You are on page 1of 5

MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG BAYANG PANABO

PANGALAWANG MARKAHANG PAGTATASA

FILIPINO 10
A. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang ___________ ay isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga sitwasyong nasasangkot ang tauhan
ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol ang banghay at mga paglalarawan.
A. komiks B. kuwentong-bayan C. maikling kuwento D. dagli
2. Bakit itinuturing na marurunong na mago ang mag-asawang Jim at Della?
A. Pinatunayan nila na ang pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa Pasko.
B. Isinakripisyo nila ang pinakamahalagang ari-ariang pinakaiingatan nila.
C. Binigyan nila ng aginaldong pamasko ang bawat isa sa kabila ng kanilang kahirapan.
D. Hindi nila ipinakita ang pagdaramdam sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkakamali.
3. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na “Ipinaputol ko at ipinagbili,” wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit
putol na ang aking buhok?”
A. pagtatampo B. pagtataka C. pag-aalala D. pagkainis
4. Anong kaisipan ang lumutang sa maikling kuwentong “Aginaldo ng mga Mago”?
A. Mas mainam magbigay kaysa tumanggap. B. Ang pag-ibig ay pagpapasakit.
C. Ang Diyos ay pag-ibig. D. Ang Pasko ay para sa mga bata.
5. Ano ang dalawang mahahalagang yaman nina Jim at Della na nagawa nilang isakripisyo para maibili ang aginaldo ang bawat isa?
A. diyamanteng kuwintas at buhok B. buhok at mamahaling suklay
C. gintong relos at buhok D. mamahaling suklay at diyamanteng kuwintas
6. Ang nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat ay nailimbag sa anong taon?
A. 1951 B. 1952 C. 1953 D. 1954
7. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi.” Ang naturang
pahayag ay nagpapahiwatig na__________________.
A. sa likod ng makulimlim na ulap ay may nakatagong liwanag.
B. nilikha ang tao para lumaban at hindi para matalo.
C. anumang pagsubok ang dumating, dapat maging matapang at matatag na harapin.
D. hindi dapat magpatalo sa mga pagsubok o hamon sa buhay
8. Anong katangian ang nangibabaw sa tauhan batay sa binitiwang pahayag na “Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya
magagapi.”
A. mabait B. matatag C. mapagpahalaga D. mabuti
9. Ang pahayag na nasa bilang 7 ay nagpapakita ng uri ng tunggaliang?
A. tao laban sa tao B. tao laban sa kalikasan C. tao laban sa sarili D. tao laban sa lipunan
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng uri ng tunggaliang tao laban sa sarili?
A. “Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang
dumating.
B. “Mga kuwarenta libras ang dala niya, malakas na sabi ng matanda. Tinangay nito ang salapang ko at buong lubid, sa
loob-loob niya at nagdurugo ngayon ang isda ko at maraming pang susunod.
C. Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at nang sagpangin nito ang isda, nakita ng matanda ang pagbuka ng
bunganga at ang kakatuwa nitong mata at ang lumalagatok na pagtadtad ng mga ngipin habang nginangatngat ang
karne sa ibabaw ng buntot.
D. Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko, naisip niya. At siya ang pinakamalaking dentuso na nakita ko.
At alam ng Diyos na nakakita na ako ng malalaki.
11. Ito ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan
ng pagsasalita sa entablado.
A. sanaysay B. lathalain C. editoryal D. talumpati
12. Tumutukoy ito sa mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng
kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.
A. sanaysay B. lathalain C. editoryal D. talumpati
13. Ano-ano ang uri ng talumpati ayon sa pamamaraan?
I. DAGLI II. MALUWAG III. MAGAAN IV. DAGLIAN V. PINAGHANDAAN
A. I, II, IV B. II, III, IV C. II, IV, V D. I, IV, V
14. Ano ang Lathalain?
A. Isa itong sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresiyon ng
sumulat.
B. Nagtataglay ito ng madamdamin, personal o mapagpatawang ideya o mga pananaw. Pangunahing layunin nito na
