?
a. Pia Alba b. Pia Alma c. Pia Albina d. Pia Alla
23. Nais ni Crisostomo na tuparin ang pangarap ng kanyang yumaong ama. Anong uri ng pag-ibig ang maiuugnay rito?
a. Pag-ibig sa kapwa kabataan c. Pag-ibig sa magulang.
b. Pag-ibig sa bayang sinilangan d. Pag-ibig sa sariling kaunlaran at katanyagan.
24. Malapit sa isa’t isa sina Don Rafael Ibarra at Padre Damaso noon ngunit nagbago ito nang paratangang erehe at
pilibustero si Don Rafael. Anong pagkatao mayroon si Padre Damaso?
a. Mapagmahal b. Matapat c. Huwad d. Mabuti
25. Siya ang kura ng San Diego, isang pransiskanong pari na may kapayatan ang pangangatawan at masasakitin.
a. P. Bernardo Salvi b. P. Damaso Verdolagas c. P. Manuel Martin d. P. Hernando de la Sibyla
26. Napagkaisahan ng magkakaibigang Crisostomo, Maria Clara at iba pa na mamasyal sa kagubatan ng mga Ibarra. Sino
ang naging bangkero nila na siyang tinaguriang “Ang Piloto”?
a. Albino b. Elias c. Ñol Juan d. Kapitan Pablo
27. Nangako si Crisostomo Ibarra sa gurong kaibigan ng kanyang ama ukol sa mga suliraning pang-edukasyon. Nais
niyang magpatayo ng paaralan para sa mga mahihirap na kabataan. Anong kapangyarihan ng pag-ibig ang
mahihinuha?
a. Pag-ibig sa mga kabataan c. Pag-ibig sa magulang.
b. Pag-ibig sa bayang sinilangan d. Pag-ibig sa sariling kaunlaran at katanyagan
28. Nanalo ang partido ng mga matatanda sa pulong subalit iyon din ang kagustuhan ng mga kabataan. Sino ang nagbigay
ng payo sa partido ng mga kabataan upang maisakatuparan ang kagustuhan?
a. Pilosopo Tasyo b. Don Filipo c. Kapitan Basilio d. Crisostomo Ibarra
29. “Hindi ka mamamatay Elias. Sapagkat ikaw ang mamumuno sa oras na mamatay si Kapitan Pablo.” Sino ang
nagbigkas ng pahayag na ito?
a. Crisostomo b. Kapitan Pablo c. Don Filipo d. Pilosopo Tasyo
30. Siya ay itinuturing na pinakamatalinong tao sa San Diego. Kinikilalang pantas ng mga nakapag-aral subalit tinatawag
na baliw ng mga karaniwang tao sa lipunan.
a. Crisostomo b. Elias c. Kapitan Tiyago d. Pilosopo Tasyo
31. “Sa bangkay ng aking ina ay nangako akong paliligayahin kita anuman ang aking maging kapalaran. Nagpunta ako rito
upang tuparin ang pangakong iyon bagama’t ikaw ay hindi tumupad sa ating sumpaan. Palalayain na kita.” Alin sa mga
sumusunod na tauhan ang bumigkas nito?
a. Elias b. Maria Clara c. Crisostomo Ibarra d. Padre Salvi
32. Nag-away ang dalawang donya nang magkita sa San Diego. Sino ang nais ni Doña Victorina na maghiganti sa
alperes?
a. Crisostomo b. Don Tiburcio c. Alfonso Linares d. Kapitan Tiyago
33. Sinong donya ang nakaaway ni Doña Victorina sa San Diego?
a. Doña Consolacion b. Doña Consolina c. Doña Victoria d. wala sa nabanggit
34. “Ako ang reyna ng tahanan pero walang hari!” Sino ang bumigkas nito?
a. Doña Consolacion b. Doña Consolina c. Doña Victoria d. wala sa nabanggit
35. Kanino namutawi ang pahayag na, “Naniniwala ako na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang
mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t ang kaparaanang marahas ay nauukol dito. Marahas
ngunit kapaki-pakinabang?”
a. Crisostomo Ibarra b. Elias c. Padre Damaso d. Pilosopo Tasyo
36. Malaki ang sakit na dulot kay Maria Clara nang mabasa ang liham ng ina ukol sa tunay nitong ama. Sino ang tunay
nitong ama?
a. Padre Damaso b. Padre Salvi c. Padre Sibyla d. Padre Martin

“Mas gugustuhin kong mabigo nang may karangalan, kaysa magtagumpay sa pangongopya lamang.” --
Sophocles

You might also like