manlibang kahit maaari ring magpabatid o makipagtalo.
C. wala sa nabanggit D. lahat ng nabanggit
15. Ito ay mga uri ng sanaysay MALIBAN sa isa. A. sanaysay B. balita C. lathalain D. editoryal
B. Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap ayon sa pokus ng pandiwa. Piliin ang titik ng tamang sagot.
16. Pinaglabhan namin ang batis.
A. Pokus sa Sanhi B. Pokus sa LayonC. Pokus sa Ganapan D. Pokus sa Aktor
17. Iniluha niya ang pag-alis mo.
A. Pokus sa Ganapan B. Pokus sa Aktor C. Pokus sa LayonD. Pokus sa Sanhi
18. Ang paulit-ulit na pag-akya’t baba ni Mercy sa hagdanan ay ikapapayat niya.
A. Pokus sa Sanhi B. Pokus sa Ganapan C. Pokus sa Gamit D. Pokus sa Layon
19. Ang Crown Hotel ay pinagdausan ng kumperensiya.
A. Pokus sa Ganapan B. Pokus sa Aktor C. Pokus sa Layon D. Pokus sa Sanhi
20. Ang pagpintas sa kanya ng mga senador ay ikinagalit ng Pangalawang Pangulo.
A. Pokus sa Sanhi B. Pokus sa LayonC. Pokus sa Ganapan D. Pokus sa Aktor
C. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Piliin ang wastong salita na nauuso online na dapat gamitin sa bawat
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
21. Ang ganda ng suot ko, _______ nga ako.
A. mag-yolo B. mag-flex C. mag- selfie D. mag-tweet
22. ______ ko lang itong bagong cellphone ko.
A. Yolo B. Flex C. Petmalu D. Lodi
23. Ang talino talaga niya sa klase, _____!
A. Lodi B. Chaka C. Charot D. Flex
24. Sa kabila ng lahat ng ginawa ko, ________ pa rin ako.
A. Twitterati B. Friendzone C. Pa-fall D. Pabebe
25. _______ naman itong babaeng ito!
A. Ghosting B. Friendzone C. Pa-fall D. Pabebe
26. Hala Friend, ang ganda-ganda mo naman ngayon. _______ lang!
A. Lodi B. Sana all C. Charot D. Petmalu
27. Magpakasaya ka habang bata ka pa. Tandaan mo __________.
A. YOLO B. AMA C. LMAO D. TYT
28. May gusto ka bang malaman tungkol sa akin? You can ________?
A. YOLO B. AMA C. LMAO D. TYT
29. Chat ako nang chat sa kanya pero _________ka lang.
A. flex B. selfie C. tweet D. seenzone
30. Marami ang nahuhumaling sa ganda ni Ana. Ana lang ______.
A. pabebe B. flex C. sakalam D. sana all
D. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit. Isulat sa sagutang papel
ang titik ng tamang sagot.
31. Alog na ang baba ni Tata Selo.
A. bata pa B. binata C. dalaga D. matanda
32. Si Ana ang aking matalik na kahiramang-suklay.
A. kaaway B. kapatid C. kaibigan D. kabarkada
33. Walang na ngang trabaho si Erne butas pa ang bulsa.
A. maraming pera B. walang pera C. malas D. sinuswerte
34. Maitim ang budhi ng babaeng iyan.
A. masama B. mabait C. mahinhin D. may sakit
35. Labis kong ikinalungkot nang magpantay ang paa ng aking ina.
A. matulog B. mamatay C. mabuhay D. mag-unat
36. Paminsan-minsa tinitiis ko ang huwag kumain kaya kumukulo ang aking tiyan.
A. nag-iinit B. busog C. nangangasim D. gutom
37. Si Jose ay tila isang maamong kordero sa kanilang tahanan.
A.mahinhin B. mabait na tao C. matapat D. matulungin
38. Napagdesisyunan nina Mar at Jul na lumagay na sa tahimik sa susunod na taon.
A. magpakasal B. mangibang-bansa C. maghiwalay D. magnegosyo
39. Animo’y di makabasag pinggan itong si Daisy na kapatid ni Cris.
A. matulungin B. masama ang ugali C. tapat ang kalooban D. mahinhin
40. Ang mag-ama ay kilala sa bayan dahil sa pagiging bukas-palad sa mga mahihirap.
A. matulungin B. mahinhin C. mapagkakatiwalaan D. sakim
Talahanayan ng Ispesipikasyon
Filipino 10

Pag- Kabuuan
Kabatira Paglalap ebalwayt g bilang
Paksa Pag-unawa Pagsusuri /
n at ng
Paglikha Aytem

Mga Akdang
Pampanitikan sa 11,12,24,25,26,27,28,29,
2 21,22,23,24, 14
Mediterranean  30
(Mitolohiya)

Mga Akdang
Pampanitikan ng 31,32,33,34,
1,3 5,6,7,9,10 10
Mediterranean  35
(PARABULA)

Mga Akdang
Pampanitikan ng
8 16,18, 4 36,37,38,39,40 9
Mediterranean 
(SANAYSAY)

Akdang Pampanitikan ng
13,14,15 17,19, 20, 6
Mediterranean  (Epiko)

Kabuuan 7 11 1 22 40
Talahanayan ng Ispesipikasyon
Filipino 8 Q3

You might also like